"Bakit tahimik ka?" tanong ni Jose sa kapatid habang sakay na sila ng kotse sa backseat pauwi. Hindi naman tumugon si Hazel na nakatingin sa labas ng sasakyan na umaandar. "Ano ka ba naman Ate, hayaan mo na lang kasi si Arrow, tingin ko naman she's a kind-hearted woman. Kilala mo din naman si Arrow hindi naman siguro s'ya pipili ng babaeng alam n'yang hindi maayos, so stop judging her character at hayaan na lang natin si Arrow." wika pa ni Jose huminga naman ng malalim si Hazel. "Paano si Arlyn? Na isip mo ba si Arlyn. Nakita mo na agad kanina ang reaction n'ya ng marinig pa lang n'ya ang pangalan ng babaeng yun. Siya ang 3rd party kung bakit muntik ng mag hiwalay si Arlyn at Theodor, kung hindi nag pabuntis ulit si Arlyn sa lalaking yun possibleng hiwalay na sila ngayon at iyon ay dahil