“Pa tama na.” pigil ng ate Alice n'ya sa papa nila habang wala itong tigil sa pag palo sa kanya ng sintron sa likod nya habang nakadapa s'ya sa sahig. Mas okay na sa kanya ang sintron kesa sa tungkod nito noon na ginagamit nitong pang palo sa kanya. Hindi s'ya umiiyak tulad noon na halos mag makaawa s'ya na tama na pero the more na umiiyak s'ya the more na sinasaktan s'ya ng ama. “Pabayaan mo ako Alice! wala ka ng binigay sa akin kundi kahihiyan kung buhay pa ang mama n'yo baka namatay lang din s'ya sa puro kahihiyang dala mo sa pamilya namin.” sigaw pa rin ni Patrick na mas lalong lumakas ang hataw ng sintron sa kanya. Mariin na lang s'yang pumikit kapag na ibsan na ang galit ng ama n'ya titigil din ito sa paghataw sa kanya. Iniisip na lang n'ya kung nakikita kaya ni Blake ang ginagaw