"Tumigil ka sa kakaiyak d'yan, noon ko pa sinasabi sa'yo na wala kang mapapala sa lalaking yan ang tigas ng ulo mo. Ipinilit mo pa rin ang gusto mo kaya mag dusa ka, nag pa anak ka pa. Yung isa is sapat na pero nag padalawa ka pa sanggol pa ang isa pumayag ka na ulit mag pabuntis para lang wag kang iwan. Nasaan ang utak mo babae ka!" sermon ni Hazel sa anak na bunso na humihingi ng tulong para idemanda ang babaeng nanakit kay Theodor. Dahil iniurong na ng mga Angeles ang kasong sinampa ng mga ito sa babae sa anong dahilan hindi n'ya alam. Kaya itong anak n'ya si Arlyn naman ang gitil na gitil na maipakulong ang babae na nanakit sa asawa nitong hilaw. Nag kamali na s'ya noon ng paki-alaman n'ya ang buhay ng panganay na anak kaya pinipilit n'yang maayos ang pagkakamali n'ya. Sising-sisi s'