Chapter 1

1443 Words
1 Natigil si Sanford sa pagsusulat ng parusa na ipapasa niya sa Royal Court para sa nakawang naganap sa bayan nila kamakailan lang at bahagyang napahilot sa sarilimg sentido. Kanina ay magdmagan din ang mga pinirmahan niyang mga batas na pinaburan niyang idagdag sa pamantasan nila at marami rami din ang nabasa niyang mga pending na reports ng iba pang krimen na nagaganap sa emperyo nila nitong mga nakaraang araw lamang. Naisipan niyang ipahinga muna ang kaniyang mata at utak, kung kaya agaran ang pagsandal niya sa kinauupuan at ipinikit ang mga mata. Bahagya siyang napanguso at may lumabas na kaunting ngiti sa labi ng maalala ang araw na nakita niya ang litrato ni Farazzi sa Royal chamber ng kaniyang ama. Makikita ang dose taong gulang na Sandford na masayang naglalakad patungo sa Royal chamber ng kaniyang amang hari na noo'y umalis para sa isang pagpupulong sa Centro. Nais niyang maghanap ng libro sa kwarto ng ama tungkol sa mga batas, sa origin ng emperyo nila at iba pa dahil alam niya na ang pagbabasa ay kinahihiligan din ng ama. Dahan dahan at walang ingay siyang nakapasok doon at pilyong napangiti dahil naalala niya kung paano niya natakasan ang Royal servant niyang si Yuriel, at tiyak niya na istress na naman ito. Agad siyang lumapit sa mga bookshelves doon na halos pumuno sa kwarto ni Maison De Blanc, ang Hari ng Embrio (ngalan ng emperyo nila) at ang kaniya ding amang Hari. Ngunit, may isang makapal na libro siyang nasagi ng kinuha niya ang isa pang makapal na libro at nagkalat ang napakaraming litrato sa sahig na nagmula doon. Tinignan niya ang bawat litrato at nakita niya na iisang tao lang halos ang laman noon. "Rafa Shinuzuke." sambit niya sa nakalagay na pangalan sa ibaba ng bawat litrato. Pero may isa doon na umagaw ng pansin niya. Mga baby pictures iyon at ng makita niya ang isa na ang petsa ay pinakamalapit sa kasalukuyan ay kaagad niyang dinampot iyon. He found the one at the picture so beautiful na hindi niya agad naalis ang titig doon. Halata ang lahing hapon na nananalaytay sa mukha nito, pero nandoon din ang mala espanyol na tatak sa maabo nitong mata at maarko na labi. "Farazzi." he mumbled the name ng buksan na niya ang mga mata at naalala ang matamis na ngiti niya noon ng masambit ang pangalan na iyon sa unang pagkakataon. "Meu amor, I wonder where you are right now?" Tahimik ang lahat at nakikinig sa isiniwalat ni Karrim tungkol sa isang bagay na natuklasan daw nito. Nakasuot ito ng puting lab coat at may tatlong scientist din itong kasama, hindi naman lingid sa kaalaman nila na ang pinakapinuno ng Iron Wolf Pack ay isa ding Doctor. "We found out that the Omega woman na natagpuan ng mga Epsilon namin sa kagubatan ng Madrid na wala ng buhay ay nagdadalang tao." seryoso nitong mungkahi, nagulat man si Farazzi o maging ang mga kasamahan niya, hindi naman iyon lumabas sa mga mukha nila. "And what about that Omega's baby Karrim?" tanong ni Matinez sa dito, isa sa mga leader ng Iron Wolf. Bumuntong hininga si Karrim at minuwestra ang isa sa mga scientist para magsalita. "The baby is rare, ng inexamin namin ito ng kinuha namin siya sa tiyan ng Omega para tignan kung buhay pa ay ang mga mata nito ang napansin namin. Isang bughaw sa kabila at isang pula sa kabila." doon sila nagulat at mas kinagulat nila ang sumunod nitong sinabi. "Natuklasan din namin na ang dugo ng sanggol ay kakaiba na kayang gumamot ng mga sugat at iba pang karamdaman. We examined the baby thoroughly dahil ngayon lang kami nakakita ng ganoon." "This information is too big! Kapag nagleak ito ay maaring maraming packs or worst, ang mga nasa taas ay mae-engganyo." mungkahi ni Galano na isa rin sa mga kasamahan nila sa Iron Wolf. "Did you know what kind or where could they came from?" sa wakas ay nagsalita na rin siya. Mabilis na napatingin sa kaniya si Karrim na noo'y nakataas ang sulok ng labi. Pinagtaasan niya naman ito ng kilay, tila ba nanunuya ang tingin nito sa kaniya. "Upon further research…" muling nagsimula ang scientist. "nakadiskubre kami ng uri ng mga lobo na matatagpuan sa Rio de Janeiro isang Munisipalidad sa Brazil. Sa isang liblib at pinakatagong gubat ay naroon ang isang emperyo ng Brazilian Nobility. Sila ay may mga dugong bughaw at kagaya sa paslit, parehong pareho ang mga mata nila kung kaya't lumakas ang kutob namin na nabibilang sila sa Noble Pack ang pinaka rare at pinakahuling uri ng mga lobo." Noble Packs. Naririnig na niya ang mga elite at noble line sa Brazil noon kagaya ng mga Hari, Reyna, mga Duke at iba pa, pero hindi niya pa naririnig na mga lobo o may pack ang mga ito. "This is interesting, you did your research well." ani ni Matinez. Napatingin naman ang mga scientist kay Karrim at tumikhim naman ito dahil sa kaniya talaga lahat ng credits sa natuklasan na ito. "Well, my Beta Jajil is skillful and my wife Fan is smart." pagmamalaki niya at talaga namang kinainis niya ng kaunti iyon. "Then what will we do to the baby? Gagawin nating gamot ang dugo nito at ibebenta sa madla?" wala sa sariling ani niya, as usual napakatabil ng dila niya. "Farazzi." seryosong ani ni Karrim, natigilan siya. "Inilibing namin ng ayos ang mag-ina at wala tayong balak na ganoon. We just made our research and we need to protect this info. Naka-usap ko na rin si Aaric tungkol dito at bilang Hari ng Alhambria, pumayag siya na maka-usap ang Hari ng Embrio para sabihin na natuklasan natin sila at wala tayong balak na anuman, we just need to assure them their safety at iparating ang kaso ng isa sa mga kauri nilang namatay sa kagubatan natin." mahabang litaniya nito na sinang-ayunan naman ng ibang leader. "Wellthat's good, I guess." mahina niyang pagsang-ayon. The meeting was dismissed with that at sabi ni Karrim ay i-uupdate nito sa kanila ang iba pang mga mangyayari. Pero ang ikinagulat niya ay ng sinabi nito na magpaiwan siya na ikinakaba niya. Naalala niya ang nangyari kahapon at may kutob siya sa nais sabihin nito. Nang sila na lang dalawa sa Meeting room ng mga Iron Wolf leaders ay agaran niyang naramdaman ang bigat ng atmospera at ang tensiyon. "You know one of our rules Fara." mahinahong ani ni Karrim, pero kahit may ideya siya na ito ang pag-uusapan nila, hindi niya pa rin maiwasang magulat. Naramdaman niya ang ilang segundong pagtigil ng t***k ng puso niya at ang pagbabadiya ng luha sa kaniyang mga mata, pero naalala niya na hindi dapat siya maging mahina. Neither in front of anyone nor in front of Karrim! Isa siyang Monterro, isa siyang Alpha! "What are you trying to say here Brahman? Diretsahin mo ako!" matapang at nagmamatigas niyang sigaw dito pabalik. Bumuntong hininga si Karrim at matalim siya nitong tinitigan. "I've experienced this before with Aaric, Farazzi. I can sense the Alpha Perfume all over you at kung itatanggi mo pa ang ibig kong sabihin, then I have no choice but to dismiss you as one of Iron Wolf's leader." pinal ang tono sa boses nito na mas kinanibugho niya. Susumbatan pa sana niya ito ng bigla bigla ay sumingit ang nananahimik niyang Beta kani-kanina pa sa gilid na si Samarah at isinenyas na may tumatawag sa cellphone niya. "It's Master Rafa, Alpha." ani nito pagkalapit na pagkalapit sa kaniya. Nabigla siya doon dahil alam ng Papa niya na nasa trabaho siya at hinding hindi ito tatawag unless na emergency. Bigla ay ginapangan siya ng kaba. Sumulyap muna siya kay Karrim bago siya bahagyang tumalikod dito at sinagot ang tawag. "Papa." pormal niyang bati sa magulang. "Nandi" "Fara! You need to get out of Tierra De Lobo, now!" batid sa boses nito ang hapo at taranta, kung kaya't maging siya ay nataranta din bigla. "P-papa, ano pong nangyayari?" hindi niya natago ang panginginig sa kaniyang boses. "The rouges your Dada's clan, discovered about you Fara! They are miles away for your life!" nabahiran na rin ng nginig ang boses ng kaniyang Papa at ang sinabi nito ay ikinatigil ng mundo niya. Pinatay ng Papa niya ang tawag at hindi niya namalayan ang mga luha na sunod sunod na pumatak sa kaniyang mga mata. Why? Why this have to happen? "I think it is really right to dismiss you on your position and start to save your life Farazzi." ani ni Karrim at alam niyang wala na siyang magagawa pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD