bc

Elisa

book_age18+
8
FOLLOW
1K
READ
dark
mystery
scary
mythology
magical world
supernature earth
another world
cruel
like
intro-logo
Blurb

Kahit saan ka magpunta... kahit saan ka magtago... masusundan ka niya.

Nasa paligid lang siya at nagbabantay...

---

This story is a work of fiction. Read at your own risk.

chap-preview
Free preview
P R O L O G O
Patuloy lamang sa pagtakbo si Elisa sa gitna ng masukal na kagubatan. Malalim pa rin ang gabi at bilog na bilog ang buwan na sumisilip ang liwanag sa matatayog na puno sa lugar na iyon. Hindi niya alam kung anong ginagawa niya roon. Basta ang alam niya ay nasa panganib ang buhay niya. Gustuhin man niyang humingi ng tulong ay alam niyang wala ring silbi iyon dahil malamang na wala ring makakarinig sa kanya. "Elisa, huwag mo nang subukang tumakas! Kahit saan ka magpunta ay matutunton kita!" Nakakakilabot talaga ang tinig ng nilalang na iyon. Malalim at tila ba nanggagaling sa ilalim ng lupa. Dumadagundong iyon sa buong paligid. Kahit hindi pa niya nakikita ang hitsura nito ay alam niyang napakapanganib nito. Mas lalong binilisan ni Elisa ang pagtakbo. Paminsan-minsa'y lumilingon din siya para masiguradong hindi pa nakasunod sa kanya ang nilalang na humahabol sa kanya. Hindi siya maaaring maabutan nito. Hindi niya alam kung ano ang maaaring gawin ng nilalang na iyon sa kanya. "Lubayan mo na ako! Pakiusap!" sigaw niya. Hindi niya alam kung ilang oras na siyang tumatakbo at hindi niya maiwasang indahin ang pagod. Ngunit kahit gusto niyang magpahinga ay hindi niya magawa. Batid niyang oras na maabutan siya ng nilalang na iyon ay katapusan na niya. Nabalot ng nakakakilabot na tawa ng nilalang ang paligid. "Itigil mo na iyan, Elisa. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo." "Tigilan mo na ako!" muling sigaw ni Elisa. Itinuloy lamang niya ang pagtakbo. Mas mabilis. Determinado talaga siyang makaligtas sa sitwasyon na iyon. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay napatid siya ng isang nakausling ugat ng puno. Napasubsob siya sa lupa at sa kasamaang palad ay mukhang napilayan pa siya sa paa. Kahit nahihirapan ay pinilit niyang tumayo. Napangiwi siya sa sakit na nararamdaman at paika-ikang naglakad. "Sumuko ka na, Elisa!" muli na naman itong tumawa nang nakakakilabot. Hindi na napigilan ni Elisa ang mapaiyak. Sa sobrang bagal ng usad niya dahil sa paa niya ay malamang na maabutan na siya nito. Siguro nga ay panahon na para sumuko siya. Pero hindi. Hindi siya papayag na magwakas ang buhay niya nang hindi lumalaban. Dali-dali siyang pumunta sa isang bahagi ng halamanan at may nakausbong din na matataas na damo. Doon siya nagkubli nang nakaupo at nakayakap sa mga binti. Tahimik rin siyang nananalangin na sana ay hindi siya makita ng humahabol sa kanya. Pigil ang kanyang hininga at kulang na lang ay atakihin na siya sa puso sa bilis ng t***k niyon. Natutop niya ang mga bibig nang marinig ang papalapit na mga yabag. "Alam kong nagtatago ka lang, Elisa. Lumabas ka na riyan!" Nanatiling nakakubli si Elisa habang pinapakiramdaman ang paligid. Hindi siya maaaring matagpuan nito. "Elisa... Nasaan ka?" Papalapit nang papalapit ang mga yabag. Mayamaya pa'y natanaw ni Elisa ang anino ng isang hindi mawaring nilalang. Hindi iyon kagaya ng sa tao. Bukod pa roon ay tila mas malaki ang bulto nito. Napasinghap siya nang maramdaman ang paggapang ng kung ano sa kanyang paa. Nang tingnan niya ay para iyong ipis. Ang masaklap ay takot siya sa ipis. Itinadyak niya ang kanyang paa para umalis iyon ngunit parang balewala lang. Nakalikha siya ng kaluskos dahil sa kanyang ginagawa. Nakalimutan niya na may tinataguan nga pala siya. "Sabi ko na naman sayo... hindi mo ako matatakasan." Nanlaki ang mga mata ni Elisa nang marinig ang nakakakilabot na tinig. Nanigas siya sa kanyang kinaroroonan. Ni hindi niya magawang lingunin ang nagsalita. Pero isa lang ang malinaw... katapusan na niya. "Tapos na, Elisa..." Sa isang iglap ay bigla nitong hinila ang buhok niya. At wala siyang ibang nagawa kundi ang sumigaw. "Aaaaahhhhhh!" "B-bitiwan m-mo ako! Nasasaktan a-ako!" Patuloy sa pagpupumiglas si Elisa. Hindi niya mapigilang mapadaing dahil sa sakit na nararamdaman sa kanyang anit at katawan. Halos hindi na nga niya magawang maidilat ang mga mata. Ne hindi pa nga niya magawang masulyapan nang maayos ang nilalang na ngayon ay walang awang kumakaladkad sa kanya sa kung saan. Basta ang alam niya ay kasing-itim ng uling ang makintab nitong mga balat. Sigurado rin siyang malaki talaga ang bulto nito. "Tumahimik ka!" "Saan mo ba kasi ako dadalhin?!" "Akala mo ba, matatakasan mo ako sa pagpunta mo ng Maynila? Nagkakamali ka!" galit na sabi nito. Mas lalong humigpit ang pagkakahila nito sa buhok niya at mas naging agresibo rin ito sa pagkaladkad kay Elisa. Parang wala nga itong pakialam kahit nasasaktan na ang dalaga sa ginagawa niya. "Ano ba ang sinasabi mo? Wala akong maintindihan!" nalilitong sigaw ni Elisa. Totoo naman iyon dahil sa pag-alis niya sa probinsya ay wala naman siyang naaalala na tinatakasan. Gusto niya lang tumulong sa pamilya niya at kahit anong gawin niyang piga sa isip ay wala talaga siyang alam sa sinasabi nito. Hindi niya maintindihan kung ano ba talaga ang nangyayari sa kanya. Tumigil pansamantala sa paglalakad ang nilalang at pagkatapos ay hinapit si Elisa papalapit dito. Hinila nito nang bahagya pataas ang buhok ni Elisa na naging dahilan para mapaigtad nang pagkakatayo ang huli. Pagkatapos ay saka ito bumulong sa kaliwang tainga ni Elisa mula sa likuran. "Nakalimutan mo na ako o nagmamaang-maangan ka?" Inamoy niyon ang leeg niya pagkatapos ay dinilaan ito mula roon pababa sa kanyang balikat. Napaigtad si Elisa dahil doon. Mas lalo siyang kinilabutan sa ginawa ng misteryosong nilalang. Naramdaman niya ang pagtaas ng mga balahibo niya sa katawan at ang paninikip ng dibdib niya. Nakailang paglunok na rin siya dahilan para manuyo ang kanyang lalamunan. Pigil na pigil rin ang kanyang hininga. Kung ano-ano nang eksena ang pumapasok sa isip niya. Lahat iyon ay hindi maganda. Mas lalo lang tuloy niyang gustong makatakas mula rito. Mabilis siyang nag-isip ng paraan at kumuha ng tiyempo. Walang magagawa kung magpupumiglas lang siya basta rito. Mahina si Elisa kumpara sa nilalang na iyon. Isa pa ay napilayan ang kanyang paa kaya hindi rin siya agad-agad na makakalayo rito. Kailangang may gawin siya. Kung madadale niya siguro ang sensitibong bahagi ng katawan nito ay maaari pa siyang magkaroon ng pag-asa. "Ano, Elisa? Natahimik ka yata?" mayamaya'y tanong nito. Muli nitong inamoy-amoy ang kanyang leeg. "Wala ka nang magagawa. Sumama ka na lang sa akin." Ilang sandali ng katahimikan ang namayani sa kanila bago magsalita si Elisa. "Sasama na ako sa iyo." Kahit kinakabahan ay nagawa niyang sabihin ang mga kataga. Syempre, hindi iyon totoo. Pero nakaisip na siya ng paraan kung paano makakatakas dito. Sana lang ay mapaniwala niya ito. "Talaga?" Naramdaman ni Elisa ang bahagyang pagluwag ng hawak nito sa kanya. Mukhang epektibo ang naisip niya. "Oo. Sasama na ako. Pero bitiwan mo muna ako. Huwag kang mag-alala. Kagaya nga ng sinabi mo, kahit saan ako pumunta, hindi kita matatakasan. Kaya hindi na rin ako magbabalak na takasan ka." "Baka nililinlang mo lamang ako, Elisa," may pag-aalangan pang sabi nito. Ngunit sa kabila niyon ay nararamdaman na ni Elisa na napapaniwala niya na ito. "Maniwala ka sa akin. Sasama na ako." Kagaya nga ng sinabi ni Elisa ay binitiwan nga siya nito. Mas lalong napangiti si Elisa. "Salamat." "Hindi ka magsisisi sa desisyon mo, Elisa," nasisiyahang sabi ng nilalang. Hinaplos niyon ang buhok ni Elisa at saka hinalikan. Iyon na ang hinihintay na pagkakataon ni Elisa. Ihinanda niya ang sarili at pagkatapos ay iniuntog nang malakas ang kanyang ulo sa mukha nito. "Pero mamamatay muna ako bago sumama sa iyo!" sigaw niya nang hindi lumilingon dito. Pagkatapos ay dali-dali siyang tumakbo. Hindi na niya ininda ang paang napilayan. Mas mahalagang makalayo na siya roon. "Aaaaaaaggghhhh! Niloko mo ako, Elisa! Pagbabayaran mo ito!" galit na sigaw ng nilalang na iniinda ang sakit ng kanang mata na natamaan ng ulo ni Elisa. Nakalapat ang kanang kamay nito roon. Dahil sa lakas ng impact ng pagkakaumpog sa mata nito ay parang mababaliw na ito sa sakit. "Mapapasaakin ka rin, Elisa." Napagdesisyunan niyang huwag munang sundan ang dalaga at pabayaan ito pansamantala. Kahit naman anong gawin nitong pagtakbo ay hindi pa rin ito makakatakas. Maliban na lang kung magigising si Elisa sa panaginip na kaniyang nilkha.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
175.5K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
14.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
77.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
133.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
139.7K
bc

His Obsession

read
85.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook