Chapter 10

1012 Words
Agad tumayo ang director ng Bahay ampunan ng ihatid ng isang staff Ng Hospicio ang dalawang seminarista. "Good afternoon po father " halos sabay na bigkas ng dalawa sa katatayo lang na pari. "Good afternoon brother Gio and..." Sabay tingin kay Fibo. "Brother Fibo po father" Napapangiti si Gio sa actuation ni Fibo, akala mo maamong tupa ito.Maamong tupa Naman ito may kapilyuhan lang saloob loob ni Gio. "Have a sit brothers" senyas nito sa dalawang bagong dating. Kilala na ni Father Joel si Gio bilang anak ni Don Nicolas at Donya Esmeralda Ricablanca dahil number one benefactor ng Hospicio De San Jose ang pamilya nito. "So you want to volunteer brother Gio? Tanong Ng pari halos alam na nito ang pakay ng seminarista sa ampunan sa pagdalaw nito. "Sana po father" sagot nito sa may edad Ng pari. "Ikaw brother Fibo" sabay tingin nito sa kanya. Wala na nagawa si Fibo at napa oo na lang ito sa pari. Pagkatapos mag fill up Ng ilang forms. Agad Nila ito iniabot sa direktor. "Wala kayong fix na araw ng pag volunteer, you can come anyday, If merong activities or any outreach program we will inform you both ahead of time, alam ko din na may mga personal kayong mga bagay na aasikasuhin before your ordination. Hindi tamang dito lang iikot ang oras nyo." Paliwanag Ng pari. "Thank you po father" sabay na sagot Ng dalawa. "Meron kayo makakasabay pero isa siyang graduating student ng social work. Monday, wed at friday ang schedule nya sa pag practicum"dagdag pa Ng pari. Hindi gaano binigyan ng pansin ng dalawa ang sinabi Ng pari, dahil wala Naman Silang fix schedule dito malamang hindi rin sila magkikita ng sinasabi ni father Joel na makakasama. Nagpaalam na rin ang dalawang seminarista pagkatapos ilibot ni father Joel ang dalawa at pakilala sa ibang staff at volunteers ng Ampunan. "What next bro? Tanong ni Fibo sa Kasama na kumikindat. Alam ni Gio na may kalokohan itong iniisip. "Anong what next?, Uuwi na Tayo brother Fibo kaw ha kung ano na Naman iniisip mo? Sabay paandar ng gas Ng sasakyan. "Ahahaha anong iniisip ko father Gio? Ganting tukso nito. "Tumigil ka, parang di ka magpapari" ganti ni Gio "Hahaha ano nga? Pang aasar nito. "Ito oh" sabay amba ng kamao sa kaibigan na nangingiti. "OA Naman neto oh, no joke aside bro, kelan Tayo pasyal dun?" "Alam ni Gio kung ano ibig sabihin nito" "Fine, pero wag ngaun sa ibang araw Tayo pumasyal don,umuwi na Tayo" suko ni Gio sa kaibigan "Yown.." I love you baby...it's alright I love you baby.." sabay kanta ni Fibo na medyo sumasayaw ng dirty dance sa loob ng sasakyan. Napapailing na napapangiti si Gio sa kaibigan at nag concentrate na lang sa pag drive. Nag aagaw dilim na Ng dumating si Gio sa mansion Nila sa Corinthian Garden after idaan si Fibo sa Dasmariñas Village. "Hindi mo man lang ba ako bro ihatid sa palasyo ko" Parang nagpapaawang sambit ng kaibigan. "Bakit dito lang Naman Kita sinundo sa tapat Ng gate Ng village nyo ah" pang aasar ni Gio. "Oo na sige na lakarin ko na lang, baka may makasalubong pa ako ng chika babes hahaha" at binuksan na nito ang pinto Ng sasakyan. "Ewan ko sayo, cge na chat chat na lang or text text, pakabait ka ha" pahabol ni Gio. "Opo father Gio" sagot nitong tumatawa. Pagbaba pa lang ni Gio sa sasakyan narinig nya tumutunog ang organ Nila sa sala.Alam nyang ina ang tumutugtog sa organ dahil liban sa kanya ang ina lang ang maalam mag piyano sa mansion. "Hi ma",sabay halik sa ina pagpasok Ng mansion. "Hello iho," sagot Ng ina at tumigil pagtipa sa organ ng dumating ang anak. "Kanina ka pa daw before lunch umalis Ng kumpanya sabi Ng papa mo" Napatigil si Gio sa pangalawang baitang Ng hagdan Nila at lumingon sa ina. "Yes ma, naglunch lang kami ni Fibo tapos dumiretso kami kay father Joel at nag fill up Ng form para sa pag volunteer" sagot Ng binata sa ina. "Akyat muna ako ma, prayer at rosary time na kase" "Ok anak at ipapahanda ko na kay yaya Celia ang mesa,anytime darating na rin papa mo" "Okey ma,mag rosary lang ako sa silid ko, baba na lang ako after". At tuluyan na itong umakyat ng silid. Pangalawang araw ng ng lingo ng nag aassist si Giovanni sa misa sa kanilang bayan mula Ng lumabas siya ng seminaryo. Puno ang simbahan at kapansin pansin na halos mga kabataang babae ang laman ng simbahan. "Ang gwapo Naman ni father" bulong ng isang babae sa katabi "Hindi pa siya pari,tingnan mo nag aassist pa lang siya kay father Joel" sagot Ng katabi "Sana dito siya ma assign satin kapag nanordinahan na siyang pari" imik Naman ng isang babae. Ganun din ang usapan ng kabilang grupo ng mga babae. Kita sa mata Ng mga ito ang paghanga sa seminaristang si Gio habang nag aassist sa sakramento ng misa ni father Joel. "Ssshhh.." senyas ng matandang babae sa mga kabataang babae na tumahimik. Napapahiyang tumigil sa pag uusap ang mga ito tungkol sa seminaristang si Giovanni. Puso ko'y binihag mo sa tamis ng pagsuyo, tanggapin yaring alay, Ako'y iyo habang buhay, Aanhin pa ang kayamanan Luho at karangalan... Kung ika'y mapasakin.. Lahat na nga ay kakamtin. Isa isang nag punta ang mga tao sa aile ng simbahan upang tumanggap ng sakramento ng kumunyon habang Pumainlanlang ang isang kanta. Halos lahat Ng kababaihan ay pumila. Napapailing na lang ang ilang matatanda dahil alam Nila ang dahilan ng karamihang mangungumunyon,ito aya para masilayan ang seminarista na noon ay katabi Ng pari na nag aassist sa pag subo ng ostia sa mga tao. Hindi aware si Gio sa paligid, naka focus ang antensyon nito sa buong oras ng sacramento ng banal na misa. Hindi aware ang binata na lahat Ng kababaihan ay siya ang tinititigan. Nahahalata man nya na sa kanya nakatingin pero binabalewala lang nya. Natural lang na sa kanya nakatingin marahil dahil siya ay nasa unahan sa may altar katabi si father Roman.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD