Chapter 27

2006 Words

PABABA si Aya ng hagdan. Nakabihis na siya dahil magkikita sila ni Christian. Iyon ang magiging unang date kuno nila pagkatapos ng ilang taon. Kagabi ay kinulit siya nito ng kinulit kung matutuloy sila ngayong araw. Ilang beses itong tumatawag pero pinapatayan niya. Sinabihan niya ang lalaki na huwag tatawag sa kanya lalo kapag nasa mansiyon siya. Mahirap na. Baka bigla itong tumawag na kaharap niya si Elijah. Pasado alas nuebe palang iyon ng umaga. Simpleng t-shirt na kulay puti at maong na pantalon lang ang suot niya. Terno ang walking shoes at sling bag. Simpleng-simple lamang ang itsura niya. Nasa gitna na siya ng hagdan ng marinig niya ang pagtawag sa kanya ni Elijah. “Aya!” Tumigil siya sa paglalakad at pumihit paharap dito. Nasa punong hagdan ito at ngayon ay pababa na sa kanya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD