Chapter Ten “Sino sa inyo ang taong pinahahalagahan yung bagay na mayroon sila ngayon? Yung hindi iniisip kung ano man ang mangyari kinabukasan. Basta ng mahalaga ay yung kung ano ang mayroon sila ngayon. Minsan, hindi naman masamang isipin yung ikasisiya natin sa ngayon. Huwag mong isipin kung ano ang kahihinatnan sa kinabukasan. Sulitin mo ang kasiyahan hangga’t umaayon sayo ang araw. Hindi mo na kasi magagawang magbilad sa init kung palubog na ang araw.” -Author SKL. Lara MAAGA akong bumangon dahil hindi ko kaya ang bigat ng binti at braso ng katabi ko. Nakayakap lang siya magdamag. Inunti-unti kong tanggalin ang kamay at paa niya na hindi nagigising pero unsuccessful ako. “Maaga pa. Matulog ka ulit,” mahinang wika niya sa akin. “Pasado alas kwatro na. Kailangan ko na