"Be at Grand golden star hotel at 7pm tonight."
"Ma," nakasimangot na reklamo ni Arrow sa ina habang buhat n'ya ang newborn baby na anak ng kapatid n'ya na bagong panganak lang.
"Mag pakasal ka na ulit wag mo ng hintayin na makagawa pa ng paraan ang Ailyn na yun na guluhin ka pa." seryosong wika ng ina habang busy sa pag-aasikaso sa kapatid n'yang natutulog.
"Hayaan n'yo na lang kasi si Ailyn wala na rin naman akong paki-alam sa kanya. Naawa na lang ako sa mga bata Ma."
"That's the exact reason kung bakit gusto na kitang mag-asawa. Dahil alam na alam ng babaeng yun kung paano ka uutuin at kung paano n'ya gagamitin ang mga bata para lang hut-hutan ka ng pera." napabuga naman ng hangin si Arrow. He's marriage for 10 years at ang Ina din ang dahilan kung bakit nakasal s'ya kay Ailyn noon pa man hindi na n'ya gusto si Ailyn dahil kung ang ina n'ya kaya nitong utuin at bilugin ang ulo s'ya ay hindi. Pero sa huli pumayag na lang s'yang pakasalan ito para sa ina ngunit sa huli ina din ang dahilan kung bakit nasira ang marriage nila dahil na diskubre nito ang tunay na kulay ni Ailyn.
At 4 na taon ng on process ang anullement nila na hindi matapos-tapos dahil lumalaban pa ang ina na walang makuha si Ailyn kahit isang kusing sa kanya. Maging ang 3 bata na inakala n'yang mga anak n'ya pero anak pala nito sa iba't-ibang lalaki na nalaman lang nila ng inaayos na ang annulment nila. Ilang beses na kasi silang nag hihiwalay noon pero hindi matuloy-tuloy dahil lagi na lang itong nag kakataon na nag bubuntis sa tuwing mag fifile s'ya ng annulment. Hindi naman sila madalas na mag s*x ni Ailyn dahil ewan ba n'ya parang hindi s'ya nililibugan rito. Kapag nakaraos na s'ya tapos na normal lang hindi n'ya ma enjoy ang s*x life n'ya with her kaya lalo n'yang napatunayan na hindi na talaga mag woworth ang marriage nila.
Kung hindi pa nadiskubre ng ina n'ya na napakadaming utang ng asawa na ikinagulat din n'ya, wala s'yang kaalam-alam na kaya pala nitong lumustay ng pera ng limang daan libo sa isang araw. Buong akala n'ya sobrang tipid nito dahil hindi nito ginagamit ang card na ibigay n'ya. Nasa bahay lang kasi ito at bihirang-bihirang lumabas, buong akala talaga n'ya ang mga branded bags, shoes, clothes at mga mamahaling jewerly ay galing sa ina n'ya since close ang dalawa kaya hindi s'ya nag tatanong. Yun pala ang corporate checque ang ginagamit nito at gumawa pa ito ng pekeng kumpanya para lang ma issuehan nito ng cheque na magagamit nito sa mga luho.
Kung hindi pa nag personal audit ang ina hindi pa nila malalaman ang lahat ng kawalanghiyaan ni Ailyn. Kaya naman ora-ora pina close account ng ina n'ya banko na iyon dahil marami na palang na ubos na pera si Ailyn kaya naman pala sabi ng ina nahihirapan na ang cosmetic medical clinic na pag-aari nila at 2 na sa branch nila ang nag sasarado yung pala ay meron silang pinapasok na anay sa pamilya nila. Kaya naman ng maalis dito ang rights nag putukan na ang lahat ng cheque na ninakaw nito at ngayon lubog na ito sa utang at ginagamit nito ang mga bata para maka kuha sa kanya ng pera.
Pero lahat hinayaan na niya ang ina ang mag asikaso since inako nito ang pagkakamali dahil nagkamali ito ng pagkakakilala kay Ailyn na ikala nitong mabait at masunurin na manugang. Mula sa pamilya nito hanggang sa buong angkan ni Ailyn kilalang-kilala na n'ya ang likaw ng bituka kaya hindi n'ya ito magawang magustuhan kahit anong pilit n'ya alang-alang sa mga anak nila noon. Ngunit ng malaman pa n'ya na hindi n'ya anak ang 3 bata pakiramdam n'ya sobra silang napag laruan ng husto ng babaeng napili ng ina. Kaya naman ganun na lang ang labis na galit ng ina ng malaman nito na kahit isa wala s'yang anak kay Ailyn. Kaya naman ng malaman nila na wala silang anak inihinto ng ina ang pag laban sa custody sana ng tatlong bata na lumabas sa DNA test na iba-iba din ang ama.
Hindi na s'ya nagulat sa kaalaman na iyon dahil ganun din naman ang buong pamilya ng mga ito. Lahat iba-iba ang ama ng mga anak. Kaya ewan ba n'ya sa mama n'ya kung bakit nito nagustuhan noon si Ailyn hindi naman ito kagandanhan, hindi rin n'ya matatawag na sexy. Hindi rin naman ito galing sa magandang school or magandang pamilya. Daig pa ng ina noon na nakulam at napilit s'yang pakasalan si Ailyn noon at umabot pa ng 7 taon bago nito na diskubre ang lahat.
Anytime soon ma gagrant na ang annulment nila kaya tuluyan na s'yang makakalaya sa arrange marriage na yun pero heto at may pinili nanaman babae ang ina na idate n'ya kahit hindi pa naman sila totally hiwalay ni Ailyn.
"Hindi na n'ya ulit ako ma uuto Ma kaya wag n'yo ng ipilit baka makakuha nanaman kayo ng babaeng sakit ng ulo." napabuga naman ng hangin si Hazel na napatingin sa anak.
"Hindi kita pakiki-alamanan kung nakikipag date ka lang sana sa ibang babae pero tumanda ka na lang ng ganyan wala ka pang anak." iling ng ina kahit din naman s'ya nag tataka din naman s'ya kung bakit hindi sila nag ka anak ni Ailyn never naman s'yang gumamit ng condom noon kaya buong akala talaga n'ya anak n'ya kahit man lang sana ang panganay nila pero kahit iyon hindi kanya. Ang masakit pa dala ng galit ng ina n'ya kay Ailyn pati mga bata na damay na at sinabi sa mga ito na hindi s'ya ang ama ng mga ito. Isang 10 8 at 7 and edad ng tatlong bata 2 lalaki isang babae at lahat ay kamukha ni Ailyn kaya hindi man lang s'ya nag hinala na hindi kanya.
Nasaktan s'ya ng una pero sa huli natanggap na lang din n'ya dahil nga hindi naman talaga s'ya bulag hinahayaan na lang n'ya dahil tama naman talaga ang kasabihan na kung anong puno s'ya ang bunga kaya mag magugulat s'ya kung matino talaga si Ailyn sa angkan nito. Pinalabas pa nito na nawalan s'ya ng oras dito kaya nag hanap ito ng pagmamahal sa ibang lalaki, ganun din ang alibi ng mga pamilya at ate nito na madalas daw na natawag si Ailyn na naiyak dahil minsan daw 1 buwan s'yang hindi na uwi, puro pera lang daw ipinadadala n'ya etc...etc kaya nag hanap ito ng lalaking mag mamahal rito at mag bibigas ng oras.
"May babae na akong gusto kong i-date pero hindi ko pa alam kung paano ko s'ya i-aaproach kaya wag ka kayong maki-alam sa akin kung puwede lang mama."
"At sino namang babae."
"Basta galing s'ya sa maganda at respetadong pamilya. Doctor din s'ya at may maayos na pamumuhay. Malayong-malayo kay Ailyn."
"Gusto ko s'yang makilala dahil mo s'ya sa bahay."
"Wag muna ngayon Mama."
"Puwes hanggat hindi mo inihaharap sa akin ang babaeng sinasabi mo makikipag date ka sa babaeng sinasabi ko." napangiwi naman si Arrow.
"Hindi kita pipilitin na pakasalan ang ipinadadate ko sa'yo pero try to get to know her. Kung dati ako ang nasunod at pumuli ng babae para sa'yo. Ngayon bibigyan lang kita ng choice pero ikaw pa rin ang malili kung sino ang gusto mo sa kanila sa ngayon kilalanin mo muna ang mga babaeng napili ko hanggat hindi mo ipinakikilala sa akin ang doctor na sinasabi mo." final na wika ng ina na hindi na tinutulan ni Arrow dahil hindi naman ito papayag na matalo.
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
"Ask me everything you want na gusto mong malaman, sasagutin ko lang ayon sa kakayanan ko." ani Arrow habang kaharap n'ya ngayon si Fearly Pingol ang bagong prospect ng ina. Isang cosmetic surgeon na kilala ng ina n'ya na isa din sikat na cosmetologist sa Pilipinas.
"Bakit veterinary doctor ang nagustuhan mo profession hindi tulad ni Tita Hazel."
"Mahilig kasi ako sa hayop."
"Malaki ba ang pera na ________."
"Hindi rin actually. Hindi kayang bumuhay ng pamilya ang kinikita ng clinic ko, usually halos pang bayad lang sa rent ng clinic ko ang kinikita ko tapos babayad pa ako sa mga nurses at assistant ko."
"Then bakit ka nag tsa-tsaga ang laki ng cosmetic medical clinic ng Mommy mo at meron din kayong mga manufacturing company ng mga beauty product. Bakit ayaw mo na lang mag manage ng isa sa mga negosyo ni Tita kesa sa sinasayang mo ang oras mo sa pag-iintindi ng mga hayop na hindi naman sa'yo." pagak naman na tumawa si Arrow na parang gustong mapikon sa sinabi ng babae.
"Alam mo actually hindi ko sinasayang ang oras ko sa clinic ko dahil ang cu-cute kaya ng mga hayop na inaalagaan ko dun, mas na sasayang pa nga ang oras ko sa pag-upo rito at pakikipag-usap sa'yo." halatang nagulat ang mukha ng babae sa sinabi n'ya dahil umawang pa ang bibig nito.
"At by the way saan mo ba pinagawa ang ilong mo, sa mama ko ba ang pangit kasi masyadong manipis hindi baga________." hindi na natapos ni Arrow ang sasabihin ng bigla s'yang sabuyan nito ng tubig sa mukha bago tumayo at nag walk out. Natatawa naman na inabot ni Arrow na lang ang table napkin at pinunas ang mukha tatayo na sana s'ya ng maulinigan ang usapan sa kabilang table sa likuran n'ya. Nang lingunin n'ya kung sino ang nasa likuran n'yang upuan medyo na gulat pa s'ya ng makita si Maggy at may ka usap itong isang matandang lalaki.
"Sumama po ako sa inyo Doc Manuel kasi akala ko sabi n'yo dinner ito para sa mga nag OT kagabi, hindi n'yo naman na banggit na tayong dalawa lang po pala."
"Ang totoo gusto talaga kitang maka-usap Maggy at malaman ang sagot mo sa matagal ko ng itinatanong sa'iyo."
"Hindi po kita gusto, 5 years lang ang gap n'yo sa Daddy ko. Ayoko po sa matanda na halos puti na ang buhok. Masyado naman po akong bata at maganda para kumuha ng DOM."
"Maggy." galit na wika ng lalaking kausap ng kapatid ni Raine na kakaibang mang basted ng manliligaw masyadong straight forward.
"At saka may boyfriend na po ako doctor din s'ya." ani Maggy sabay tayo na.
"Sino kilala ko ba?"
"Hindi dahil may sarili s'yang clinic, his name si Doc Arrow Travis Fuentabella. Have a nice evening Doc Manuel." wika pa ni Maggy sabay talikod na sinabayan naman ni Arrow kaya naman nag kabanggan sila at nayakap n'ya ito ng di oras dahil na out of balance ito,
"Hi! Girlfriend." ngiting bati ni Arrow sa dalaga na nanlaki ang mata bago biglang pumikit na parang nawalan ng malay.