ONE

1912 Words
STRANGER    "BILIS NA Bessy, ang bagal naman oh." sita sa akin ng aking kaibigan.   Umirap ako. "What the hell, Girlie? Nagmamadali ba tayo?"   "Aba! Ang isang ulirang teacher ay hindi dapat nagmumura! Baka may makarinig sa'yo isumbong ka pa sa Principal. At Oo nagmamadali tayo!"   She's Girlie. My co-teacher. We are both teaching at San Pedro Elementary School dito sa Butuan City.   "Huwag mo akong sigawan. Nandito ka sa pamamahay ko, bruha."   "Nasa normal level pa lang itong boses ko bessy. Maniwala ka sa akin." ngumuso ito sa akin.   "Ano ba kasi gagawin natin doon?" tanong ko. Hinila niya ako at pinaharap sa kanya.   "Close your eyes." she ordered.   And I complied. May kung anong nilalagay ito sa aking mukha.   "Syempre makiusyoso. Kailangan nating sumabay sa agos ng buhay bess. Kahit ba mga teacher tayo, we still need to socialize. Walang masama dahil dalaga naman tayo, di ba?"   "At bakit kailangan magpaganda, Aber?"   "Natural para makakita tayo ng hombre! Grand opening ngayon ng Clubmix at balita ko, darating daw ang may-ari nito. At ang isa ko pang nasagap na balita ay ang gwapo daw nito at ubod ng yaman, maraming negosyo sa iba't ibang panig ng Mindanao, and take note, binata pa!" tumili ito kaya nakatanggap ng kurot mula sa akin.   "So?"   "Anong so? Gaga! Siyempre malay mo, magandahan sa ating dalawa tapos ma-fall. Oh di ba ang swerte natin!"   Nasapo ko ang aking noo sa kanyang pinagsasabi. "Nananaginip ka ng gising Girlie. Walang mayamang lalake ang magkakagusto sa isang dukha na kagaya natin. Chauvinist mga yan, akala nila sila lang ang magaling at makapangyarihan sa mundo. They won't stoop down to our level. Asa ka pa."   "Ang nega nitong si Agnes. Wala ka bang tiwala sa ganda mo? Yung anak ng Principal natin na galing sa abroad, nanligaw sa'yo ngunit binasted mo naman. Ang anak ng Mayor, basted din. Si konsehal Llamarez, waley rin. Lahat na ata ng kabinataan na may ugnay sa politika nahumaling sa'yo pero nganga pa rin sila. Infairness naman ang gagwapo ng mga yun, pero bakit lahat thumbs down sa'yo! Don't tell me bet mo yung mga dukha katulad ng janitor or di kaya street sweeper? Yun ba ang mga tipo mo?"   I rolled my eyes at her burst out. "Ayoko lang. Hindi ako nagmamadali pagdating sa pag-ibig. Kusa yang dumarating, hindi dapat pinipilit. Tska, ang bata ko pa noh. Gusto ko mga trenta na ako mag-aasawa."   "Susme! Tuyo na yang matres mo sa ganyang edad!"   Natawa ako sa kanyang sinabi. Lumakad ako at tumungo sa malaking salamin para sipatin ang aking sarili.   Simpleng white dress lang ang suot ko na hanggang tuhod ang tabas. Maayos na naka ponytail ang aking buhok at matino naman ang pagkakalagay sa akin ng make up. I don't look trashy, kaya kontento ako sa ayos ko.   "Tara lets?" she asked. Nakagayak na kasi ito bago ito dumating sa bahay.   Tumango ako at kinuha ang kulay itim kong pouch. Lumabas kami sa aking maliit na kwarto.   Si Nanay ay nasa kanyang rocking chair at naggagansilyo. Bumuntong-hininga ako na lumapit dito.   "Nay, sa araw nyo dapat ginagawa yan. Sasakit mata nyo niyan eh."   "Sanay na ako, anak. Oh, may lakad kayo?" sinipat niya ako mula ulo hanggang paa. She smiled. "Ang ganda mo naman anak, nagiging kamukha mo na si Angel Locsin."   Humagikhik ako. "Nay, mas maganda ako doon." Lagi nitong sinasabi na kamukha ko nga raw ang artistang iyon dahil daw sa aking mata. May pagka tsinita kasi ako na namana ko mula sa aking namayapang ama.   "Ay aba oo naman anak. Anong oras kayo makakauwi niyan?"   "Baka madaling-araw na po Auntie. Tutungo po kasi kami sa bayan. Wala naman pong pasok bukas dahil Linggo kaya okay lang kahit tanghali na kami gigising." sabat ni Girlie.   "Kahit buong araw kayong matulog walang kaso iyon pero ang abutin kayo ng umaga sa daan ay hindi mainam na halimbawa sa mga kabataan, Girlie. Alalahanin nyong mga guru kayo dito sa ating lugar. May iniingatan tayong dignidad."   Ngumuso si Girlie at panay ang bulong sa aking likuran. Binilatan ko ito at inirapan lamang ako. I giggled.   "Mauna na po kami Nanay. Matulog po kayo ng maaga ha. Uuwi po kami bago mag alas dose."   "Mag-iingat kayo."   "Opo." sagot namin.   Bumaba na kami sa hagdan ng aming bahay. Kailangan naming maglakad pa sa kanto kung saan dumadaan ang mga jeep patungong bayan.   Trenta minutos ang itatakbo ng biyahe bago makarating sa aming paroonan. Pagbaba namin sa jeep ay dagsa na ang tao sa bagong tayong ClubMix Bar.   Inikot ko ang aking paningin sa buong gusali. Dalawang palapag ito. Sa baba ay restaurant at sa taas ang mismong club/bar. Kulay green at puti ang pintura sa labas. Ngunit nakakamangha ang floor to ceiling fabric walls. Kita ko pa mula rito ang pag-iiba iba ng mga ilaw sa taas. Halatang pinaggastusan talaga ang gusaling ito.   Kinalabit ako ni Girlie. "Tara na. Nakanganga ka pa dyan."   "Tse." sagot ko dito. May sariling entrance pala sa taas. Ngayon ko lang napansin sa gilid ang tatlong elevators. Ngunit bago makarating doon ay may tatlong guards na magiinspeksyon ng aming gamit at id's.   Strikto ang policy nila. Mainam kung ganoon. Mas namomonitor nila kung sino ang mga menor de edad at sino ang hindi.   Pagpasok namin sa loob ng Bar ay mas namangha pa ako. Nakacentralize ang aircon. Kaya pala may babala akong nabasa na "No Smoking". Pag gustong manigarilyo ay may balcony daw kung saan pwede.   Ang lapad din ng bar counter. Tatlong bartenders ang nakikita kong nagmimix ng drinks. May mga tables din na halos ukupado na lahat ng tao.   "Saan tayo uupo?" tanong ko kay Girlie. Siya kasi ang mas nakakaalam sa mga ganito palibhasa mahilig sa socialization ang babae.   "Sa corner tayo para kita natin lahat."   Nagkibit balikat lamang ako at sumunod sa kanya. Nang makaupo ay nagtanong ulit ako. "Oorder ba tayo?"   "Malamang Agnes. Alangan namang umupo lang tayo dito. Baka gusto mong patalsikin tayo palabas?"   "Sabi ko nga." irap ko.   She grinned at me at nagtaas ng kamay, summoning the waiter.   "Two apple Daiquiri, please." she smiled flirtatiously at the waiter.   I grimaced. Palibhasa gwapo kasi.   Pinaubaya ko sa kanya kung anong inumin ko dahil wala naman akong kaalam alam sa mga ganitong bagay. Red wine, white wine, champagne, yun lang ang alam ko. Ngunit pag tinanong mo ako ng kung anong brand, nganga lang ako. Oh, may alam pala akong isa. Carlo Rossi.   Nang dumating ang order namin ay agad na tinikman ko ito. Hmm. Masarap kahit medyo may anghang at hagod sa lalamunan.   Maharot na tugtugan ang namayani sa buong sulok ng lugar. Gusto kong magtakip ng tainga ngunit baka pagtawanan lang ako ng makakakita sa akin. This is why I'm here, anyway. Walang kagana ganang pinaikot ko ang aking mata. Tumama ang tingin ko sa entrance. A tall man was walking from the entrance like he's a goddamn owner of the earth. He stopped and gazed around the place.   Parang sinusuri nitong mabuti ang paligid. He stood there like a model striking a pose. Kahit madilim ang paligid, I'm certain the man is one hell of a hunk. Drop-dead gorgeous. Nag-uumapaw ang s*x appeal nito. At pansin ko rin ang sulyap ng mga babae sa kanya. Kahit nakasisimpleng white round neck tshirt at ripped jeans lang ito ay hindi kabawasan sa taglay nitong kakisigan. Bagkus, mas nadagdagan pa ang appeal nitong makamandag.   May hinahanap ba ito? Panay kasi ang tingin nito sa bawat sulok ng malawak na silid.   Napatuwid ako ng upo nang pakiwari ko ay sa akin ito nakatingin. Seryoso ang mukha nito ngunit nalaglag ata ang puso ko nang nginitian niya ako.   Shit. Did he just smile at me?   Out of nowhere, sa harapan ng mesa namin ay may tumayo na isang lalake na lumapit agad dito. They shook hands. At sabay tumalikod.   Yumuko ako. Hindi pala para sa akin ang ngiti niya. Hindi pala ako ang tinitingnan niya. Ngumuso ako at yumuko. Im done here. Mas lalo akong nabagot. Mukhang maboboard lang ako dito. Gusto ko ng umuwi.   Hinila ni Girlie ang kamay ko kaya muntik nang matapon ang aking glass. "Bakit ba?"   "Tayo na dyan, sayaw tayo."   "Ayoko. Dito lang ako."   "Ano ba naman yan Agnes. Ang killjoy mo. Kaya nga tayo nandito para magsaya di ba?"   "Mamaya na. Manonood lang ako dito."   "Bahala ka na nga. Babalikan kita mayamaya ha. May nakita akong kakilala ko, puntahan ko lang ha."   "Sure."   Bago umalis ito ay inayos pa nito ang kanyang pencil cut skirt. Binaba din nito ang hem ng kanyang blouse dahil medyo umangat kanina sa kanyang pagkakaupo.   Sinundan ko lamang siya ng tingin habang tumutungo sa isang direksyon.   Wala sa sariling inubos ko ang laman ng aking baso. Ang sarap pala habang tumatagal. Nag-angat ako ng kamay para makakuha ng atensyon ng waiter. Umorder ako ng isa pa.   Napapikit ako. Bigla atang lumabo ang paningin ko. Nah, hindi lang siguro ako sanay sa ilaw na nagpaikot ikot. Masakit din kasi talaga sa mata eh.   Kinapa ko ang cellphone sa aking pouch para y check kung may message or tawag ba ako.   "Your order, Miss."   Sa kabila ng ingay ng paligid ay hindi nakaligtas sa aking pandinig ang baritonong boses na iyon. Nakalapag sa harap ko ang bagong Apple Daiquiri.   Nag-angat ako ng tingin para magpasalamat ngunit agad na nalulon ko ang aking dila nang makita ang taong nasa harap ko.   Medyo nagulat ako nang marealize na siya iyong lalakeng akala ko ay sa akin nakangiti kanina. Bigla na lamang tumalon ang puso ko.   But he's smiling now. And I'm sure sa akin siya nakangiti. Nakakatunaw ang paraan ng pagtitig niya sa akin.   "Ahm. Salamat."   "Mind if I joined you?"   Napalunok ulit ako at tinuro ang bakanteng upuan. "I.....I don't mind."   When he sat, he faced me. "Mas maganda ka pala sa malapitan."   Nalaglag ang panga ko. I didn't see that one coming.   Luminga-linga pa ako sa paligid. Surely, hindi ako ang kanyang tinutukoy. Humalakhak ito at lumitaw ang pantay at mapuputi nitong ngipin.   Damn, he's way more gorgeous!   "I am referring to you, Miss."   Tumikhim ako at wala sa sariling uminom sa aking baso. "Salamat kahit hindi ako naniniwala."   "Believe me when I say. I know a beautiful woman when I see one." he winked at ang puso kong nalaglag ay nagpagulong-gulong na ngayon.   Tinungga nito ang hawak na kopita. "Gusto mong magsayaw?" ininguso nito ang dancefloor.   "Nako, wala akong hilig sa ganyan. Actually, sinamahan ko lang ang kaibigan ko dito. She's just around the corner."   "May hilig ka man o wala, hindi ka mkakatanggi sa akin Miss." he stood up at naglahad ng palad. "Dance with me, pretty please?" he flickered his eyes on me.   Again, pinanindigan ako ng balahibo. Dyos ko ano ba ang mayroon sa lalakeng to at parang nahihipnotismo ako?   Nahihiyang tumayo ako at tinanggap ang kanyang palad. Ngunit nawalan ako ng panimbang nang may bumangga sa aking likuran.   Nawalan ako ng balanse at napasubsob sa kanyang dibdib!   "Shit." gulat ko.   Naramdaman ko ang pagkakagapos nito sa aking katawan. "Did you just cuss, babe?"   I bit my lip. "Sorry nagulat lang ako." I whispered.   Double s**t. Ngayon ko lang narealize na ilang pulgada na lang pala ang layo ng mukha ko sa kanya.   Napasinghap ako sa pagdiin niya ng kanyang katawan sa akin. "I don't like women cussing."   "Sorry."   Nanginig ang labi ko at nagbaba ako ng tingin. Ngunit tinaas niya ulit ang baba ko. Ngayon ko lang din nabatid na ang mga braso ko pala ay nakasampay sa kanyang balikat.   "Alam mo ba kung ano ang ginagawa ko sa babaeng nagmumura?"   I swallowed and shook my head.   He held my chin so tight. "Pinaparusahan ko sa pamamagitan ng marahas na halik."   I gasped when just a second, he claimed my lips! His lips are hot and wet!   This is my first kiss.   With a total stranger!   And the man was kissing me hotly and wildly at sa hindi maipaliwanag na dahilan, nagugustuhan ko iyon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD