Chapter Thirteen “What are you willing to give up in the name of love? What if the only thing you have is yourself? Will you give it up for that someone even if you are not sure if you will receive the same?” -Author Lara MATAPOS ang kanyang pag-amin at pagkompronta kay Ms. Myra ay hindi na ako makafocus sa aking pakikinig sa klase. Wala na rin akong marinig kundi ang boses niyang paulit ulit lang na bumabalik sa isipan ko. Nakatingin ako sa teacher pero lumilipad ang utak ko. Matapos niyang aminin kay ma’am iyong tungkol sa akin ay umuwi na rin siya kaagad. Ako rin naman ay sinamahan ni ma’am na humingi ng promisory slipt sa Dean’s Office at tinulungang kausapin ang teacher ko ng 07:00 ng umaga. Naunawaan niya naman ang dahilan kaya tinanggap niya na ako. Yun nga lang ay absent