"Theodor ano bang ginagawa mo?" bulalas ni Arlyn na pigil-pigil ang nobyo sa pag iimpake. "Wag kang mag-aalala wala akong dadalhin na kahit anong bagay na galing sa'yo. Yung mga nagastos mo sa akin pipilitin kong ibalik paunti-unti hanggang sa _______." "Paano? Paano mo magagawa yun nasayang ang lahat ng pinag hirapan mo ng dahil sa babaeng yun. Hindi ka na piloto saan ka kukuha ng pera." "Kaya kong mag trabaho at mag negosyo wag mo akong maliitin Arlyn." galit na wika ni Theodor. "Hindi kita minamaliit, ayoko lang na nahihirapan ka." "Tama na! Nakakasakal na yung ganyan galawan mo." hiyaw pa ni Theo na humarap kay Arlyn. "Tingnan mo nga ang sarili mo, hindi na ikaw yung Arlyn na una kong nakilala. Wala ka ng ginawa kundi isumbat sa akin lahat ng ibinigay mo, ginagamit mo ang mga bat