Kabanata 9

514 Words
"Ang bilis mo namang maglakad!" Ani Zach na hinahabol ako sa likod ko. Kanina pa tapos ang klase niya at ngayon ay sinundo pa niya talaga ako para sabay kaming makapunta sa dorm niya. "Sino ba kasi nagsabing sunduin mo ko.." Hindi naman siya sumagot naramdaman ko na lamang na nasa gilid ko na siya. "Bakit ang init ng ulo mo? Okay naman tayo kagabi ah?" Sabi pa nito, hindi ko siya inimik, dumiretso lang ako paakyat sa dorm niya. "Naman oh!" rinig kong bulong ni Zach habang rinding-rinding binubuksan ang pintuan ng dorm niya. Nang mabuksan niya ang pintuan ay pumasok na rin naman ako at inilapag ang bag ko sa kama niya. Hindi na rin naman ako nahihiya pa rito kay Zach dahil siya naman ang may gustong nandito ako tuwing tanghali upang mag-break. Inilagay ko ssa mesa ang hawak kong take-out na galing sa Jollibee. Siya ang nag-order nito para sa aming dalawa, bago pa kasi kami makarating sa dorm ay madaanan namin ang Jollibee na katabi ng University kaya nagtake-out nalang siya. Umupo na ako at nag-umpisang kumain, ang totoo kasi niyan ay kanina pa ako nagugutom, ang tagal naman kasing magpalabas ng guro ko. "Bakit tahimik ka? Hindi talaga ako sanay na ganyan ka sakin.." Sabi ni Zach na umupo na sa harapan ko. Kagabi nang malaman kong kasama na ni Zach si Vanessa ay pinatay ko na agad ang tawag. Ayoko lang na makaistorbo sa gagawin nilang dalawa, maya't-maya rin ang tawag ni Zach sa akin kagabi pero hindi ko na sinagot. Hindi ko naman alam ang aking dahilan, basta. Nawalan lang ako ng gana bigla. Nagulat ako nang biglang ibinagsak ni Zach ang kutsara't tinidor na hawak niya. Mabilis na ipinunas niya ang tissue na nasa gilid niya sa bibig niya. Tumayo ito at basta na lamang akong iniwanan ni Zach, lumabas ito ng dorm niya at hindi ko na alam kung saan na siya pumunta. Nawala na rin ako ng ganang kumain. Tumayo na rin ako at iniligpit ang mga kalat. Hindi na rin ako magpapahinga na dito dahil ayokong abutan ni Zach na nandito pa ako. Habang kinukuha ko ang bag ko ay nakita ko ang bakas ng mga kalat nila Zach at Vanessa. May gamit na condom pa sa ibaba kaya lumayo na ako, nang makuha ko ang bag ko ay humarap na ako sa salamin at inayos ang mukha ko. Nang lumabas ako ay napatigil ako nang makita ko si Zach nagsisigarilyong nakaupo sa unang hagdan. Hindi ako nito pinansin sa halip ay pinagpatuloy niya lang ang paghithit ng sigarilyo niya. Naglakad na ako pababa at nang malampasan ko siya ay hindi ko na siya nilingon. Ewan ko ba pero nang makababa ako sa unit niya nang hindi niya ako sinusundan ay nakaramdam ako ng lungkot. Napahinto ako at lumingon sa likod ko. hindi man lang talaga niya ako sinundan. Ano bang aakalain ko pa. Na susundan niya ako? napailing ako at muling naglakad. Siguro nga ay dapat lumayo na ako sa isang katulad niya, bago pa mahulog ang loob ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD