Napabalikwas ng bangon si Maggy ng makita ang sarili sa kisame na salamin bago napatingin sa paligid. Kinabahan na napatingin s'ya sa suot na damit akala kasi n'ya wala na s'yang saplot pero buti na lang buong-buo pa s'ya at mukhang wala naman masakit sa kanya. Napalingon sa paligid si Maggy at hinanap ng mata si Travis, bakit ba s'ya napadpad nanaman sa bahay ni Travis at dun pa s'ya natulog buti na lang hindi nito sinamantala ang kalasingan n'ya. Ang huling alala n'ya nag pa book s'ya ng grab car pauwi pero bakit nandito s'ya sa bahay ni Travis, pinilit n'yang maalala ang nangyari kagabi wala s'yang maalala kaya bumangon na s'ya at makita ang sapatos na nasa tabi ng kama kaya maingat na isinuot n'ya iyon saka maingat na nag lakad palabas ng silid. Nasan kaya si Travis, maingat ang baw