"Hindi dapat kayo nag punta dun." galit na turan ni Travis habang nag mamaneho ng sasakyan habang kasunod nila ang sasakyan ng ina at ang driver nito. "Hindi n'yo dapat ako pinangunahan," "Pinahiya mo ako sa harapan ng magulang ng babaeng yun," malamig na turan ng ina. "Margarette ang pangalan ng babaeng yun Ma," mariin na turan ni Travis. "Hindi mangyayari yun kung hindi sana kayo nanghimasok. Hanggang kelan ba kayo makikialam sa akin ma?" "Hanggang ako ang nanay mo?" "Hindi pa ba sapat ang ginawa n'yo sa naging unang marriage ko na s'yang dahilan kung bakit hindi ako maka porma ng ayos sa babaeng gusto ko." napalingon naman ni Hazel sa anak. "Yes Ma, totoong gusto ko si Maggy. Hindi ko maipag tapat sa kanya dahil nahihiya ako, she's young, she's pretty and she has full of life. I