02

1192 Words
Kace Javier's POV; "Kyahh!classmate tayo!" Tili ni Ian na kinangiwi ko ng sawayin kami ng ilang teachers dito sa labas ng Dean office. "Hihi sorry." Nagpeace sign lang si Ian bago ako hilahin kung saan habang dala ang folder na binigay sakin ng Dean. "Dahan dahan naman Ian mas nakakaagaw tayo ng pansin sa ginagaw---." "Correction it's laila." Putol ni Ian na kinailing ko na lang dahil halatang binago niya ang pangalan niya. "What eve---." "Wahhh why your so cute fafa." Napangiwi ako ng huminto siya at gumusgumusin ang mukha ko ng---. "Oras na ng klase anong ginagawa niyong dalawa dito?" Napatingin kaming dalawa ni Ian sa likuran namin ng---. "P-President." Namumultlang sambit ni Ian bago dali daling chineck ang wrist watch niya. "Mygosh! Simula na ang klase." Ani ni Ian ng---. "Landian kayo ng landian dito sa hallway matuto kayong rumespeto sa sarili niyo nakakadiri kayo...mga bakla." Nagdidilim ang anyong sambit ni Cairo na kinainit ng ulo ko. "Cairo sumusobr---." "Kace!" Rinig kong sigaw ni Ian ng tawirin ko ang pagitan namin ni Cairo. "Cair---." Naputol ang sasabihin ng babaeng nakalingkis sa kanya ng salubungin ako ni Cairo. "Papalag k---." Naputol ang sasabihin niya ng walang kaano ano kong hablutin ang kwelyo niya at siilin siya ng halik dahilan para mapasinghap lahat ng estudyante sa paligid namin at---. "Suit for you... Jerk." Nagdidilim ang anyong sambit ko bago siya itulak ng bahagya na may pagkagulat sa mukha. "Stop messing up with me Nera dahil wala akong balak mag paunder sayo sa kahit na ano mang bagay." Nanggigil na sambit ko bago bahagyang punasan ang labi ko gamit ang likod ng palad ko at tumalikod. I'm just trying to be nice here pero pinipikon niya talaga ako. "Tara na." Ani ko kay Ian bago hablutin ang bag niya at hilahin. Cairo Nera's POV; "Wtf!pft hahaha!" Tawa nina Allen na halos gumulong na sa sahig ng makapasok kami sa tambayan. "Haha tangna ang epic ng mukha mo dun pare." Tawa ni Wallace na halos mahulog sa kinauupuan at mamatay matay sa katatawa. Sa sobrang inis ko walang kaano anong sinipa ko ang lamesa na kinatahimik nila. "Putanginang bakla yun." Nanggigil na sambit ko bago naiinis na punasan ang labi ko na halos dumugo sa kakakuskos ko. Putangina. "Bakla ba talaga yun?" Rinig kong tanong ni Castro. "Mukhang hindi naman ang cool niya nga eh tapos ang gand---." "Will you shut up Lopez!" Bulyaw ko kay Allen bago kuhanin ang bag ko at naglakad palabas ng kwarto. "Oy Nera saa---." "Mag sskip ako ng class ngayon." Nanggigil na putol ko bago malakas na binalya ang pinto at naglakad paalis. "Inuubos talaga niya ang pasensya ko." Nagdidilim ang anyong sambit ko. "Nagagawa niyang makipag harutan sa iba kahit may fiancé siya tapos hahalik---." Naputol ang sasabihin ko ng maalala ko ang ginawa niya. Putangina! Mura ko bago hampas hampasin ang ulo ko sa sobrang inis ko sa scene na yun nakakadiri. Kace Javier's Pov; 'Kyaah ang gwapo!' 'Ohmy anong pangalan mo Kuya?' "Class quite!" Sigaw ng teacher na nasa unahan. "Pumasok kana Mr.Javier then introduce yourself." Ani ng teacher na agad kong sinunod. 'Ang wafu!' "Im Kace Javier 22 years old." Pakilala ko na kinalaki ng mata ng mga classmate ko. Hindi na ako magtataka sa reaction nila dahil hindi naman talaga halata sa mukha ko na 22 na ako sama mo pa ang height ko. "May tanong ako." Napatingin ako sa lalaking nakaupo sa pinakadulo ng magtaas ito ng kamay. Wait? Isa siya sa kasamahan ni Cairo. "2 years ago may sumikat na banda world wide at kung tama ako isa ka sa mga yun." Ani ng lalaki na kinagulat ko bahagya. 'Ohmy it is real?' 'Whoa big time pala ang transferee natin ngayon.' "Nagkakamali ka." Sagot ko na kinakunot ng noo niya. "His name is Jace Javier.. he was my twin brother." Ani ko bago bahagyang yumuko at walang imik na umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Ian. "Are you okay?" Tanong ni Ian na kinatango ko. "Im fine." Sagot ko bago bahagyang tingnan yung lalaki at agad napaiwas ng tingin ng magkasalubong ang mga mata namin. Cairo Nera's POV; "Hey babe sa condo ko ba ulit ikaw magsstay ngayon?" Nang aakit na sambit ni Veronica bago lumingkis sa braso ko. "Next time na lang siguro...wala ako sa mood." Casual na sagot ko dahilan para naiinis niyang binitawan ang braso ko at naglakad palayo. "LQ?" Rinig kong tanong ni Wallace na kinibit balikat ko bago walang kaano anong tinungkod ang dalawang kamay ko sa railing at tumingin sa baba. "Bukas pala marami nanamang papasok na transferees kaya... bukas dapat maaga ka wag kang papalate tangna ka." Ani ni Wallace bago ako tapikin at maglakad papunta kung saan. "Oy Kace! Uuwi kana?" Napatingin ako sa kabilang building ng makakita ako ng dalawang tao na naglalakad palabas sa highschool building. Agaw pansin ang mga ito specially yung lalaking may light brown ang buhok which is si...Kace Javier. May maamong mukha ito at daig pa ang babae sa natural feautures na meron ito... kabaliktaran sa nakita ko kanina ng makapag salita ako ng hindi maganda. "Tatawag si mom kailangan kong umuwi ng maaga." Rinig kong sagot ni Kace ng---. Agad ako napaikot patalikod ng magkasalubong ang mata nami---wtf!bakit ako tumalikod? Kace Javier's POV; "Bye bye Kacey!" Paalam ni Ian na kinangiwi ko ng gawin niyang pambabae ang pangalan ko. "Bye." Sagot ko bago kumaway sakanya pabalik at tumalikod na ng makita kong sumakay na ito sa isang kotse. Nang makalabas na ako ng university nagpatuloy na ako sa paglalakad ilang blocks lang naman mula dito ang village na inaakupahan nina Tito kaya ayos lang. "Oy bata akin na pera mo kung ayaw mo masaktan." Napatingin ako sa dadaanan kong eskinata ng may mga taong nagkukumpulan dun. "Kaya hindi umuunlad ang pilipinas dahil sa mga katulad niyo." Ani ko habang nakapamulsahang naglakad palapit sa mga goons at sa estudyanteng babae na ngayon ay paiyak na. Base sa uniform niya pareho kami ng pinapasukan. "Imbis magtrabaho kung anong anong kawalanghiyaang pinag gagawa niyo." Dagdag ko na kinaharap ng limang goons sa pwesto ko. "Wag ka ng mangialam dito pretty boy kung ayaw mong sirain ko yang maganda mong mukha." Pagmamayabang ng isa sa mga lalaki na kinaismid ko. "Kung gaano kalaki ang katawan mo yun naman ang kinaliit ng utak mo." Panlalait ko na kinadilim ng anyo nila tsk mas lalo tuloy silang pumangit. "Ikaw!" "Kuya umal---." Naputol ang sasabihin ng babae ng walang kaano ano kong iwasan ang mga suntok nila. Dahil sa likas silang mga bobo madalas sila sila na nagkakasuntukan. "Kuya sa likod mo!" Sigaw ng babae ng---. "Ang liit liit mong tao ang lakas ng loob mo." Para akong nabato sa kinatatayuan ko ng makita ko si Cairo na nasa gilid ko habang hawak ang kamay nung Goons 2 na may hawak na kutsilyo. "Aaahhhh!" Sigaw ng lalaki ng walang kaano anong baliin ni Cairo ang kamay niya gamit ang isang kamay lang. "Sa susunod na papasok ka sa gulo siguraduhin mong malayo ka sa university." Walang emosyong sambit ni Cairo na kinaismid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD