CHAPTER TWENTY-SIX

1838 Words
NAKA-AYOS NA ang mga gamit ko sa sasakyan ni Yadiel. Dinala ko na lahat ng damit na ginamit ko dahil para sa akin naman daw ang lahat ng iyon. Kasalukuyan kaming naglalakad palabas ni Yadiel kasama si Butler Eve upang ihatid kami sa labas. “Thank you po sa lahat, Butler Eve, lalo na po sa pag-alaga ninyo sa akin,” nakangiting sambit ko nang makarating kami sa harap ng kotse. “Walang anuman 'yon, hija. Simula no'ng nagawi ka rito, sobrang gaan na ng pakiramdam ko sa 'yo kaya hindi ka na naging bago sa akin. Mami-miss kita, Samantha,” aniya at saka ibinuka ang braso nito sa kawalan na animoy humihingi ng yakap. Hindi ako nagdalawang isip na lumapit sa kanya at saka ito niyakap nang nakangiti. “Mami-miss ko rin ho kayo, Butler Eve.” “Ikaw, Yadiel, huwag mong ipagkakait sa akin si Samantha. Dalhin mo pa rin siya rito kapag may free time kayo,” aniya kay Yadiel. Tumangu-tango naman si Yadiel bilang sagot. “Oo naman, Butler Eve.” Napatingin si Yadiel sa relo niya at mabilis naman kaming binalingan ng tingin. “It's almost time, I think we gotta go, Butler Eve.” “No problem. Please, drive her home safely, Yaddy. Mag-iingat kayo.” “Salamat po ulit, Butler Eve, mauuna na po kami!” paalam ko at saka naman ako pinagbuksan ng pinto ni Yadiel. Nakasakay na ako sa passenger seat habang si Yadiel ay nasa labas pa rin at kasalukuyang kausap si Butler Eve. Hindi rin nagtagal ay sumakay na si Yadiel at umupo sa driver seat. “Let's go?” nakangiting aniya na ikinatango ko. Kinuha niya ang kaliwang kamay ko at hinalikan iyon. He's really the sweetest. Hindi ko na napansin na napapangiti na pala ako. Nagsimula nang magmaneho si Yadiel. Habang nasa daan ay hindi namin maiwasang hindi mapangiti. Para kaming tangang nagpapalitan ng ngiti, minsan naman ay wala sa sarili kaming matatawa sa isa't isa. “I think we could open the stereo,” nakangiting sambit ko. “Sounds good,” pagsang-ayon niya. Tumugtog ang kanta na ‘Love Me Like You Do’ ni Ellie Goulding. Hindi ko naiwasang hindi mapasabay sa kanta dahil isa rin siya sa paborito kong British singer. Isinandal ko ang braso ko sa bintana habang diretso lamang ang tingin sa daan. Mayamaya pa ay biglang bumaba ang bintana ganoon din ang pagbukas ng bubong ng sasakyan ni Yadiel. Hindi ko naiwasang mamangha dahil ngayon lang ako nakakita ng kotseng bumubukas ang bubong. Kadalasan ay napapanood ko lang ito sa mga teleserye sa telebisyon. “Woah! Is this for real?” hindi makapaniwalang sambit ko habang pinagmamasdan iyon. Isang malakas na hampas ng hangin ang tumama sa mukha ko nang tuluyan na ngang bumaba 'yong bubong ng kotse. Kitang-kita ko ang kapaligiran. Mas nakakahinga ako nang maluwag at mas nakararamdam ako ng sariwang hangin. “You like it?” ani Yadiel nang mabilis niya akong balingan ng tingin. “Yup! Thanks!” natatawang sagot ko. "There's nothing to be thanked for. I would do anything to make you happy." Gumapang ang kanang kamay nito sa hita ko at hinawakan ang kaliwang kamay ko. Pinisil-pisil niya iyon at hinalikan. Hindi ko alam na hahantong kami ni Yadiel sa ganitong sitwasyon. Hindi ko maipinta at maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Gusto kong maiyak sa tuwing napapasaya ako ni Yadiel. Gustuhin ko mang maging neutral ngunit nakukuha niya agad ang tiwala ko. Parang lulunukin ko na lang yata ang ipinangako ko kay Franz na hindi ako masasanay sa kanya. Sa mga sandaling oras na nakasama ko si Yadiel, nasanay na ako sa presensya niya. Kulang ako kapag hindi ko siya nakikita. Kulang ako kapag hindi ko naririnig ang boses niya. At mas lalong kulang ako kapag hindi ko nararamdaman ang katawan niya sa katawan ko. D*mn, Yadiel! Anong ginawa mo sa akin? Paano mo 'ko nakuha? Ako iyong tipo ng babaing hindi pala-patol sa kung sino-sinong lalaking nakikilala ko. Pero itong si Yadiel, kakaiba siya. Ibang-iba siya sa mga lalaking nakakasalamuha ko. May katangian siyang kakaiba na wala sa katangian ng ibang lalaki. Maswerte na ako kumbaga. Nakarating kami sa mall ni Yadiel. Ang sabi niya sa akin kanina ay dumaan muna kami ng mall para makabili naman daw ako ng mga kakailanganin ko sa apartment. Agad na rin naman kaming bumaba ng sasakyan at naglakad na papasok. Nagtungo kami sa mga bilihan ng damit. Nahiya pa akong pumasok dahil mukhang mamahalin at luxurious ang store na 'yon. Halos wala ring mamimili, kung mayroon mang papasok ay pinagbabawalan ng guwardya sa labas. Agad akong nagtaka. “Bakit pinipigilan niyong guard 'yong mga gustong pumasok sa loob?” nagtatakang tanong ko sabay turo sa labas. “Well, it's just because I'm here,” seryosong aniya at saka naglakad sa gitna. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit. E, ano naman kung nandito siya? Siya ba ang may ari ng mall na 'to? “Choose whatever clothes and shoes you want,” aniya. Hindi ako nakasagot. Napansin siguro niyang nahihiya ako kaya walang alinlangan niya akong nginitian. “It's fine. I’m behind you.” Tumango ako at saka ngumiti pabalik. Hindi na rin ako nagdalawang isip at naghanap na ako ng mga gusto kong damit. Napapalunok ako kapag tinitingnan ko ang mga price tag ng mga nahahawakan kong damit. Sobrang mahal. Mukhang tuition ko na ito sa isang buong semestre, e. Ang mamahal. “Hhmm. Masyadong mahal,” sambit ko at saka ko ibinalik iyong damit sa rack. Naka-ilang ikot na ako pabalik-balik ay wala akong nahanap. Inabot yata ako ng halos isang oras doon. Humarap ako kay Yadiel ng nakasimangot. “Mag-grocery na lang kaya tayo—” hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang makita ko si Yadiel na nasa counter dala-dala 'yong mga damit at sapatos na nahawakan at naibalik ko na kanina. What?! Huwag mong sabihing pinagkukuha niya 'yong mga gamit na binalik ko kanina? “Just use my card,” rinig kong sambit nito sa kahera at ibinigay 'yong card niya pambayad sa mga kinuha ko. Hanggang ngayon ay naiwan akong nakatayo sa likuran ni Yadiel na animoy naestatwa. Nakatulala pa rin ako habang tinitingnan siya. “Here you go. Thank you so much for visiting, Mr. Hart!” “Thank you!” ani Yadiel at saka niya binitbit 'yong mga paper bags. “Anong ginawa mo?” nagtatakang tanong ko nang makalapit ako sa kanya. “I bought you clothes,” aniya. “Pe-Pero, hindi ko naman 'yan kinuha—” Hindi na niya ako pinatapos magsalita. “Mag-grocery na tayo?” nakangiting aniya at saka niya ako nilagpasan. Sandali akong naiwan sa likuran niya upang i-process sa utak ko ang lahat nang ginawa niya ngayong araw. Hindi ako makapaniwala. Wala sa sarili na lang akong napangiti at napa-iling-iling. Kakaiba talaga si Yadiel. Bilib na ako sa mga bagay na kaya niyang gawin. Nagsimula na kaming mamili sa loob ng supermarket. Sinamahan ako ni Yadiel mamili ng mga pagkain at stocks sa apartment. Kahit mga prutas at healthy food na makita niya ay pinagdadampot niya na. Kailangan ko raw iyon para mas lalong lumakas ang pangangatawan ko. Kumuha na rin ako ng mga pangsahog sa ulam lalo na 'yong mga gulay, karne, manok at mga condiments. “Kukuha lang ako ng mga gatas sa kabilang aisle,” paalam ko kay Yadiel habang abala ito sa pagpili ng mga snacks. “Sure. Susunod ako,” aniya na at saka ito ngumiti. Naglakad ako sa kabilang aisle. Hindi naman iyon kalayuan kaya nahanap ko agad 'yong hinahanap ko. Agad akong kumuha ng tatlong fresh milks. Pinag-isipan kong mabuti at tiningnan sa likuran niyong karton kung ano nga bang mga nutrients ang makukuha ko. Ganito ako kapag naggo-grocery, lagi kong tsinetsek ang nutritional facts. “That brand is good. You must get it.” Napalingon ako sa lalaking tumabi sa akin. Kagaya ko ay kumuha rin siya niyong gatas na kinuha ko. “Mr. Fortified milk, is it?” natatawang sambit ko na ikinitawa rin niya nung humarap siya sa akin. “It's Louie.” “I know. How are you?” tanong kosa kniya. “I'm good. Long time no see. Huli kong dinig tungkol sa iyo ay 'yong tungkol sa pagdawit mo sa cheating.” Nawala ang ngiting naka-plaster sa ngiti ko nang banggitin niya ang mga bagay na 'yon. “I'm sorry, Sam. Hindi ko sinasadya.” Natawa ako sa inasta niya. “Okay lang 'yon. Wala na sa akin 'yon ngayon.” “Mabuti naman. Trixie and her friends were suspended until finals. Inamin nilang sinadya nila ang ginawa sa iyo para mapatalsik ka sa eskwelahan. Hindi ko alam bakit suspension lang ang ipinataw nila sa mga bwis*t na 'yon, e,” inis pang aniya. “Anong sabi mo? Suspended sila?” "Yup! Everything on campus is now at peace. They are just waiting for you to come back and make a public apology before the finals start." “Really?” natatawang sambit ko na ikinatangu-tango niya. Sobrang saya ko. Hindi lang doble ang saya na nararamdaman ko kundi triple pa. Kailangan kong sabihan si Yadiel tungkol dito. Sa wakas makakabalik na ako sa campus. “Yes, Samantha. If you have any questions, just ring my phone.” Ibinigay niya 'yong calling card nito na agad ko namang tinanggap. “Thank you, Louie. I promise, I'll call you!” Hindi mawala ang ngiti at saya sa mukha ko. Halos matawa na nga si Louie sa inaasta ko. “Samantha!” Bigla akong napalingon sa likod nang marinig ko ang pangalan ko. Si Yadiel iyon. Nasa likuran ko na siya, nakatayo at halos hindi maipinta ang mukha at titig niya sa lalaking kausapin ko ngayon. Seryoso siya. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mataranta. “Ya-Yadiel,” banggit ko sa pangalan niya at saka ito lumapit sa amin. “Yadiel, si Louie. Louie, si Yadiel, my fiancé,” pagpapakilala ko sa kanilang dalawa. Tila nagbago ang ihip ng atmospera sa pagitan nilang dalawa. Sa mga oras na 'to ay nakatitig lamang sila ng seryoso sa isa't isa na animoy nagbabangayan sa mga utak nila. Wait! What's happening here? “You mean, you are now engaged?” malumanay na tanong ni Louie nang balingan niya ako ng tingin. Tinanguan ko lamang ito bilang sagot. Alam kong ibinaba niya rin ang tingin niya sa daliri kong may suot na singsing. “Co-Congratulations, Samantha. I didn't expect that coming!” natatawa pang aniya. “I think I gotta go,” paalam niya “Sure. Take care!” sambit ko. Bago pa ito tuluyang makaalis ay binalingan niya ng tingin si Yadiel. “¡Qué patético eres, Yadiel!” sambit ni Louie kay Yadiel. “Vete a la mierda!” sagot naman ni Yadiel at saka niya pinaningkitan ng tingin si Louie bago ito tuluyang mawala sa paningin ko. Te-Teka nga lang! Hindi ko yata naintindihan ang mga salitang ginamit nila. Ano 'yon?! Nagbabangayan ba sila o isa lamang iyong normal na pag-uusap?

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD