HAVING YOU NEAR ME "HINDI KO talaga maintindihan si James!" Bumuntong-hininga si Chris at sinilip niya kami sa rearview mirror ng sasakyan. Nagtama ang aming mga mata and he smiled st me apologetically. Nasa likod kami ng sasakyan ni Veronica nakaupo. Si Gavin naman ay nakaupo sa kandungan nito. "Sweetheart, please. Hayaan na natin si James kung anuman ang diskarte o plano niya sa kanila ni Agnes. Usapang mag-asawa na yan, wag na tayong mangialam pa." Mahinahon ang boses na salit ni Chris. "I know right! But that doesn't mean I should stop myself from hating on him! Bakit ganito? Kasal sila. Mag-asawa sila. Dapat magkasama silang dumating sa kasal ni Ian. Hindi yung ganito na nauna siya at tayo ang magiging kasama ng mag-ina niya. Anong klaseng asawa at ama siya, kung ga