Kace Javier's POV;
"Kaide!" Sigaw ko ng makapang wala si Kaide sa higaan niya.
"Kaide." Tawag ko bago dali daling tumingin sa bathroom kahit sa ilalim ng kama chineck ko pero wala.
"Kaide." Ani ko bago dali daling lumabas ng kwarto ng---.
"Ca---."naputol ang sasabihin ko ng makitang bukas ng konti ang pinto ng kwarto ni Cairo at nakita ang mag ama ko na nasa kama.
'Mag ama?' Hindi ko maiwasang matawa sa naiisip ko habang nakatingin kay Kaide na nakadapa sa dibdib ni Cairo.
"Magluluto na lang muna ako." Bulong ko bago dahan dahang isara ang pinto ng kwarto at maglakad papasok ng kusina.
---
Saktong 7:25 am nakapagluto na ako at nakapaglinis ng penthouse.
Habang inaayos yung mga unan sa sofa napatingin ako ng bumukas yung pinto ng kwarto ni Cairo at---.
"Goodmorning papa." Bati ni Kaide na kinangiti ko bago lumapit sakanya at lumuhod.
"Goodmorning baby tinanghali ka ng gising mukhang masarap tulog mo ah." Komento ko na kinangiti niya bago tumango hindi na kasi ito umiyak ng magising.
"Gising na ba daddy mo?" Tanong ko bago siya buhatin.
"Gising na papa magbabath lang daw siya." Sagot ni Kaide habang naglalakad kami papasok ng kwarto.
"Lilinisan na muna kita okay tapos kakain na." Ani ko bago siya iupo sa kama at maghanap ng mga susuutin niya sa closet.
Cairo Nera's POV;
Nang lumabas ako ng kwarto wala sina Kace at Kaide kaya sumilip ako sa kwarto nila.
"Cai may mga pagkain na sa lamesa." Bungad ni Kace ng makita akong nasa pinto habang binibihisan niya si Kaide.
"Sabay sabay na tayong kumain." Ani ko bago naglakad papuntang sala ng---.
'Bzzzzzt'
Napatingin ako sa pinto ng may nagdoorbell.
"Aga ng Midnight." Ani ko bago naglakad palapit sa pinto at---.
"Goodmor---."
*blaaag*.
Binalya ko yung pinto ng mga hindi tao yung nakita ko sa labas.
"Nera!buksan mo ito!"
"Putangina mo Nera wag kang ganyan!"
"Cai." Napatingin ako kina Kace ng lumabas na ang mga ito sa kwarto.
"Papasukin mo nakakahiya sa mga kapitbahay." Ani ni Kace na kinagusot ng mukha ko.
Kace Javier's POV;
"Papa friends po ba sila ni Daddy?" Tanong ni Kaide bago ituro yung magbabarkada sa sala.
"Yeah baby." Sagot ko ng---.
"Tang---inis ka talaga Nera!wala pang isang linggo kaming nawala binuntis mo na si Kace!" Bulyaw ni Wallace na kinasamid ko.
"Are you okay papa?" Tanong ni Kaide habang sinusubuan ko siya.
"Tigil tigilan niyo yang kamumura niyo may bata dito." Iritang sagot ni Cairo ng---.
'Bzzzt'
"May tao ulit." Ani ni Castro tatayo na ako para buksan ang pinto ng---.
"Ako na Kace." Ani ni Cairo bago tumayo at naglakad papunta sa pinto.
"Kuya Ice cream!" Sigaw ni Kaide bago dali daling bumaba ng upuan at nanakbo palapit kina---Vlad.
"Anong ginagawa ng Midnight dito?" Rinig kong tanong ni Castro.
"Hey Kiddo may mga pasalubong kaming toys sayo." Ani ni Vlad bago buhatin si Kaide ng yumakap ito sa mga hita niya.
"Kaide hindi ka pa tapos kumain." Ani ko bago tumayo at naglakad palapit kina Vlad na ngayon ay nakatingin sakin.
"Mag uusap tayo mamaya." Seryosong sambit ko ng kuhanin ni Cairo si Kaide na may mga hawak na toys na binigay nina Dylan.
"Look Daddy ang daming toys." Rinig kong sambit ni Kaide.
---
"Pahiram muna si pretty boy the 2nd." Ani ni Castro bago kuhanin sakin si Kaide na nakaupo sa carpet at naglalaro.
"Tara baby boy dun tayo sa garden lalaro tayo." Yaya ni Castro.
"Wieeeh sige Kuya Castlo!" Tuwang tuwa na sambit ni Kaide bago nagpabuhat kay Allen.
Nang makalabas ang members ng Black Puma tiningnan ko sina Vlad na nakaupo sa kabilang sofa.
"Sundan ko lang sina Kaide." Paalam ni Cairo bago tumayo at naglakad papunta ng garden.
"Hindi mo anak si Kaide."