NAALIMPUNGATAN si Aya dahil sa sunod-sunod na katok na narinig niya sa pinto ng silid. Pupungas-pungas pa siyang nag-angat ng ulo at tumingin doon. Hindi tumitigil ang pagkatok. “Sino ba ‘yun?” namuwati mula sa kanyang bibig. Imposible namang ang mga kasambahay dahil siguradong tulog na ang mga ito. Kinapa niya ang kanyang cellphone sa kanyang tabi saka sinipat ang oras. Pasado ala una ng madaling araw. Kung ganon ay halos katutulog lang pala niya. Pasado alas dose kanina ng tuluyan siyang hilahin ng antok. Agad niyang naalala si Elijah. Nakatulugan na niya ang paghihintay sa binata kahit alam niyang hindi na ito uuwi. Masamang-masama ang loob niya rito dahil hindi talaga ito nakaalalang replyan siya. Ni ha o ho ay wala. Samantalang kahapon ay para pa itong boyfriend niya kung umasta sa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books