MINE "OH EM GEE!" ang lakas ng tili ng mga tao sa paligid ko ngunit mas nangibabaw ang boses ng aking pinsan na talagang binuo pa ang pangalan ko sa pagsigaw. "I'm sorry, I'm sorry po talaga hindi ko po talaga sinasadya. Nagulat po ako. Hindi ko po alam na malapit lang kayo sa likod ko." Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Ang puting polo shirt nito ay nabahiran ng red wine. Kumalat iyon sa kanyang dibdib. Kinagat ko ang aking labi dahil sa panginginig. Lagot talaga ako nito. May lumapit na isang babae na may dalang box ng tissue. Kung tama ang pagkakaalala ko ay isa rin itong manager ng restaurant. Napaatras ako dahil sa pagsiko ng babaeng iyon sa tagiliran ko. Hindi ko alam kung sinadya ba niito o hindi. Gusto kong ngumiwi sa sakit ngunit pinigilan ko na lamang. Parang nat