"Bakit parang mainit ang ulo ni Pulgoso?" tanong ni Maggy na hinaplos pa ang buhok ni Travis na naka-upo na sa dining table para kumain ng breakfast at nag hahain naman si Manang Frisca na tinulungan naman niya. "You're not funny!" mainit ang ulong wika ni Travis. "Bakit nag jojoke ba ako manang Frisca, may narinig ba kayo sa akin?" tanong pa ni Maggy sa katulong. "Wala naman po Dra." "See! Bakit ba kasi mainit ang ulo ng aking Pulgoso." wika pa ni Maggy na hinaplos pa ang pisngi ng binata na mabilis naman na hinuli ni Travis ang kamay niya sabay tingin sa kanya. Ito nanaman yung tinginan ni Travis na parang nakakakita ito kaya napakunot ang noo ni Maggy na sinalubong ang mata ni Travis. "Tigilan mo ako sa mga ganyan galawan mo Maggy, hindi porket umamin ako sa'yo kagabi pag lalaruan