Teaser

1204 Words
Kailangan niyang lumuwas ng Maynila para pumasok bilang isang katulong. Mabuti na lamang at tinulungan siya ni Aling Trina. Lima silang ng magkapatid at siya ang panganay. Wala na silang tatay dahil sumaka-bilang bahay na, ang nanay niya naman ay may sakit. Kaya kailangan niyang kumayod para sa ilang maintenance ng ina, tulad na lamang ng gamot, at ilang pang mga bayarin. Pangarap niyang makapagtapos nang pag-aaral ang apat niyang kapatid na lalaki. "Narito na, Maria Theresa." "Salamat, Nay." "Ikaw na babae ka, pati ba 'yang may mga butas-butas mong pānty ay dadalhin mo pa, itapon mo na kaya 'yan?" "Naku, hindi pwede Nay. Alam niyo namang nagtitipid ako sa napkin sa tuwing may meanstruation ako." "Nakakahiya ka talagang babae ka!" "Nay, sa hirap ba naman ng buhay ngayon matuto tayong magtipid. T'saka, hindi naman 'yan makikita." "Ate, mag-iingat ka ro'n. Nasa labas na nga pala si Aling Trina naghihintay sa'yo." Napasulyap siya sa kanyang kapatid na lalaki. "Alam mo, Greg. Ang lahat ng ginagawa ko ay para sa inyo. Kung hindi ba naman tayo iniwan ng iresponsable nating ama, hindi sana ganito ang abutin natin. Kaya lang, minalas tayo," saad niya sa kapatid. Ngumiti siya rito. Nagulat siya ng biglang lumapit sa kanya ang mga kapatid, at niyakap siya ng mga ito. Napalunok siya. Ang totoo, ayaw niyang umalis, kaya lang, kailangan niyang kumita ng mas malaki dahil kailangan ng gamot ang kanyang ina, maintenance para sa sakit nitong high blood. Hindi pa siya handang mawalan ng ina. Napasulyap siya sa kanyang ina. Napanguso siya ng mapansing tila parang umiiyak ito. "Nay, naman." Dahan-dahang kumalas muna siya sa mga kapatid, at nilapitan ang ina. "Napuwing lang ako, Thess" "Sus, alam ko namang mamimiss niyo ako. Nay, para sa inyo ito at sa mga kapatid ko. Basta mangako lang kayo na hindi na kayo iinom ng alak at maninigarilyo." "Thess naman, hindi na nga. T'saka, hindi biro itong magpakalayu-layo ka sa amin para lang kumita ng malaki." "Asahan ko 'yan Nay, ha? Kayo, magpakabait kayo kay nanay," bilin niya sa kanyang mga kapatid na lalaki. "Opo, ate." Magkasabay na sagot ng mga. ito. "Lahat gagawin ko makapagpadala lang ng pera. Ang pag-aaral niyo, ayusin niyo. Huwag muna mag-girlfriend, ha?" "Tessa, hija. Tayo na at baka mahuli na tayo sa sasakyan natin patungong Maynila." "Opo, Aling Trina. Nariyan na po! Nay, alis na kami." Muli, sabay na niyakap siya ng kanyang ina at apat na kapatid. "Huwag niyong kalilimutan ang bilin ko sa inyo, Greg. Since, ikaw ang pinaka-matanda sa mga lalaki nating kapatid. Ikaw na ngayon ang magsisilbing tagapayo, naintindihan mo?" "Opo, ate." Makalipas ang ilang minuto. Tuluyan na rin siyang nagpaalam sa kanyang ina at mga kapatid. Ang totoo, pinipigilan niya talagang huwag maiyak sa harapan ng mga ito. Awa ng Panginoon, nagawa niya naman. "Tara na po, Aling Trina." "Mabuti na man at lumabas ka na, Thess." Nakasunod lang siya kay Aling Trina. First time niyang makaapak ng Maynila. Kung tutuusin, ignorante siya sa naturang siyudad. Pero hindi naman siya tulad ng iba na mapaghalataan. Alam niya kung paano makibagay sa mga tao. At matalas ang pakiramdam niya sa mga magnanakaw. Aba't mag-iingat sila sa kanya, at baka masampulan niya sila sa karate skills niya na itinuro sa kany ng mga ilang kaibigan niyang basagulero sa lugar nila. "Ang pangalan ng amo natin ay si Mr. Clinton. Isang matandang may sakit, ang tanging trabaho mo lang ay ang linisin ang kanyang kwarto araw-araw. Alas nuwebe ng umaga." Tinutukoy nito ang ama ng ultimate crush niyang si. Zavier. "Iyon lang ang trabaho ko, wala na bang iba?!" "Oo, kaya magpakabait ka, Thess." "Oo naman, Aling Trina. Isa pa, ayokong mapahiya po kayo sa amo niyo nang dahil lang sa'kin." "Hayan na ang kotse na susundo sa atin, salamat naman sa Dios at narito na." Tumapat sa kanila ang naturang kotse. Bumukas ang bintana. Ngumiti ang isang matandang lalaki na sa tingin niya'y ang driver. Lumapit sila ni Aling Trina sa kotse at binuksan ang back seat. Pumasok sila sa loob. Namangha siya sa looban ng kotse. Mabuti na lamang at suot niya ang kanyang sweater. Maginaw sa loob dahil sa air-conditioning. "Aling Trina, ang sarap pala sa feeling sa loob ng kotse tapos air-conditioning pa." Ngumiti si Aling Trina sa bulong niya rito. "At least, na experience mo rin, hindi ba?" "Oo nga po, ang sarap ng buhay mayaman, no?" "Naku, Thess. Kung ang mayaman ang tatanungin mo, sasabihin din nila sa ating mga mahihirap 'yan." "Po, bakit niyo naman po nasabi?" "Dahil iyon ang sinabi sa akin ni Mr. Clinton noon, ng minsang dinalhan ko siya ng pagkain sa kanyang library." "Gano'n po ba?" "Oo, gano'n daw siguro talaga." Napasulyap siya sa front view mirror. Pagdakay, humugot siya ng isang malalim na buntong-hininga. Papunta pa lamang sila ng Maynila namimiss na niya ang kanyang ina at mga kapatid. "Huwag kang mag-alala, mababait naman ang mga kasamahan mo roon." "Namiss ko lang po agad sina nanay." "Ang totoo, Thess. Iyan ang isa sa mga kalaban sa tuwing nasa malayo ka. Lalo na ngayon para magtrabaho bilang isang katulong sa Maynila. Kailangan mo talagang mag-adjust." "Lahat po kakayanin ko para sa pamilya ko. Sa nanay at mga kapatid ko, Aling Trina." "Ang swerte ng inay at mga kapatid mo sa'yo, alam mo ba 'yon?" Ngumiti siya rito nang marinig ang sinabi nito. "Hindi naman po." Tinapik siya ni Aling Trina sa kanyang balikat. "May awa ang Panginoon, Thess. Makakamtan mo rin ang mga pangarap mo sa buhay. Maging honest ka lang at pakamahalin mo ang iyong trabaho." "Tatandaan ko po 'yan, Aling Trina." Makalipas ang ilang oras na biyahe, dumating na rin sila sa kanilang destinasyon. Ngunit ang totoo, plano niya talaga na makapasok sa mansion ng mga Clinton sa pamamagitan ni Aling Trina. Double purpose, ang makatulong sa kanyang ina at mga kapatid, at ang mapalapit sa hinahangaan niyang hottie bachelor, na dati ay nakikita niya lamang sa telebisyon at nababasa sa diyaryo. Walang iba kundi si Mr. Zavier Clinton, her one and ultimate crush. Umibis sila mula sa kotse, abut-abot na ang kaba ang kanyang nadarama. Ngunit, kapwa sila nagulat nang may marinig sila ni Aling Trina na tila may nagtatalo? Hanggang sa hindi inaasahang tumambad sa kanyang harapan ang napaka-gwapong si Mr. Zavier Clinton. Pigil ang ang kanyang hininga sa mga sandaling iyon. Tila ba nabato siya sa kanyang kinatatayuan nang masilayan ang pamatay nitong awra. Ngunit ang hindi niya inaasahan ay ang pagsilay nang pamatay na ngiti sa mga labi ni Zavier. Nanlaki ang kanyang mga mata kasabay ng malakas na pagtibok ng kanyang puso. Tila ba parang nag-slow motion ang lahat habang papalapit sa kanyang kinaroroonan si Zavier. "I'm glad that you're here," ani pa ni Zavier sa kanya. Nakatitig lang siya sa napakagwapo nitong mukha. Ni walang lumabas na salita sa kanyang bibig, at naramdaman na lamang niya na hinapit siya ni Zavier sa kanyang maliit na bewang palapit sa matipuno nitong katawan, at walang-gatol na inangkin nito ang kanyang mga nakaawang na mga labi. What the! "Jusmiyo!" Ang narinig niya mula kay Aling Trina. Kung panaginip lang ito. Utang na labas, sasapakin niya talaga ang mambubulahaw sa maganda niyang panaginip na tila ayaw na niyang magising pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD