bc

The Chosen Knights of Avreia

book_age16+
4
FOLLOW
1K
READ
bxg
70 Days Themed-writing Challenge
like
intro-logo
Blurb

Hindi nila kilala ang isa't isa pero pinagtagpo sila ng tadhana.

Sila ay napunta sa isang mundo na puno ng hiwaga na kung saan maraming pagsubok ang kanilang dapat malampasan.

Magtagumpay kaya sila sa kanilang tungkulin? Ang nabuong samahan at mananatili pa rin bang buo sa pagkatuklas ng mga sekreto?

Subaybayan natin ang mahiwagang paglalakbay ng tatlong babaeng itinakdang maging KNIGHTS ng AVREIA.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
           "Dalhin mo sa ligtas na mundo ang anak ko. At siguraduhin mong di kayo masusundan ni Dawi" naluluhang pakiusap ng Reyna sa kanyang kanang-kamay. Masakit para sa kanya na malayo sa anak ngunit ito lang ang naiisip niyang paraan para hindi madamay at masaktan ang anak niya. "Opo, mahal na reyna. Pero paano po kayo? Mas maganda kung sumama nalang din po kayo" nag-aalalang wika nito. "Hindi maaari. Baka tuluyan ng masakop ni Dawi ang mundo natin. At kapag sumama ako sa inyo alam kong hindi titigil si Dawi hanggang sa mahanap niya ako at sigurado akong hindi siya magkikiming saktan din ang anak ko" malungkot na paliwanag ng mahal na Reyna. Napabuntong-hininga nalang ang kanang-kamay nito. "Kung 'yan na po ang desisyon ninyo, masusunod po" magalang na wika nito. Biglang napalingon sa pintuan ang Reyna nang may kumatok. Isang kawal ang pumasok. Lumuhod ito at saka tumayo. "Mahal na Reyna, nakahanda na po ang lahat ng mga sundalo" pagpapa-alam ng kawal. Tumango-tango naman ang Reyna. Binalik niya ang tingin sa kanyang kanang-kamay habang buhat nito ang mahimbing na natutulog na sanggol. Lumapit siya at agad na kinarga ang anak. May mga luhang pumatak sa mga mata ng Reyna at makikita mo ang kalungkutan dito. Hinalikan nito sa noo ang sanggol. "Anak, ikaw ang pag-asa namin. Sa takdang panahon ay babalik ka sa totoo mong mundo, sa mundong ito. At hihintayin kita. Mahal na mahal kita, aking anak. Umalis na kayo" napaluhang wika ng Reyna at inabot ang sanggol sa kanang-kamay nito. Yumukod muna ito bago tuluyang tumalikod. Pinahid ng Reyna ang mga luha nya at saka mapait na ngumiti. "Hindi ako papayag na sakupin mo ang mundo ko Dawi. Kung kinakailangan na patayin kita, gagawin ko, kahit kapatid pa kita" bulong nito sa sarili. "Gusto kong umalis at magtago ka Rede" seryosong utos ng Reyna. "Pero, mahal na Reyna--" hindi natuloy ang sanang sasabihin nito nang magsalita ulit ang Reyna. "Sa takdang panahon ay malalaman mo rin ang dahilan kung bakit kailangan mong mabuhay. Umalis ka na. Ito ang huling utos ko" wika nito bago lumabas. Kasalukuyan...           Agad na nagsigawan ang mga tao dahil sa takot nang biglang lumindol ng pagkalakas-lakas. Habang sa loob ng kaharian ay napangiti si Dawi. "Malapit na" wika nito at saka napahalakhak ng malakas. Napatingin sa kalangitan at napangiti naman ng mapait si Rede, ang dating orakulo ng Reyna. Nang tuluyan ng masakop ni Dawi ang kanilang mundo at ikulong ang Reyna sa di-malamang lugar ay agad siyang nagtago dahil alam niyang hindi siya papalampasin ni Dawi. "Isang bahagi na naman ng mundo ang gumuho" malungkot nitong wika at saka napabuntong-hininga. Sa isang madilim na lugar, isang babae ang nakahiga sa malaking kama at mahimbing na natutulog. Bigla nalang may luhang umagos sa mga mata nito. Siya si Reyna Areia. Kahit natutulog ito ay alam niyang unti-unti nang nasisira ang kanyang mundo. Kung Earth ay mundong may mga nilalang na nakatira, ang Avreia naman ay may mga nilalang ding nakatira. Ngunit, ang dalawang mundo may malaking pagkakaiba. Dahil ang mga nilalang sa mundong Avreia ay nabubuhay sa mga mahika, samantalang ang mga nilalang sa mundong Earth ay nabubuhay gamit ang mga teknolohiya. Kung may pagkakaparehas man ang dalawang mundo iyon ay ang wikang ginagamit.           Agad na napaupo si Ashe mula sa pagkakahiga nang maramdaman nito ang malakas na lindol. Nang huminto na ay agad siyang napatayo at lumabas sa kwarto at tumakbo papunta sa kwarto ng Ina. "Ma!" Tawag niya mula sa labas. Nang hindi ito sumagot ay kumatok siya ng pagkalakas. Kakatok ulit sana siya nang magbukas na ang pinto. "Okay lang po ba kayo?" Agarang tanong niya. Nagtatakang napatingin sa kanya ang Ina niya. "Anong pinagsasabi mo? Okay naman ako hah" Takang tanong nito. "Hindi niyo po ba naramdaman na lumindol?" Napakunot noo ang Ina nito. "Anong lindol? Wala naman akong naramdaman?" Napakamot naman sa ulo si Ashe. "Pero lumindol talaga, kaya nga ako nagising" pagpupumilit nito. "Hay naku! Baka nanaginip ka lang! Sige na, bumalik ka na sa kwarto mo" natatawang sabi ng Ina niya at saka isinarado ang pinto. "Pero lumindol talaga eh!" Bulong ni Ashe sa sarili. Pagkaupo ng Ina ni Ashe sa higaan ay napabuntong-hininga nalang ito. "Nagsisimula na Nana" mahinang wika nito.           Mabilis ang pagmamaneho ni Aimee sa kanyang motor na para bang may karera. Nagulat nalang ito nang biglang umuga ng malakas ang lupa at muntik pa siyang matumba. Agad siyang huminto sa pagmamaneho at naramdaman nito ang malakas na lindol. Napatingin siya sa paligid at biglang nagtaka nag makitang ang ilang taong naglalakad na parang di ramdam ang malakas na lindol. Napailing-iling nalang si Aimee dahil sa nangyari. "Gutom lang siguro 'to" Wika nito sa sarili. Nagpatuloy nalang ito sa pagmamaneho.           Napahinto si Lalla sa paghuhugas ng pinggan nang bigla nitong naramdaman ang malakas na paglindol. Agad siyang sumuong sa ilalim ng mesa at doon nagtago. Nang unti-unti ng huminto ang lindol ay hindi muna lumabas si Lalla baka lumindol ulit. Naramdaman nito na para bang may nakatingin sa kanya mula sa likuran at paglingon niya ay halos mapasigaw siya sa gulat nang makita ang nagtatakang mukha ng kapatid niya. "Bakit ka nagtatago sa ilalim ng mesa?" Takang tanong nito. "Dahil sa lindol" sagot niya at saka umalis na sa ilalim ng mesa. Napakunot-noo siya nang biglang tumawa ng pagkalakas-lakas ang kapatid niya. "Anong nakakatawa?" Naiinis niyang tanong. "Anong lindol? Naka-drugs ka ba ate? Wala namang lindol eh!" Natatawang sabi kapatid nito. "Anong walang lindol? Hindi mo na naramdaman yun, para ngang masisira ang bahay natin dahil sa lakas" nagtatakang wika niya. "Ewan ko sayo, ate. Kung naka-drugs ka man mas mabuti pang huminto ka na habang maaga pa" wika nito at saka tumawa habang bumalik sa sala nila. "Hindi naman ako naka-drugs ha! Pero lumindol talaga eh!" Nalilitong wika nito sa sarili. Papasok na sana si Nana nang bigla nalang nitong naramdaman ang pagyanig ng lupa. At alam niya na hindi ito pangkaraniwang na lindol. "Nagsisimula na. Wag kayong mag-alala Reyna Areia dahil malaki ang pag-asa nating manalo laban kay Dawi sa tulong ng Knights at ng prinsesa" bulong ni Nana sa sarili. "Nandiyan ka na pala, ma" Gulat na wika ni Lalla nang makitang nakatayo sa labas ng pinto nila ang Ina nito. Napangiti naman si Nana nang makita nito ang tinuturing na anak na si Lalla.          Papasok na sana sa bahay si Rede nang bigla siyang napahinto ng may mga imahe siyang nakita. Tatlong babae ang nakita niya at nakasuot ang mga ito ng pandigma. "May pag-asa pa" natutuwang wika nito sa sarili at mabilisang pumasok sa loob at dumiretso sa kwarto nito. Agad niyang hinanap ang librong naglalamang ng spell kung paano makagawa ng isang portal papunta sa ibang daigdig. Napangiti ito ng malapad nang makita na nito ang hinahanap. Binuksan niya ang libro at binasa ang isang spell. Pagkatapos basahin ay itinaas niya ang libro at ipinikit ang mga mata. "Hiwaga na nagmumula sa libro. Liwanag mo ay ipakita at ako ay iyong dalhin sa ibang daigdig kung saan nakatira ang mga taong nakatakdang tatalo kay Dawi. Pintuang pumapagitan sa ibang daigdig bumukas ka!" Malakas na sigaw ni Rede at agad namang nagliwanag ang hawak nitong libro. Bigla nalang may nabuong malaking bilog sa harapan niya. Pagkatapos noon ay bigla nalang umapoy ang hawak na libro. Agad naman itong nabitawan ni Rede. Hinayaan niya lang na masunog ang libro at nagmamadaling pumasok sa portal. Pagkapasok niya ay agad na nagsara ang portal at siya rin namang pagpasok ni Dawi sa kwarto ni Rede, kasama ang mga kawal nito. Napahalakhak nalang si Dawi. "Nangyari na."           "Ma, pupunta muna ako sa mall. Bibili ako ng strings para sa guitar ko" pagpapaalam ni Ashe Kay Fiona, ang Ina niya. "Sige. Basta mag-iingat ka sa daan" paalala ng ina nya. "Okay po" sagot niya sa Ina. Agad na pinara ni Ashe ang paparating na Taxi. "Saan po kayo, ma'am?" Tanong ng driver nang makasakay na siya. "Sa HL mall po manong" sagot niya naman.          "Aalis ka na naman?" tanong ng Ina ni Aimee. Tumango naman si Aimee bilang pagsagot. "Kailan ka ba titigil sa racing racing na yan hah?" Galit na tanong ni Diane. "Libangan ko na po yan, ma" sagot ni Aime at saka nagmamadaling lumabas sa bahay nila. Napabuntong hininga nalang si Diane sa inasta ng anak. Sasakay na sana si Aimee sa kanyang motor nang biglang mag-ring ang cellphone nito na nasa bulsa. Kinuha niya ito at agad na sinagot. "Hello?" Sagot niya sa kabilang linya. "May gustong humamon sayo" wika ng nasa kabilang linya. "Sige! Kailan?" Tanong niya. "Mamayang ala una" sagot ng nasa kabilang linya. "Okay. Mamaya na ako pupunta diyan, magpapalamig muna ako sa mall" sabi niya at saka binaba na ang tawag. Inayos muna nito ang suot na itim na jacket, saka pinaharurot ang motor nito.           "Ma, pahingi ng pera may bibilhin kasi akong materials para sa project ko" paglalambing ni Lalla sa Ina niya na nanonood ng tv. "Para sa project ba talaga?" Birong tanong ni Nana. "Opo! Promise!" Nakangusong sagot nito. "Oh heto, bumili ka na rin ng mga bago mong damit" natatawang sabi ni Nana sabay abot sa pera. Napangiti si Lalla nang makitang 5000 ang inabot ng Ina nito. "Wahhh! Thank you ma" masayang pagpapasalamat nito sabay yakap ulit sa ina. "Umalis ka na at baka ma-traffic ka pa" sabi nalang ng Ina niya. "Aye aye captain" nakasaludong sagot nito bago umalis. Napailing nalang ang Nana dahil sa kakulitan nito.           Papasakay na sana si Ashe sa elevator nang biglang may bumangga sa kanyang balikat mula sa likuran at nauna itong pumasok. Pagtingin niya ay babae pala na nakasuot ng itim na jacket. Napailing nalang si Ashe. Pipindutin na sana niya ang close button nang may dalawang kamay na humarang. "Salamat at nakaabot ako" wika nito na hinihingal pa. Napangiti nalang si Ashe sa reaksyon nito. Pero nakita ni Lalla ang pagngiti niya kaya napakamot nalang ito sa ulo dahil sa kahihiyan. Habang tahimik ang tatlo sa loob ng elevator ay nagulat nalang sila nang umuga ito ng malakas at biglang napatay ang ilaw. "A-anong nangyayari?" Kinakabahang tanong ni Lalla. "Sa tingin mo? Kita mong nawalan ng kuryente" biglang bara ni Aimee. Nagulat nalang sina Aimee at Ashe nang biglang umiyak si Lalla. Nataranta naman si Ashe lalo pa at hindi niya alam kung saan ito dahil sa dilim. Pilit niyang sinundan ang boses nito hanggang sa makapa na niya ito. "Sshhh! Wag kang matakot" pagpapatahan niya kay Lalla. Bigla nalang niyakap ni Lalla si Ashe. Napa-tsk nalang si Aimee dahil sa ingay. Halos mag-iisang minuto na rin ang nakalipas simula ng mawalan ng kuryente. Agad na napatayo sina Ashe at Lalla ng makitang gumalaw ang pinto at may nakita silang kunting liwanag mula sa labas. Agad na napatakip ang tatlo dahil sa nakakasilaw na liwanag na sumalubong sa kanila nang magbukas na ang pinto ng elevator. Nang unti-unti ng nawala ang liwanag ay agad nilang tinanggal ang kanilang kamay. "Magandang araw sa inyo mga knights" bati ng isang babae na nakasuot ng puting damit at may hawak na malaking baston. Napataas naman ng kilay si Aimee. Sina Ashe at Lalla naman ay nagtatakang tumitig sa babae dahil sa weird nitong suot. Sa tingin nila ay halos ka-edad lang nila ang babae. "Takas mental ka ba?" Di mapigilang tanong ni Aimee. Natawa nalang ang babae. "Confirmed" bulong ni Aimee sa sarili. "Hindi ako baliw. Ako si Rede, nagmula sa mundo ng Avreia. Nandito ako para sunduin kayo, mga napiling knights" pagpapakilala ni Rede sa tatlong babae. "Avreia?" nagtatakang tanong ni Ashe. "Ang mundo namin ay matatagpuan sa halos pinakadulong bahagi ng kalawakan" pagpapaliwanag ni Rede. "Wow hah! Galing mong gumawa ng kuwento" wika ni Aimee at napa-irap. Aalis na sana ito nang biglang nagsalita ulit si Rede na naging dahilan ng pagtindig ng kanilang balahibo "Mga lapastangan! Kayo ang napili ng Reyna na maging knights at sugpuin si Dawi at ang mga tauhan nito" galit na sigaw ni Rede. "Wala kayong karapatang suwayin ang itinakda ng Reyna" pagpapatuloy nito. Nagulat nalang sila sa sunod na nangyari nang ipinukpok nito ang hawak na baston at isang bilog ang nabuo. Unti-unti itong lumaki at papalapit na sa mismong kinatatayuan ng tatlo. Sinubukan ng tatlo na tumakbo pero huli na dahil tuluyan na silang naabutan at nahulog. Sumunod naman sa pagtalon si Rede. Napatakip nalang siya sa dalawang tenga niya dahil sa lakas ng sigaw ng tatlo. Napatingin sa itaas sina Fiona at Nana. Nagkayayaan sila ng magkita sa isang cafe. "Nakarating na sila" nakangiting wika ni Fiona. "Sana okay lang sila" nag-alalang wika ni Nana. "Magiging okay sila, sigurado akong gagabayan sila ni Rede" nakangiting wika ni Fiona para hindi na mag-alala si Nana. Napangiti nalang din si Nana. Hindi mapigilang mapamura ni Aimee nang bumagsak siya sa lupa. Sina Lalla at Ashe naman ay napa-aray nalang. Muntik pang mapasigaw si Lalla sa takot nang makita kung saan sila nakaupo, sa gilid ng pangpang. Isang maling galaw, siguradong mahuhulog sila. Dahan-dahan silang umatras. "Nasaan tayo?" Di mapigilang tanong ni Ashe. "Maligayang pagdating sa mundo namin, ang Avreia" pagbati ni Rede. Agad na hinanap ng tatlo ang pinagmulan ng boses. "Guys, tingin kayo sa itaas" wika ni Ashe na nakatingin sa itaas. Sinunod naman ng dalawa ang sinabi ni Ashe. At gayun nalang ang gulat nila nang makita na nakalutang sa ere si Rede. "Pa-paanong?" Gulat na tanong ni Lalla. "Ano na namang kalokohan to?" Naiinis na tanong ni Aimee. "Pwede ba, wala akong time para sa mga paandar mo" pagpapatuloy nitong sabi. "Don't tell me may powers ka?" Manghang tanong ni Ashe. Agad na nagtago si Lalla sa likuran ni Ashe nang bumaba na si Rede sa lupa. "Oo, may kapangyarihan ako. Ako ang orakulo ni Reyna Areia" pagpapakilala ulit ni Rede. "Teka lang, nagugulahan ako. Di ba sabi mo, ang mundo niyo ay matatagpuan halos sa pinakadulo ng kalawakan. Kung ganun, paano kami nakarating dito?" Curious na tanong ni Ashe. "Dinala ko kayo dito sa pamamagitan ng portal, yung bilog na ginawa ko" sagot naman ni Rede. "Naalala ko, sinabi mong magandang araw sa inyo mga knights kanina. Anong ibig mong sabihin?" Di na ring mapigilang mag-tanong ni Lalla. "Kayo ang ibig kong sabihing knights. Kayo ang napili ni Reyna Areia na maging knights para labanan si Dawi" sagot ni Rede. "Dawi?" Tanong ni Ashe. "Si Dawi ang kasalukuyang namumuno sa Avreia at simula ng naging pinuno siya ay unti-unti ng nasisira ang mundo namin" malungkot na wika ni Rede. "At ano namang kinalaman namin sa mundo niyo, taga-Earth kami" naiinis na sabat ni Aimee. "Oo, alam ko. Pero sigurado akong may dahilan ang Reyna kung bakit kayong taga-earth ang napiling maging knights" seryosong wika ni Rede. "Kung ganun nga, di ko tinatanggap ang pagiging knight dahil hindi pa ako baliw. Ibalik niyo nalang ako sa Earth" seryosong sabi ni Aimee. "Pasensya na pero wala akong kakayahang ibalik kayo ngayon sa Earth dahil nasunog na ang librong naglalaman ng spell" Napailing-iling na wika ni Rede. "Ano? Ang gulo mo pala eh! Nagawa mo nga kaming dalhin dito pero di mo kami kayang ibalik. Ano 'to lokohan?" Galit na wika ni Aimee. "Pasensya na. Kung gusto niyong makabalik kailangan ninyong iligtas ang Reyna dahil sigurado akong alam niya kung paano kayo ibalik" sabi nalang ni Rede. Magsasalita pa sana si Aimee nang bigla nalang lumindol ng malakas. Muntik pang matumba si Lalla mabuti nalang at nahawakan siya ni Ashe. "Anong nangyayari?" Tanong ni Ashe. "Paniguradong alam na ni Dawi na nakarating na tayo" seryosong wika ni Rede. "Huh? A-anong gagawin natin?" Natatakot na tanong ni Lalla. "Sagurus!" Malakas na sigaw ni Rede. Nagkatingin naman ang tatlo at napailing-iling. Nakarinig sila ng pagaspas. Nanlaki ang mga mata nila nang makita ang isang napakamalaking dragon na lumilipad patungo sa direksyon nila. "Wag kayong matakot. Siya ang alaga kong si Sagurus" paliwanag ni Rede sa tatlo nang makita niya ang takot sa mga mukha rito. "Ahh, o-okay" nauutal na wika ni Ashe. Napatakip sila sa mga mata dahil sa alikabok nang bumaba ang dragon. "Bilis, sumakay na kayo" malakas na sigaw ni Rede sa tatlo. Kahit nagdadalawang-isip ay agad namang sumakay ang tatlo. Napasigaw at napahawak sila ng mahigpit nang bigla nalang lumipad paitaas ang dragon. "Dadalhin niya kayo sa bahay ko" wika ni Rede. "Paano ka po?" Nag-alalang tanong ni Ashe. "Susunod ako. Sa ngayon ay may pipigilan lang ako" nakangiting sagot ni Rede. Napatango nalang si Ashe. Lumipad naman paitaas ang dragon. Napatingin sila sa ibaba at hindi nila mapigilang malula dahil sa taas ng lipad nila. Bigla nalang silang nakarinig ng pagsabog mula sa likuran. Napalingon naman sila at gayun nalang ang gulat nila nang makitang nakikipaglaban si Rede sa dalawang malaking halimaw. "Rede!" Hindi mapigilang sigaw ni Ashe nang makita kung paano ito tamaan ng suntok ng halimaw. Hindi mapigilang mapatayo si Ashe dahil sa nakita. "Hey! Anong balak mo?" Takang tanong ni Aimee. "Tutulungan ko siya" seryosong wika nito. "Nababaliw ka na ba? Kapag bumaba ka siguradong patay ka" galit na wika ni Aimee. "Wala akong pakialam. Sabi ni Rede tayo ang napiling maging Knights. At tinanggap ko ang misyon" seryosong wika nito sa dalawa. Nagulat nalang sila nang biglang tumalon si Ashe. "Sandali!" Sigaw ni Lalla kay Ashe. "Nababaliw na siya" galit na wika ni Aimee. "Kailangan nating bumalik" nag-alalang wika ni Lalla. Napabuntong-hininga nalang si Aimee. "Sagurus, ibalik mo kami doon sa baba" sinusubukang utos ni Aimee sa dragon. "Masusunod" sagot ng dragon. Nagkatingin ang dalawa at hindi mapigilang mapasigaw. Napapikit nalang si Ashe nang makita niyang malapit na siyang mag-landing sa lupa. Nagulat nalang siya nang biglang may humawak sa kamay niya. Napadilat siya at napatingin sa itaas. Ang seryosong mukha ni Aimee ang nakita niya. "Baliw ka talagang babae ka" hindi nito mapigilang wika. Natawa nalang siya pati na rin si Lalla na nasa likuran lang ni Aimee. Inabot din ni Lalla ang kamay nito at tinanggap naman ito ni Ashe. Hinila ng dalawa si Ashe para makasakay ito sa dragon. "Salamat" nakagiting pagpapasalamat ni Ashe sa dalawa. Tumango lang ang dalawa. "Teka lang, kanina pa tayo magkasama pero hindi pa natin kilala ang isa't isa" biglang wika ni Lalla. "Ako si Ashe Salvador" naunang pagpapakilala ni Ashe. "Ako naman si Lalla Damian" sunod na pagpapakilala ni Lalla. "Aimee Alvarez" huling pagpapakilala ni Aimee. Bigla silang napatingin sa ibaba kung nasaan si Rede nang makarinig sila ulit ng pagsabog. Nakita nila kung paano tumilapon si Rede nang matamaan ito ng malaking kamao ng halimaw. "Anong gagawin natin?" Nag-aalalang tanong ni Lalla. "Dapat may bumaba para kunin ang atensyon nila at para mailigtas si Rede" seryosong wika ni Ashe. "Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ni Aimee. "Bababa ako at kukunin ko ang atensyon nila at kayo na ang bahala kay Rede" wika nito sa dalawa. "Baliw ka talaga! Pagbaba mo palang siguradong patay ka na, hindi nga kinaya ni Rede ang mga halimaw kahit may kapangyarihan siya, ikaw na ba?" galit na wika ni Aimee. "Bakit nga ba tayo napiling maging Knights? Ibig sabihin lang noon ay hindi rin tayo pangkaraniwang" nakangiting wika ni Ashe. Napailing-iling nalang si Aimee. Napatingin ulit sila sa ibaba at nakita nila na susuntukin na sana ng isa sa mga halimaw si Rede. "Sa pagkakaalam ko bumubuga ng apoy ang mga dragon" naalalang wika ni Lalla. "Bugahan mo ng apoy yung halimaw na yun" Utos ni Aimee sa dragon. "Masusunod" sagot naman ng dragon. "Wait, nagsasalita ang dragon?" Gulat na tanong ni Ashe. "Parang ganun na nga" sagot ni Lalla at naiilang na tumawa. Agad namang binugahan ng dragon ng apoy ang halimaw na susuntok sana kay Rede. Napasigaw ang halimaw dahil sa sakit. Galit itong napalingon sa direksyon nila. "Lumipad ka paitaas" utos ni Aimee sa dragon. Mabilis naman itong pumaitaas. "Ibaba niyo ako doon" turo ni Ashe. Mabilis namang lumipad ang dragon papunta sa direksyong itinuro ni Ashe. Agad namang bumaba si Ashe. "Kayo na ang bahala kay Rede" pagpapaalam nito sa dalawa. "Mag-iingat ka" nag-aalalang paalala ni Lalla. Tumango nalang si Ashe. Agad namang lumipad paitaas ang dragon. Halos matumba si Ashe nang biglang umuga ang lupa. Nakita niya ang dalawang malaking halimaw na tumatakbo patungo sa direksyon niya. Napa-smirk nalang si Ashe. "Ito na ang hinihintay ko" wika nito sa isipan. Bigla nalang nitong pinatunog ang mga kamao. Tiningnan niya muna ang direksyon kung nasaan si Rede at nang makita niyang naisakay na nila ay hinarap niya ang mga higanteng halimaw na papalapit na. "Isa ako sa mga fan ni Saitama" nakangiti nitong wika. Bigla nalang sinuntok ni Ashe ang lupa na naging dahilan ng pagkaroon ng malakas na pag-uga ng lupa. Nakita niya na natumba pa ang isa sa mga halimaw. At unti-unting nagkaroon ng bitak ang lupa. Mabilis siyang tumalon papalayo nang makitang nagkaroon din ng bitak ang kinatatayuan niya. Hindi niya mapigilang mapangiti nang makitang unti-unting umatras ang halimaw. Napatingin siya sa itaas at nakita niya ang pagkagulat sa mga mukha ng dalawa. Sumaludo siya sa mga ito. Naramdaman naman niya ulit ang pag-uga ng lupa. Nakita niyang nakatayo na ang isa sa mga halimaw. At sabay naglakad ang dalawa sa direksyon niya. "Sword of crimson death" nakapikit na bulong ni Ashe. Bigla nalang may nabuong espada sa kamay nito habang napapalibutan ng apoy. "Sige lumapit pa kayo" naka-smirk nitong wika. Nang makita niyang nakalapit na nga ang mga halimaw. Bigla nalang itinaas ni Ashe ang espada. "Sword of crimson death x50" malakas na sigaw ni Ashe. Agad namang lumaki ang espadang hawak ni Ashe at napalibutan ito ng kulay itim na apoy. Dalawang kamay ang ginamit niya sa paghawak sa espada dahil sa may kabigatan din ito. Napailing-iling nalang si Ashe nang makitang naging kulay itim ang buong braso niya. "Ashe!" Rinig niyang sigaw ni Lalla. Napatingin siya sa itaas at nakita niya ang kamaong paparating. Mabilis namang hinarang ni Ashe ng espada ang kamao. Muntik pang mapaupo si Ashe dahil sa bigat ng kamao ng halimaw. Bigla siyang napatingin sa gilid at nakita niya ang paparating na kamao mula sa kasamahang halimaw nito. Tinanggal niya ang isang kamay na nakahawak sa espada. "Fires shield" bulong nito at saka itinaas ang kamay. May lumabas namang apoy sa kamay nito at naging bilog. Nang sinuntok siya ng halimaw ay napaatungal ito sa hapdi dahil sa apoy. Nabalik ang atensyon niya sa halimaw na nasa harapan niya nang sunod-sunod siyang pinaulanan ng suntok. "Mukhang namumuro ka na" inis na wika ni Ashe. "Crimsons whistle" Sigaw nito at bigla nalang lumakas ang apoy. Napaatras naman ang halimaw. "Tatapusin ko na kayo. Crimsons fires death!" Sigaw nito at saka iwinasiwas ang espada. Napaatungal ang mga halimaw sa sakit at unti-unti namang naging visible ang mga sugat. "Crimsons heavenly fire final moves" Sigaw ulit nito at bigla nalang nagkaroon ng malaking apoy. Mabilis namang pumaitaas ang dragon dahil maaabutan sila ng apoy. Ang narinig nalang nila Lalla, Rede at Aimee ay ang hinagpis ng mga halimaw. Hindi nila alam kung ano na ang nangyayari dahil sa malaking apoy. Nagulat nalang sila sa nasaksihan sa ibaba nang tuluyan ng humupa ang apoy. Patay na ang dalawang higanteng halimaw, sunog ang buong katawan at pugot ang mga ulo. Nakita nila si Ashe na nakaluhod at sunog ang buong braso. Agad namang lumipad ang dragon paibaba, papunta sa direksyon ni Ashe. Mabilis naman silang bumaba at akmang hahawakan na sana ni Lalla si Ashe ng bigla itong magsalita. "Wag mo akong hawakan kung ayaw mong masunog pati braso mo" wika nito at saka tumayo. "Uulitin ko lang yung sinabi mo kanina, napili tayong knights kasi hindi tayong pangkaraniwang" nakangiting wika ni Lalla. Hinawakan nito ang magkabilang braso ni Ashe. Hindi napigilan ni Ashe na mamangha nang makitang agad na gumaling ang braso niya. "Healing huh!" Biglang wika ni Aimee. "Kailangan na nating makaalis baka may dumating pang iba" wika ni Rede at naunang sumakay. Sumunod naman ang tatlo. "Wala ba kayong Hari o Reyna na lalaban kay Dawi? Yung binanggit mong Reyna, nasaan siya ngayon?" Naguguluhang tanong ni Ashe. "Tama si Ashe, bakit hindi nalang siya ang makipaglaban?Isa siyang Reyna, dapat siya ang mamuno na labanan itong si Dawi" naguguluhan ding tanong ni Lalla. "Sana nga. Ngunit hindi namin alam kung saan siya tinago ng kapatid niya" malungkot na sagot ni Rede. "Wait, sinabi mong kapatid? Magkapatid sila?" Gulat na tanong ni Aimee. "Oo" sagot naman ni Rede. "Magkapatid pala sila. Kung ganun bakit kailangan pang humantong sa ganitong sitwasyon ang mundo niyo?" Nagugulahang tanong ulit ni Lalla. "Oo, magkapatid nga sila pero magkaiba sila ng ugali. Ang gustong gawin ni Dawi ay gawing alipin lahat ng tao dito sa amin. Samantalang si Reyna Areia ay ayaw pumayag sapagkat lahat ng nakatira dito ay may karapatang mabuhay ng malaya" pagkukuwento ni Rede. "Itong Areia---" hindi natuloy ang sanang sasabihin ni Aimee nang biglang nagsalita si Rede. "Reyna Areia! Reyna Areia ang itawag mo sa kanya" galit nitong wika. "Edi pasensiya na. Hindi mo kami masisisi. Magkaiba ang mundo natin at hindi ka nga nagpaalam sa amin o di kaya sa mga magulang namin na dadalhin mo kami rito" hindi rin mapigilang inis na wika ni Aimee. "Tama si Aimee, sigurado akong nag-aalala na si mama ngayon" hindi mapigilang wika ni Ashe. "Wag kayong mag-alala dahil ang oras sa mundo niyo at oras dito sa aming mundo ay malaki ang agwat. Sa tingin ko ay wala pang isang segundo ang nakalipas sa mundo niyo ngayon. Ang isang segundong oras sa inyo ay katumbas ng isang buwan sa amin" paliwanag ni Rede. "Hayst, buti naman" nakahingang sabi ni Lalla. Napairap nalang si Aimee. Bigla nalang naging tahimik ang apat. Nag-isip naman si Ashe ng mapag-uusapan para lang mabasag ang katahimikan "Ano nga pala ulit ang posisyon mo sa palasyo noong panahong hindi pa sakop ni Dawi ang mundo niyo?" Curious na tanong ni Ashe. "Isa akong orakulo ng Reyna" sagot naman nito. "Pwede mo bang kaming kuwentuhan tungkol sa mundo niyo?" Tanong ni Lalla nang mapansin nito ang gustong gawin ni Ashe. "Si Reyna Areia ang ikalawang anak ng dating Hari na si Haring Orion at Reyna Deia. Sa kanya ipinamana ang kaharian dahil alam nilang maayos mamuno si Reyna Areia kaysa nakakatandang kapatid nito na si Dawi. Nagalit naman si Dawi sa desisyon ng dating Hari at Reyna. Umalis siya dito sa Avreia at simula noon ay wala na kaming naging balita sa kanya. Hanggang isang araw ay bumalik siya sa mismong araw ng kasal ni Reyna Areia at Haring Hashton. Akala namin ay magiging okay na lahat dahil maganda naman ang ipinakita niya sa amin. Ilang araw ang lumipas simula nang ikasal ang Hari at Reyna ay masaya nilang ibinalita sa amin na nagdadalang-tao ang Reyna Areia. Kaya nagkaroon kami ng malaking pagtitipon at sa mismong araw na iyon ay bigla nalang may sumalakay na mga halimaw. Dahil naman sa hindi namin ito inasahan ay hindi kami nakapaghanda. Maraming tao ang nasawi at kasama na si Haring Hashton. Buti nalang at may taga-ibang mundo ang dumalo sa pagtitipong iyon at tinulungan kami na naging dahilan ng pag-atras ng mga halimaw. Halos limang buwan din kaming nagluksa sa pagkamatay ng Hari. At simula noon ay mas naging alerto na kami sa posibleng pag-atake ulit ng mga halimaw na hindi namin alam kung saan nanggagaling. At sa panahon din nang pag-atake ay hindi namin nakita si Dawi. Sa una ay hindi namin inisip na si Dewi ang may pakana ng lahat hanggang sa umatake siya sa mismong araw nang manganak ang Reyna. Doon lang namin nalaman na siya pala ang namumuno sa mga halimaw. Sa pangalawang pag-atake ay nakaya pa namin dahil sa tulong ulit ng mga taong mula sa ibang daigdig. Ilang linggo lang ang nakalipas at umatake naman ulit sina Dawi at saksi ako sa nangyayari sa loob ng kaharian. Ipinagkatiwala ni Reyna Areia ang prinsesa sa kanang-kamay nito para dalhin sa ligtas na lugar. At ako naman ay pinatakas niya rin. Sabi niya sa akin ay darating din ang tamang panahong malalaman ko ang dahilan kung bakit kailangan kong mabuhay at sigurado akong ito na nga ang dahilan. Ang tulungan kayong sanayin para matalo niyo si Dawi at maibalik sa dati ang mundo namin" mahabang pagkukuwento ni Rede. "Umiyak ka ba?" Tanong ni Aimee nang makitang nagmumula ang mga mata ni Lalla. "Hindi" pagkakaila nito at napayuko. Si Ashe naman ay napahawak sa dibdib nito nang makaramdam siya ng pagkirot sa puso nang marinig niya ang kuwento. "Sa pagkukuwento mo kanina, may tumulong sa inyo mula sa ibang daigdig. Ibig sabihin ay hindi lang ang mundo namin na Earth at mundo niyo ang may mga nilalang na nakatira?" Takang tanong ni Aimee. "Tama ka. May limang pang daigdig pero ang tumulong sa amin at ang masisigurado naming kakampi ay ang Qedur. Si Haring Hashton ay anak ng Hari at Reyna mula sa Qedur" sagot nito. "Yung tungkol sa prinsesa. Alam mo ba kung saan siya dinala ng kanang-kamay ng Reyna?" Tanong ni Lalla. "Hindi ko din alam. Sinubukan kong hanapin siya gamit ang telepatiya pero bigo ako dahil hindi ko naman alam kung saan ko siya mismong hahanapin" sagot ulit nito. "Gumagabi na pala" wika ni Rede nang mapansin nitong unti-unti ng dumidilim ang paligid. "Kailangan muna nating maghanap ng mapapahingaan" suhestiyon ni Rede at agad naman nitong inutusan ang dragon na bumaba sa bayang nakita nila. Pagbaba nila ay katahimikan ang sumalubong sa kanila. "Maging alerto kayo" utos ni Rede at bumaba sa dragon. Agad namang sumunod sa pagbaba ang tatlo. Napalingon sa kaliwang parte si Aimee nang makarinig siya ng sagitsit. Laking gulat niya nang makita ang isang bagay na patungo sa direksyon nila. Isang espada. Mabilis niyang itinulak si Ashe nang makitang patungo ito sa direksiyon nito. Pinag-ekis ni Aimee ang dalawang kamay niya at napapikit nalang at hinintay na tumama sa kanya ang espada. Pero nagtaka siya nang marinig niya ang kalansing ng espada. Pagdilat niya sa mga mata ay nakita niyang nasa sahig na ang espada at ang sunod na nangyari ay mas lalong nakapagpagulat sa kanya. May tubig na lumalabas sa mga kamao niya at naging bilog ito at pumalibot sa kanilang apat. Para bang shield. "Tubig ang kapangyarihan mo" hindi mapigilang manghang wika ni Ashe. "At kaya mo ring makagawa shield" manghang wika rin ni Lalla. "Tama nga ako. Kayong tatlo ay hindi pangkaraniwang. Hindi kayo pipiliin ng Reyna ng walang dahilan" wika ni Rede sa isipan. "Siguro tama ka" nakangiting pagsang-ayon ni Ashe at tumingin kay Rede. Nagtatakang napatingin naman si Rede kay Ashe. Napangiti nalang siya nang makita ang reaksiyon ng orakulo. "Rede! Ashe! Aimee!" Tawag ni Lalla sa tatlo. Agad naman silang napatingin kay Lalla at nakita nilang may itinuro ito. Sinundan naman nila at nakita nila ang maraming tao na nakasuot ng pandigma. "Sugod!!!" Sigaw ng isang lalaki na nasa unahan. Sumigaw naman ang iba at umatake. Nagkatinginan naman ang apat at nagtanguan. Napabalikwas si Xios sa pagkakahiga nang makarinig siya ng mga yabag. Maingat siyang tumayo at lumapit sa bintana. Pagtingin niya sa labas ay may nakita siyang apat na babae at isang dragon. Hindi niya gaanong mamukhaan ang mga ito dahil medyo may kadiliman ang tinatayuan ng apat. Lumapit siya pabalik sa kama niya at agad na kinuha ang espada. Tumingin ulit siya sa labas at nagulat siya nang makitang may mga mandirigmang dumating. Hindi niya mapigilang mamangha nang makita niya ang isang babae na may tubig na lumabas sa mga kamao nito at naging shield. "Hindi sila pangkaraniwang" bulong nito sa sarili at naging invisible. "Sugod!!!" Rinig niyang sigaw ng isang lalaki. Sumigaw din ang iba at tumakbo patungo sa direksyon ng apat na babae. "Makakaya kaya natin sila?" Hindi mapigilang tanong ni Lalla nang makita ang maraming mandirigma na papaatake na sa kanila. "Rede! Lalla! Sumakay kayo sa dragon" utos ni Ashe at naghanda na sa papalapit na mga mandirigma. Tumango nalang si Lalla at sumakay sa dragon. Si Rede naman ay napabuntong-hininga at sumakay na rin dahil alam niya na wala siyang gaanong maitutulong. Hindi pa gaano bumabalik ang lakas niya. Lumipad naman paitaas ang dragon. Nagulat nalang si Aimee nang biglang naging hugis kadena ang tubig na lumabas sa mga palad niya. Si Ashe naman ay biglang nag-apoy ang dalawang braso niya at may nabuong espada mula sa apoy na lumabas sa palad niya. Pagkalapit ng mga mandirigma ay agad na iwinasiwas ni Aimee ang hawak niyang kadena na para bang sanay na niya itong gamitin. Ang iba na naabot ng kadena ay tumilapon papalayo. Nagpatuloy lamang siya pagwasiwas. Si Ashe naman ay puro iwas lang ang ginawa. Pagtingin niya sa kaliwa ay nakita niya ang paparating na espada. Agad niya itong hinarap at pinigilan gamit ang espada niya. Mabilis niya sinipa sa tiyan ang mandirigma na naging dahilan ng pagkatumba. Nagpatuloy lamang sila sa pagkikipaglaban. Marami na rin silang pinatumba. "Sandali!" Biglang sigaw ni Lalla mula sa itaas. Napatingin naman ang dalawa. "Hanggat maaari ay wag niyo silang papatayin" sigaw nito. "Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong naman ni Ashe. "Kinokontrol sila. Ang hanapin niyo ay kung sino ang may hawak ng strings at putulin ito" sagot ni Rede. Inilibot nila ang paningin nila. "Ayun" turo ni Aimee sa taong nakatayo sa bubong. Napalingon naman silang apat. "Hindi maaari. Cafilli" pagbanggit ni Rede sa pangalan ng makilala nito kung sino ang kumokontrol sa mga mandirigma. "Lalla, gamutin mo ako. Kailangan ko silang tulungan" utos ni Rede. Agad namang lumuhod si Lalla at hinawakan ang tiyan ni Rede at nagliwanag naman ito. Ang sunod nitong ginamot ay ang mga braso ni Rede. Saktong nagamot na ni Lalla si Rede ay bigla nalang siyang nakaramdam ng pagkahilo. "Pasensya na kung medyo naubos ko ang enerhiya mo" paghingi ng tawad ni Rede. "Ayos lang po" nakangiting sagot ni Lalla. "Sagurus, ibaba mo ako" utos ni Rede sa alaga. Lumipad naman paibaba ang dragon. Agad namang tumalon si Rede. Pagbaba niya ay lumipad din paitaas ang dragon. May mga mandirigmang sumalubong sa kanya. At pilit niyang iniiwasan na mapatay niya mga ito. Ang ginawa niya lang ay mag-cast ng spell para patulugin. Napatingin si Rede sa kinatatayuan ni Cafilli at nakita niya itong lumipad paibaba patungo sa direksyon ni Ashe. "Ashe!" Malakas niyang sigaw para balaan si Ashe. Agad namang napatingin si Ashe sa itaas nang may maramdaman siyang malakas na enerhiya pababa. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang babae na may hawak na espada na napapalibutan ito ng itim na enerhiya. Pero bago matamaan si Ashe ng espada ay may isang lalaki ang biglang bumuhat sa kanya at tumalon ito paitaas. Gulat namang napatingin si Ashe sa kung sino ang bumuhat sa kanya. Agad naman siyang ibinaba ng lalaki at muntik pang madulas si Ashe dahil sa gulat nang makita niya kung nasaan sila nakatayo ngayon buti nalang at nahawakan siya ng lalaki. Napatingin silang dalawa sa ibaba nang marinig nila ang malakas na pagsabog at hindi mapigilan ni Ashe na kilabutan nang makita kung paano nagkabitaka-bitak ang lupa nang tumama ang espada ng babae. "Kailangan nating bumaba" wika ng lalaki at walang sabi-sabi na binuhat ulit siya at tumalon paibaba. Napahawak nalang si Ashe ng mahigpit sa lalaki. Pagkababa nila ay agad na lumapit si Aimee at Rede sa kinatatayuan ni Ashe at ng lalaki. "Xios"gulat na banggit ni Rede sa pangalan ng lalaki. Hindi niya ito nakilala sa malayo dahil may kataasan ang buhok nito. "Ako nga Rede. Akala ko, ako nalang ang nag-iisang tauhan ng Reyna" hindi nito mapigilang wika. Mabilis naman lumapit si Rede at yumakap dahil sa galak na nararamdaman na makita ulit ang isa sa mga kaibigan niya. "Guys!" Rinig nilang sigaw ni Ashe nang makita nito na lumipad ulit ang babae patungo sa direksyon nila. Naghanda naman ang tatlo sa paparating na si Cafilli pero nagulat sila nang lumipad pa ito paitaas. Nanlaki ang mga mata nila nang makitang patungo ito sa direksyon ni Lalla. "Lalla!" Sigaw nila Aimee at Ashe. Si Lalla naman ay nagulat din sa makitang paparating. "Dark Phoenix" malakas na sigaw ni Cafilli at may Phoenix na lumabas mula sa kamay nito na napapalibutan ng itim na enerhiya. Agad na bumuga ng apoy ang dragon para hindi makalapit ang Phoenix. Si Lalla naman ay hinawakan ang dragon at agad namang umilaw ang kamay niya. Agad siyang nakaramdam ng panghihina dahil nga sa hindi pa gaanong bumabalik ang lakas niya simula ng gamutin niya si Rede. "Anong gagawin natin?" Halos mapaiyak na tanong ni Ashe ng makita ang kalagayan ni Lalla. "Sagurus, bumaba ka" sigaw ni Rede sa alaga. "Rede!" Sigaw ni Xios sa pangalan ng kaibigan nang muntik na itong matamaan ng espada mula sa isa sa mga mandirigma. Napaharap naman silang apat sa likuran at nakita ang marami pang kontroladong mandirigma na papaatake na sa kanila. Si Sagurus naman ay pilit na bumaba pero hindi nito magawa sapagkat hinaharang siya ng Phoenix. Napangiti na na si Cafilli nang makitang na-distract niya ang apat. Bigla nalang siyang naglaho sa kinatatayuan. Si Lalla naman ay tuluyan ng nahimatay dahil sa panghihina. Ang si Sagurus naman ay unti-unti na ring nakaramdam ng panghihina. "Boo!" Sigaw ni Cafilli at bigla nalang lumitaw sa ibabaw ng dragon. Lilipad na sana si Sagurus nang bigla nalang siyang hinawakan ni Cafilli at kahit anong pilit niya ay hindi siya makagalaw. Napatingin naman si Aimee sa ibabaw at nakita nito si Cafilli. "Kahit na medyo cold ang pagtrato ko sa kanilang dalawa hindi ko gugustuhin na mapahamak sila. Sabay kaming tatlong napunta rito dapat sabay din kaming bumalik sa mundo namin" wika ni Aimee sa isipan at may luhang pumatak galing sa mga mata nito. "Unti-unti ng bumubukas ang iyong isipan at puso sa mga taong nakapalibot sayo. At dahil doon ay tuluyan na akong makakalabas mula sa pagkakakulong dito sa puso mong madilim at malamig. Upang tuluyan na akong makalabas dapat mong isigaw ang pangalan ko" rinig na wika ng isang boses mula sa isipan ni Aimee. "Sino ka?" Gulat niyang tanong sa isipan at hindi mapigilang matakot. "Ako si Esirus, ang iyong tagapagbantay. Ako ay ikaw, ikaw ay ako. Mamaya ko nalang ikukuwento lahat ang mahalaga ay mailigtas muna ang kaibigan mo" sagot ni Esirus. Napatango nalang si Aimee kahit may kunting nararamdamang takot sa loob. "Wala kang dapat ikatakot" wika ulit ng boses sa isipan niya. Napahinga nalang siya ng malalim. Itinaas niya ang dalawang kamay at ipinikit ang mga mata. "Esirus!" Malakas niyang sigaw at agad niyang naramdaman ang paggapang ng malamig na tubig na patungo sa dalawang kamay niya na nakaitaas. Napadilat siya at tiningnan ang mga kamay niya at hindi niya napigilang mamangha nang makita ang paglabas ng maraming tubig sa kamay niya at lahat ng ito ay patungo sa itaas hanggang sa unti-unting naging hugis agila. Lahat naman sila ay napatingin at namangha rin sa nasaksihan. Si Cafilli naman ay hindi mapigilang matakot nang makita ito. "Esirus ang isa sa mga tatlong maalamat na tagapagbantay" nakangiting banggit ni Rede sa pangalan nito. Si Ashe naman ay bigla nalang nakaramdam ng panghihina. Muntik pa siyang matumba buti nalang at agad siyang nasalo ni Xios. "Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong nito. Bago pa makasagot si Ashe ay tuluyan na itong nahimatay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Abducted By My Twin Alien Mates

read
38.7K
bc

Enchantasia: The Academy of Magic ✔

read
125.8K
bc

The Mystique Kingdom

read
36.2K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
189.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

The Real Culprit (Tagalog-R18)

read
108.8K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
143.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook