LARAH: NAPANGITI ako na maramdaman ang malamig na simoy ng hangin. Napakatahimik ng buong paligid na tila wala manlang mahagip ang pandinig ko na ingay mula sa paligid. Ramdam ko rin na tila namamanhid na ang katawan ko na hindi ko maigalaw. Dahan-dahan akong napadilat mula sa tila kay haba-habang pagkakaidlip ko na marahang naikurap-kurap ang mga matang nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa paningin ko. Napakunotnoo ako na maigala ang paningin sa piligid! Mag-isa lang kasi ako dito sa tila disyerto na wala manlang akong matanaw maski ano! Nangilabot ako na nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Maging ang bigat ng katawan ko ay hindi ko kasi maramdaman. Na para akong nakalutang sa alapaap na hindi maramdaman ang mga paa kong nakayapak sa buhangin! Puro buhangin lang na pino at ku