Official

2205 Words
ALDEN: LUMIPAS ang mga araw. Naging maayos at makulay naman ang pagsasama namin ni Larah sa opisina ko. Para na nga kaming totoong mag-asawa nito. Kahit saan ako magpunta ay kasa-kasama ko siya. Naging secretary ko na kasi ito katulad ng gusto niya. Pinagseselosan ba naman si Bettina. Fvck. Mabuti na lang at nauunawaan ni Bettina ang desisyon kong paglilipat sa kanya ng trabaho sa HR nitong kumpanya. Ayoko namang may pagtalunan kami ni Larah kaya pumayag kaagad ako sa suhestyon nitong palitan niya si Bettina na secretary ko. At gustong-gusto ko rin naman ang ideya niyang iyon. Marunong naman siya sa trabaho. Madali niya lang nagamay ang mga pinagagawa ko. Kaya sa tuwing may mga meeting ako sa labas at deal sa mga investors ng kumpanya ay nakakalabas kami nito. Parang mga teenager na napapa-disguise para lang malaya kaming makagala sa publiko at mag-date kung saan-saan. Kilala kami ni Larah sa publiko. Kaya naman agaw attention talaga kami at delekado din sa seguridad naming dalawa ang magpagala-gala lalo na't wala kaming bantay. Kahit sa mga simpleng bagay ay magkasalo kami nito. Katulad na lamang sa paglilinis sa office, pagluluto at iba pa. Mas gusto kasi ni Larah na siya ang umaasikaso sa tahanan namin. Kaya kahit ayaw ko, pumayag na lamang ako dahil ayoko namang may hindi kami pagkakaintindihan. Kaya tinutulungan ko na lamang siya at aminado akong masaya kami sa ginagawa namin. Kahit sa mga simpleng gawain lang ay nakakapag-bonding kami nito. Kaya magaan ang bawat araw sa amin dahil sa malaki o maliit mang bagay? Nagkakaunawaan kami at nagtutulungan. Bawat araw na lumilipas ay lalo kong minamahal si Larah. Ngayon pa nga lang ay hindi na ako makapaghintay magkaroon kami ng supling nito. Napaka responsableng anak at nobya ni Larah. Kaya nakatitiyak akong magiging responsable din itong ina sa aming mga magiging anak. Sumilay ang matamis na ngiti sa aking mga labi na naiisip ang bagay na iyon. Kung saan ganap na kaming mag-asawa ni Larah at biyayaan ng mga supling namin. PALAKAD-LAKAD ako dito sa gilid ng glass wall habang may hawak na beer. Nahihimbing naman na si Larah sa silid namin. Gusto ko sanang makausap na ng formality sina Ninong Adrian at Ninang Lirah, tungkol sa pagsasama namin ni Larah. Sana lang ay mapapayag ko sila. Napangiti ako na maalala ang 18th birthday noon ni Larah. Kung saan kinausap ko ng masinsinan si Ninong Adrian na babakuran ko ang dalaga niya. Natawa lang naman ito noon pero pumayag din. Kaya naman malakas ang kumpyansa ko noon na tinatangay si Larah kung saan-saan dahil pinaalam ko na siya kay Ninong. At ipinagkatiwala din naman siya sa akin. Pero ngayon? Iba naman na ngayon. Mas matured na kami ngayon kumpara noon. Isa pa ay nagsasama na kami. Kaya marapat lang na kausapin ko ng formal ang mga magulang ng mahal ko para ipaalam siya sa kanila. Kahit alam kong gusto din nila ako para kay Larah, kailangan ko pa rin silang makausap ng masinsinan bilang pagbibigay na rin ng respeto sa kanila na magulang ng mahal ko. Napahinga ako ng malalim. Napatango-tango na isang desisyon ang napagpasyahan kong gawin bukas. Bumalik na ako ng silid namin at maingat na sumampa sa kama. Napatukod ako ng siko na humiga patagilid ditong nahihimbing na parang sanggol. Napakaganda niya talaga lalo na sa tuwing gan'tong payapa siyang nahihimbing. . . na tanging manipis na puting kumot ang nakabalot sa kahubaran. Nangingiti akong marahang hinaplos ito sa makinis niyang pisngi. Kahit kabisadong-kabisado ko na ang mukha at hubog ng katawan ng mahal ko ay hindi ko pa rin mapigilang humanga sa angking kagandahan nito. Kinikilig ako sa tuwing nagkakatitigan kami. Na kapag nakikita siyang nakangiti ay nakangiti na rin ako. Mula pagkabata ay magkakasama na kami ni Larah. Naalala ko pang nangako ako noon sa kanya na paglaki namin ay ako ang magiging prinsipe niya na laging sasagip sa kanya kapag nalagay siya sa panganib. Akala ko ay tuluyan na siyang mawawala sa akin pero. . . heto siya. Nakabalik na nga sa piling ko. . . ang Larah ng buhay ko. "Goodnight, honey. I love you so much," bulong ko na maingat itong ipinaunan sa braso ko na napaungol na nagsumiksik sa dibdib ko. ,"Remove your clothes, honey. I want to feel your warmness," paos nitong ungol na ikinangiti kong sinunod itong naghubad ng lahat ng saplot ko. "You like it, honey?" bulong ko na ikinulong ito sa bisig ko. "Uhmm. . . so good, honey." Mahinang sagot nito. Nangingiti akong iniangat ang isang binti nito na iniyapos sa baywang ko. Hindi naman ito nagreklamo na isinasagi ko si buddy sa nakabuka niyang talaba. Kagat ang ibabang labi ay dahan-dahan akong bumaon sa loob nitong ikinaungol nito na hinayaan lang ako. "Ooohh, Alden, inaantok na ako, honey." Inaantok nitong reklamong ungol. "It's okay, honey. Babaon lang si buddy. Gusto kong nakabaon ako sa kasikipan mo habang magkayakap tayong matutulog," bulong ko na isinagad ang pagkakabaon kong ikinaungol naming dalawa. May ngiti sa mga labing nagpatangay na rin ako sa antok na nanatiling nakabaon ang kahabaan ko sa kasikipan ng mahal ko habang magkayakap kaming nababalot ng manipis na kumot. . .ang aming kahubaran. KINABUKASAN. Kabado ako habang hinihintay si Ninong Adrian na bumaba ng silid nito. Hindi alam ni Larah na dumaan ako ng mansion nila para makausap ang mga magulang nito. Alam naman nila Ninong na nasa poder ko ang unica hija nila kaya hindi sila nag-aalala sa seguridad nito. Pero kahit gano'n ay minabuti ko pa ring garapin ang mga magulang ng mahal ko para pormal na makausap ang mga ito ng tungkol sa amin ni Larah. Napabilis lang ang mga pangyayari sa pangitan namin nito. Pero plano ko pa rin namang mag-propose dito. Pero bago iyon? Kausapin ko muna sina Ninang at Ninong para hingin ang kamay ni Larah. Ayoko namang isipin ng mga itong wala na kasi silang mapipilihan kaya pumayag na lamang. Isa pa ay nag-aalala din naman ako. Wala kaming ginagamit ni Lara na protection hindi katulad noon na nagti-take ito ng birth control pills para hindi ko siya mabuntis. Araw-araw at gabi-gabi ay may namamagitan sa amin ni Larah. Kaya nakakatiyak akong mabubuntis ko ito. O baka nga buntis na ito. Napatuwid ako ng tayo na masulyapan si Ninong Adrian na pababa na. Kasabay si Ninang Lirah na nakayakap sa braso ng asawa nitong jnaalalayan siyang bumaba ng hagdanan. Napangiti ako. Katulad nila Mommy at Daddy ay kitang ang sweet pa rin nila Ninong sa isa't-isa ng asawa nito. At bakas sa kanilang mga mata kung gaano sila ka-in love sa isa't-isa. "Oh, Alden. What a surprise, hijo. Napadaan ka. Have a sit," ani Ninong. "Good evening po, Ninong. Ninang," pormal kong pagbati na napabeso sa mga ito bago umupo kaharap silang dalawa. Napalinga-linga pa sila na tila may hinahanap. "Hindi ko po kasama si Larah, actually hindi po niya alam na dumaan ako dito," aniko. Nagkatinginan naman ang mga ito bago napalingon sa aking ngumiti kahit kabado sa sasabihin ko. "Ah, gano'n ba? Ang batang iyon talaga. Masyado ka bang pinapahirapan ni Larah? Pasensiya ka na, Alden hijo, ha? Pilya talaga at pasaway ang isang iyon," naiiling saad ni Ninong. "Okay lang naman po, Ninong. Masaya po kami at nagkakaintindihan naman po," nakangiting sagot ko. Napahinga naman ang mga ito ng malalim. Napatikhim ako na umayos ng upo. "So, what brings you here, hijo? Don't tell me, may apo na kami ni Adrian sa inyo ni Larah, hmm?" nanunudyong tanong ni Ninang Lirah. Muli akong napatikhim. Nag-iinit ang pisngi na pinagpawisan bigla ng malapot. Napahagikhik naman si Ninang habang bahagyang nagsalubong ang kilay ni Ninong. Bumibilis tuloy lalo ang kabog ng puso ko na naghahari na ang kaba at tension sa dibdib ko! "Um, I'm sorry po kung hindi ako kaagad humarap sa inyo, Ninong, Ninang." Paninimula ko. Pilit pinapa-normal ang boses at mukha kahit para na akong maiihi sa sobrang kaba! Nakakainis! Tila naninigas ang dila ko na hindi makapagsalita ng tuwid lalo na't seryoso at matiim na silang nakatitig sa akin! Presidente at first lady ba naman ng bansa ang mga in-laws ko! Fvck! Sinong 'di kakabahan! Wala pa akong dalang maski ano. Kahit mga regalo. Sana pala hinila ko maski si Mokong na kambal ko ng may kasama naman ako. Damn! Parang lalabas na ang puso ko sa ribcage nito sa sobrang lakas ng kabog nito! "Ang totoo po niya'n, dati na kaming naging magkarelasyon ni Larah. Nilihim lang po namin sa publiko dahil sa trabaho niya. Although. . .hindi umayon sa amin ang tadhana noong una? Ngayon ay sisiguraduhin na po naming nakaayon na ang tadhana sa aming dalawa. Iingatan at pakamamahalin ko po si Larah. Ng higit pa sa nararapat sa kanya. Sana po basbasan niyo ang relasyon naming dalawa. Lalo na ngayon na . . . na nagsasama na po kami. Hwag po kayong mag-alala. . .pakakasalan ko po si Larah. Hinahanda ko lang po ang mga bagay-bagay para sa aming dalawa." Mahabang salaysay ko. Tahimik lang naman ang mga ito na nakikinig sa akin at matiim na nakatitig sa mga mata ko. Napahinga ako ng malalim. Naibsan kahit paano ang kaba ko na nasabi ang pakay ko sa kanila ng maayos kahit na naninigas ang dila ko! Napahinga si Ninong Adrian ng malalim na napahilot sa kilay. Napapalunok tuloy ako na binubundol na naman ng kakaibang kaba sa dibdib! Ngumiti naman si Ninang Lirah na mahinang nasiko ang asawa. "Umayos ka nga. Hindi na maipinta ang mukha ng manugang natin sa'yo eh," mahinang asik ni Ninang dito. Para namang hinahaplos ang puso ko at humaba ang tainga ko sa narinig na itinawag sa akin ni Ninang Lirah! Fvck! Impit akong napapairit sa isipan ko na paulit-ulit niri-replay sa utak ko ang pagtawag nito sa akin ng . . .manugang! Gusto nila ako! Gusto nila akong maging manugang para sa kanilang unica hija! s**t! "Sorry, Alden. Pinapakaba lang kita. Alam naman namin na one of this days ay magtutungo ka rito para hingin sa amin ang kamay ni Larah. Alam din naming nagsasama na kayo dahil sa kagustuhan ni Larah. Ang batang iyon naman kasi. Akala ko nagbibiro lang siya noong nakaraan patungkol sa pag-aasawa eh. Pero pasimple na pala siyang bumibwelo para ihanda kami ng ina nila," naiiling saad ni Ninong Adrian. Para akong nabunutan ng tinik na magsalita na ito. At sa reaction at tono ng boses nitong napakakalmado ay nakakatiyak akong hindi siya hadlang sa amin ng Larah ko. Ngumiti akong tumayo. Nagtungo sa kanilang harapan at dahan-dahan na napaluhod. "Alden." "Oh, God. Hijo. Stand up!" Panabay na bulalas ng mga itong napahawak sa braso ko. Napailing ako na humawak sa kanilang kamay. Nanatiling nakaluhod. Napalunok naman ang mga itong walang kakurap-kurap na nakamata sa akin. "Mahal na mahal ko po si Larah, Ninong, Ninang. At willing akong pakasalan siya sa lahat ng simbahan kahit sa buong mundo pa. Pero bago iyon. . . gusto ko munang pormal na makuha ang basbas niyong mga nagluwal sa kanya. Asahan niyo pong hinding-hindi luluha si Larah sa piling ko dala ng sakit at pighati. Dahil pakamamahalin ko po siya ng higit pa sa aking sarili. Sana tanggapin niyo po akong maging bahagi . . .ng pamilya niyo," maluha-luhang saad ko. Napangiti ang mga itong tumango-tango na nangingilid na ang luha. Tuluyang tumulo ang luha ko dala ng saya na napapayag ang mga ito at kita ko naman sa kanilang mga mata ang tuwa sa narinig mula sa akin. Tinapik-tapik ni Ninong Adrian ang balikat ko. "Makakaasa akong hindi mo pababayaan ang prinsesa ko, Alden. O sige, pinagkakatiwala na namin sayo ang Larah namin. Hwag mo siyang paluluhain, ha?" ani Ninong na may halong pagpapaalala pa. Napangiti akong nagpahid ng luha at napayakap sa mga ito. Natatawa namang niyakap nila ako pabalik habang sabay na hinahaplos ako sa likuran! "Makakaasa po kayo. Hinding-hindi ko po siya sasaktan, Ninong, Ninang." MALAPAD ang ngiti na bumalik na ako ng kumpanya. Nauna na kasi si Larah sa opisina para maghanda ng hapunan namin. Mas gusto kasi nito na siya ang nagluluto ng kinakain namin kaysa ang kumain kami sa labas o kaya ay magpa-deliver na lamang. At aminado akong gustong-gusto ko iyon. Isa sa mga katangian ni Larah na gustong-gusto ko. Maasikaso siya sa akin na ultimo ang pag-aayos ng necktie ko ay siya ang gumagawa. Pinapagalitan pa ako nito sa tuwing hindi maayos ang kurbata ko pati ang kwelyo ng polo ko. Kaya ngayon pa lang ay masasabi ko ng napakaswerte kong siya ang magiging may-bahay ko. Dahil tiyak akong magiging responsableng asawa at ina ito sa magiging mga anak namin. At hindi na ako makapaghintay mangyari ang bagay na iyon. Ang maging opisyal na kaming mag-asawa at mabiyayaan ng mga supling mula sa Maykapal! Napadaan naman ako ng flower shop at bumili saglit ng pasalubong kong bouquet ng red roses para kay Larah. Hindi ko mailarawan ang sayang nadarama ko habang pauwi na sa mahal ko. Para akong nalulutang sa alapaap na hindi na makapaghintay. . . alukin ng kasal ang nobya ko. Ngayong official na kami sa mga magulang niya? Hindi ko na patatagalin pa ang pag-alok ko ng kasal. . . sa babaeng tinatangi ng puso ko. Ang Larah ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD