Kabanata 3

1420 Words
Kasalukuyan akong naglalakad ngayon sa Zobel para maghanap ng makakainan, kakatapos lang kasi ng klase ko at balak kong kumain na rin dito. Pinasingkit ko ang mata ko nang mamataan ko ang grupo ng kalalakihan na madadaanan ko malapit sa akin. Nakita ko si Zach na may akbay-akbay at hindi pa niya napapansin ang presensya ko. Wala rin naman akong balak pang magpakita sa mga ito. Iniliko ko ang daan ko at tumawid sa kaliwang kalsada, habang naglalakad ako ay may-sumisipol-sipol sa likod ko pero hindi ako lumilingon. "Baka akalain mo nanaman nagcutting ako ah, tapos na klase ko." tuluyan akong napalingon sa nagsalitang lalaki sa likod ko. Napairap ako nang tignan ko siya, "Alam ko," sabi ko at tinignan ang paligid, ngayon ay hindi ko na nakita ang babaeng kaakbay niya kanina. "Bago nanaman girlfriend mo?" tanong ko pa. Tumango siya at ngumisi. "Yup, laki ng boobs no?" Tumalikod na ako at pumasok sa isang eatery. "Dito ka pala nakain.." Aniya at tsaka umupo rin sa upuang nasa tapat ko. "Kadalasan kapag tapos ng klase ko, dito na ako nakain." Sabi ko at ipinatong ang bag ko sa lamesang nasa harapan ko. Umorder ako ng isang hotsilog 'tsaka extra rice, panigurado naman kasing kukulangin pa sa akin ang isang cup ng rice lang. "Ang init dito ah?" tanong pa niya habang tinitignan ang palidid, tinanggal niya ang suot niyang polo at isinabit sa likod ng upuan niya, ngayon ay nakaputing t-shirt na lamang siya sa harapan ko habang ang mga babae sa gilid ko ay halos naglalaway na sa presensya ni Zach. Tumango ulit ako, "Ganito rin sa bahay, mas mainit pa nga sa bahay kaysa dito eh.." Nagulat ako nang kunin niya ang bag ko sa lamesa, "Ako na muna maghahawak, kumain ka muna.." Aniya kaya tumango na lamang ako at ipinagpatuloy ang pagkain. "Nga pala, kinausap ako ng ex mong si Stacey, bayaran mo raw yung nagastos niya nung nagmotel kayo last night.." sabi ko habang kumakagat ng hotdog, buti at hindi ko nakalimutan. "Anong bayaran Eh gago pala siya, ako nagbayad 'nung room namin eh!" malakas ang boses niya kaya pihado akong pinagtitinginan siya ng mga nakakarinig. "Hinaan mo nga boses mo..." Sabi ko at ipinagpatuloy ang pagkain. "Sus, pakulo niya, hindi na lang sabihin na nasarapan sa akin.." mahinang bulong niya sa harap ko pero rinig ko pa rin. "Ano ba, nakain ako, tumahimik ka nga.." medyo may kahinaan ang boses ko dahil ayokong pagtinginan kami ng tao. "Pagkatapos mo diyan, saan ka pupunta?" tanong niya habang pinaglalaruan ang zipper ng bag ko. "H'wag mong paglaruan Zipper ng bag ko, pasira na 'yan.." ininguso ko sa kanya ang pinaglalaruan niyang Zipper ng bag ko, agad niya namang tinanggal ang pagkakahawak dito. "Sa bahay," Tumango ito at inilabas ang cellphone mula sa kanyang bulsa tsaka siya nagtipa, Ilang sandal pa ay natapos na rin ako sa pagkain kaya kinuha ko ang panyo ko sa gilid ko at ipinunas sa bibig ko. "Akin na yung bag ko," sabi ko at ibinigay niya rin naman ito sa akin. "Thankyou ah.." sabi ko at naglakad na. hindi ko na siya nilingon. Inilabas ko ang payong ko dahil tirik na tirik ang araw at ipinagpatuloy na ang paglalakad. "Sabi ko sa'yo mainit eh.." Kinuha ni Zach ang payong ko at iminwestra ito sa akin. "Oh pre, si Kristine nabadmood na kaya umalis.." sabi ng isang kaibigan ni Zach na hindi ko naman kilala, nadaanan kasi naman ang grupo nila Zach. "Sabi ko naman kasi sa kanya umalis na eh mamaya pa naman usapan namin.." sabi ni zach at kinuha ang ibinigay na sigarilyo sa kanya ng kabigan niya, kinuha ko naman ang payong ko na hawak ni Zach pero ayaw niya namang ibigay. "Uuwi ka na ba? Maaga pa ah?" tanong pa niya sabay buga ng sigarilyong nasa bibig niya. Tumango ako at inis ko siyang tinignan, "Oo, akin na payong ko para makauwi na ako.." sabi ko habang kinukuha ang payong ko, ibinigay niya rin naman ito sa akin. "Sige, 'yan lang dorm ko oh." Sabi niya habang itinuturo ang isang building na parang apartment type. Tumango ako, "Anong meron?" tanong ko "Wala lang, sinasabi ko lang sa'yo." "Sige na, mauuna na ako.." Nag-umpisa na akong maglakad papunta sa sakayan ng bus. Ito lang naman kasi ang buhay ko sa paaralan simula pa noon, pag uwian ay kakain na lang ako para hindi na ako magluto ng pang-tanghalian sa bahay. Ilang linggo ko na ring kilala ssi Zach at masasabi kong ayos naman siya, hindi ko lang talaga masabi kung magkaibigan ba talaga kami kasi madalas ay naaasar ako sa kanya. Sa ilang linggong 'yon ay nalaman ko na ang ibang mga hilig ni Zach. Kada linggo ay may bago siyang girlfriend, hindi ko nga alam sa lalaking 'yon kung bakit ayaw niyang maging seryoso nalang sa pag-ibig, tutal graduating naman siya ngayong taon. Kapag nagtatrabaho ako sa club tuwing gabi ay lagi ko siyang nakikita. Madalas rin siyang mapagkwentuhan ng mga kasamahan ko sa trabaho na nagpapatable at ang paulit-ulit nilang sinasabi ay hindi raw nila makakalimutan ang gabi nila kasama si Zach. Sanay na rin naman akong marinig ang mga 'yan lalo na't kay Zach. Playboy siya eh, ano pa ba namang aasahan sa kanya? Nang makauwi ako sa bahay ay agad akong nagpahinga dahil mamaya lang ng gabi ay papasok na ako sa trabaho ko. Tahol ng aso ng kapitbahay ang nagpagising sa akin bandang alas sais ng gabi, tumayo ako sa hinihigaan ko at inayos ang sarili ko. kumuha ako ng pera sa wallet ko para bumili ng lutong ulam sa kanto. Paglabas ko ay namataan ko si Jacob na papalapit sa bahay ko, Nang makita niya ako ay binilisan niya ang lakad niya papalapit sa akin. May dala-dala siyang take-out na Jollibee. "Kumain ka na?" salubong niya sa akin at ibinalandra sa harap ko ang hawak niyang pagkain. Tumango ako. "Oo." Sabi ko kahit hindi pa, ayoko lang na magbigay siya ng magbigay ng kahit ano saakin. Gusto ko ring maisip niya na sa ipinapakita ko sa kanya ay talagang mawawalan siya ng pag-asa. "Sige, ibibigay ko nalang sa'yo 'to." Sabi niya habang punong-puno ng sinseridad ang kanyang mga mata. Umiling ako. "Salamat nalang Jacob, Akala ko ba okay na sa'yo ang lahat, akala ko ititigil mo na ito?" tanong ko "Hindi ka mawala sa isip ko.." kamot-kamot niya ang kanyang ulo Napasinghap ako. "Ano bang problema sa asawa mo't naghahanap ka pa ng iba?" hindi ko maiwasang magtanong, ayokong manghimasok pero hindi ko talaga maiwasan. Umiling ito at hinawakan ang kamay ko upang ibigay ang hawak niya sa akin. "Wala naman, hindi ko alam eh, kung sana nakilala kita noon pa edi sana hindi na ako nagkapamilya sa asawa ko ngayon.." "pero mamamaalam na rin ako.." sabi niya at agad kong ibinaling ang tingin sa kanya. "Bakit" "Lilipat na kami ng bahay eh, tapos sa ibang lugar pa ako nadestino.." Sumibol ang ngiti sa aking labi nang marinig ko ang sinabi niya, "Edi mabuti, magiging maayos na kayo ng asawa mo.." Tumango ito at tsaka nagpasalamat sa akin. Humingi ito ng tawad at tsaka ako niyakap, hindi na rin naman ako tumutol pa doon, kahit papaano'y masaya naman ako anng makilala ko siya, mabait naman siya, kung hindi nga lang maloko. "Lizette, may bago tayong uniform, suotin mo na nandoon sa office." Bungad sa akin ng katrabaho ko, kaya dumiretso ako sa office upang magpalit. Maayos ang damit namin ngayon, kumpara noon na ang panget panget ng kulay, masakit sa mata. Yun nga lang mas lalo pa yatang umiksi ang damit namin ngayon. "Okay lang ba sa'kin Nichole?" tanong ko kay Nichole na nag-aayos na rin ng sarili niya. "Bagay sa'yo. Ang ganda mo tignan.." Lumabas ako ng office at nag-umpisang magserve, hanggang mapunta ako sa table number 4 kung saan lagi kong naabutan si Zach at ilang mga kaibigan nito. Nakakapagtaka lang na hindi ko nakita si zach na nakaupo sa kanyang pwesto at may kaakbay na babae, kalimitan kasi ay nakikita ko siyang nakaupo hyabang nakikipagharutan sa babae niya, pero ngayon, wala akong Zach na nakita. "tangina talaga 'non ni Zach, tinira nanaman si Stacey eh kafreshmen-freshmen palang.." napalingon ako sa nagsalita, hindi ko siya kilala pero nakikita ko siya na kasama ni Zach kapag napupunta sila rito. "Eh ayan na pala sila pre eh.." mabilis akong napalingon sa itinuro ng isang kaibigan ni Zach, Nakita ko si Zach na naglalakad papunta sa pwesto nila habang akbay-akbay ang babae. "Ano pre,naka-iscore?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD