04

865 Words
Cairo Nera's POV; Patuloy lang sa pagpasok ang mga estudyante may ilang grupo din ang mga bumabati samin na tinatanguan ko lang. "Si Pretty boy oh." Ani ni Allen na kinatingin ko. 'Kyaah!si Kace Javier.' Rinig kong tilian ng ilang estudyanteng babae na nakapaligid samin. "2 days pa lang dito may mga avid fans na agad." Natatawang komento ni Castro. Katulad ng iniexpect ko tuloy tuloy lang itong pumasok sa gate ni hindi man lang kami tinapunan ng tingin na kinakunot ng noo ko dahil nakaramdam ako ng inis wth. "Hoy!" Sigaw ko bago tumayo na kinatingin nina Castro at ilang estudyante. "Javier!" Sigaw ko na kinatigil ni Kace bago lumingon sakin. "What is it?" Tanong niya bago naglakad pabalik. "Nasan I.D mo?" Tanong ko na kinasamid nina Wallace. "Mawawalan ng trabaho si manong dahil sa pres---f**k!" Mura ni Allen ng mahina kong suntukin ang sikmura nito na nasa gilid ko. "Ah sorry nasa bag ko." Casual na sagot niya bago kuhanin ang I.D niya sa bag at ipakita sakin. "Pare ayan na yung mga transferee." Ani ni Castro dahilan para mag gesture ako kay Kace na umalis na at lingunin ang dalawang grupo na papasok. "Wala bang pared carpet diyan." Maangas na bungad ng isa sa members ng dalawang grupong papasok. 'Ohmy!kyaah ang popogi.' "Hindi ba nasabi sa inyo na may proper uniform dito?" Walang emosyong sambit ni Allen. "Who cares." Sagot ng isa sakanila. "Andito ba kayo para iwelcome kami?" Nakangising tanong ng mukhang leader ng isang grupo. "Goodmorning." Napatingin ako sa isa pang grupo ng huminto ito sa harap ko at bahagyang yumuko na kinakunot ng noo ko. "Hindi namin alam ang pasikot sikot dito pwede ba naming mahiram ang konting time mo para dalhin kami sa dean office?" Tanong ng isa sa apat ng pangalawang grupo. Hindi katulad ng unang grupo nakacomplete uniform ang mga ito at hindi halatang mga gangster dahil sa aurang meron sila pero... dahil sa sanay na ako sa ganitong patakaran natuto na akong wag papaloko sa itsura. "Mendez kayo na muna bahala diyan." Ani ko ng hindi man lang tiningnan sina Wallace. "Sumunod kayo sakin." Walang emosyong sambit ko bago naunang maglakad. Nang makarating kami sa harap ng Dean office kumatok na ako at humarap sakanila. "Ito ang Dean office kunin niyo yung sched niyo at I.D magtanong tanong na lang kayo kung saan ang section niyo." Ani ko bago ituro yung kabilang building na nakikita mula dito. "Andun ang highschool building dun kayo maghanap ng section niyo." Dagdag ko bago maglakad pabalik. Mabait naman ako kahit papaano lalo na sa mga tulad nilang alam kong hindi ako bibigyan ng problema...I guess. Nang pababa ako mula sa third floor nakita ko si Kace na pababa ng hagdan papuntang first floor. "Anong ginagawa nun dito?" Bulong ko bago maglakad papunta sa kabilang hagdan ng mapatigil ako sa harap ng office ko. "Dito ba galing ang baklang yun?" Bulong ko bago pihitin ang door knob at buksan yun. Naiwan ko palang bukas ang pinto ng office ko. Napakunot ang noo ko ng makakita ako ng medyo may kalakihang bag. Napatigil ako ng paglapit ko dun may nakita akong note na nakadikit na agad kong kinuha. 'Pinagluto na kita ng pang breakfast at lunch.' ~K.J Hindi ko maiwasang matawa sa initial na ginamit niy---wait natawa? Napatikhim ako bago buksan ang bag... dalawang lunch box nga ang nandito may tubig pa. 'Ano ako bata?' Pailing iling na sambit ko bago isara yun at itago sa pinakilalim ng table ko. 'Let me howl~' Agad kong sinagot ang phone ko ng mag ring yun at---. ["Tangna mo Nera asan kana!"] Bungad ni Allen na agad kong pinatayan bago lumabas ng office. Sakit sila sa ulo tangna. Kace Javier's POV; "Guys!wala daw klase ngayon may meeting ang mga teacher." Sigaw ng class president namin na kinatuwa ng mga kaklase ko. "Ohmy walang klase!" Tuwang tuwa na sambit ni Ian bago tumayo at kuhanin ang bag nito. "Oy Kacey tara hanap tayo ng fafa hihi." Yaya ni Ian na kinangiwi ko ng hilahin ako nito palabas ng classrom. "Makakasilay kay Crush." Humahagikhik na sambit ni Ian na kinapoker face ko. "Dinamay mo pa ako ah." Ani ko habang naglalakad pababa sa 3rd floor. "Tangna sa lahat ng idea mo ito ang pinakaayaw ko." Napatigil ako sa paglalakad ng---. "Kacey anong nangyari?" Tanong ni Ian ng hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko ng masalubong ang grupuhan ng apat na estudyante na kalalabas lang ng classroom na dapat dadaanan namin. "Kyaah ang gwafu!" Impit na tili ni Ian na kinakurap ko ng sabayan yun ng ilang estudyante dito sa hallway habang nakatingin sa grupuhang nasa harap ko. 'Tiiing' Napalingon ako ng makarinig ako ng bakal na nagkikiskisan ng magtama ang paningin namin ni Cairo na ngayon ay hinihila ang hawak nitong baseball bat na nakapatong sa railing kasunod ang ilan pang grupuhan. "s**t!" Mura ko ng mapansin kong napapagitnaan na kami. "Ian tara na." Yaya ko kay Ian bago dali daling umalis dun at makisiksik sa mga estudyanteng nakikiusyoso. "Wait lang Kaceybabes!" Sigaw ni Ian habang pababa ako ng hagdan. 'Tangna anong ginagawa nila dito.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD