TPOV:
PANAY ang lagok ni Daemon sa alak na hawak nito. Nagngingitngit ang loob na makumpirmang nagkabalikan na nga si Larah at Alden sa pagpunta ng dalawa sa probinsya ng Sorsogon!
Naglahong parang bula ang pag-asa nito na mapapasa kanya na ang dalaga. Pero sa isang iglap ay nagkabalikan muli ang dalawa! Akala niya ay napalitan na niya si Alden sa buhay ni Larah pero. . . akala niya lang pala!
Unang kita niya pa lang noon kay Larah ay nabihag na mg dalaga ang puso nito. Kaya naman lahat ginagawa niya para mapalapit kay Larah. At kung kailan naman malapit ng mapasakanya si Larah na naghiwalay na sila ni Alden ay bigla silang magkakabalikan?
Nagngingitngit ang mga ngipin nito na napupuno ng galit ang mga mata. Gustong-gusto na niyang ipatumba si Alden para tuluyang maging kanya si Larah.
"Hindi ako makakapayag maging masaya kayo ng Di Caprio na 'yan, Larah. Kung hindi ka mapapasa akin? Mabuti ng mawala siya. O kaya'y. . . mawala ka," puno ng hinanakit na bulalas nito habang nakatitig sa picture frame ng dalagang si Larah.
Pinasundan nito si Larah sa kanyang private investigator at nalaman dito na nagkabalikan na nga ang dalawa.
Alam naman ni Daemon na wala siyang maaasahan sa dalaga. Pero kahit gano'n ay hindi uto sumusuko. Ilang beses na niya itong niligawan sa loob ng dalawang taon. Sinasamantala ang pagkakahiwalay nito sa kanyang kasintahan na isang tanyag na bilyonaryo. Pero sadyang pihikan ang puso ng dalaga na paulit-ulit lang siyang binabasted at pinapaunawa na hanggang kaibigan lang ang kayang ibigay dito. Bagay na ikinadudurog ng kanyang puso.
Mahal na mahal nito ang dalagang ka-love team. Si Mariah Larah Mondragon. Pero dahil may nagmamay-ari na ng puso nito ay hirap na hirap itong maagaw ang dalaga at maibaling sa kanya ang pagtingin nito.
Mas lalo pang napamahal sa kanya ang dalaga nang magkatrabaho ang mga ito bilang love-team dahil sa uri ng kanilang trabaho. Ang modeling.
Palagi silang magkasama dahil sa kanilang trabaho. At aminado itong nasisiyahan siya sa nangyayari. Hindi dahil mas lalo siyang naging sikat kundi. . . dahil palagi nitong kasama ang dalaga.
Kahit saan magpunta si Larah ay lihim itong nakasunod. Kaya alam na alam niya ang bawat kilos nito. Gano'n siya ka-obbsessed sa dalaga. Akala niya ay tuluyan ng mabubura si Alden sa puso ni Larah dahil sa loob ng dalawang taon ay hindi na muling nagkita ang dalawa. Kinalimutan na rin ito ni Larah at tumatak dito ang panloloko sa kanya ni Alden noon. Pero heto at sa isang iglap lang ay nasuyo na kaagad ni Alden ang dalaga!
Hanggang sa bumalik na nga ito ng bansa. Makalipas ang dalawang taon na pagmumukmok nito. At ngayon ay mas mahihirapan na siyang bawiin ito dahil nagkabalikan na sila ng minamahal!
"I'm going to get you back, babe. . .akin ka lang."
Napangisi ito na nahaplos ang mukha ni Larah sa picture. Mariing napapikit na hinahagkan-hagkan iyon.
LARAH:
ILANG araw din kaming nanatili sa probinsya nila Monica. Habang nasa probinsya ay sinulit namin ni Alden ang mga sandali na nagkahiwalay kami. Ang hudyo. Sinasamantala naman ang kahinaan ko. Paulit-ulit na may namamagitan sa amin ni Alden. Bagay na buong puso kong ipinapaubaya dahil sabik na sabik din naman ako sa kanya.
Tuluyang gumaan ang bigat sa dibdib ko na dala-dala ko sa loob ng dalawang taon! Hindi naman nagalit si Alden sa akin na pinagtapat ko kung bakit ko siya iniwanan noon. Ang mahalaga daw ay malinaw na ang lahat-lahat sa aming dalawa.
Nagkapatawaran kami at nangakong magkasamang haharapin ang bagong yugto ng aming kwento kasama ang isa't-isa. Mas matatag. At mas matibay na kaming dalawa na ipaglaban ang aming pagmamahalan sa ano mang unos na darating sa amin sa hinaharap.
Excited na nga ako na makabalik ng France para magpa-terminate ng kontrata sa agency ko. Napag desisyunan ko ng umalis sa showbiz. At dito na sa bansa maninirahan kasama ang pamilya ko. At ang lalakeng pinakamamahal ko. Si Alden.
PALAKAD-LAKAD ako dito sa gawi ng garden namin sa mansion. May hawak na glass wine at panaka-nakang sumisimsim. Malalim na ang gabi pero hindi pa ako inaantok. Bukas pa ang flight ko papuntang France para makausap ng masinsinan ang manager kong si Mis Savannah at ang agency ko. Maging si Daemon.
Napahinga ako ng malalim na sumagi sa isipan si Daemon. Ilang taon na ring naghihintay sa akin ito. Kahit paulit-ulit ko siyang tinatanggihan ay hindi ito sumusuko na suyuin ako. May parte sa puso ko na nasasaktan para sa kanya. Dahil napamahal din naman siya sa akin pero bilang kaibigan lang. Siya ang naging sandalan ko noong panahong hinang-hina ako. Tinulungan niya akong makabangon mula sa pagkakalugmok ko sa kalungkutan dahil sa maling akala ko.
Alam kong hindi biro na kumalas na ako sa agency ko lalo na't marami pang naka-offer sa aking mga bagong endorsement. Pero wala ng makakapagpabago ng desisyon ko.
Willing naman akong magbayad ng danyos eh. Kahit abutin pa ng bilyon ang ilalabas ko ay ayos lang. Dahil ang kapalit naman nito ay ang kalayaan ko.
Ang malayang makasamang muli si Alden na hindi na namin kailangang magtago sa publiko.
"Sweetheart?"
Natigilan ako sa aking paglakad-lakad nang marinig ang malambing boses ng aking ama.
Si Daddy Adrian Mondragon. Ang kasalukuyang Presidente ng bansa. Napangiti akong pumihit paharap dito. Nakapantulog na rin ito at may dalang tsaa. Mukhang katulad ko ay hindi rin ito makatulog.
"Dad."
Ngumiti itong inalalayan akong makaupo ng bench. Napahinga ng malalim na inakbayan ako. Napasandal naman ako sa kanyang balikat na ikinahalik nito sa ulo ko.
"Can't sleep?" tanong nito.
"Uhm," ungol ko na napatango.
"Why? Is there something bothering you, my princess?" malambing tanong nito.
Napangiti akong umiling. Hinahaplos-haplos naman nito ang mahaba at nakalugay kong buhok na panaka-nakang hinahagkan ako sa ulo.
"Daddy, mag-asawa na kaya ako?" tanong ko.
Naibuga naman nito ang iinumin sanang tsaa kaya napaayos ako ng upo na napahalakhak. Sunod-sunod itong napaubo kaya hinagod-hagod ko siya sa likuran.
"Fvck! What did you say, Larah?" tanong nitong napapapunas ng bibig.
Napalapat ako ng labi. Nag-iinit ang mukha dahil napaseryoso na ito na matiim akong pinakatitigan sa aking mga mata.
"Wala po, Daddy. Nagbibiro lang. You know, baka lang gusto niyo na ni Mommy na magka-apo. Willing naman po akong bigyan kayo," nakangiting kindat ko na nagbibiro ang tono.
Naningkit naman ang mga mata nitong ikinahagikhik kong inilapag sa kaharap naming mesa ang hawak kong wine glass. Hinawakan ko ito sa kanyang kamay at ngumiti ng matamis.
"Ahem! Kung sa mga kapatid mo, pwede. Pero ikaw? Hwag muna anak. Mag-isa ka lang naming prinsesa ng Mommy Lirah mo eh," paglalambing nitong ikinanguso ko.
"Nagbibiro lang po," pagbawi ko. Napangiti naman itong hinaplos ako sa ulo.
"Bakit, may napupusuan na ba ang prinsesa ko, hmm?" nangingiting tudyo nito.
Gumapang ang init sa mukha ko na ilang beses napatikhim. Napahalakhak naman itong kinabig akong niyakap.
Napangiti na rin akong isiniksik ang katawan dito. Para akong hinahaplos sa puso habang nakakulong sa bisig ni Daddy. Damang-dama kong safe na safe ako sa kanyang piling. Ang sarap lang sa pakiramdam.
Malapit na magkaibigan ang pamilya namin at ng pamilya ni Alden. Kaya nakakatiyak akong. . . matatanggap kami ng mga magulang namin.
"Matagal na po," mahinang sagot kong ikinaningkit ng mga mata nitong napatitig sa akin.
"Hmm. . . is he someone from your friends, hmm?" tanong nito na nangungumpirma.
Nahihiya namang tumango akong ikinangiti nitong hinaplos ako sa ulo.
"He's a nice and cool guy, Dad. He's also genius, handsome, hunky and came from a famous family. I'm pretty sure. . . you'll like him for me," kindat kong ikinailing nitong tila nahihinulaan na kung sino ang tinutukoy ko.
"Hmm. . . dadaan pa rin siya sa akin kahit close friend mo 'yan," ingos nito na napisil ang ilong kong ikinahagikhik kong muli itong niyakap.
"It's okay, Dad. I'm pretty sure. . . magugustuhan mo pa rin naman siya for me." Kinikilig kong saad na puno ng kumpyansang ikinatawa nitong napailing.
"Hmm. . . let's see, my princess."
TPOV:
LINGID sa kaalaman ng mag-ama na Larah at Adrian ay may mga pares ng mata ang puno ng galit na nakamasid sa kanilang paglalambingan. Nanlilisik at nag-aapoy sa galit na mga mata. Bumaba na ang dalaga mula sa mataas na puno na kinaaakyatan nito para lang mapagmasdan ang mga Mondragon sa loob ng kanilang mansion.
"Wait for my revenge. I'll make you all pay for abandoning me. For forgetting me. I'll kill you all, one by one. And you, Mariah Larah. You are the first one on my list," madiing sambit nito na nagngingitngit ang mga ngipin.
Nag-aapoy sa galit ang mga mata nito habang nakatitig sa mag-ama. Pero kahit galit ang nangingibabaw sa puso niya sa pamilya Mondragon ay may kirot at inggit pa rin ang mababasa sa mga mata nitong. . . nangungulila.
Naikuyom nito ang kamao na matamang pinapanood ang mag-amang Adrian at Larah na nagkukwentuhan. Nagkakatawanan at naglalambingan. Kung kaya't lalong nananaig ang inggit sa puso niya dahil ni minsan ay hindi nito naranasan ang mga tinatamasa ni Larah. Kasikatan, kalayaan higit sa lahat? Pagmamahal ng buong pamilya.
BUMALIK na ito ng kanilang mansion na sakay ng kanyang black ducati monster bigbike motor. Maging kasuotan nito mula ulo hanggang paa ay itim na itim. Mula pagkabata ay gan'to na siya sinanay pumorma. Ni minsan ay hindi nito naranasang magsuot ng pambabae. Palagi itong naka-all black na matigas ang pagkilos. Ibang-iba kay Larah na lumaking buhay prinsesa sa palasyo. Nakasuot ng dress, sandals, at mga accessories.
Pagdating ng kanilang mansion ay naabutan naman nito ang kanyang step-brother na si Daemon Stanford. Prenteng nakaupo sa sofa. Parang hari na nakataas pa ang dalawang paa sa center table habang sumisimsim ng alak.
"Yoo! What's up, my dear sister!" masiglang bati nito na napapangisi.
Kitang lasing na lasing na ito. Namumula ang mukha at mga mata. Napailing naman ang dalaga na pabalang naupo ng sofa kaharap ang kinakapatid at nagsalin ng alak sa baso nito. Sunod-sunod na nilagok na parang tubig lang ang alak.
"Whoa! Chill, sis. Daig mo pa ang broken hearted ah," bulalas ni Daemon na natatawa.
"Tsk!" napaismid naman ang dalaga dito.
Maya pa'y tumayo na ang dalaga at umakyat ng hagdanan na iniwan basta ang binatang nagda-drama.
"Hey, I'm still talking to you!" pahabol na sigaw ni Daemon dito na hindi na niya pinansin.
Napaikot lang ito ng mga mata na hindi na nilingon pa ang binata. Tumuloy siya sa silid niya at naglinis ng katawan bago padapang bumagsak ng kama. Pagod ang katawan at inaantok na rin dala ng ilang oras niyang byahe para lang mapagmatyagan ang mga Mondragon.
Gabi-gabi niya itong ginagawa. Ang pinagmamasdan ang pamilya ng Presidente ng bansa. Pero dahil sobrang higpit ng seguridad ng pamilya Mondragon ay hanggang tanaw lang ito sa malayo. At doon ay kitang-kita nito kung gaano kasaya ang pamilya ni Larah. Bagay na ikinapupuno ng galit sa kanyang puso lalo na kapag nasa paligid si Larah na prinsesang-prinsesa ang turing sa kanya ng kanyang pamilya lalo na ng kanyang mga magulang.
HINDI na nga nagulat si Daemon na ibalita sa kanya ng kanilang manager na si Savannah mula sa France ang pag-pullout ni Larah ng kontrata. At ang pag-alis na nito sa showbiz kasabay ng kanyang pag-aanunsyo sa totoong kasintahan nito.
Si Alden Di Caprio. Panay ang hingi ng paumanhin ni Larah sa mga fans nito habang nasa interview at pinapanood ni Daemon. May hawak na bote ng whiskey na nakatayo sa harapan ng malaking flat screen TV nila sa sala. Nasa likuran naman nito ang kinakapatid na dalaga. Nakahalukipkip na nakataas ang kilay at pinapanood si Larah sa interview.
Napapailing na lamang ito na nakikita kung gaano kabaliw ang kinakapatid sa dalaga.
"Poor, young man. Baka magpakamatay ka kapag sunod na naibalita ang pagkakamatay ng babaeng kinahuhumalingan mo," bulong nitong iiling-iling.
Nagtungo na ito ng kusina. Pero hindi pa man nakakalayo ay dinig na nito ang pagwawala ni Daemon na pinagbabasag ang mga gamit nila. Sumisigaw at panay ang mura. Masamang-masama ang loob na tuluyan na ngang nakuha ng ibang lalake ang minamahal.
Napangisi itong napataas ng kilay na naglakad na parang reyna patungo ng kusina. Hinayaan ang kapatid na naglabas ng galit sa pagwawawala. Dahil hanggang doon lang naman ang kaya nitong gawin.
Masyadong mahina ang loob nito hindi katulad niya na lumaki sa larangan ng martial arts. Mula pagkabata ay trained ito sa iba't-ibang larangan ng laban. Dahil iyon sa impluwensya ng kanilang yumaong ina.
Pinalaki siyang nakatago sa publiko. Kaya sa tuwing lumalabas ay naka-disguise pa ito para hindi makilala ang itsura. Nagsanay siya sa laban para sa kanyang mission sa tamang panahon. At iyon ay ang pagsingil sa mga Mondragon.
Ang pagbura sa angkan ng mga ito. Katulad ng pagbura ni Mariah Lirah Buenavista Mondragon sa pamilya Stanford. Kung hindi lang nakatago noon ang madrasta nito habang pinagbubuntis si Daemon? Malamang ay pinatay din ito ni Lirah para lang maubos na ang kanilang angkan. At iyon ang kanyang mission.
Ang pagbayarin ang pamilya ni Lirah. Kahit pa ito ay ang kanyang. . . sarili ina. Siya lang naman si Mariah Andrea. Ang kakambal. . . ni Larah.
Hinugot nito ang isang kutsilyo na may kahabaan at inasintang tinarget ang apple na nasa mesa.
"Bullseye," bulalas nito na tinamaan nito sa gitna ang apple na kanyang dinampot. Iiling-iling itong hawak ang kutsilyo at walang katakot-takot na nginangasab ang mansanas habang nakabaon ang kutsilyo doon.
Palakad-lakad itong malalim ang iniisip. Kung paano sisimulan ang plano nitong pag-m******e sa pamilya Mondragon. Mula pagkabata ay sinanay na siya sa larangan ng p*****n. Kung kaya't yakang-yaka lang nito ang pumatay.
"Larah. . . Larah." Usal nito na nakaharap sa salamin kung saan nangingisi itong pinagmamasdan. . . ang repleksyong kamukhang kamukha. . . ni Mariah Larah Mondragon.