Prologue!

2100 Words
"Aahhh! s**t! Alden, your so good! Aahhh! Aahhh!" 'Di magkandamayaw na halinghing ng isang malanding boses babae mula sa silid ng binatang si Alden Di Caprio! Napatutop ng bibig si Lara Buenavista Mondragon sa narinig. Napasilip sa nakasiwang na pinto ng silid ng nobyo at kita mula sa loob ang babaeng nakaupo sa ibabaw ng kanyang nobyo. Hubo't-hubad din ito habang panay ang taasbaba ng babaeng tila nakasakay sa kabayo at panay ang halinghing! "Aahh! Aaahh! So good, baby! Aaahh!" panay pa rin ang ungol nito na nangangabayo sa ibabaw ni Alden! Isa-isang nag-alpasan ang mga luha ni Lara na dahan-dahang napaatras! Parang tinutusok ang kanyang puso ng libo-libong karayom na maaktuhan ang eksenang iyon kung saan kitang-kita ng dalawang mga mata nito ang secretary ng kanyang nobyo na kasiping nito sa mismong kama kung saan din siya sinisipingan ni Alden! "N-no no no no! You are just dreaming, Lara. No no. . . this is not happening," parang hibang na bulalas nito na natutula. Pero kahit dayain ng dalaga ang sarili ay alam nitong hindi siya binabangungot sa mga oras na ito. Totoong totoo ang nasasaksihan ng kanyang mga mata. Na may kasiping ibang babae. . . ang nobyo niya. "H-hindi. . . hindi 'to nangyayari. H-hindi," bulalas pa nito. "Aahh! Aaahh! Sige pa, Alden! Sige pa, aahhh!" Napatakip ito ng palad sa tainga na naririnig pa rin ang malakas at malanding ungol ng babae. Kahit ang salpukan ng kanilang katawan ay naririnig nito. Para siyang pinagsakluban ngayon ng langit at lupa sa nasaksihan. "Fvck! That's it! Uhmm, fvck! You're so good! Aaahh! Uhmm!" ungol ni Alden na parang kutsilyong tumatarak sa puso ni Lara. "Uhmm! Aahh! Aahh! Gosh, you're so big, baby! Ang sarap mo, aahhh! Aaahhh!" malanding ungol muli ng babae na patuloy sa paggiling sa ibabaw ng binata. Hindi na nakayanan pa ni Lara ang mga nakikita at naririnig mula sa labas ng silid ng nobyo. Dagli-dagli itong napaatras sa may pintuan. Napatakbo ito ng elevator na nahagulhol takip ng palad ang bibig! Mabuti na lamang at may private elevator ang condominium ng nobyo para sa kanilang mga VIP kung kaya't wala siyang kasabayan at malayang pinakawalan ang malakas niyang paghagulhol! Nanghihina itong napasandal ng salamin. Nangangatog ang mga tuhod na hindi mapigilan ang sariling humagulhol! Dahan-dahang bumigay ang mga tuhod nitong ikinalupasay nito sa sahig ng elevator. Yakap ang sarili na sumubsob sa kanyang mga tuhod at parang batang inagawan ng laruan na umiiyak! Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa sa mga sandaling iyon at hindi lubos akalaing magagawa ni Alden na magtaksil sa kanya gayung mahal na mahal nila ang isa't-isa kahit na patago lang ang relasyon nila sa loob ng mahigit isang taon! Dahil sa career ni Lara Mondragon na isang international model ay tinatago nito sa publiko ang kasintahan na isang tanyag na bilyonaryo ng kilalang pamilya. Ang mga Di Caprio. PAGDATING sa ground floor ng building ay kaagad itong tumayo. Nagpahid ng luha kahit dama nitong hilam na ang mga mata sa pag-iyak. Inayos ang nagulong buhok na ilang beses bumuga ng hangin para ibsan ang paninikip ng dibdib. Nang mas makalma na ang sarili ay saka lang lumabas ng elevator. Kaagad namang sinalubong at pinalibutan ito ng kanyang mga bodyguard. Bakit? Siya lang naman ang nag-iisang dalaga ng Presidente ng bansa! Si President Adrian Mondragon! Kilala si Lara sa publiko bilang modelo at anak ng Presidente kung kaya't maraming mata ang nakasunod sa kanyang mga kilos. "Ma'am Lara, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Cardo. Ang head ng kanyang bodyguards at personal driver. Napailing-iling ito na patuloy sa pagtangis habang nililisan ng black limousine nito ang building. Nakatanaw sa may bintana na mahigpit na nakakuyom ang kanyang mga kamao. "Bring me back to our airport, Cardo. And book us a flight going back to France, now." Malamig nitong turan. Natigilan naman si Cardo sa sinaad ng amo. Pero kaagad ding sinunod ang utos nito kahit kadarating lang nila mula France kaninang madaling araw! Halos wala pa nga silang pahinga at nahihilo pa sa mahabang byahe sa ere pero heto at muli silang sasakay ng eroplano. Habang nasa byahe ay ang eksena pa rin sa unit ng nobyo ang nasa isipan ni Lara. Pilit man niyang winawaksi iyon sa isipan niya pero. . . paulit-ulit namang nagri-replay iyon na tila nakikinita pa niya. Hindi niya tuloy mapigilang tumulo ang luha habang nakamata sa malayo. Para siyang sinasaksak sa puso na mapag alaman nitong may iba pa palang babaeng kinakalantari ang nobyo niya. Akala pa naman nito ay matino ang nobyo. Na kilalang kilala na niya ito. Na hindi uubra ang ibang babae dito dahil simula naman pagkabata ay magkakalapit na sila ni Alden at isa pang kakambal nitong si Aldrich. Pero kahit identical twins ang dalawa ay kay Alden lang talaga umibig ang puso niya. Kaya nga sobrang saya nito na mapag alaman na pareho sila ng binata ng nadarama. "Ma'am Lara, nandidito na po tayo," untag ng driver nito. Napapahid naman ito ng luha na nagsuot ng itim na shades at malaking sombrero. Mugtong-mugto na kasi ang mga mata nito at tiyak na may mga makakakuha na naman ng litrato nito. Ilang beses na muna siyang napahinga ng malalim. Kinakalma ang sarili bago napag pasyahang lumabas na ng kotse. PAGDATING NG airport ay inalalayan kaagad ni Cardo ang amo nito. Kahit kasi nakasuot ng malaking pabilog na itim na sombrebro si Lara at may suot ding sunglasses ay meron at merong nakakakilala sa kanya. Lalo na't kabisado ng publiko at kanilang mga staff sa airport ang mga bantay nito. Lalong-lalo na si Cardo Bustamante na kanyang personal bodyguard. Na kahit saan man naroon ang dalaga? Nandoon din si Cardo. ******* NANGUNOTNOO si Alden na maalimpungatan itong hubo't-hubad na at nahihimbing sa kama! Napasapo ito sa noo na kumirot ang ulo sa biglaang pag-upo nito. "Urggh, damn! What time is it?" paos ang boses na tanong nito. Naniningkit ang mga mata na napasulyap sa kanyang rolex watch at namilog ang mga matang makitang pasado alas-otso na ng gabi! "Oh, s**t! My Lara!" gimbal na bulalas nitong napabalikwas ng bangon! Muntik pang madapa ito sa pagmamadali na matisod ng paa ang laylayan ng comforter! Saka lang napasaan ang sariling wala maski anong suot! "Fvck! How did this happened!?" nagtatakang bulalas nito. Hinila ang bathrobe na nasa paanan ng kama na mabilis isinuot iyon habang malalaki ang hakbang palabas ng silid. Pero halos manlumo ito na makita ang sanay surprise welcome back nito kay Lara na hindi pa niya nagagawa! "Damn!" muli itong malutong na napamura. Napapasabunot ito sa ulo na hindi malaman ang uunahin! Darating ngayon ang kasintahan at plano nitong gumawa sana ng surprised party para sa kanilang 1 year and two months monthsarry kaya tinawagan nito ang secretary nitong si Bettina na tulungan siyang mag-decorate! "Bettina, where are you!?" pagtawag nito sa secretary. Pero tanging ang pag-echo ng kanyang boses ang nagharing sagot sa kanyang unit. "Nasaan ba ang babaeng 'yon? s**t naman! Kung kailan kailangan ko e!" inis na asik nitong nagsimulang bombahan ang mga lobo. Napabusangot na lamang itong sinimulan ang gawain. Nandidito kanina si Bettina pero biglang nag missing in action na nakatulog lang ang amo. Naiiling na lamang si Alden. Natapos nito ang decorations ng buong sala mula sa mga lobo na nakaangat sa ere kung saan may mga pictures nila ni Lara muli umpisa ng kanilang relasyon. Hanggang sa mga kuha nila sa latest nilang pagkikita last month sa France nung puntahan nito ang kasintahan doon. Pangarap na talaga ni Lara na maging isang international model kaya naman suportado ni Alden ang career nito. Kahit madalas ay nagseselos ito sa mga katrabahong lalake ni Lara ay hindi nito hinadlangan ang pangarap ng nobya lalo't malaki ang tiwala nito dito. PASADO alas-dyes na ng gabi. Nagugutom na rin si Alden at hindi mapakali. Nakahanda na ang lahat. Ang mesa sa gitna ng sala, ang kanilang magkaharap na upuan, ang mga pagkaing iniluto nito, dinner candle lights at ang bouquet ng red tulips na paborito ni Lara sa lahat ng bulaklak. Panay ang sulyap nito sa kanyang wristwatch dahil dapat kaninang hapon pa ang dating ng nobya. Pero heto at anong oras na ay wala manlang paramdam ito. Nag-aalala na si Alden pero ayaw niyang mag-isip ng negatibo. Napapailang salin ba rin siya sa red wine na nihanda nito para sa kanilang dalawa ng kasintahan. "Damn, honey. Where are you now?" bulalas nito na hindi na maganda ang timpla ng mukha. Hindi naman kasi ugali ni Lara ang pag-trip-an siya. O kaya ay hindi sisipot sa kanilang mga date! Kaya nakapagtatakang wala pa rin ito. Maya pa'y tumunog ang doorbell nito na mabilis niyang ikinatayo at patakbong nagtungo sa gawi ng pinto. Napapangiti ito na pasimpleng napahawi ng kanyang buhok at inayos ang kwelyo ng polo sa pag-aakalang ang kasintahan na nito iyon! "Honey, where have---" Naputol ang iba pang sasabihin nito nang mabungaran si Mr Andrei Mondragon! Ang panganay na Kuya ng kasintahan at isa sa may alam ng kanilang patagong relasyon ng nakababatang kapatid nito! "Fvck you, Alden! I trusted you!" pasalubong na sigaw nito at mabilis na inundayan ng suntok sa panga si Alden na hindi nakaiwas! Napaatras ito na mabilis dinakma ni Andrei at hinila sa kwelyo ng polo palabas ng unit nito na muling pinagsusuntok sa mukha at sikmura! Ni hindi makalaban si Alden dala ng panghihina at kabiglaan sa mga nangyayari! Pumutok na rin ang kilay at mga labi nitong ikinaagos ng dugo mula doon! Galit na galit ang mga mata ni Andrei na parang gusto na niyang patayin ang matalik na kaibigan! Hinang-hina si Alden na napasalampak ng sahig at nahihilo! "You ruined my trust, Alden. Tama lang na lumayo na si Lara sa'yo! Hindi ka karapat dapat sa kapatid ko!" nanggagalaiting bulyaw nito kay Alden. Muli ding sinipa sa tyan ang binatang napahandusay ng sahig bago tinalikuran at parang haring naglakad pagawi ng elevator! "Damn, him. Ano bang problema niya? Kailangan ba akong bugbugin na walang explanation?" iritadong tanong nito sa sarili. Iiling-iling na napapahid sa labi nitong pumutok si Alden. Nahihilo pa ito dahil sa lakas ng suntok sa kanya ni Andrei. Pabalang naupo ito ng sofa at ginamot ang sarili. Impit pang napapadaing na madama ang hapdi sa kanyang sugat. Namumula na rin ang pisngi nito na tiyak niyang sa ilang minuto lang ay magkakapasa na ang mga iyon. PUNO ng kalituhan si Alden sa mga nangyari. Sa hindi pagsipot ni Larah sa kanya at sa pambubugbog ni Andrei dito. Nag-book ito ng flight papuntang France para kaharapin ang nobya at alamin ang mga nangyayari. Umaasang masasagot ang mga katanungan niya. Habang nasa ere ay hindi ito mapakali. Pakiramdam niya ay may hindi magandang mangyayari sa pagtungo nito ng France. "Larah. I hope you're okay. And I hope. . . we're okay." Piping usal nito na nakamata sa screen ng cellphone nito kung saan naka-wallpaper doon ang nakangiting mukha ni Larah. Mariin itong napapikit na pilit kinakalma ang mga tumatakbo sa isipan. Nababagalan ito sa pag-usad ng oras. Gustong-gusto na niyang makita si Larah sa hindi maipaliwanag na dahilan. Pero para lang siyang pinagsakluban ng langit at lupa na maabutan sa ang minamahal na nasa kalagitnaan ng interview nito at ipinakilalang kasintahan ang isang modelong ka-love team nitong pinagseselosan palagi ni Alden. Si Daemon Stanford. Kuyom ang kamao at nanlilisik ang mga mata na tumalikod si Alden. Masamang masama ang loob na namumuo ang mga luhang mahigpit nitong pinipigilan! Pagdating ng kotse ay saka lang nito pinakawalan ang mga luha at pinaghahampas ang manibela! "Damn! Damn! Fvck you! How could you do this to me!? How? Why!?" sumisigaw nitong asik na panay ang hampas sa manibela. Napahagulhol itong sumubsob doon. Para siyang sinasaksak ng paulit-ulit sa puso na malamang may boyfriend ng pinakilala si Lara at hindi siya kundi ang taong pinagseselosan pa nito! "You'll regret this, Lara. You'll regret betraying me, mark my words." Puno ng kadiinang saad nitong nagpahid ng luha at pinaharurut na ang kotse pabalik ng airport. Habang palayo siya nang palayo ay unti-unting naghahari ang galit sa kanyang puso. Sa pag-aakalang trinaydor siya at pinaglaruan lang ng kaisa-isang babaeng minahal at pinahalagaan niya ng higit pa sa kanyang buhay! "I'll make sure you'll pay for this, honey. Wait for my sweet kind of revenge," paanas nito na nag-iigting ang panga at puno ng galit ang puso at mga mata. Lingid naman sa kaalaman ni Larah na napasunod pala si Alden sa kanya sa France. At napanood din ang interview nito. Na pinagpanggap silang love team ng katrabaho nitong si Daemon Stanford.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD