Andito ako ngayon sa bahay, kukuha ako ng mga damit ko tyaka gamit para bukas, para 'di na'ko uuwi. Dalawang araw lang naman kami doon kaya pangdalawang araw lang din dinala ko tapos mga extrang damit tsaka pantulog.
Nilagay ko lang sa isang bag yung mga gamit ko tapos nagdala rin ako ng shoulder bag. Maghohotel kasi kami doon para 'di na babyahe ng dalawang araw.
"Kuya, ikaw mag-isa dito ng dalawang araw tapos mamayang gabi pa. Wag ka gagawa ng milagro, ah!" pangaasar ko sa'kanya.
"Ulol, umalis kana nga!" may hand-guesure pa, teh! hahahaha!
"K, bye." sabi ko at lumabas na ng bahay.
Nang nasa gate na'ko nagulat ako nang nandoon si Jaxen. Anong ginagawa n'yan dito? huhu Kinakabahan nanaman ako, bwisit.
"A-anong ginagawa mo dito?" nautal pa nga.
"Uhm, a-ano, ah! P-pinapasundo ka nila" ba't parang kinakabahan 'to?
"Ah, okay. Tara na" nauna na 'kong maglakad sa'kanya.
"A-ako na magdadala sa bag mo." nahihiya n'yang saad.
Binigay ko na lang sa'kanya yung bag ko tyaka kami naglakad.
Habang naglalakad kami may tumawag sa'kin.
"Cass!" sigaw n'ya. Boses pa lang alm ko na. Si Cairo.
"Yo!" bati ko.
"Sinong kasama ko, Cass?" sabay turo n'ya kay Jaxen.
"Ah, si Jaxen. Jaxen si Cairo, kapitbahay ko."
"Cairo, Si Jaxen, pinsan ni Frans, kaibigan ko." pagpapakilala ko sakanilang dalawa.
"What's up!" pormal na bati ni Cairo.
"Yo!" si Jaxen. Tyaka sila nagkamatayan.
"Una na kami, Cai. Gabi na rin eh. Kita na lang tayo next time." paala ko kay Cairo.
"Sige. See you!"
Nagumpisa na kaming maglakad papunta sa bahay ni Vien. Ilang bahay lang yung pagitan kaya nakarating kami agad. Pinindot ko na yung doorbell at agad naman kaming pinagbuksan ng gate.
"Sana all pinagbubuhat ng bag." bungad ni Vien.
"Boang." tugon ko.
Pumasok na kami sa bahay nila Vien. Nandon na silang lahat ako na lang kulang.
"Sorry natagalan ako." sabi ko sakanila.
"Okay lang." sagot nila.
"Akong magisa na lang sa guestroom, isa lang kasi kama non tapos kayo ni Frans sa room mo, Frans?" suhestiyon ko.
"Sige, sanay ka naman na doon magisa. Tapos yung tatlong boys sa isang malaking guessroom na lang, ayos lang sa inyo?" si Vien.
"Ayos lang." sabay-sabay nilang tugon.
"Sige na, lagay na natin yung mga gamit natin sa mga kwarto. 'Wag n'yo sabing ipapalagay na natin kay Manang Linda mga 'yan kukutusan ko talaga kayo." wika ko sanakila.
"Oo na po, ma'am. Ang bait n'yo masyado kaya nga gusto ni Jaxen." hindi ko narinig yung huling sinabi ni Cj.
"Ano?" ani ko.
"Sab ko ikakabit na namin mga gamit namin sa kwarto. Nasan ba yung kwarto namin?" natatawa pa s'ya.
"Sabay na'ko. Parehas namang nasa second floor yung kwarto natin." kinuha ko na yung bag ko tyaka tumayo.
"Hoy lukaret, isabay n'yo na si Frans! Katabi lang nung kwarto mo yung kwarto ko, remember?" ani Vien.
"Oo nga pala. Tara na Frans." sigaw ko kay Frans.
"Hintayin ko na lang kayo sa movie room."
Umakyat na kami s mga kwarto namin.
"Katukin na lang namin kayo pagpuputa na ron ha." sabi ko sakanila.
Nagsitanguan na lang sila atsaka pumasok sa kwarto.
Nilagay ko lang yung bagko sa may kama tyaka nagpalit ng swet shorts tyaka spaghetti strap tapos tinali ko rin yung buhok ko ng messybun.
Pinuntahan na ko na si para puntahan na yung mga lalaki.
"Tara, puntahan na natin sila Jaxen." ani ko. Tumango na lamang si Frans bilang sagot.
Kumatok na kami sa kwarto nila. Ilang minuto rin bago nila kami pagbuksan ng pinto. Si Cj tyaka Ken lang ang bumungad samin.
"Ano ba 'yan, natulog pa yata kayo bago kami pagbuksan ng pint. Asan si Jaxen?" 'Di ko s'ya hinahanap, ah, curious lang.
"Sana all hinahanap. Naliligo lang. Nagpapagwapo." ani Ken.
"Myghad! hahaha! Jaxen! pakiilis-" naputol yung sasabihin ni Frans nang lumabas si Jaxen ng naka tapis lang.
"Punyeta! Ang aking virgin eyes!" sigaw ko sabay takip ng mata.
"Sorry, sorry! Naiwan ko yung damit ko dito." tugon ni Jaxen sabay kuha ng damit at pumasok sa banyo.
"Virgin daw ang mata pero nakita na yung katawan nila Lee Jong Suk." masungit na saad ni Cj.
"'Di 'yun sa personal, duh!" irap ko.
"Gusto n'yan sa personal makita abs nila." sabat ni Frans.
"Huy, hindi kaya, pero pwede naman , ehe." pabebe kong sabi.
"Kay Jaxen na lang titigan ko, mas maganda katawan no-" 'di na natuloy ni Cj yung sasabhin n'ya kasi lumabas na si Jaxen ng naka sweat shorts din na gray! Parehas kami ng kulay na sinuot! Nyeta!
"Let's go." aniya sa baritonong boses.
"Wait muna, bakit kayo parehas ng kulay ng shorts?" taas-kilay na tanong ni Frans.
"Oo nga!" gatong ng dalawa.
"Coincidence lang 'yan! Issue n'yo!" sigaw ko tyaka naglakad na.
Sumunod naman sila sa'kin kaso tuloy pa rin yung panunukso nila. Nyeta!
Nakatrating na kami sa movie room. Nakahanda na yung mga pagkain tyaka yung projector.
"Anong papanoorin?" tanong ko kay Vien.
"Fav mo. Five feet apart." sagot naman n'ya.
"Yeyy!" pumapalakpak kong tugon.
"Saya mo masaktan, ah." sabi ni Frans.
"Immune na 'yan eh." singit naman ni Vien.
"Awts!"
"Sakit, tol."
Gatong nila.
Inirapan ko na lang sila. "Nood na tayo, mga tuleg."
Nagpwesto ako sa gitna kasi isang malaking nandon tas may dalawang maliit sa gilid. Naupo na rin sila kaso tinira nila yung sa isang tabi ko para kay Jaxen. Pesting yawa! Bali ang arrangement namin ay Vien, Frans, Ako, Jaxen, Cj, then si Ken.
"Picture muna tayo, ig story ko. Hoy kayong dalawa di ko pa nafa-follow!" sabi ko sabay kuha ng cellphone ko.
"Finallow ka kaya namin, ayaw mong magfollowback!" sabi ni Cj.
"Ay sorry, wait, tignan ko."
Tinagnan ko yung sa followers ko at nadun nga silang tatlo sofinalow ko lhat sila.
"Ayan na, nafollow ko na kayong tatlo. Picture na tayo, dali!" Tinaas ko na yung cellphone ko kaso hindi kami kasya lahat pag ako humahawak.
"Vien, ikaw humawak!" sabay abot ko sakanya ng phone ko.
"Anak ng! Akin na nga!" sabay kuha n'ya sa cellphone ko.
Ngumiti kaming lahat sa camera. Pagkatapos ng ilang shots binigay na sakin ni Vien yung cellphone ko.
"Wait, collage ko muna 'to." sabi ko.
Nilagay ko yung naka collage naming picture sa ig story ko tapos tinag ko silang lahat.
"Tara na. Dami mong ka ekekan sa buhay." sabi ni Ken.
"Eto na nga eh. Start na! Play mo na Vien!" kinuha naman ni Vien yung remote tyaka pinlay yung movie.
"Ang gwapo talaga ni Colee!!!" sigaw ko nung pinakita na si Cole.
May binulong si Jaxen pero 'di ko narinig. " Mas gwapo pa'ko d'yan." 'Di ko na lang pinansin baka 'di naman ako yung kausap mapahiya pa'ko.
Malapit nang matapos yung movie kaya naiiyak na'ko. Nadon na sa part na nag-ice skating sila tas nahulog si Stella.
"Ano ba 'yan. Wala pa. Kalma, Cass." bulong ko sa sarili ko.
Lumipas pa ang ilang minuto nandito na sa last part. Dito ako pinaka naiiyak.
"I'm sorry. I don't wanna go. All I want is to be with you. But I can't. I need you to be safe, from me." humagulgol na'ko sa kakaiyak pagkatapos sabihin 'yon ni Will.
"Oh, panyo." sabi ni Jaxen sabay lahad ng panyo n'ya.
"T-thanks."
Natapos na yung movie na ako lang ang umiyak.
"Bakit 'di kayo naiyak?" inis kong tanong sakanila.
"Panong iiyak yung isa d'yan, sa iba naka focus." pabulong na sabi ni Ken pero narinig ko.
"Sino?" tanong ko.
"Secret walang clue. Kain na lang tayo gutom na'ko." Sabi ni Ken.
"Ako rin. Nagugutom na." Sabi ni Jaxen.
"Sinong nagtatanong?" Bulong ko.
"'Di naman ikaw kausap ko." Ay. Narinig pa n'ya. Bulong na nga 'yun eh.
"Kain na lang tayo. Gutom na'ko." Sabi ko at naunang pumunta sa dining area.
"Manang, anong ulam?" tanong ko nang makarating kami sa sining area.
"Menudo." nakangiting sagot ni Manang Linda.
"Yung favorite koo! Yey!" ani ko.
"Lahat naman favorite mo." sabat ni Vien.
"True." si Frans.
"Kumain na lang kayo. Ang dami n'yong reklamo." tyaka ako umupo.
Nagsandok na kami ng kanya kanya naming pagkain sa plato namin at nagsimula ng kumain.
"Madaling araw tayo aalis, di'ba, Cass?" tanong ni Frans habang kumakain.
"Oo, luto na tayo ng pagkain pagkatapos para laro na lang tayo pagkatapos." tugon ko.
"Opo, nay." ani Cj.
Inirapan ko na lang s'ya. "Tumulong kayo sa pagluluto mga ungas. Baka kaming dalawa lang ni Jaxen magluto mamaya."
"Sige, kayo na lang." makahulugang saad ni Ken.
"Ulol. 'Wag kayong kakain pag hndi kayo tumulong." sabi ko.
"Tutulong naman kami, ah!" sabi ni Ken.
"Bilisan n'yo na lang kumain para maaga tayong matapos." buhay pa pala 'to?
"Opo, tay." si Cj.
Binilisan na lang namin ang pagkain gawa ng sabi ni Jaxen.
Pagkatapos naming lahat kumain chineck ko muna yung phone ko. Tinignan ko yung ig story ko kanina at ang daming nagreply doon.
'Ate Cass, boyfriend mo ba yung katabi mo? Bagay kayo!'
"Cass, ha, may boyfriend ka na pala.'
May iilan pag ineditan kami ng picture ni Jaxen at may iba naman na kincrop yung picture nang kaming dalawa lang. Nyeta!
Nag ig story na lang ako n 'Hindi ko 'yun jowa. Mga hangal! Ang issue n'yo.'
Pumunta na'ko sa kusina para magluto na kami. Konti lang yung luluto na namin.
"Bakit nga ba ulit tayo magluluto? Pwede naman magdrive-thru." sabi ni Vien.
"Para 'di na titigil tigil. Tyaka mas magastos kung drive-thru. Nagsasawa na rinako sa mga fastfood eh." sagot ko.
"Oo na tara na." Nagsimula na kaming magluto.
9pm na rin nung natapos kaming magluto.
"Ligo muna tayo. Balik na lang tayo sa sala pagkatapos. Truth or dare tayo." sabi ko sakanila at sumangayon naman silang lahat.
Pumunta na'ko sa kwarto ko a nagsimulang maligo. Pagkatapos kong maligo nagbihis na'ko ng pantulog tyaka nagsuklay. Papunta na'ko ngayon sa sala.
"Hoy, Casleigh Izara Mylea Arcilla! Nagdasal ka pa ba sa banyo at nagtagal ka doon?!" sigaw ni Vien.
"Kailangan ba talaga full name?"
"Oo, nakakahingal ang punyetang pangalan mo ang haba." sabay irap n'ya.
"At least bumaba pa'ko." inirapan ko s'ya pabalik.
"Suntukan na lang kayo, 'no?" sabi ni Cj.
"Bukas na lang, tamad pa'ko." simpleng sagot ko tyaka umupo.
"Truth or dare tayo, oh!" ani Ken.
"Tara." walang emosyon na sabi ni Jaxen. Tao ba 'to o robot?
Nagpwesto na kaming lahat sa lapag para maglaro. Si Ken katabi ko tyaka si Vien. Tapos kaharap ko naman si Jaxen.
"Kuha na kayong bote!" utos ni Cj.
"Ako na kukuha." tatayo na sana ako pero nagsalita si Jaxen.
"Ako na lang, saan ba may bote?" tanong n'ya.
"Doon sa may kusina. Tapos yung pang last na cabinet, andoon mga plastic bottles." sagot ni Vien.
Naglakad na si Jaxen para kumuha ng bote. Ilang minuto lang dumating na s'ya dala dala yung kinuha n'yang bote.
"Start na!" sigaw ni Frans.
"Ako na unang mag iikot ng bote." si Jaxen.
Inikot na ni Jaxen yung bote at kay Cj unang tumapat.
"Truth or dare?" tanong ko.
"Truth s'yempre!"
"Nagjajakol ka ba?" potanginang tanong 'yan, Ken.
"Aamin na'ko. S'yempre oo! Kailangan natin 'yan sa pang araw-araw, ah!" Walangya. "S'yemprw ulit joke lang. Minsan lang kasi." At least juice colored huhu.
"Next na ano ba 'yang mga tanong n'yo." sabi ko.
Pinaikot ni Cj yung bote at sa kasamaang palad sa'kin natapat ang mas na bote.
"Dare!" Sigaw ko agad.
"Dare pala, ha. Call mo yung ex mo sabihin mo 'imissyou'." putanginang Vien.
"Aning ginawa kong masama sayo, ha?!"
"Dare nga eh. Dali na hahaha!" tumawa pa ang ulol.
Kinuha ko na yung cellphone ko tyaka pumunta sa convo namin ni Nicho. Pinindot ko na yung call tas nagring na s'ya syempre.
"Loudspeaker mo." tugon ni Jaxen.
Niloud speaker ko naman yung call. Ilang ring lang sinagot n'ya agad.
["CASS?!!] Ay punyemas ansakit sa tenga non. Ang lakas ng sigaw te. Makatili kala mo babae.
"Nicho, imissyou." putangina. putangina.
[HOY, GAGO. SERYOSO KA BA D'YAN?!] Sigaw n'ya.
"Hindi na ba mahihinaan 'yang boses mo? Ang lakas eh. By the way dare lang 'yon. Kasalanan ni Vien. Sorry." pinatay ko na agad yung call.
"Masaya ka na ba, Vien?"
"Oo. Next na!" sagot n'ya.
Pinaikot ko na yung bote at kay Ken tunapat.
"Awit, dare!" sigaw n'ya.
"Kain ka dalawang kutsarang mustard." si Jaxen.
"Hoy, gago. Bakit mustardd?!" 'Di ako kumakain non eh!" inis n'yang saad.
"Gawin mo na lang." Tipid neto magsalita ah.
"Humanda ka! Pag ikaw yung natapatan ng bite! Lintik lang ang walang ganti!" Sigaw n'ya bago nagtungo sa kusina.
Pagbalik n'ya mag dala s'yang kutsara, mustard, tyaka isang pitsel na tubig.
"Sure na ba 'to, Jaxen?" kinakabahan n'yang tanong.
"Sure na. Inamo." sagot naman n'yan.
"Bakit may kasamang mura?"
"Gawin mo na lang, Ken!" Ani Cj.
"Eto na! Eto na! Nangwawarshock ka e'no?!" ay punyeta.
Naglagay na si Ken ng mustard sa kutsara tyaka kinain. Dalawang beses. Tapos uminom ng napakaraming tubig. As in. Parang nakalahati n'ya yung pitsel.
"Gago ka, Jaxen. Next na."
Pina-ikot na ni Ken yung bote at kay Vien naman 'yung natapatan ng bote.
"Umamin ka na lang sa gusto mo." si Frans.
"Oo. 'Yon na lang." Sang-ayon ko.
"Easy lang 'yan." papetiks petiks pa s'ya. Sana all.
Kinuha n'ya nphone nya tyaka sya nagtype doon. Pagkatapos nyang magtype tinnas nya phone nya. Hindi kita yung pangalan ng chinat n'ya. Sa snapchat pa talaga nagmessage.
"Di'ba. Easy." Sabi n'ya.
Pagkatapos n'yang sabihin 'yon pinaikot n'ya na agad yung bote. Kay Jaxen tumapat.
"Yes! Eto na ang paghihiganti ng inaapi! Pero 'di straight forward 'to. Ikaw na bahala umamin sakanya. May balak ka bang ligawan s'ya?" tanong ni ken.
"Atat ka, Ken? Wala pa'kong pinipili kung truth or dare, ah? Pero oo, meron. S'yempre." seryoso nyang sabi.
"Unfair! 'Di namin alam kung sino 'yonnn!!" Maktol ni Vien.
"Malalaman n'yo mamaya 'yan." Makahulugang tugon ni Cj.
"So tutal si Frans na lang ang hindi natatapatan, pili ka nalang. Truth or dare?" Sabi ko.
"Truth na lang."
"Kung babalik yung sinasabi mong kinrushback ka nung JHS, may pagasa ba sya?" Tanobg ko.
"I don't know. Ewan. Pero kung babalik? 'Di ko rin alam eh. 'Di ko rin sure kung may feeling pa rin ako sakanya. Pero baka pwede pa." Nakangiti nyang saad.
"Wow, galing sumagot ah? Question and answer ba 'to, Frans?" Si Cj.
"Mga baliw. Ibang laro naman."
"May naisip ako! Ml tayo! 3v3, boys vs. Girls. Kung sino matalo id-dare sya nung mga natalo, game!" Suggest ni Ken.
"Gamee!!" Sabat sabay naming sigaw.
Nagsimula na kaming maglaro ng ml.
"Hoy, mga gago! Iniwan n'yo ko magisa mamamatay na'ko! Help! Tulong! Ayan wala na latay na." Sigaw ni Jaxen habang naglalaro.
Tumawa lang naman mga kasama nya.
Tumagal ng 30 minutes yung paglalaro namin at syempre kami panalo hehe.
"MGA ULOL KASI KAYO" Sigaw ulit ni Jaxen sa mga kakampi n'ya.
"Tama na 'yan dare namin sainyo. Tawagan n'yo yung gusto nyo ngayon." Sabi ni Vien.
"f**k! Mapapaamin ng wala sa oras!" bulong ni Jaxen.
"Ayos lang 'yan, Jaxen." si Ken.
"Ako na una!" Presinta ni Cj.
Nagring ng ilang besis yung cellphone n'ya tyaka palang sinagot nung tinatawagan.
[Hello?]
"Hi, dare lang 'to sorry sa abala." Sabi nya tyaka agad pinatay yung call.
"Ay bwisit. Chill lang sya, sis." ani Frans.
"Ako na next." si Ken.
[Hello?]
"Hi, sorry dare lang 'to. Sorry sa abala." luh. Gumaya.
"Gaya-gaya ka nama , Ken." Sabi ni Cj kay Ken.
"Hayaan mo na. Jaxen, my friend! Ikaw na!" Masayang saad nya.
"'Di ko alam number nya." si Jaxen.
"Edi hingin mo! Hina mo naman!" Suhestiyon nya.
"Cass, anong number mo?" tanong nya sakin.
Hala puta. Bakit number ko? Kinakabahan ko sayo putangina mo, Jaxen.
"Yown!"
"Awit!"
"Speed!"
"09*********" kinakabahan kong saad.
Tumngo lang si Jaxen sakin. Ilang sandali lang tumunong yung cellphone ko. Sinagot ko naman 'yon.
"Hello?" sabi ko.
"Hello, Cass. I like you." Sabi ni Jaxen.
Putangina, sis. Yung puso ko. Kailangan ko nang magpacheck-up. It's beating so bilis. You know faster. Yeah. Tangina mo, Jaxen huhu.
"UWIAN NA MAY NANALO NAA!!" Sigaw nilang lahat. Mga boang.
"Baliw ba kayo?" Sabi ko sakanila.
"Wala, wala, Sana all. Sana all" Si Frans.
"Tulog na tayo." Sabi ni Jaxen sabag tayo.
"Oh. Hala kayo nagwalk-oug na!" Sabi ko ng may hand guesure.
"Hayaan mo yon tara na tulog na tayo! 4am pa tayo aalis bukas!" Aya nila kaya natulog na kami.
Kinabukasan 3:30 ako nagising para maligo. Pagkatapos kong maligo nagbihis ako ng high-waist shorts tyaka football jersey. Sa sapatos naman ay yung Air Max 97. Naglagay lang ako ngliptint tapos pinonytail ko yung buhok ko tyaka naglaglag ng ilang piraso ng buhok ko.
Palabas na'ko ng kwarto ko at sabay kami ni Ken lumabas.
"Kayo ha!" tukso nya.
"Bakit nanaman ba?" Inis kong sagot.
"Wala, wala. Makikita mo rin naman mamaya." Sabi nya tyaka bumaba. Sinundan ko na lang sya.
Nandon na silang lahat maliban kay Vien tyaka Jaxen.
"Nasan si Vien tyaka Jaxen?" Tanong ko sakanila.
"Si Vien nasa cr si Jaxen," lumingon sya sa likod ko. "Ayan!" Sabay turo sa likod ko.
Pagkalingon ko bumungad sakin si Jaxen. And parehas kami ng suot na damit. Parehas na parehas. Punyeta.
"Sana all, couple tshirt!" Hindi ko namalayan na andito na pala si Vien sa tabi ko.
"Sana all. Sana all. Sana all." Sigaw nilang lahat.
"Tigil na kayo, hinihintay na tayo ni manong oh!" Sabay turo ko sa Van.
"Oo nga pala, tara na!" ani ni Vien tyaka kinuha yung bag nya.
Kinuha na namin yung kanya kanya naming bag tyaka nagtungo sa bus.
"Magtabi kayo ha!" Sabi nila samin. So ang ending tabi nga kami.
"Let's go na po, Manong!" Sigaw ni Frans.
Habang nagbabyahe kami 'di ko maiwasang hindi antukin
"Gusto mong matulog? Pwede kang matulog sa balikat ko." sambit ni Jaxen sa mahinang boses.