Eviane Elaine's P. O. V.
Suot ko ang company uniform na binigay sa akin kahapon bago ako umalis sa company building ng mga Bartolome. Kung alam ko lang na si Garrison pala ang may-ari noon. Sana hindi na ako nag-apply. Kinuha ko ang bag ko at muling nakita ang makapal na pera, napabuntong hininga ako.
"Hindi, ayos lang pala. Sayang din ang pera. Kailangan ko 'to ngayon."
Pinatay ko ang ilaw sa aking studio style apartment. Sinuot ko ang aking sandals ngunit napahinto ako nang maalalang ang sandals na ito ay binili sa akin ni Solomon.
"Bwisit!" inis kong sabi. Agad kong kinuha ang pares ng sandals sabay hagis sa trashcan. Sinuot ko na lamang ang sandals na ako mismo ang may bili.
Nagmamadali akong lumabas ng apartment. Habang pababa ako ng hagdan ay nakasabay ko ang ilang estudyante na dito rin naka-dorm. Sabay-sabay kaming lumabas ng gate, isang jeep naman ang dumaan kaya agad naming pinara iyon. Sumakay ako ng jeep. Hindi naman ako maarte sa sasakyan, mas sanay pa nga ako mag-jeep kaysa mag-taxi dahil noong college ako ay araw-araw akong sumasakay ng jeep.
Napahawak ako sa aking batok, si Solomon nga pala ang kasama ko noong college. Ayoko na lang maalala.
"Para po!" sigaw ko nang makarating ako sa aking destinasyon.
Napatingin ako sa aking relo at nanlaki ang mga mata ko nang makitang 6:10 am na. Sinabi ni Garrison na eksaktong alas-sais ay dapat naroon na ako. Napatakbo ako papasok building. Nagulat naman ako nang makitang wala pang masyadong tao.
Hindi ata totoo na alas-sais? Bakit wala pang mga employees!? Ginagago ata ako ng lalakeng 'yon!
Pumunta ako sa elevator at habang hinihintay itong bumaba ay nag-cellphone muna ako. Binalita ko sa group chat naming magkakapatid na may trabaho na ako, ito naman ang importante.
Bumukas ang elevator at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Garrison, kasama niya si Jonathan. Nakaayos na ito, suot ang suit niya. Lagi siyang naka formal attire, sabagay, CEO nga naman.
"Good morning, Sir."
"You're fifteen minutes late." Cold ang pagkakabigkas niya ng bawat salita. Ni-hindi niya magawang tumingin sa mga mata ko.
Napakunot naman ang noo ko. Ano kayang nangyare? Parang kahapon lang ay pinagtatawanan niya ako sa mga nangyare sa akin.
"Here's your I.D," sabi ni Jonathan sabay abot sa akin ng I.D na may lace na.
Kinuha ko iyon. Lumabas sila ng elevator. Habang ako ay tinitignan ang itsura ko sa I.D. Ginamit nila ang picture ko sa resume. Pinalitan lang nila ang attire ko na same ng uniform na suot ko. Muli ko silang nilingon at nakita kong patungo sila sa exit palabas ng parking lot.
"S-Sir!" Hinabol ko sila.
Sa pagtakbo ko ay nagulat ako nang bigla akong matipalok, saktong nasa harapan ko na si Garrison. Na-out of balance ako at agad na nahulog sa kaniyang likod. Naramdaman ko naman ang kamay niya sa beywang ko.
Napakagat ako sa ibabang labi ko nang makiyang nasira ang aking sandals kaya ako natipalok.
"Can you be more careful next time? You're always clumsy." Binitawan ako ni Garrison.
"S-Sorry, Sir." Pinulot ko ang sandals kong sira na.
Napatingin sila sa akin at wala akong maramdaman kundi kahihiyan. Matagal na kasi ang sandals na ito at mukhang kumunat na dahil natambak. Akala ko goods pa suotin, hindi na pala. Nakakahiya lang tuloy.
"Jonathan, go buy her sandals." Napatingin ako kay Garrison.
Nakita kong inabot ni Garrison ang itim na card kay Jonathan. Napalunok ako ng ilang beses. That card is unlimited, as in kahit anong bilhin mo. Never kami nakahawak ng ganoon ni Solomon at pinangarap namin na magkaroon ng ganong klaseng card.
"S-Sir, hindi na. Ayos lang ako susuotin ko na lang 'to!" Mabilis akong yumuko para ipagpilitang suotin ang sandals.
Sinubukan ko itong ilakad pero parang hinihilahod ko ang paa ko.
"See? Okay na," I said awkwardly. Tinignan naman ni Jonathan ang sandals ko.
"Size 8."
"Hindi na!"
"I can see that your sandals is perfectly fine."
I saw him smirks sabay lakad. Nanlaki ang mga mata ko sa bilis niya maglakad at wala akong nagawa kundi habulin na naman siya habang hinihilahod ang sandals ko sa aking paa.
Sinuot ko ang aking I.D. Nakita ko namang pumasok si Sir Garrison sa kaniyang sasakyan. Napatayo lang ako sa labas dahil hindi ko alam kung saan ako sasakay dahil sa katabi ng sasakyan ni Sir ay sasakyan naman ni Jonathan. Akmang bubuksan ko ang pinto ng sasakyan ni Jonathan pero bigla itong umandar.
"What are you doing!? Come inside!" iritableng sabi ni Sir Garrison.
Napaawang ang labi ko dahil dalawang seat lang mayroon ang sasakyan. Sumakay ako sa passenger seat. Namangha ako sa ganda features ng sasakyan. Para itong sports car.
"Saan ba tayo pupunta, Sir?" tanong ko. Pinipilit kong umasta ng pormal dahil nandito ako para magtrabaho, hindi para makipag-away sa kaniya.
"Somewhere."
Napataas ang kilay ko, anong lugar naman ang somewhere!? Gusto ko na siyang kutusan sa totoo lang. Naiinis na ako sa pagiging pilosopo niya. Kahapon pa siya at nauubos na ang pasensya ko.
Pinaandar niya ang sasakyan. Nakakapit naman ako sa seatbelt dahil sa bilis niyang magmaneho. Para kaming lumilipad. Huminto kami sa isang malaking restaurant. Nabasa ko ang pangalan nitong Stakehouse PH.
"A-Anong ginagawa natin dito?" tanong ko.
Hindi sumagot si Garrison at nag-park ng sasakyan. Ilang minuto lang ay kumakatok si Jonathan sa bintana ng sasakyan. Kinuha ni Garrison ang hawak na paper bag ni Jonathan at agad na inabot sa akin.
"Wear this."
Napaawang ang labi ko nang makita ang DG na brand name. I know they never bought a fake one and this brand is really expensive. Binuksan ko ito at nilabas ang kahon. Nagulat ako nang makita ang isang white sandals na may 2 inches na heels. Napakaganda nito.
"S-Sir, wala akong pambabayad dito---"
"Have breakfast with me, that's all. Wear that and let's go." Agad niyang tinanggal ang seatbelt nito. Pinatay ang makina ng sasakyan at lumabas.
Bakit niya ginagawa ito!? Ano bang trip niya!?
Mabilis kong sinuot ang sandals na binigay niya. Sakto ito sa paa ko at bagay na bagay sa akin. Gusto kong tumalon sa saya dahil ang ganda ng sandals na ito. Pero kapag naiisip kong galing kay Garrison ay nawawala ang saya ko.
Pinagbuksan ako ni Garrison ng pinto. Ngumiti ako sa kaniya at sinubukan kong ilakad ang suot kong sandals. Sobrang ganda, komportable suotin at bagay na bagay sa uniform ko.
"Did you like it?" tanong ni Garrison.
"Obvious ba? Siguro naman hindi mo ikakaltas 'to sa sahod ko. Baka kahit sampung taon ako magtrabaho sa 'yo ay hindi ko ito mabayaran." Inirapan ko siya.
"Let's go." Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako papasok sa loob ng restaurant.
"Reservation for two, Garrison Bartolome," rinig kong sabi ni Jonathan sa staff ng restaurant.
"This way po." Tumuro ang staff at naglakad. Nakasunod lang kami sa kaniya.
"Bakit dalawa lang? Paano si Jonathan?" tanong ko kay Garrison.
"He'll eat as well, but not with us at the table."
"H-Ha? Magsa-sarili pa siyang lamesa---"
"Remove this I.D for a while," ani Garrison sabay tanggal sa suot kong I.D.
Nilagay ko naman iyon sa hand bag ko. Nakasunod lang ako sa kanila hanggang sa makarating kami sa aming lamesa. Hinila ni Garrison ang upuan para sa akin.
"Thanks," sambit ko sabay ikot ng aking paningin.
Napakaganda ng paligid, kahit may mga kumakain ay tahimik lang. Maraming chandeliers at iba't ibang ilaw. Nakita ko naman ang CR sa hindi kalayuan. Pagkatapos ay maraming paso at mamahaling halaman. Ang bintana naman ay vintage style.
"Mukhang mahal din dito," kumento ko.
Hindi ako pinansin ni Garrison, busy siya sa kaniyang cellphone. Nakita ko namang halos katabi lang ng lamesa namin si Jonathan ngunit nasa dulo ito.
"Bakit hindi pa natin siya sinama sa lamesa? Ang laki ng table, kasya dito tatlong tao," sabi ko.
"This is our breakfast, and let him enjoy his own company," aniya.
"Okay."
Dumating ang pagkain at laking gulat ko nang dalhin sa lamesa namin halos lahat ng menu nila dahil iba't ibang klase ng breakfast style ito.
"Parang ang sarap ng pancake na 'yan, may dessert pa. Cookies! Shocks, daming pastries," bulong ko. Biglang kumalam ang tyan ko.
Kinuha ko ang isang cookies at kakagatin na sana ito nang mahagip ng mga mata ko ang pamilyar na mga tao.
Solomon and Krizhel.
Nakita kong umupo sila sa hindi kalayuan na lamesa. Biglang nagtama ang mga namin ni Solomon dahilan para bumigat na naman ang puso ko. Parang may kung anong simento ang dumagan sa dibdib ko. Nabitawan ko ang cookies at napayuko. Malapit na akong maiyak.
"M-Magbabanyo muna ako," bulong ko at agad na tumayo.
Halos patakbo akong nagtungo sa CR. Nasa hallway pa lamang ako ng CR ay biglang may humila sa braso ko. Tuluyang tumulo ang mga luha ko.
I can't accept it, hindi ko akalain na magagawa akong lokohin at ipagpalit ni Solomon. He's been good for three years but now... He looks like a different person.
"Garrison," bulong ko nang makita kung sino ang humila sa akin.
"Use me, Eviane."
"H-Huh?"
"Use me to forget that bastard."
******************