NANGANGATOG ang buong katawan ni Aya ng magising ng gabing iyon. Mabigat na mabigat ang kanyang pakiramdam at malapot ang kanyang pawis. Parang may nakadagang malaking bagay sa kanyang ulo sa bigat niyon. Balot na balot na siya ng kumot subalit hindi niyon nabawasan ang kanyang panlalamig. Pagdating nila sa mansiyon ay hindi na niya nagawang kumain. Papaano ay naramdaman na niya ang panghihina ng kanyang katawan at ang animo pag-akyat ng lamig sa kanyang paa paakyat. Bumigay ang kanyang mga tuhog habang paakyat ng hagdan. Mabuti nalang at nakaalaya sa kanya si Elijah. Hindi siya nito iniwan hanggang kanina. Marahil sa paningin nito ay hindi na niya kayang maglakad pa kaya binuhat na siya nito. Hindi na siya umangal pa. Ayaw na ring gumana ng kanyang utak. Hinayaan nalang siya nitong buh