Chapter One

2968 Words
Chapter One This very first chapter is dedicated to my first dreame readers, Analiza Cahidi and Khen Estabillo Ramos II. Thank you very much. Marami sa atin ang naiinis sa mga chickboy s***h babaero s***h playboy. Ngunit paano kung magbago sila? Paano kung sa isang kisap mata ay mahulog sila sa bitag ng tunay na pag-ibig? Maniniwala ka ba sa sasabihin nilang ikaw lang at wala ng iba? O iisipin mo ang nakaraan niya? Mamili ka. Pagmamahal mo o ang trust issues mo sa kanya? Ito po ang ikalawang kwento ng pag-ibig sa Tambay Pogi Series. Mahalin natin ng sabay sabay si Leo – Leonardo Del Monte Lara NAPAKARAMING bagay ang naiisip mong gawin kapag 23 years old ka na at you are still a virgin mula ulo hanggang paa: Hindi mo sinasadyang mapaungol o kaya ay makagat ang ibabang labi o kaya ay maglaway kapag nakakapanood ka ng kissing scene ng paborito mong artista sa mga movies at teleserye; kaya mong mag-enumerate ng tatlong artistang pinagpapantasyahan mong makita o makiss sa personal; at ang masama pa, pati na tao sa paligid mo o maging katrabaho mo ay pagpantasyahan mo hanggang sa pati pagflex ng muscles niya, pagtulo ng pawis niya at paggalaw ng adam’s apple niya ay ikalalaglag ng panga mo. Pero isa lang ang sure ako, kapag virgin ka pa, sobrang mag-iingat ka sa pagpili ng taong pagbibigyan mo ng bagay na ito. Hi. Ako si Lara. Lara Jean Castillejo. Isa akong working student sa edad na 23. Hindi ako kayang pag-aralin ng aking mga magulang dahil sabay sabay kaming nagkokolehiyo ng aking mga kapatid. Bilang mapagbigay na kapatid ay nagtitiyaga akong magworking-student sa business ng aking college instructor. Isa itong malaking panaderya sa Calle Adonis. Kasalukuyan akong kumukuha ng Bachelor of Secondary Education sa San Lorenzo University. Nasa ikalawang taon pa lang ako at masasabi kong marami pa akong mamasahing tinapay para lang makatapos. Sa umaga ang lahat ng schedule ng klase ko at sa hapon ay oras naman para tumulong ako sa panaderya. Mula alas dos ng tanghali hanggang alas syete ng gabi ako sa panaderya. Maaari akong tumulong magmasa o kaya naman ay magbantay sa tindahan. I never had a boyfriend. Manliligaw meron naman pero pinipili ko lang. Masasabi kong mapili ako pero hindi ko naman sinasabing wala akong pinagpapantasyahan o kinakikiligan man lang. At dahil sa wala akong naging boyfriend at karanasan man lang, natural sa akin ang ma-awkward sa mga kilig moments o kaya ay magtaray pag may lumalapit na lalaki. Pero hindi ko mapipigilan ang utak kong mag-isip ng kung anu-ano sa mga sitwasyong ganito. Pero isang lalaki ang sa akin ay maaaring magpalambot ng tuluyan. Ang anak ng teacher ko na may-ari ng panaderya. Si Leo o Leonardo. Black sheep siya sa pamilya dahil apat na kurso na ang hindi niya tinapos at sinimulan lang. Katulad din ito ng katotohanang Chickboy ang loko dahil iba’t ibang babae ang idinedate nito. Updated ako sa happenings ng buhay niya dahil useless ang pagkakacrush ko sa kanya kung hindi ko man lang alam ang mga nangyayari. Dahil nga black sheep siya, hindi siya binigyan ng oportunidad na maging spoiled brat na lang. So ang ginawa ni Ma’am Del Monte ay pinagtrabaho siya ng may bayad sa kanilang panaderya. So, lagi ko siyang nakakasama, ilang buwan na ang nakalilipas. May masungit siyang aura na kapag unang tingin mo ay masasabi mong suplado siya dahil bihira siyang ngumiti. Pero sa likod nun ay may pilyong mga tingin na parang nagsasabing: “Gusto mo ikaw naman ang masahin ko pagkatapos nitong minamasa ko?” O kaya naman ay… “Gusto mo bang bigyan kita ng icing sa ibabaw ng cupcake mo?” And worst? “Gusto mo bang palamanan kita?” LORD have mercy. Ang dumi ng utak ko sa tuwing naiisip ko ang mga ito. Napapailing na lang ako kapag nagtatama ang mga mata naming dalawa. Dahil baka hindi ko kayanin ang hotness niya. Sa totoo lang ay, may aura siyang bad boy na masungit na gwapo na sexy. I just keep all these in my mind dahil nga diba, virgin ako physically. But sa utak ko talaga, ginahasa ko na siya noon pa. LOL. Hindi niya alam na may pagtingin ako sa kanya , na pantasya ko ang looks niya, at sa mga tingin niya ay may nabubuong mga maruruming ideya sa utak ko. Sa ilang buwan niyang pagtatrabaho sa sarili nilang panaderya ay nabibilang lang ang naging pag-uusap naming dalawa. Tandang tanda ko ang mga ito sapagkat halos mali mali lahat ng sagot ko sa tuwing nagtatanong siya. “Lara, eksakto lang ba yung size ng gawa kong pandesal?” tanong niya. Pero ang nagregister sa utak ko ay: “Lara, eksakto lang ba yung size ko?” Kaya ang naisagot ko ay: “Sakto lang po sa akin yung size niyo,” sabay nakatingin lang sa kanya. Yung tingin niya sa akin ay parang nagtataka dahil sa isinagot ko. Gosh, namula ako. Isa pang hindi ko inaasahang pag-uusap naming dalawa ay: “Lara, dalhin mo nga dito yung electric fan. Pinagpapawisan ako habang nagmamasa,” utos niya. Nakatulala lang ako. “Sakto lang po iyan. Ang hot niyo nga po eh,” sagot ko. “Ano kamo?” parang nangangagat ang mata niya. “I mean, ang hot po ng panahon. Kukunin ko na po,” saka ako nagmadaling naglakad patungo sa loob. Paano ba naman kasi? Bukod sa apron at hairnet niya, shorts lang ang natatanging suot niya. Wala man siyang abs pero ang hot niya pa rin sa aking mga mata. Nangingintab ang likod niya sa pawis at namamasa na rin yung apron niya dahil dito. Sa oras na iyon, nanaisin ko na lang maging pawis para madaanan ko lahat ng parte niya. O kaya naman yung apron, para yakap ko ang sweaty body niya. Haaayyy, Lara. Ang halay mo lang talaga. May minsan pang naiidlip siya sa may tindahan ng tinapay. Ako lang ang kasama niya at ang mga tao sa panaderya ay nanananghalian, salitan kasi, ay binalak ko siyang kuhanan ng picture sa phone ko. Tumingin ako sa paligid para masiguradong walang makakita. Nang sure na ako ay inilabas ko ang phone ko sa bulsa at itinapat ito sa kanya. Prente siyang nakasandal sa may rocking chair. Nakasuot siya ng maong na jeans at dilaw na t-shirt. Naka-open din ang mga binti niya na tulad kung paano maupo ang ilang mga kalalakihan. Pumwesto ako sa mismo niyang harapan at saka aaktong kukunan siya ng litrato nang may magsalita sa likod ko. “Pabili po ng tinapay,” Sa gulat ko ay nahulog ko ang phone ko sa sahig --- sa pagitan po ng mga paa niya. Pinulot koi to pero bago pa man ako makatayo ay nagising na siya at nakatitig siya sa akin, nagtataka ang mga mata niya kung bakit ako nasa pagitan ng mga binti at hita niya. JUSKO. Iligtas niyo po ako sa tiyak na kapahamakan sa mapang-akit niyang mga mata. Dali-dali akong tumayo at hinarap ang customer. “Ano iyon?” tanong ko saka ko inilagay ang cellphone sa bulsa ko. “Bente po sa monay,” wika ng bata saka binigay ang bayad. Nang maisupot ko na ang monay ay ibinigay ko na ito sa bumili. Paglingon ko ay nakatitig siya sa akin ng hindi ko maipaliwanag kung ano ang gusto niyang sabihin. Para bang sinasabi niyang: “Anong binabalak mong gawin sa pagitan ng mga hita ko?” O kaya naman ay… “Anong bagay ang gusto mong makita sa parteng iyan?” “Na-nahulog ko lang po kasi yung cellphone ko,” bigla ay sabi ko sa kanya. “Hindi naman kita tinatanong ah,” nakatitig lang siya sa akin. Yung mga mata mo po kasi, gusto akong torturing… Sigaw ng utak ko. “Ah eh, sorry,” nag peace sign pa ako at nakita ko kung paano niya binawi ang tingin niya. TTTTsssss. Suplado. “May share it ka ba?” bigla ay tanong niya. “Meron po. Bakit po?” nagtatakang tanong ko. “Papasahan na lang kita ng mga pictures ko para di ka na manira ng tulog. Anong gusto mo? Hubo’t hubad? Sige papasahan kita,” maya maya ay tumayo siya at nagtangtkang kukunin ang cellphone sa bulsa. LORD. Gising po ba siya kanina? Patay ako nito. “Naku, nagkakamali po kayo. Hindi po kita kinukunan ng litrato,” pagdedeny ko. “Alam mo ang ayaw ko sa lahat, yung nahuli ka na sa akto, magdedeny ka pa,” namewang siya sa harap ko. Sumimangot ako dahil wala na talaga akong masabi at magagawa. Ako yung literal na : HULI PERO DI KULONG. At dahil naiinis siya ay tumalikod na lang din siya at umalis sa kinatatayuan. Inirapan ko na lang siya mula sa kanyang likuran. At simula nang araw na iyon, nag-umpisa ang pagkainis niya sa akin sa lahat ng bagay na ginagawa ko. Pero siyempre, hindi susuko ang ate niyo sa laban. “Laban lang Alaxan” ang motto ko. HINDI niyo naman ako masisisi kung bakit ako ganito. Sabi ko nga, 23 years old na ako at never pang nagkaboyfriend. Kaya sorry na lang siya kung siya ang napagbubuhusan ko ng lahat ng pantasya moments ko. ____________ Leo “KAINIS,” Nasira ang tulog ko dahil sa babaeng iyon. Alam niya naming naiidlip talaga ako pag tanghali pero sinira niya dahil lang sa kagustuhan niyang makunan ako ng litrato. Alam kong chickboy ako. Alam kong maraming naghahabol sa akin dahil pinafall ko lang sila. Hindi ko naman kasalanan kung bigla na lang akong iiwas sa kanila. Naghahanap lang ako ng pepwede sa panlasa ko. Panlasa mga tol. Panlasa. Inaamin kong kadalasan ay fuckboy ako. Kaya madalas, kung sinong mga bumibigay na lang bigla kahit hindi ko niyayaya ay sila yung mga una kong nirereject sa listahan ko. Gusto ko kasing hanapin yung babaeng makakapagpabago sa akin. Yun bang mamahalin ako hindi lang dahil sa may hitsura ako at hindi lang dahil magaling ako sa bagay na iyon. Sana mahanap ko yung magmamahal sa akin ng totoo, yung kahit sungitan ko, kahit mabulyawan ko ay susunod pa rin sa gusto ko; yun bang pagagalitan ako kapag may mali ako; at yun bang ituturo sa akin kung paano nga ba talagang magmahal ng totoo. Yun ang hanap ko kaya todo tutok ako sa paghahanap sa kanila. Ayaw ko sa mga tulad ng kasama namin sa panaderya. Masyadong halata ang pagkagusto niya sa akin. Bawat tingin niya sa akin tuwing nasa gawaan ako ay parang ginagahasa niya na ako sa isip niya pa lang. Ayaw ko sa mga ganun mga tol. Yung mga nagbibigay motibo sa akin ang mga madalas kong bigyan ng leksyon- pakikiligin pero iiwan. At pakiramdam ko ay isa siya doon. Pero ayaw ko siyang patulan dahil paborito siya ni mama. Estudyante niya ito at madalas siyang ikinekwento sa amin sa tuwing kakain kami ng sabay sabay. Siya raw dapat ang tularan namin. Alam kong ako ang pinariringgan ni mama dahil sa apat na magkakapatid, ako lang ang di nagpatuloy sa pag-aaral. Ako si Leo. Leonardo Del Monte. Beinte Siyete anios. Ikalawa ako sa apat na anak ni mama at papa. Si mama ay isang guro at si papa ay engineer. May business kaming panaderya at pakiramdam ko ay dun lang ang bagsak ko dahil matapos kong magpalipat lipat ng school at kurso ay pinahinto nila ako at pinagtrabaho sa bakery at araw araw sinasahuran. Kung hindi ako papasok, wala akong sahod. Ganun lang iyon. Dahil wala akong magawa ay sumunod na lang ako. Medyo nagagamay ko na rin ang mga gawain sa panaderya kaya pakiramdam ko ay naeenjoy ko na rin naman ito. Pwera lang sa mga pagkakataong naiinis ako sa Lara na iyon. Maganda naman siya. Pero sobrang simple lang niya para sa panahon ngayon. Hindi ko siya nakitang nagsuot man lang ng maigsing damit. Unat lang lagi ang buhok niyang abot hanggang baywang. Ang boring niyang tingnan. Pag siya lagi ang kasama ko ay parang umaarte siyang mahina. Yun bang pag nagsusungit ako ay kunwari nakakaawa siya. Gusto ko yung palaban. Kaso hindi eh. Sa tuwing nagtatrabaho kami ay lagi siyang may hindi naaabot na bagay na sa huli ay ako ang gagawa dahil ako lang ang lalaki sa mga oras na iyon. Tapos iisipin niyang gentleman ako? Subsob ko pa siya sa biceps ko. Isa ako sa mga tambay sa tindahan ni Aling Amy tuwing gabi. Dumederetso ako doon pagkatapos ng duty ko sa panaderya. Isa ako sa pitong magbabarkadang Tambay doon. Masasabi kong magkakaiba kami ng ugali pero lahat kami ay mabait. Peksman. LAST TWO WEEKS AGO “Ito na po yung order ninyong harina,” sigaw ng pinag-orderan ko kaninang umaga. “Ilagay niyo na lang diyan sa tapat brad. Ipapabuhat ko na lang mamaya. Ito yung bayad oh,” iniabot ko na yung bayad sa lalaki saka siya umalis. “Lara,” sigaw ko sa kasama ko na nasa loob. “Bakit po?” tanong niya. “Labas ka dito,” ako. “Ano poi yon?” simpleng tanong niya mula sa pintuan. “Magtawag ka nga ng bubuhat sa mga order kong harina,” ma-autoridad kong utos. “Naku, umuwi na po yung mga boy natin. Marami po ba? Ako na lang po,” saka siya dali daling lumabas para tingnan ang tatlong sako nito. Tignan mo itong babaeng ito. Wala na nga lang taba sa katawan magbubuhat pa ng ganoon. Saka niya sinubukang buhatin ang isa. Kitang kita ko ang mga ugat sa leeg niya nang sinubukan niyang lumakad na buhat ang isang sako ng harina. “Bitawan mo na iyan. Ako na lang,” itinigil ko ang paghihiwalay ng barya sa mga papel at tumakbo papunta sa kanya. Tyempo naming wala na masyadong umoorder kaya kami na lang dalawa ang naiwan. “A-ako na po,” pagpupumilit niya. “Hindi. Ako na. Bumalik ka na sa loob,” ayaw kong ipakita ang pagkairita ko sa kanya. “Ako na ho. Mabigat po ito,” at talagang ginagalit niya ako? Anong palagay niya sa akin? Lampa? “Ako na sabi,” saka ko inagaw sa kanya ang hawak niya pero bumagsak ito at nawasak ang dulong bahagi kaya nagkalat sa sahig ang harina. “Sabi ko kasing ako na,” hawak ko ang sentido ko. “Pasensya na po kayo,” humalukipkip siya at nakita kong parang pinagtinginan pa siya ng mga customers at parang naawa pa sa kanya. Ako pa ngayon ang mukhang masama? TTTssss. Kainis. “Lara, magbenta ka na lang muna. Ako na dito,” pinilit kong maging mahinahon dahil kung maiinis ako ay ako ang matatalo. Agad naman siyang nakayukong tumakbo papunta sa loob. Bwiset. Nag-utos utos pa ako tapos sa huli ako rin lang ang gagawa. Punyetang buhay ito oh. NOONG isang linggo ay pinainit niya rin ang ulo ko dahil sa isang nabasag na itlog. Kasalukuyan kaming nagmamasa sa likod nang ipaabot ko sa kanya ang itlog. Dahil sa pagmamadali niya ay natisod siya at napakapit sa binti ko at doon nadurog ang dalawang itlog na hawak niya. Nanlalagkit ang balat ko dahil nakashorts lang ako kahapon. “Lara, ano ba kasing nasa isip mo at parang lumilipad yang utak mo?” tinulungan ko pa siyang tumayo dahil nakayuko na naman siya. Anong problema nito? Lagi na lang siyang ganito kapag magkasama kami. “Pa-pasensya na ho. Di ko kasi alam na may kahoy pala doon,” ayun. Siya na naman itong nakakaawa. Sa tuwing ganito ay naiinis ako sa sarili ko dahil imbes na magalit ako ay naaawa pa ako sa kanya. “Lalabhan ko na lang mo iyan,” akma niyang tatanggalin ang suot kong shorts. “Anong ginagawa mo? Huhubaran mo ako dito?” naiiritang tanong ko. “Kukuhanan ko na lang ho kayo ng bihisan ninyo sa loob,” pagpepresenta niya. “Huwag na. Mamaya na. Akin na yung itlog na iba para matapos na ito,” utos ko. Kaya’t tumalikod na siya. NOONG LUNES naman ay nabasag niya ang dalawang baso na pinag-inuman ng customer nang makita niya akong dumating. Nataranta siyang bigla tapos agad naglakad papasok kaya nabunggo niya ang isang upuan at nahulog mula sa tray ang mga baso. Agad akong tumakbo sa kinaroroonan niya dahil may dalawang babaeng nabasa ng bahagya. “Kunin mo yung mop. Dalian mo,” mahina kong utos kaya agad naman siyang tumakbo. “Miss, pasensya na kayo. Pagsasabihan ko na lang siya,” humingi pa ako ng paumanhin sa dalawang babae. “Okay lang yun pogi. Nagpaumanhin ka naman na. Sapat na iyon sa amin,” sabi nung isa na nakangiti pa sa akin. “Ashley pala,” iniabot niya ang kamay niya sa akin na nagtatawag ng shake hands. Mahina tayo sa mga ganyan brad. Baka maka iskor ako ng di oras nito. “Ahhh ganun ba. Leo,” inabot ko ang kamay niya saka nakipagshakehands. Iba ang pagkakahawak ng kamay niya sa kamay ko at imposibleng hindi ko yun maramdaman. Ngumiti ako ng pilit dahil nagtitinginan sila habang sabay akong tinitingnan ng malagkit. HANEP. Humingi lang ako ng pasensya nun ah. Paano na kaya kung… “Akon a po ang maglilinis nito,” dumating na siya at dala ang mop. “Mag-uusap tayo pagkatapos mo diyan,” sabi ko saka naglakad. Inantay ko siya sa may masahan at ilang minute lang ay naglakad siya palapit sa akin. Halata kong natatakot siya. “Pasensya na po kayo. Hindi na po mauulit,” nakayuko siya. “Tumingin ka nga sa akin,” maya maya ay sabi ko. Dahan dahan siyang tumingala saka ako tinignan sa mata. “Umamin ka nga. Gusto mo ba ako?” diretsong tanong ko. Lagi na lang kasi siyang natataranta pag andito na ako. Bumaba ulit ang ulo niya. Hindi siya makasagot. Senyales na totoo ang hinala ko. “Pwede isantabi mo muna yang nararamdaman mo pag oras ng trabaho?” dagdag ko pa. Tumango lang siya. “At pwede ba Lara? Hindi mga ganito yung tipo kong babae. Kaya sana itigil mo na iyan. Ayaw kitang saktan pero kung ipagpapatuloy mo lang iyang nararamdaman mo ay mas masasaktan ka,” dirediretso kong wika sa kanya. Maya maya ay may mahabang silensyo. Kasunod nito ay ang mga hikbi niya habang nakayuko. Takip niya ang bibig niya para pigilang mapahikbi pero huli na ang lahat para hindi ko mapansin. Ayaw ko ng nakakadama ako ng pagkaawa. Ayaw ko sa ganitong sitwasyon. Kaya hindi na ako nagsalita at lumabas na lang ng masahan. NGAYON, araw ng sabado ay may nagbago. Mula Martes hanggang Biyernes ay umiiwas siya sa akin. At kapag may ipinagagawa ako ay ginagawa niya ng maayos, walang imik at walang problema. Nakakapanibago. Pero ito ang pinakamalupit sa lahat. Nagpaputol siya ng buhok na hanggang dibdib lang, ipinakulot niya ito ng bahagya at nag-ayos siya ng sarili niya na para bang ngayon ko lang siya nakita. Nakasuot din siya ngayon ng maong na hapit sa mga hita at binti niya at simpleng bulaklaking blouse. Maliit man siyang babae ay agad mo siyang makikita sa kakaibang karisma niya ngayon. Lugi ako ngayong araw. Bakit? Hindi ko siya kayang pagsungitan at pansinin. Nahihiya ako. Hello guys. This is my first chapter for Tambay Pogi: Leo (Leonardo Del Monte). I hope nakamove-on na kayo kay Baste. Alam kong mahal ninyo siya pero subukan nating mahalin din si Leo. Support this story please. Salamat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD