07

801 Words
Kace Javier's POV; "Omg! Kace yung Black Puma may mga kaaway nanaman." Bungad ni Ian na kinakunot noo ko. Kararating lang ni Cairo ah. Out of curiosity lumabas ako ng classroom at lumapit sa railing kung saan kitang kita ang baba. "Ano bang nangyayari?" Bulong ko ng makitang pumapalag ang mga estudyante at pinagtutulungan ang tatlong members ng Black Puma habang ang mga teachers hindi alam kung anong gagawin. 'Kyaah! Andito na si Cairo!' 's**t si Mr.President!' "Oh Mr.President maganda ba ang t---f**k!" Nanlaki ang mata ko ng walang kaano ano siyang hampasin ng dalang baseball bat ni Cairo sa mukha. "Kung sina Lopez nagpipigil dahil estudyante kayo...ako hindi." Walang emosyong sambit ni Cairo bago walang kaano anong ihagis ang hawak nitong baseball bat sa lalaking babanat sa isa sa mga kagrupo niya. "Simula ng tumapak kayo sa university na ito pinahanda ko na kay tanda ang death certificate at ospital na para lang sainyo." Dagdag ni Cairo habang niluluwagan ang suot nitong necktie na kinaatras ng grupuhang kanina ay tumambang sa grupo ni Cairo. "Kaya I dont mind kung mabali ko man ang buto niyo at mapatay kayo...besides binabayaran naman kami ng pamilya niyo para desiplinahin lang kayo." Dagdag nito. Kahit yata ako kinikilabutan sa sinasabi niya honestly wala talaga sa expression niya ang pagdadalawang isip na makapatay lalo na sa ginawa niya sa lalaki kanina na hinampas niya sa mukha ng baseball bat na ngayon ay buhat buhat na ng mga estudyante palabas ng eskwelahan. "Matapang kayo diba?lapit." Seryosong sambit ni Cairo na kinaatras ng ilang estudyante. "Putangina kay Nera lang pala kayo takot!" Mura ng lalaking may highlight na red ang buhok bago sipain ang lalaking binato ni Cairo ng baseball bat na ngayon ay walang malay. "Nakakatakot talaga si Mr.President." komento ni Ian habang nakapatong ang baba sa railing at nakatingin din sa baba. "Kaya ikaw wag kang basta basta hahalik nakakaloka kang bakla ka tsk tsk." Ani ni Ian bago ako ituro turo. "Buti na lang talaga hindi ka sinuntok ni Fafa Cairo." Dagdag niya na kinailing ko bago tatawa tawang bumalik ng classroom. "Mag review na lang tayo may quiz pa tayo mamaya." Ani ko habang naglalakad pabalik ng upuan ko. --- "Wow!ang sarap talaga ng mga niluluto mo ikaw lang talaga nagluluto nito Kaceybabes?" Hindi makapaniwalang komento ni Ian habang kumukuha ng ulam ko. Lagi niya na lang sinasabi yan since ng tumikim siya ng mga niluluto ko. "Haynaku ayaw mo talagang maging personal chef ko promise babayaran kita ng malaki." Naiiyak na sambit ni Ian na kinailing ko. "May damulag pa akong inaasikaso sa bahay kaya hindi pwede." Pagtanggi ko. "Waah mygosh sino yan kapatid mo o pinsan?! Fafa ba? Hihi." Maharot na tanong ni Ian na kinailing ko. "Kumain kana nga lang." Ani ko ng---. "Pwede ka ba makausap?" Napaangat ako ng tingin ng may pares ng mga sapatos ang tumigil sa harap namin. 'Kyaah ang midnight!' "Hala! Kac---." "Dito ka lang." Ani ko bago tumayo sa kinauupuan ko lalampasan ko sila para sundan si Vlad na papaalis. Oo kilala ko sila dahil---. "Long time no see...pinuno." bulong ni Xian sa tenga ko ng dumaan ako sa harap niya na kinatigil ko ng bahagya. --- "Vladimir!" Rinig kong sigaw ni Aki ng makarating kami sa bakanteng classroom at kwelyuhan ako ni Vlad. "Ganun ganun na lang ha? Javier? Pagkatapos ng lahat iiwan mo kami?" May diing sambit ni Vlad. "Umalis ka ng walang paalam kung hindi pa kami halos magmakaawa kay tito hindi namin malalaman na bumalik ka ng pilipinas." Nanggigil na sambit ni Vlad bago pumikit ng mariin at idikit ang noo niya sa noo ko. "Im sorry."bulong ko. Sa aming lima si Vlad ang masasabi kong nagsisilbi saming kuya kahit ang totoo magkasing age lang kami. Alam ko ding mag aalala siya ng ganito kaya mas minabuti kong hindi na mag paalam dahil ayokong pati sila madamay sa problema ko. "Anong ginagawa niyo dito?" Napatingin kami parepareho sa pinto ng bumukas yun at bumungad samin ang Black Puma kasama si...Cairo. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya pero kitang kita ko kung pano kumuyom ang kamao nito na kinakunot ng noo ko. Ayokong mag assume pero galit ba siya. "Nag uusap lang kami humingi naman kami ng permission sa Dean na gagamitin namin pansamantala ang classroom na ito para sa remedial." Explain ni Dylan ng lumuwag ang pagkakahawak ni Vlad bahagya ko siyang tinulak at inayos ang uniform ko. Ngayon ko lang narealize na hindi pala maganda position namin kanina. Nakaupo ako sa desk habang nakayuko siya at hawak ang kwelyo ko. "May klase pa ako mauna na ako." Paalam ko bago bitbitin ang bag ko at naglakad palabas ng classroom. Tiyaka ko na lang sila kakausapin pag may time na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD