“Boss!” nag angat ng ulo si Owen ng marinig ang boses ni Carl na humahangos na pumasok sa opisina n'ya. Hinubad ang suot na salamin saka humarap rito. No one knows na s'ya ang CEO ng Iron Steel Corporation. Never s'yang humarap sa publiko maging sa mga corporate meeting o kahit sa mga business meeting. He’s the only one behind the iron steel success sa loob ng 9 na taon simula ng sa kanya ipahandle ni Don Brent De Luca. Tuwang tuwa ito sa galing n'ya sa negosy. Sino mag aakala na sya si Owen Santeniel na may ari ng Lucifer playhouse ay isa rin matagumpay na corporate CEO na hinahangaan ng marami sa kabila ng pagiging misteryoso n'ya.
“What is it Carl?”
“Tinanggal ni Patrick Corpuz si Blaire sa project sa Batangas.” kumunot ang noo ni Owen na napa-unat ng upo sa magara n'yang swivel chair.
“Is it because sa nangyari sa ugok na Lennon Cua.”
“Unfortunately boss nalaman ko na ikakasal na pala dapat si Blaire at Lennon Cua next month but Lenon suddenly cancel the wedding dahil sa mga picture na to.” mula sa envelop na hawak inilapag ni Carl sa mesa ni Owen. Na agad naman binuksan ng binata. S'ya ang lalaki sa picture na buhat-buhat si Blaire. Thankfully hindi kita ang mukha n'ya pero wala din naman problema kung makikita.
“And the worst part pinasasarado ni Patrick Corpuz ang Landscape inc.”
“Landscape inc was owned by Blaire right?” tukoy ni Owen sa architectural firm na binuksan ni Blaire 5 years ago after nitong makilala dahil sa blueprint na ninakaw ni Blake sa papa n'ya.
“Yes sir pero under the name pa pala iyon ng papa n'ya.” napakuyom naman ang kamay ni Owen. Alam n'yang pinag hirapan ni Blaire ang kinalalagyan nito ngayon kaya nga masaya kung s'ya ang mag papabagsak rito tiyak na double ang sakit nun kay Blake dahil bahagi si Blake ng tagumpay ni Blaire. Masisira ang plano n'ya kung matatanggal si Blaire sa project sa Batangas. Hindi puwede iyon mangyari.
“Saan ka pupunta boss?”
“Make the impossible. Possible!” sagot ni Owen saka malalaki ang hakbang na lumabas ng opisina.
******
“Ma’am paano na po tayo?” tanong ni Cel. Nasa meeting room sila kasama ng buong team n'ya. Na memental block na s'ya sa pag iisip ng solutions sa problema n'ya. Inalisan sila ng budget ng papa n'ya para sa mga naka binbin nilang project at effective immediately ipina shu-shutdown nito ang company n'ya dahil sa nangyari kay Lennon.
Alam n'ya dahil sa kasal nila ni Lennon kaya ibinigay sa kanya ng ama ang project sa Batangas pero dahil cancel na ang kasal agad-agad rin s'ya nitong inalis. Ayaw sana n'yang mag makaawa rito dahil sa totoo lang pagod na s'yang i please ito at patunayan rito na deserve n'yang ipag malaki rin s'ya nito sa mga achievements n'ya.
Pero alang-alang sa nga tauhan n'yang na mawawalan ng trabaho. Nag makaawa s'ya sa ama at nilunok ang lahat ng pride na natitira n'ya para sa sarili ngunit matigas ang ama. Sa sobrang kahihiyan ang ginagawa pang loloko di umano kay Lennon idagdag pa na nasa hospital si Lenon at binugbog daw ito ng karelasyon n'ya. Hindi nag sampa ng kaso ang pamilya ni Lennon pero inutusan ng mga ito na alisin s'ya sa project sa Batangas.
Ngunit hindi s'ya pinakinggan ng ama and worst ipinasarado pa nito ang maliit n'yang company. Na iintindihan naman n'ya na ampon lang s'ya at wala s'yang karapatan mag demand ng kahit ano rito and beside sa simula pa lang naman hindi na nito s'ya gustong ampunin ang mama lang n'ya ang may gusto sa kanya. Mama Lucy died right after mamatay ang kuya Stephen. Kaya na iintindihan n'ya ang bigat at init ng dugo sa kanya ng Papa n'ya.
“Marami akong kilang Architectural Firm irercommend ko kayo sa kanila.”
“ikaw paano ka?” tanong naman ni Jelai na assistant n'yang naging kaibigan na rin nya.
“Babawiin ko kayong lahat kapag nagkaroon na ako ng sapat na pera. Mag bubukas tayo ng sarili natin—
“Pinag hirapan mo ang landscape. Dito tayo lahat nag simula, Nakilala tayo dahil sa galing natin pero bakit kailangan pakialaman ng Papa mo. Napaka wala n'yang puso. Bakit 'di na lang s'ya ang namatay kesa kay Mam Lucy.” wika naman ni Harold asawa ni Jelai na isa sa mga senior architect n'ya. Noon pa man mainit na ang dugo nito sa papa n'ya dahil sa pang aalipusta ng ama sa kanila kung tutuusin dapat sila ang may malaking budget pero limited lang binibigay nito.
“Wala kayong matatapos sa meeting na to kung mag tsitsismisan lang kayo.” bungad ng isang britonong tinig na ikinalingon nilang lahat. Napatayo naman si Blaire sa kinauupuan at nagulat na nilapitan si Owen at pilit na pinaalis ito.
“Relax I'm here to help.” kumunot ang noo ni Blaire.
“Wala kang ma itutulong umalis ka na.”
“Kasalanan ko kung bakit naipasara ang company mo. So, I'm here to help.” inis na humalikipkip si Blaire.
“Ano bang alam mo? Marami na akong isipin Owen wag ka ng dumagdag.” inis na wika ni Blaire.
“60-40! Business partners. 60% sayo 40% sa akin I will help you to build your own architectural firm.” sabay sabay na napasinghap ang lahat sa narinig.
“So do you want to discuss it here or you want us to have more private conversations.” pakindat pang tanong ni Owen. hindi maka imik si Blaire sabi kasi n'ya noon ng huling beses silang mag kita. Titiyakin na n'yang hindj na ulit sila mag kikita ni Owen kailangan n'ya itong iwasan dahil iba ang hatid ng presensya nito sa kanya pero heto at ito pa mismo ang lumapit at nag ooffer pa ng magandang tulong.
“Let’s talk?” ani Blaire na akmang hihilahin na ang binata pero 'di agad ito tuminag.
“Gather everything we need. darating dito ang assistant ko s'ya na bahala sa lahat ng business permit na kailangan natin to build our new company. Up! up! double time.” parang naman mga nabuhayan ng hasang ang mga tauhan n'ya na nag mamadaling lumabas ng meeting room.
“Try to hold your heart alam ko kinikilig ka na n'yan.” biro ni Owen ng nasa loob na sila ng opisina ng dalaga na walang kurap habang nakatitig sa kanya.
“Anong kapalit ng lahat ng to?” ngumisi si Owen. Mukhang hindi talaga madaling utuin ang isang ito.
“Your body.” deretsong sagot ni Owen.
“Until when?”
“Hanggang gusto ko.” pagak naman tumawa si Blaire.
“Then the answer is No! I don’t need your help.” tumawa si Owen na lumapit at hinila pa ang swivel chair ni Blaire para iharap sa kanya. Itinuon n'ya ang dalawang kamay sa armrest ng upuan saka inilapit ang mukha rito na halos gahibla nalang ang layo ng labi nila sa isat isa. And he’s dying to kiss her torridly.
God i miss her badly bulong ni Owen sa sarili.
“Then tell me what you want? your my boss so I’ll consider——
“1 month.” malakas na tumawa si Owen na napalayo kay Blaire.
“Are you fu*king kidding me. 1 month? we're talking about million pesos here to invest. Then 1-month lang gusto mong i offer sa akin?" pagak na tumawa si Owen na iiling-iling pa.
"1 year.” wika ni Owen.
“6 months take it or leave it.” mariin naman usal ni Blaire. Nahinto naman sa pag tawa owen saka napatitig kay blaire.
fu*k! sigaw ni Owen sa isip.
“Fine!” pag suko ni Owen.
“I want a contract. Stated our agreement.”gustong matawa ni Owen, napaka sigurista din naman talaga ng babaeng ito.
“Come on Blaire! Why would we need a contract. Mag sesex lang tayo sa loob ng six months kapalit ng Million million perang ipapasok ko sa bubuksan mong company.”
“Just give me enough time babayaran ko sayo ang perang ipapahiram mo sa amin pa unti unti. s*x is just a bonus sa loob ng 6 months at ayokong may ibang makaalam ng tungkol sa usapan natin ito.” Napabuga ng hangin si Owen.
“Okay mukhang hindi rin naman tayo magkakasundo sa gusto ko sana kaya let’s had in your way. You want contract then i give you one. After that sa akin ka lang sa loob ng 6 months.”
“Lilinawin ko lang din Mr. Santeniel. Ayoko ng may ka share. Hindi kita pag-aari hindi kita rerendahan pero sa loob ng 6 months na gagamitin mo yang majin boo mo sa akin. Tiyakin mo lang na walang butas na papasukin yan maliban sa akin.” ngumisi si Owen.
“Wag kang mag-alala sa ngayon ikaw lang ang gusto ko.” ani Owen na akmang lalapit sana para halikan s'ya pero bigla naman pumasok si Jelai na nagulat sa inabutang eksena.
“Istorbo ba ako o mamaya n'yo na tutuloy yan.” alanganin tanong ni Jelai. Na hihiyang itinulak ni Blaire si Owen na tumikhim naman.
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
“Katatawag lang ni Madam Nancy. Tinatawagan ka daw n'ya pero 'di mo sinasagot.” ani Carl.
“Tuloy pa rin ba ang plano e there is some changes.” tumawa si Owen saka tinungga ang alak sa bago.
“Ano bang pinag sasabi mo natural. Naka homerun na ako ngayon na sa homebase na ako wala ng atrasan ito. Konti na lang magkikita na ulit kami ni Blake.” Tinitigan s'ya ni Carl.
“Then bakit 'di mo sinasagot ang call ni Madam dati dati naman isang ring lang ang bilis mong sumagot kahit nasa gitna ka ng meeting iniiwan mo para kay Madam pero ngayon bakit bigla you ignore her calls.”
“Naiwan ko ang phone sa kotse. Tiningnan namin ni Blaire yung bagong office lot na lilipatan ng buong team n'ya. Na ayos mo na ba yung tungkol sa Batangas project?” pag iiba na ni Owen ng usapan.
“Yes! Na hold na ang bidding for architecture vacancy. Alam na rin nila na ang Airsky Inc ang papalit sa Landscape inc. Na banggit ko na rin na ang team ni Blaire pa rin ang hahawak ng project under new management.”
“So ano may naging problema ba?”
“Meron pero na ayos na din naman agad. Binalak ng Cua Corporation na mag full out ng malaman nilang si Blaire pa rin ang hahawak ng project. Nagalit din si Patrick sa nalaman dahil pakiramdam n'ya na bypass s'ya ng anak n'ya pero di nila magawang mag full out ng malaman na naka abang ang Iron Steel kung aalis sila dahil kay Blaire.” ngumisi si Owen.
“I hope Blaire can stand on her on.”
“Your helping her too much pero sa huli ikaw lang din naman ang mag papabagsak sa kanya.” ngumiti si Owen.
“That is exactly what I want to happen. Mas maganda yung mag susuicide din s'ya at sisihin ni Blake ang sarili n'ya kapag namatay ang babaeng minamahal at iniingatan n'ya. Kapag nangyari yun I will be the happiness man alive.”
“Poor Blaire. Wala s'yang kaalam alam na nadadamay s'ya ng wala naman s'yang kasalanan.”
“Kasalanan n'ya na s'ya ang minahal ni Blake. Sorry na lang s'ya.” ani Owen.
*******
“Sino ang business partner mo?” bulalas ni Blake habang nag hahain ng hapunan nila sa condo ni Blaire.
“Owen Santeniel. Bakit kilala mo ba s'ya?”
“Paano kayo nag kakilaang dalawa?” gulat na tanong ni Blake na naalarma.
“Sa Lucifer Playhouse. He owned the place ng gabing basta mo na lang akong iniwan.” Napamura si Blake na ikinagulat ni Blaire. Nag mamadaling hinubad ni Blake ang apron saka nag mamadaling lumabas ng kusina na pinag taka ng dalaga.
“Hoy saan ka pupunta? akala ko ba kakain na tayo.”
“Kumain ka may pupuntahan lang ako sandali babalik din ako.” Napakamot na lang naman ng ulo si Blaire na sinundan ng tingin ang papalabas na si Blake. Ano bang nangyari sa taong yun dinaig pa ang kabuti darating tas aalis din agad.
Wala s'yang planong mag-isip ng kahit ano ngayon. Sobra s'yang masaya alam n'yang mahihirapan sila sa bagong ambience ng trabaho nila. Kinalaban n'ya ang papa n'ya at ganun din si Lennon kaya ganun na lang ang galit ng mga ito sa kanya. Hindi n'ya alam kung paano nagawan ng paraan ni Owen na sila ang manatiling architect ng bagong project ng ama.
Hindi talaga s'ya makapaniwala sa powers na meron ito. Akalain mo wala ng bidding na naganap basta appointed agad ang Airsky Inc sa new project. Si Owen ang nag pangalan ng bago nilang company. Air stand for her and Sky stands for him dahil Owen Sky pala ang tunay nitong pangalan.
Kasama nila si Owen sa lahat ng lakad nila hanggang sa pakikipag usap sa may ari mismo ng Hotel and resort na gagawin nila. Mukhang ka close pa ni Owen kaya naman walang kahirap na agad silang naka pasok. Girlfriend ang pakilala sa kanya ni Owen sa mga nakakaharap nila na 'di na lang n'ya itinatama. Napaka PDA din naman kasi nito sobrang clingy kaya ano pang saysay kung itatangi n'ya lagi rin naman itong nakayakap sa braso 'at naka holding hands or kaya naka akbay.
Sa dami ng ginawa nito para sa kanila. Kulang ang thank you para pasalamatan ito. Oo meron silang pinirmahan contract together regarding sa naging usapan nila. Wala na s'yang pakialam kung nag mukhang ibenenta n'ya ang puri n'ya rito dahil una sa lahat ibinigay na rin naman n'ya rito iyon ng bukal sa puso noon. Na isip n'ya na maging practical na lang din naman may ibibigay itong tulong at wala naman s'yang mabibigay rito collateral. Naging prangka naman ito na katawan n'ya ang gusto nito kaya agad pumayag na lang din s'yang pumayag. Mabilis lang ang 6 months at malinaw sa usapan na di nila kailangan mag sama sa iisang bubong. walang naging malinaw na usap tungkol sa s*x schedule nila. Basta mag sesex sila iyon lang yun kung kelan 'di n'ya alam.
********
Bumalandra sa sahig si Owen na nabigla sa malakas na suntok ni Blake na bigla na lang sumulpot pag baba pa lang n'ya ng kotse nya. Sapo ang labi na bumangon si Owen at binigyan din ng malakas na suntok si Blake hanggang sa mag datingan ang mga tauhan nya lulan ng Dalawang itim na Hi Ace.
Kagagaling lang nila sa Warehouse dahil meron silang tinuruan ng leksyon 'di n'ya ini expect na makikita si Blake. Mainit pa naman ang ulo n'ya.
“No body moves.” utos ni Owen habang nakataas ang kamay.
“Long time no see buddy.” ngisi pa ni Owen.
“Stay away from Blaire.” matigas na banta ni Blake sa dating kaibigan.
“Why would I need to listen to you. Sino ka sa inaakala mo.” Muling sumugod si Blake kaya nag pang buno silang dalawa pero gaya ng utos ni Owen walang nag tangkang gumalaw sa mga tauhan n'ya.
“She’s been through a lot asshole ako may atraso sa'yo sa akin ka gumanti.” sigaw ni Blake habang nag papang buno silang dalawa.
“Who told you I'm into revenge. 'Di ba puwedeng magustuhan ko ang babaeng iniingatan mo. Mahina ka kaya inunahan na kita gago.”
“Lay a finger on her your dead Sky.” muling banta ni Blake.
“Sorry buddy but I already gave her my sperm and fu*k many times.” ngisi ni Owen sabay sipa rito.