Episode 7- Game on!

2589 Words
“Good! Make sure na ahead tayo, doublehin mo ang manpower wala akong pakialam sa magagastos.” turan ni Owen sa kausap sa kabilang linya habang sineyasan si Carl na lumapit after n'yang ini off ang tawag ng kausap. “asan na yung pina imbestigahan ko sa'yo.” “Wala akong makitang record ni Blaire Corpuz. And it’s really weird na walang track record bago s'ya ampunin ng mga Corpuz.” kumunot ang noo ni Owen. “Anong ibig sabihin nun? burado o sadyang wala lang s'yang record.” nagtatakang tanong ni Owen. “Inaalam ko pa.” “Make it fast Carl. My time is running out.” “And Nancy is planning to come here and get you.” napaangat ang tingin ni Owen kay Carl. “Hindi na sana susunod sayo si Madam kung sinasagot mo lang sana ang tawag n'ya.” napahilot ng sintido si Owen. Hindi puwedeng pumunta si Nancy sa Pilipinas baka mag kaproblema ang lahat ng plano n'ya. Oo alam ni Nancy ang lahat ng ginagawa n'ya at lahat ng plano n'yang pag hihiganti. Alam n'yang 'di ito makikialam pero na titiyak naman n'yang magiging dahilan si Nancy para di n'ya makuha ng buo si Blaire. He need Blaire to fall in love with him first at nahihirapan s'ya sa bagay na iyon dahil kay Blake. Hindi puwedeng sa s*x lang sila mag kakaintindihan ni Blaire dahil iniisip ng dalaga na s*x lang talaga ang habol n'ya rito kaya naka fix sa utak nito na after 6 months tapos na ang contract nila. Hindi puwede yun hindi magiging maganda ang pag hihiganti n'ya kung hindi n'ya mapapaibig si Blaire. “Why don’t you just hired someone to kill her. Iyon din naman ang plano mo diba ang mamatay s'ya.” mapait na tumawa si Owen. “Hindi magandang ending kapag ganun. Mas maganda yung s'ya mismo ang papatay sa sarili n'ya double ang sakit nun para kay Blake. Ngayon pa lang nagigil na si Blake.” ngisi ni Owen. “Baka kapag pinatagal mo pa ikaw ang mahirapan sa huli. And worst baka ikaw pa ang matalo.” ani Carl. “Masyado ka ng affected sa revenge plan mo na yan Boss. Hindi ako nag sasalita bilang assistant mo ngayon Sky. I'm saying this as your friend never pa kitang nakita naging apektado ng isang babae." wika pa ni Carl. “Blaire is a perfect woman to be loved by someone. S'ya ang eksaktong babae na gugustuhin ng isang lalaki na makasama habang buhay. Unti-unti mo syang sinisira dahil sa pag hihiganti mo sa isang tao na wala naman kinalaman kay Blaire at sa nakikita ko ikaw ang unti-unting na huhulog sa trap na ikaw mismo ang gumawa.” kumunot ang noo ni Owen. “What do you mean.” “You're starting to like her and you just don’t want to admit it. Kitang kita na Sky sa mga kilos mo. I know you for so long kapag di mo pa ito tatapusin ng mabilisan. Ikaw mismo ang masasaktan sa huli kaya habang maaga pa tapusin mo na.” ani Carl. Mag sasalita sana si Owen ng bigla naman tumunog ang phone nyang nasa ibabaw ng mesa. Nancy Calling… huminga ng malalim si Owen na napatingin kay Carl na nag paalam naman na lalabas muna. “Hello.” “At last, you answered my call love.” “I'm just too busy I'm sorry Nancy.” pinilit ni Owen na palambingin ang boses tulad noon kapag kausap nya si Nancy. “Busy from what? Quit playing games Sky.” “I heard na you're planning to go here?” “You're not answering my calls, so I decided to pay you a visit.” “6 months Nancy. I'm only asking you 6 months.” “Are you sure?” tumango si Owen kahit sa phone lang nya kausap ang nobya. “There is no problem between us right? we’re getting married once you settle your business with Blake. I promise I will marry you this time even if there is no inheritance. I realize that your much more worth it than my inheritance Love.” ani Nancy. “Thank you. That’s make me feel special.” “I love you Sky.” usal ni Nancy. Ngumiti si Owen. “Same to you.” sagot lang nya. Handa s'yang pakasalan si Nancy pero he never said that he loves her but he cares a lot for her. Nangako s'ya rito na mag hihintay s'ya hanggang sa pumayag na itong mag pakasal sa kanya kaya tutuparin n'ya iyon oras na matapos ang pag hihiganti n'ya. Hindi n'ya sasaktan si Nancy. “Well! Well! well! looks who’s here?” bungad ni Lennon habang papasok sa tent nilang mga architect. Kasama naman ni Lennon ang mga kapwa nito engineer na nakahard hat din na dilaw habang sila naman mga architect ay orange. Asul naman para sa lahat ng construction worker ng papa n'ya. Bahagyang itinulak ni Lenon si Harold na nasa tabi n'ya na papalag sana pero niyakap agad ni Jelai at bahagyang inilayo kay Lennon. Napakayabang kasi talaga nito kahit noon pa naman pero inilulugar naman nito pero ngayon mukhang ibabandera na nito ang kayabangan dahil hiwalay na sila. Hindi na nga n'ya itinama ang pinag kalat nitong balita na s'ya ang nahuli nitong nag checheat kaya 'di na tuloy ang kasal nila alang-alang sa pinag samahan nila kahit papano naman minahal rin n'ya ito sa loob ng 3 years kaso hindi sapat ang pag mamahal n'ya para tanggapin pa rin ito after nitong mag loko at mahuli pa n'ya. Hindi s'ya martir at mas malolong di s'ya mag papakatanga sa isang lalaki lang na man loloko. “Mukhang 'di mo kasama ang aso mo ngayon?” kumunot ang noo ni Blaire. Sinong aso ang tinutukoy nito. “Yung sanggano gago na laging naka buntot sa'yo. Pipili ka lang din naman ng ipapalit sa akin yung pang mukhang adik.” ngisi nito. Pagak naman tumawa si Blaire saka humarap dito ng naka pamulsa. Halos mag kasing tangkad lang sila ni Lenon 5’9 sya 5’10 lang ang mayabang na nilalang na to. “Bakit masakit ba sa ego mo na mas mababang klase ng tao ang kukunin ko para ipalit sayo? Alam mo sa totoo lang guwapo ka lang naman kasi Engr ka pero 'di hamak na mas guwapo sa'yo sa lahat ng bagay si Owen.” ngumisi si Lennon. “Mukhang magaling sa kama ang lalaking adik na yun kaya —— “Hey bastos ka ah!” anggil ni Harold ng ' di nakapag pigil na bahagyang itinulak si Lenon na tumawa lang na pinigilan ang mga kasamahan nitong papalag sana. Nakatingin na sa kanila ang mga tauhan ng ama n'ya at pinanonood ang iringan nila. Handa naman sumugod din ang mga tauhan n'ya kila Lennon. “Matuto kang rumespeto sa babae. Kaya ka iniiwan e nakakasuka ugali mo.” ani Harold. “Ang respeto ibinibigay lang sa mga babaeng karepesrespto pero sa boss n'yo na malandi pa sa bayarang babae. She don’t deserve a bit.” “Gago ka talaga.” 'di na naka pag pigil si Harold at sinugod na nito si Lennon kaya nag royal rumble na ang mga team n'yang lalaki vs sa team ni Lennon. “Mag sitigil kayo.” malakas na sigaw ni Patrick. Napapikit si Blaire inaasahan na n'ya ang mga ganitong problem pero kailangan n'yang mag pakatatagal. Pare pareho nilang pangarap ang humawak ng ganito kalaking project kaya kailangan n'yang manindigan at ipag laban ang pangarap nila. Himinto naman ang team n'ya at team ni Lennon. Lumapit naman si Patrick sa kanila inihanda na ni Blaire ang sarili sa pananakit ng ama na madalas naman nitong gawin kapag may kasalanan s'ya. Sanay na ang katawan n'ya sa sampal at hampas ng kahoy nitong tungkod sa katawan n'ya. Walang pinipiling lugar ang ama basta nag kamali s'ya sasaktan s'ya nito at walang ni isang nagtanggol sa kanya sa mga tauhan n'ya dahil pare parehong takot mawalan ng trabaho. Ngunit ngayon nagulat s'ya ng hilahin s'ya ni Jelai at Cel papunta sa likuran ng mga ito at ganun din ng buong team n'ya ng makitang umangat ang tungkod ng ama na balak ihampas sana sa kanya. “Wala kayong karapatan na saktan ang boss namin Mr. Corpuz. Gagawin namin ng maayos ang trabaho namin hindi n'yo na kami under kaya lumugar kayo.” ani Harold. “Hmmp! matapang ka bata matitigas na ba ang mga buto n'yo porket nag karoon kayo ng sariling kumpanya.” “Harold.” pigil ni Blaire sa kaibigan ng akmang sasagot pa ito sa ama. Nag-aalala s'ya baka magawang ng paraan ng ama n'yang alisan ng licensya si Harold tulad ng ginawa nito sa dati nilang tauhan. hinila n'ya si Harold at nilampasan ang mga tauhan n'yang pumoprotekta sa kanya. Nakakataba ng puso ang ginawa ng mga ito pero di n'ya gustong madamay ang mga ito sa galit ng ama. Humarap s'ya sa ama. Hihingi sana s'ya ng dispensya sa ginawa ng team n'ya ngunit mabilis na naihampas ng ama ang tungkod nito sa hita n'ya napabagsak s'ya sa lupang kinatatayuan n'ya. Dadaluhan sana s'ya ng mga tauhan n'ya ng akmang hahampasin ulit sya ng ama ng bigla isang bulto ang lumapit at inagaw ang tungkod ng ama at bale walang pinutol iyon sa hita ng bagong dating. “I will not interfere with your business with your daughter but hit her again and I will make sure that your company will suffer most.” banta ni Owen haalatang shock ang bumalatay sa anyo ng ama. Binalingan naman s'ya ni Owen at balewalang binuhat at inilayo roon agad naman sumunod ang buong team n'ya sa kanila. ******* “Ano bang ginagawa mo?” bulalas ni Blaire ng hinuhubad ni Owen ang khaki pants na suot nya. Nasa loob sila ng tent nya. habang nasa labas naman ang team n'ya sa kanikanilang mga tent na naka laan sa mga ito. “Titingnan ko lang ang legs mo.” “Okay lang ako Owen.” giit pa n'ya pero wala na rin s'yang nagawa ng mahubad na nito. Marahas itong napabuga ng hangin at napamura ng makita ang latay sa maputi n'yang hita ng tungkod ng ama. “Bakit sanay na sanay silang saktan ka physically. Una ang gugong mong ex ngayon naman papa mo. Gusto mo bang makapatay talaga ako sa harapan mo.” galit na bulalas ni Owen. Napabuga naman ng hangin si Blaire na itinaas ang pantalon. “Hindi ako sinasaktan ni Lennon noon lasing lang s'ya kaya nasaktan n'ya ako. Regarding kay Papa I'm used to it.” kumunot ano ni Owen. “You let him hit you dahil papa mo s'ya ganun ba?” “Puwede ba let’s not argue with that topic——- nahinto ang sasabihin sana ni Blaire ng mapatitig sa anyo ni Owen. “Owen?” malakas pa n'yang turan na sinapo pa ang guwapong mukha ng binata. Natawa si Owen sa reaction ni Blaire napaka genuine ng pagkamangha nito. Wala kasing kulay ngayon ang buhok nya. Wala din s'yang suot na kahit anong earings simpleng rolex watch lang at outfit na nababagay sa lugar. Denim pants, sneakers at shirt na pinatungan lang nya ng Gray na long sleeve. “Na iin love ka na ba sa akin.” pakindat na tanong ni Owen na biglang yumakap sa bewang nya habang nakaupo ito sa gilid ng mesa, bahagyang tumawa si Blaire. “Alam ko naman na guwapo ka pero 'di ko ini expect na may iguguwapo ka papala.” “You like me this way ha?” “Hmmmm! yes but I'm not asking you to change para lang i please ako.” “I want to please you.” ngumiti si Blaire na hinaplos ang mukha ni Owen. Kita ang mga butas ng mga pinag hikawan nito sa Kilay, Ilong at sulok ng labi nito maging sa tenga nito. Nakakapanibagong tingnan pero nakakagaan ng pakiramdam titigan ngayon ng guwapong mukha ni Owen. “Wala tayong relasyon maliban sa bed partners Owen. That stated in our agreement. Pleasing me won’t help. What we have will last until 6 months. Let’s stick to the agreement.” “Ayaw mo bang ma in love sa akin or your already in love with someone else.” “Kung si Blake ang tinutukoy mo. The answered is No… Si Lennon tingin ko I still love him hindi naman siguro iyon basta mawawala.” umasim ang mukha ni Owen. “Mas 'di hamak na kamahal mahal si Blake kesa sa Lennon na yun.” natawa si Blaire sa sinabi ni Owen. “Si Blake talaga hindi ba puwedeng mas kamahal mahal ka kesa kay Lennon.” ngumiti naman si Owen na mabilis s'yang kinintalan ng halik sa labi. “Bakit 'di ko naisip yun. Sorry for my stupidity.” “Anyway anong ginagawa mo dito.” “Ah yes! I have concern with your autocad. I almost forgot.” anito na biglang bumitaw ng yakap sa kanya na nilapitan ang laptop ni Blaire saka ang blueprints n'ya na inilatag naman nito sa table. “Here.” turo nito sa blueprint n'ya na ikinakunot ng noo n'ya bago may itinuro naman ito sa Screen ng laptop n'ya. “Sh*t.” mabilis na tinawagan ni Blaire ang buong team n'ya at pinapasok sa tent n'ya. Bago pinakita sa mga ito ang tinuro ni Owen na error sa plano. “Kapag tinuloy n'yo yan malaking disaster ang kakaharapin n'yo. Dapat nakita na yan ng mga taga engineering but I guess they remain silent dahil mapapadali ang trabaho nila.” ani Owen. “Ang sabihin mo gusto ng Lenon na yun na pumalpak kami.” inis na wika ni Harold. “Possibly.” sang ayon naman ni Owen. “Galing mo naman Sir Owen nakita mo ang maliit na error na yan na di agad nakita ng buong team namin.” ani Emman. “Paano mo nakita ang autocad ko? Pinakialaman mo ba ang laptop ko ng di ko alam.” nakasimangot na tanong ni Blaire. lumapit naman si Owen saka bumulong. “I deserve a reward mamayang gabi.” inis na tinulak naman ito ni Blaire. “Next time wag kang makikialam ng gamit ko kung ayaw mong mag away tayo.” “Naku naman wag ka ng magalit kay Sir Owen kung 'di n'ya pinakialam ang laptop mo. Tiyak pupulutin tayong lahat sa kang kungan.” ani Jelai napabuga naman ng hangin si Blaire na napatingin kay Owen na todo ngiti pa. “Sige na i revise n'yo na lang agad bago n'yo ibigay sa team ni Lennon saka kay Mr. Theo tukoy naman nya sa head ng construction. Mga nag mamadali naman ang kilos na nag labasan ang lahat ng team n'ya para ayusin ang problema. Habang s'ya naman ay hinarap ang autocad n'ya. “Galit ka pa rin ba?” tanong ni Owen na panay ang halik sa pisngi n'ya. “Gangster ka ba talaga? Drug lord? Mafia boss or a serial killer. Hindi makikita agad-agad ng isang tulad mo ang error sa blueprint.” “You just don’t know me.” “Mukhang kailangan kitang kilalanin masyado tumataas ang pogi points mo Mr. Santeniel.” “Then brace yourself. your gonna fall for me harder than Lennon.” anito ngisi ni Owen. Napailing na lang si Blaire. 'Di nya maiwasan isipin kung bakit parang gusto nitong ma in love s'ya rito. Possible bang the feeling is mutual.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD