"Mahal mo ba s'ya?" tanong ni Travis kay Maggy na naka salampak ng upo sa kusina ng condo nito. Malaki itong babae pero napag kas'ya nito ang sarili sa isang upuan at nakasampa pa ang dalawang paa nitong yakap-yakap nito habang naka unan sa tuhod ang pisngi. Hindi na ito naiyak pero halatang nag-iisip ito dahil sa pagkakatulala ito habang nakatingin sa apoy ng kalan ng niluluto n'yang soup. Nadaing kasi ito kanina na nagugutom daw ito buti na lang nakakita s'ya ng instant soup na madaling lutuin kaya itong na lang ang niluto n'ya. "Mas masakit ang sikmura ko kesa sa puso ko, is that answer your question?" tanong ni Maggy na ibinaba na ang dalawang binti ng makitang nag lalagay na ng soup sa bowl n'ya na inilagay nito sa harapan n'ya. "Mainit yan kasing hot ko." biro pa ni Travis na sagl