NAUPO siya sa couch. Isinandal niya ang sariling likod at pumikit saglit. Hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. Mayamaya ay nagising siya. Napalingon siya sa kanyang kama. Kunot-noong nagtataka siya. Wala na roon si Thess. Naisipan niyang tumayo mula sa couch. Pagdakay, tinungo ang pinto ng kwarto ni Thess. Kumatok siya. Bumukas ang pinto, sinalubong niya ang salubong na kilay ni Thess. "Ano'ng kailangan mo?" inis nitong tanong sa kanya. "Ba't ba lagi kang galit?" takang-tanong niya rito. "Paanong hindi ako magagalit, nang-iistorbo ka!" Singhal nito sa kanya. "Hindi ba pwedeng normal lang na boses, Ms. Padaong?" "Oh, really? Sa tingin mo, sino ba ang hindi maiinis sa ginawa mo? Gusto kong magbanyo dahil matatae na sana ako, pero hindi ko nagawa dahil sa lìntik m