10

925 Words
Cairo Nera's POV; Sunod sunod ang mura ko ng magising ako ng sobrang sakit ng ulo ko. Saktong pagbangon ko ang pagkahulog ng maliit na towel sa noo ko na kinatigil ko. "Damn it." Bulong ko habang hawak ang ulo ko hanggang sa napako ang paningin ko sa coffee na may nakalagay na planggana at ilang gamot. "f**k it." Ani ko bago ilibot ang paningin ko hanggang sa napadako ang tingin ko sa lalaking nakaupo sa couch habang natutulog na nasa hindi kalayun sa pwesto ko. Hindi ko maiwasang maguilty ng maalala ko lahat yung kagabi at pagbabantay niya sakin. "Bwisit." Mura ko bago pilit na tumayo at lumapit kay Kace na pilit pinagkakasya ang sarili sa upuan. "Kumakain pa ba ang batang ito?" Bulong ko ng pagbuhat ko sakanya sobrang gaan. 'Para lang akong bumuhat ng unan.' Kahit medyo nahihilo ako dahil sa hang over pinilit kong humakbang at hindi magising si Kace. Parang may kung anong bumundol nanaman sa dibdib ko ng maramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko ng sumiksik siya dun habang buhat ko. "D-Damn." Mahinang bulong ko bago marahang umiling iling at pumasok sa kwarto ni Kace. Nang makalapit ako sa kama dahan dahan ko siyang hiniga na kinahinga ko ng maluwang dahil hindi siya nagising. "Napakalinis ng kwarto niya para sa isang lalaki tsk." Komento ko ng maigala ko ang paningin sa buong kwarto pagkatapos kong iangat ang comforter at kumutan siya. Tatalikod na sana ako para lumabas ng mapako ang paningin ko sa isang picture frame na nasa study table. "May kakambal si Kace?" Bulong ko ng damputin ko ang picture frame at may makita akong batang lalaki. Napakunot ang tingin ko ng sa katabi ng batang lalaki may itim na marka...na mukhang sinadyang burahin ang picture niya sa picture frame. "Bakit binura ni Kace ang picture niya sa family picture na katulad nito?" Bulong ko bago matamang pagmasdan si Kace na mahimbing na natutulog. Kace Javier's POV; "s**t!" Mura ko ng napabalikwas ako ng bangon bago hablutin ang alarm clock ko sa study table. "Damn 10:34 na." Ani ko bago dali daling lumabas ng kwarto at---. "Ano?!!" Napatigil ako ng saktong pagbukas ko ng pinto bumungad sakin ang grupuhan na nasa sala at---. "Anong---." Naputol ang sasabihin ko ng lahat sila nanlalaki ang matang nakatingin sakin maliban kay Cairo na nakapoker face. "Wtf! Kaya nagtransfer si Javier sa University dahil fiancé mo siya?" Hindi makapaniwalang tanong ng isa sakanila. "Tsk sekreto lang ito wala na dapat makaalam pa." Ani ni Cairo bago ako tingnan na nakakunot ang noo. "Ikaw magbihis ka tingnan mo yang polo mo bukas pa." Komento ni Cairo na kinalaki ng mata ko bago mabilis na tinakpan ang sarili ko at sinara ang pinto. Tangna anong ginagawa ng Black Puma dito. Nagiling iling na lang ako bago dali daling pumasok ng bathroom para maligo. Cairo Nera's POV; "Now I know kung sino yung fiancé na tinutukoy mo kagabi na nag aantay sayo." Pang aasar ni Wallace na kinapoker face ko. "Pucha kala ko talaga si Veronica haha." Dagdag ni Allen habang tinatapik tapik ako. "Putangina niyo pag may nakaalam nitong iba ako na mismo babaon sainyo sa lupa." Pagbabanta ko na kinatawa nila. "Kahit hindi mo kami pagbantaan hindi namin sasabihin malaking kasiraan yan sa image ng grupo noh." Ani ni Allen na kinadilim ng anyo ko. "Gago." Mura ni Castro bago walang kaano anong batukan si Allen. "Joke lang tangna." Bawi ni Allen habang nakataas ang kamay. Hindi ko alam pero parang gusto ko basagin ang mukha ni Allen sa sinabi niyang yun. "Hoy Javier labas na diyan." Napatingin ako kay Wallace na nakatingin sa iwang ng pinto kung saan parang batang nakasilip si Kace. "Bata labas diyan papakilala kita sa grupo." Ani ko na kinalabas ni Kace sa kwarto bago gusot ang mukhang hinarap ako. "Now I know kung bak--s**t!" Mura ni Wallace ng batuhin ko siya ng nadampot kong unan kung ano nanamang sasabihin nito. "I'm Kace Javier." Ani ni Kace na kinatingin nina Allen. "Oww by the way Im Allen Alcarez." Pakilala ni Allen bago nagpogi sign na kinangiti ni Kace tsk. "Castro Lopez here classmate tayo." Ani ni Castro na kinatingin ko. "Bakit hindi mo sinabing classmate mo si Kace?" Tanong ko na kinatingin niya. "Hindi ka naman nagtanong ah." Sagot niya na kinaismid ko. "Yo Wallace Mendez here...dahil fiancé ka naman ng pinuno namin may offer kaming special treatment sayo." Casual na sambit ni Wallace na kinakibit balikat ko ng tumingin sakin ang grupo. "Ahm okay?" Sagot niya na mukhang hindi niya alam ang sinasabi ni Wallace. "Magluluto lang muna ako tanghali na." Paalam ni Kace bago bahagyang yumuko at naglakad papuntang kusina. "Naging fiancé mo si Kace dahil sa business niyo diba?"ulit ni Allen. "Usapan na daw yun ng dating kanang kamay ni tanda na si Mr.Javier tapos bestfriend ni mama si Mrs.Javier at usapan ipapakasal nila ang mga anak nila pag nasa legal age na at nagkataong lalaki mga naging anak nila para ifull filled ang promise ni Mrs.Javier kay mama ipapakasal kami kahit pareho kaming lalaki."explain ko na kinangiwi ni Allen. "Parang ang complicated niyan pano kayo ni Veronica?" Tanong ni Allen na kinakibit balikat ko. "Alam niyo naman yung samin ni Veronica para lang sa image ng university." Sagot ko na kinatango tango nina Castro at Wallace. 'Besides ngayon lang din naman ako nakuntento ng ganito sa buhay ko.' Ani ko sa sarili ko bago tingnan si Kace na nasa loob ng kusina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD