Ilang saglit pa kaming nanatili ni Russel Ho dito sa loob ng kaniyang sasakyan. Kasalukuyan kaming nasa labas ng mansyon ng mga Amador—kung saan nakatira ang kaibigan ko na si Jaz. Ang tirahan ng kaniyang stepfather. Hindi ko maiwasan na hindi kabahan kung sakali na bababa ako dito at papasok sa loob. Tiyak na papaliguan ako ni Milyn ng sermon sa oras na makita niya ako dahil alam niyang hindi nila ako kasama na kagabi sa pag-uwi. I know, this is my fault. Nasira ko ang kaniyang tiwala.
"S-salamat sa paghatid," sa wakas ay nasabi ko din sa kasama ko ang bagay na iyon.
Humigpit ang pagkahawak niya sa manibela na ipinagtataka ko. "Hindi ko alam na nakatira ka sa bahay ng mga Amador." puna niya pero hindi siya nakatingin sa akin. Nakatingin siya ng diretso sa kalsada.
Huminga ako ng malalim. "No, dito nakatira ang kaibigan ko. Actually, nagbabakasyon kami ng pinsan ko dito na kaibigan din ni Jaz." sambit ko pa.
"Okay..." nahihimigan ko ang pagiging kalmado niya.
Lumunok ako at binuksan ko na ang pinto na nasa gilid ko. "Una na ako." at sana, ito na ang huli natin pagkikita! "Thank you ulit sa paghatid." tuluyan na akong nakababa.
Wala akong marinig na kung ano mula sa kaniya. Tahimik lang siya. Sinara ko din agad ang pinto at dumiretso na ako palapit sa malaking gate ng mga Amador na yari sa makapal at matibay na kahoy. Ni isang beses ay hindi ako nagtangka na lumingon o nagpahabol pa ng tingin kay Russel Ho. Maliban nalang sa narinig ko na tunog ng makina ng kaniyang sasakyan at humarurot na ito ng takbo palayo sa lugar na ito.
Malapit na ako sa front porch ng naturang bahay nang napatigil ako sa paglalakad nang matanaw ko ang bulto ng babae. Si Milyn. Matalim ang tingin sa akin habang nakahalukipkip siyang nakatayo doon. Umahon na naman ang pinaghalong kaba at takot sa aking sistema. Umaawang ang aking bibig para makalanghap ako ng hangin para mapakalma ang aking sarili. Kahit papaano ay nabawasan ang pag-aalala ko. Kasalanan ko naman kaya deserve ko na mapagalitan ng pinsan ko. At isa pa, nasira ko ang tiwala niya sa akin. Pakiramdam ko ay nawalan ng saysay ang pagbabakasyon namin dito dahil sa akin. Dahil nasira ko na dapat ay masaya ang pananatili namin dito.
Kinagat ko ang aking labi nang makita ko nang nagbigay siya ng senyales na sumunod daw ako. Bakas parin siya sa kaniya ang inis nang pumasok siya sa loob. Kumawala ulit ako ng malalim na buntong-hininga. Ipinagpatuloy ko pa ang paglalakad ko at pumasok na din sa malaking bahay ng mga Amador. Sumunod ako kung saan naghihintay si Milyn para makausap niya ako.
Sa Kusina. At siya lang ang naroroon. Nararamdaman ko ang tensyon sa paligid na tila nakikipagsabayan sa galit na mayroon sa pinsan ko.
"Where have you been?" panimula niya na gamit ay matigas na tono.
"I... I'm sorry, Milyn." iyan lang ang tanging naisagot ko.
"Papaano kung may mangyari sa iyo na masama, ha? Ipapaalala ko sa iyo, Jelly. Sagutin pa rin kita kahit saan man tayo magpunta!" lumakas ang tono ng boses niya.
Pumikit ako ng mariin. Hinding hindi ko pupwede sabihin sa kaniya tungkol sa nangyari sa akin kagabi dahil paniguradong mapapagalitan pa niya ako lalo. Bihira ko lang makita na magalit si Milyn. Naiitindihan ko naman siya. Sagutin naman talaga niya ako. Kaya lang naman kami pinayagan ng nanay niya na magbakasyon siya na kasama si Jaz dahil kasama ako. Na alam nila ay sobrang conservative ako. Pero hindi ko rin naman inaasahan tungkol kagabi.
"Sorry." sinikap ko pa rin magsalita sa kabila ng guilty ako sa nangyayari ngayon. "S-sa kuwarto lang ako." tinalikuran ko na siya dahil hindi ko na kakayanin ang galit ng pinsan ko. Baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko na maiyak sa harap niya at malalaman niya ang totoo.
Madali kong naisara ang pinto ng guest room. Sumandal ako sa pinto at napatingala. Para akong kakapusin ng hininga sa lagay na ito. Doon ay kumawala na ang isang butil ng luha at marahas iyon umagos at pumatak kung saan man. Pumikit ako ng mariin at yumuko. Umalis ako mula sa pagkasandal ko sa pinto at itinapon ko ang sarili ko sa kama. Napahagulhol ako dahil sa katángahan ko. Galit ako sa sarili ko dahil bakit hinayaan ko lang ang sarili ko na mangyari ang bagay na iyon. Kung bakit nagawa kong isuko ang pinakaiingatan na bagay na dapat ay magiging regalo ko iyon sa mapapangasawa ko balang araw? Bakit?
At isa pa, natatakot ako. Natatakot ako sa mga posibleng mangyari pagkatapos ang kaganapan kagabi. Gusto ko pa ipagpatuloy ang pag-aaral ko dahil hindi ako tulad ni Milyn na makukuha ang gusto niya. Ako naman ay panganay sa apat na magkakapatid. Lumaki ako sa bukid. Kapwa magsasaka ang mga magulang ko. Kaya lang naman ako napadpad kina Milyn dahil school girl nila ako. Sa makatuwid, kasambahay nila ako ngunit pinag-aaral ako ni tita. Kinakailangan ko makapagtapos kahit Bachelor's degree dahil iyon nalang ang tanging paraan ko para maiahon ko ang pamilya ko sa kahirapan. Kung kinakailangan ko din na mangibang bansa, gagawin ko, para matupad ko ang mga pangarap ko para sa pamilya ko.
"I'm sorry, itay... Inay..." humihikbi kong sambit.
**
Pagkatapos ko kumain ay nagpaalam ako sa kanila na magpapahangin muna ako. Masakit para sa sa akin na ang trato ngayon sa akin ni Milyn ay parang hangin. Hindi niya ako pinapansin. Kaya ang ginagawa ko ay ako na ang lumalayo para wala magiging problema sa pagitan naming dalawa. Hindi ko nga lang alam kung natutunugan ba iyon ni Jaz pero sana naman ay hindi. Ayoko na pati siya ay madadamay siya sa gulo naming magpinsan.
Tahimik akong lumapit sa swing at umupo. Marahan ko iyon inugoy. Dinadama ko ang malamig at sariwang hangin na dumadapo sa aking balat. Sa pagkakataon na ito, nakahanap ako ng kapayapaan kahit panandalian lang. Ayoko munang isipin ang mga problema.
"What's the problem, Jelly?"
Gulat akong bumaling sa kanan ko. Nakasapo ako sa aking dibdib. "J-Jaz..." ang tangi kong nasabi dahil sa pagkagulat.
Ngumiti siya sa akin. Bakit ba ganito? Sa oras na ngumingiti si Jaz, nakakagaan ng loob? Iyong tipo na mahahawa ka nalang. Alam ko may dinadala din siyang mabigat sa loob niya. Kahit hindi niya sinasabi sa amin, ay alam namin na nagtatampo na siya sa kaniyang mommy. Naaawa na kami sa kaniya. Hindi man kami ang nasa lugar niya, ramdam namin kung ano ang nararamdaman niya. Pakiramdam din namin ay parang iniiwan din kami ng taong pinakaimportante sa amin. "Sorry, pero, napansin ko kasi na mukhang problemada ka. Mind it to share? If you don't, it's okay, I understand." malumanay niyang sabi.
Inilapat ko ang aking mga labi. Ibinalik ko ang tingin ko sa lupa. Kumawala ako ng malalim na buntong-hininga. Si Jaz lang naman itong kausap ko. Kung sasabihin ko man sa kaniya ang totoong nangyari, maiitindihan niya. Alam ko na hindi sarado ang isipan niya. Si Milyn naman ay paniguradong iba ang impresyon niya dahil dala ng kaniyang galit sa akin.
Naikwento ko sa kaniya ang tototong nangyari. Hindi ko mapigilan ang pait habang nangkukwento. Nakikinig lang siya nang tahimik. Malaking pasasalamat ko nalang dahil tama ang aking desisyon na sabihin sa kaniya ang totoo. Hindi niya ako hinusgahan. Nagtanong man siya pero sinasagot ko din naman. Pero hindi lang siya makapaniwala na si Russel ang nakasama ko ng gabi na iyon.
"Pero kung magbunga man iyan, sana ay sabihin mo sa kanila ang totoo. Para hindi ka mahirapan nang sobra." payo niya sa akin.
Hindi ko magawang sumagot. Sa halip ay inilapat ko ang mga labi ko, mukhang kailangan ko lakasan ang loob ko sa oras na mangyari ang hindi dapat. Ang bagay na kinakatakutan ko.
"Siya, may pupuntahan lang akong tao." paalam niya sa akin saka tumayo na. Naghalf-run siya patungo sa kuwadra. Hindi ko naman alam kung saan naman ang tungo niya.
**
Walong araw nang umalis dito si Jaz para pumunta siya sa Taiwan dahil sa ceramic art contest, kasama niya ang isa sa mga pinsan ng mga Hochengco. Napapansin ko, habang mas tumatagal ay mas napapadalas ang kanilang pagkikita at pagsasama. Ewan ko pero kinikilig ako sa kanilang dalawa. Hindi ko rin alam kung nililigawan ba ni Owen Ho ang kaibigan ko pero bagay talaga silang dalawa. Kahit na mas matanda ng kaunti si Owen sa kaniya.
Napagpasyahan na din namin ni Milyn na bumalik na ng Maragondon dahil limitadong araw lang din ang binigay ni tita sa amin. Dahil malapit na din ang pasukan at kinakailangan na naming mag-enroll ni Milyn. Pero, hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkakausap ng pinsan ko. Naiitindihan ko. Ang kailangan ko lang gawin ay magtiis kahit na hangin lang ako sa paningin niya habang nasa iisang bubong lang kami.
Pero isang mensahe ang natanggap ko. Námatay sa plane crash ang mommy at ang stepfather ni Jaz. Gustuhin ko man siyang abangan sa bahay ng mga Amador ay hindi ko magawa dahil marami din ako dapat asikasuhin dito. Lalo na't bumabalik na ako sa pagtatrabaho dito bilang kasambahay. Kaya ang tanging magagawa ko lang ay nag-iwan ako ng mensahe sa kaniya bilang pakikiramay.
"Be strong, Jaz." bulong ko sabay yakap ko sa aking cellphone.
Sa ilang linggo pa na lumipas ay may napapansin akong kakaiba sa aking sarili. I feel bloated. May spotting na ako na akala ko nga magkakaroon ako. Araw-araw na din akong nagsusuka kahit wala naman akong nakain, minsan, napapaisip ako kung nafood poison ako. Madalas na din akong pagod kahit kakaunti palang ang ginagawa ko sa bahay. Nananaba ako and my bréast are swollen and tender! Arghhh! Ano bang nangyayari sa akin?!
"Jelly, hindi kaya buntis ka?" puna sa akin ni tita na dahilan para matigilan ako sa paglilinis dito sa salas.
Napalingon ako sa kaniya na nakaawang ang bibig. Bigla ako ginapangan ng kaba. Napalunok ako at binigyan ko siya ng pekeng ngiti. "Naku, tita. Baka hiyang lang po ako dito sa inyo..."
Tiniklop niya ang hawak niyang magazine. "Parang iba kasi ang napapansin ko sa iyo, Jelly." dagdag pa niya. "Hindi mo ako malilinlang dahil napagdaanan ko na din iyan."
Para akong kakapusin ng hininga. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko o magiging palusot ko. s**t lang, ayokong tumigil sa pag-aaral!
"Jelly," she called me with her warning voice. Tumingin ako kay tita na ngayon ay seryoso ang kaniyang mukha. "Sabihin mo, sino ang karelasyon mo?"
Ibinuka ko ang aking bibig. Mas humigpit ang pagkahawak ko sa basahan. Pinagpawisan na din ako ng malamig. Mas bumilis ang kabog ng aking dibdib. "T-tita—" hindi ko magawang dugtungan ang sasabihin ko nang biglang may pumasok na kasambahay din dito sa Salas. Pareho kaming napatingin sa bagong dating.
"Ma'm, may mga naghahanap po kay Jelly sa labas." magalang nitong sabi.
Agad umukit ang pagtataka sa aking mukha nang marinig ko ang pangalan ko. Ano? Sino naman ang naghahanap sa akin?
"Sino daw?" tanong ni tita.
"Eh, makikilala din ninyo daw po sila sa oras na makakaharap daw po nila si Jelly." sabay bumaling ito sa akin. "Labas ka na."
Sabay kaming pumunta patungo sa labas ng bahay. Napasapo ako sa aking dibdib nang makita namin na may nakahilerang dalawang sasakyan sa harap ng bahay. May anim na lalaki na nakatayo at naghihintay sa aming paglabas. Puro sila naka-black business suits.
Unang naglakad si tita para daluhan ang mga hindi inaasahang bisita na naghihintay. Napukaw namin ang atensyon nila nang pinagbuksan sila ng gate.
"Ano pong sadya ninyo?" pormal na tanong ni tita sa mga lalaki.
"Good day, Ma'm. We're looking for Jelly Doroteo, if you don't mind?" anang ng lalaki na hinarap ni tita.
Lumingon sa akin si tita saka kumaway sa akin, inuutusan niya akong lumapit sa kanila. Sinunod ko ang utos niya. Humakbang ako palapit sa kanila. Puros mga intsik na lalaki ang tumambad sa akin.
"A-ako po si Jelly..." kinakabahan kong pakilala sa kanila. "A-ano pong kailangan...ninyo?"
Nilahad ng isang lalaki ang palad niya sa akin. "I'm Keiran Ho, Russel Ho's eldest brother. I heard everything about you from your friend Jaz Amador and she gave us all of your informations. But before that," itinuro niya ang dalawang lalaki sa gilid na nakayuko. "We're very sorry for what these two of my cousins have done to both of you and my brother. They drúgged my lil brother for Heaven's sake. As you can see, isinama namin sila para humingi din ng tawad sa iyo dahil nadamay ka sa katarantaduhan na kanilang ginawa." pormal niyang sambit.
What? Naka-drúgs si Russel nang gabing iyon?!
"And we're here to confirm something. We all waited for few weeks. Do you feel any symptoms?" diretsahan niyang tanong.
Napaamang ako. "H-ha?" Anong ibig nilang sabihin?
Bumaling siya kay tita, na tila doon siya humihingi ng sagot. Napangiwi si tita. "Sa totoo lang, napapansin ko nga na may kakaiba sa kaniya—"
"Great! Narito kami para sunduin ka namin, Ms. Jelly Doroteo. Dadalhin ka namin sa Ancestral House para pormal na ipakilala na maging fiancee ng nakakabata kong kapatid."
Laglag ang panga namin sa sinabi niya. Hindi makapaniwala na ganoon ang sasabihin niya!
"S-sir..."
"Sorry, alam naming biglaan. Pero sa pamilya namin, hindi namin pupwedeng talikuran kung anuman ang naging kalokohan ng isa. Kahit kapatid ko si Russel, I didn't tolerate his misdoings. He need to face the consequences and responsibilities on you, kailangan ka niyang panagutan at hindi takbuhan."
"Pero..."
"And my family were waiting for you and introduce yourself to us, Miss Doroteo. Especially, mama and the Grande Matriarch." sumilay ang ngiti sa kanilang mga labi. "And all of us were waiting for a change."