Cairo Nera's POV;
"Hey babe." Napatingin ako kay Veronica ng salubungin ako nito kasama ang mga barkada niya
.
'Kyaah ang sweet nila.'
'Kainggit huhu.'
"Nabalitaan ko yung nangyari sa highschool building ayos ka lang?" Nag aalalang tanong ni Veronica pagkatapos ako nito bigyan ng halik sa pisngi.
"Nah wala lang ito." Sagot ko bago tingnan sina Castro at mag gesture na mauna na sila.
"Babe tell me hindi naman totoo na ipagpapalit mo ako sa bakla diba?" Tanong ni Veronica na kinatingin ko.
"Anong pinagsasabi mo?" Tanong ko at nag act ng normal.
Damn it pinababantayan niya nanaman ba ako?
"Ilang araw lang ako nawala marami na agad nagkalat na may lumalandi sayong bakla at niligtas mo pa daw yung anak."
Nakataas ang kilay na tanong ni Veronica ng---.
"Daddy!"
Nagulat ako ng may yumakap sa mga hita ko at---.
"Kaide!" Napatingin ako ng makita ko si Kace na nanakbo palapit sakin.
"There you are." Bulong ni Veronica.
"Students!" Ani ni Veronica na kinabato ko sa kinatatayuan ko ng maagaw namin lahat ng pansin ng estudyante na nasa field.
Kace Javier's POV;
Naunang pumasok si Cairo samin ng hinatid lang niya kami sa bukana ng eskinita.
"Papa bakit umalis si daddy?" Tanong ni Kaide habang buhat ko siya at naglalakad papasok ng gate.
"Nagmamadali kasi daddy mo." Sagot ko ng makarating kami sa tapat ng gate binaba ko na si Kaide at kinuha ang towel niya sa bag ko ng---.
"Si daddy! May kakain ng mga witch!" Nanlakj ang mata ko ng makitang nanakbo si Kaide.
"Kaide!" Sigaw ko bago siya habulin ng sumiksik siya sa kumpulan ng mga estudyanteng babae para lapitan si Cairo.
"s**t!" Mura ko ng makita ko si Kaide na nakayakap sa hita ni Cairo.
Nang marinig ko ang bulungan ng mga estudyante mabilis kong kinuha si Kaide na nakayakap sa mga hita ni Cairo.
"Nakikita niyo ba ang baklang yan?" Ani nung Veronica bago ako ituro.
"Kinakaladkarin lang naman ng baklang yan ang boyfriend and guess what?tinawag ng bastardo niyang anak na daddy ang boyfriend ko." Dagdag ni Veronica na kinakuyom ng kamao ko.
Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba sakin pero wag si Kaide.
"Papa!" Sigaw ni Kaide ng walang kaano ano kong sampalin si Veronica dahilan para matumba ito sa sahig na kinasinghap ng lahat ng estudyante na nakikiusyoso samin.
"Wala akong pakialam sa panlalait mo sa pagkatao ko pero wag na wag mong kakantiin ang anak ko dahil kahit babae ka papatulan kita." Madilim ang anyong sambit ko ng---.
"Veronica." Ani ni Cairo bago alalayan yung babae niya na umiiyak.
"Ikaw!" Susugudin ako ng mga alipores niya ng---.
"Dont touch him." Napatigil ang tatlong babae ng may umakbay sakin na kinatingin ko.
"Anong sinasabi mo Ms.Jonas?"tanong ni Vlad na kinatingin nina Veronica at Cairo.
"Nilalandi ni Kace ang boyfriend mo?"ulit ni Vlad ng walang kaano anong kuhanin ni Vlad ang kamay ko at ienterwined yun.
"Paano mangyayari yun kung akin na ito?" Nakakunot ang noong tanong ni Vlad bago lingunin si Kaide at buhatin ito.
"Sorry baby andito na si Daddy sina uncle Aki mo kasi namimilit na ibili ka daw ng ice cream." Ani ni Vlad bago ako tingnan at ngumiti.
'Ohmy!ang cute nila!!'
'Waah bat ganun sayang huhu type ko pa naman silang dalawa.'
'Kyahhh Team Vlace kami!'
Nung time na yun hindi ko alam kung anong mas masakit yung palad ko na namamanhid dahil sa pagsampal ko kay Veronica o...yung makita ko harapan kung paano halikan ni Cairo si Veronica.
"Umalis na tayo." Bulong ni Vlad bago ako alalayan paalis dun.
Hanggang sa hindi ko na lang namalayan na may tumulong luha sa kamay namin ni Vlad.
Which is ang...luha ko.
"S-Salamat Vlad." Bulong ko habang nakayuko.
Cairo Nera's POV;
Pag uwi ko ng penthouse napakunot ang noo ko ng sarado pa din ang pinto at patay ang ilaw.
"Kace...Kaide." tawag ko sa mag ama ko ng makapasok ako ng pent house.
"Damn it." Mura ko ng makita kong wala sila kahit sa kwarto kaya mabilis kong dinial ang number ni tanda.
["Oh iho bak---."]
"Tanda andiyan ba ang mag ama ko?" Tanong ko na kinatahimik sandali ng kabilang linya.
["Andit---."] Bago pa maituloy ni tanda ang sasabihin niya pinatay ko na ang tawag at dali daling lumabas ng penthouse.
Puchang matandang yun hindi nagsasabi ng makalabas ako ng penthouse dali dali akong sumakay ng kotse at pinaharurot yun paalis.
Isa lang naman ang mansyon ni Tanda dito sa pilipinas at siguradong andun sina Kace.