Kieth never imagined his life to be a mess. In fact, he did everything to ensure himself that he is going to live a peaceful life in his peaceful world. Wala naman na siyang ibang hiniling kundi ang manatili ang katahikang gusto niya sa buhay niya.
Pero napatunayan niyang hindi talaga pwedeng na sayo na ang lahat nang gugustuhin mo sa buhay. His peaceful world is not as peaceful anymore because some loud woman decided to barge in uninvited and take his piece away.
Napahawak na naman siya sa kanyang namamagang pisngi. Hanggang ngayon ay ramdam na ramdam niya ang palad ng babaeng sumampal sa kanya. Pati yata utak niya ay naalog dahil sa lakas ng sampal ng babaeng iyon sa kanya kanina.
"f**k, man! What happened to your face?" Bungad ng isa na naman sa mga kaibigan at pinsan niyang si Giovann na kadarating lang. "That chick must have some deep grudge on you to slap you like that! Grabe, bakat na bakat!"
Napailing siya. Kinuha niya ulit ang cold compress na kapapalit niya lang ng yelo. "Funny part, I don't even know her." Saad niya at inilapat muli ang cold compress sa kanyang pisngi. Daig niya pa ang nasuntok sa totoo lang.
Iyon pa ang pinoproblema niya—hindi niya kilala ang babaeng iyon! Kung iisipin, base sa reaksiyon ng babae, hindi rin siya nito kilala. There was no, not even a tiny, recognition in her. Sadyang gulat na gulat lang ito.
"Now that's new." Singit nang kadarating lang ding si Gabrielle. "The Kieth Leandro Madrigal Montelvaro—nasampal nang ganyan at nang hindi mo man lang kakilala!"
Kinuha naman ni Kyren, ang nakababatang kapatid niya, ang dalang pagkain ni Gabrielle. "I've never seen you with a hand mark like that, kuya. Nakahanap ka na yata ng katapat mo!"
Nagtawanan ang lahat maliban sa kanya. It's one of those nights where he, his brother, and their cousins would hang out like this. Bad timing nga lang talaga at ngayon pa siya nasampal sa mukha.
Hindi pa rin siya maka-move-on sa nangyari sa kanya kanina lang sa boutique na iyon. Alam niyang tama ang pinuntahan niya. Ilang beses pang inulit ng pinsan nilang babae na si Kayelle ang pangalan ng shop na iyon. Kabisado rin niya ang pinabibili nito dahil binigyan pa siya nito ng picture ng stilettos na iyon. Pero sa nakakatanginang pagkakataon ng buhay niya, ngayon niya pa nakaharap ang weird-uhing babaeng iyon.
Malinaw na malinaw naman na siya ang unang nakakuha sa stilettos, pero ang tingin ng babaeng iyon sa kanya ay gulat na gulat na para bang maling hiniwakan niya ang stiletto. Kung tutuusin ay daig pa nito ang nakakita ng multo, at sa hindi niya malamang dahilan, bigla na lang siyang sinampal ng babaeng iyon na hanggang ngayon ay damang-dama pa rin niya.
"Baka naman kasi hindi mo pinagbigyan." Natatawang turan naman ni Genesis at saka tinungga ang laman ng bote ng alak.
Napaismid siya at kumunot ang noo. Hindi pa naman siya nasampal dahil tumanggi siya. Sa totoo lang, gawain niya nga iyon.
Natatawang lumapit naman sa kanya si Francis at tinapik ang balikat niya. "Want me to trace her for you?"
Napailing siya. Siya ang mapalad na sinampal ng babaeng iyon kaya kanya ang babaeng iyon. "I'll handle her."
Sa unang pagkakataon sa buhay niya, may gumambala sa tahimik niyang buhay. She wouldn't do much effort with but she should pray that their paths never crossed again. He didn't want more complications and that woman scream trouble.
"KUYA KIETH! NASAAN NA ANG STILETTOS KO?!"
Nawala ang atensyon niya sa babaeng sumampal sa kanya at napaharap silang lahat sa prinsesa nilang si Kayelle. After a few pleasantries to everyone, she went to him like she has a mission and he knows what exactly that is. After all, ang dalaga ang rason kung bakit siya nasampal.
"Gosh, what happened to your face, kuya?!"
Bago pa siya makasagot ay mayroong biglang kumalabog na kung ano sa labas. As if in all their instinct, all of them was about to check what was that about but his younger brother insisted.
"Ako na." Sabi ni Kyren at siya na ang lumabas.
"Kuya Kieth!" Pag-agaw ulit ni Kayelle sa atensyon niya. "You promised me my stilettos po and now you even have some sampal mark on your cheek! Better tell me what happened muna!"
He made her settle down first with him on the seat with him. Literal na kadarating lang nito galing sa mahabang flight pero parang wala man lang nitong kapaguran.
Limang taon din ang dalaga sa Korea at ngayon lang nakabalik. Bakit siya napunta sa Korea? She was grounded.
"Kayelle!" Tinig iyon ng isa pang babae.
Kasama ni Kyren ang kadarating na dalagang tumawag kay Kayelle. Walang mag-aakalang pupunta ang dalaga dito pero hindi na rin ito iba sa kanila.
"Mahal!" Si Gabrielle na ang unang lumapit sa dalaga.
Napangiti naman ang dalaga at niyakap ang kanilang pinsan. "Hi, mahal!"
After almost squeezing their cousin to death, she faces them and greets them too. Hindi niya maalala kung sino ang nagsabi sa kanya pero ang dalaga nga pala ang nagprisintang kasamang uuwi ni Kayelle. She was also in Korea for a magazine shoot.
Caroline Marson—a model and an actress. Pinsan ni Gabrielle sa mother side.
Nang mabalik ang usapan sa kanya, ang lokong pinsan na niya ang nanguna sa pagkukwento ng nangyari sa kanya. Kasama na doon ang mga pang-aasar na inilingan na lang niya.
"Eh? You got punched because of my stilettos?" Nanlalaki pa ang mga mata ni Kayelle nang tignan nito nang malapitan ang nangyari sa pisngi niya. "Then why did you let her slap you? Wala naman sa mukha mo, kuya, ang nagpapasampal casually."
Natatawa na siya doon. "I was surprised. I didn't know a stranger was bound to slap me like that.
Napalabi ang dalaga. "Okay, but you still have to buy me a pair!"
Niyakap niya na lang ang dalaga. "Opo, princess. Let's buy you more if that will make you happy."
* * * * * * * * * *
Biglang naalala ni Kieth kung paano maguluhan ang mga tao noon sa dami nilang magpipinsan, lalong-lalo na kapag nagsama-sama sila. Hindi man sila iisang high scool or college university na pinasukan, there were plenty of time they were all together in one place and caused some buzz especially to the media, especially now.
There are thirteen of them and they are already quite knows for their respective fields. Si Kayelle at Kyren na lang ang nagtatapos pa lang. They were never cold to one another like any other families because they were thought to remain close to their own family. Bagay na hindi naman naging problema sa kanila. It would be sight to have them all under one roof but he can't remember the last time that happened.
Hindi naman nila in-expect na ngayon na susugod ang prinsesa nila kaya hindi sila kumpleto. Busy ang lahat pero kayang-kaya nila itong iwan para kay Kayelle.
Kayelle only stayed for dinner and left with Caroline. Mukhang nag-take toll na nga sa katawan ng dalaga ang jet lag nito.
Nawala na rin ang sakit ng pisngi nila. Hindi niya sigurado kung dahil ba sa cold compress o sa alak na iniinom nila. He doesn't know when the mark will fade but he's sure that it wouldn't bruise. Kung magpasa man ay wala naman siyang magagawa.
"Nandyan na pala 'yung mga invitations natin." Sabi ni Gabrielle na kaaahon lang sa pool at inalog-alog na ang ulo dahil sa tubig na pumasok sa tenga nito. "Wedding invitations."
"Try putting some more water in your ear before shaking it out." Natatawang advise ni Francis. "Kasal nino? Sa daming ikakasal sa kompanya, hindi ko na alam kung sino pang pwedeng ikasal ngayong taon."
Genesis nods to that. Iisa sila ng kompanyang hawak ni Francis. "Wedding season na talaga sa kompanya natin."
"Kasal ni Apollo at Jean." Si Giovann na ang sumagot sa tanong nila. "Buti nga at ikakasal na talaga ang dalawang 'yun nang mabawasan na ang magugulo sa mundo. Apollo called informing us the details of his party."
He already heard of that news from the television last night. Ngayon lang nag-sink-in sa kanya na iyon pala ang pinag-uusapan nilang kasal. Damn. Naalog ba talaga ang utak niya?
Their family has been close to the Ashfords for the longest of time. Noong mas bata sila, maingat na sinasadya ng mga magulang nilang 'wag silang pagsamahin sa iisang klase or sa iisang school. Alam na alam ng mga ito kung gaano sila kagulo kapag nagsama-sama. As if that would stop them from being chaotic. Maging classmate pa nga niya si Apollo noong college.
Kung makapagsalita siya ay akala mo naman kasama talaga siya sa gulo nilang magpipinsan. He was there but he's always been the quiet one. Again, he values his peace so much but he didn't miss any fun.
"Ate JL also told me that she'll have our heads if we didn't become ninongs of their first baby." Nakangising balita rin ni Kyren.
"Sana sinabi mong gumawa muna sila ng bata." Nakatawang biro ni Francis. "Heto na siguro talaga ang season ng pagiging ninong."
"Ninong muna sa anak, 'wag sa kasal." Natatawa sang-ayon ni Giovann.
Habang excited na excited ang lahat na maging ninong, siya naman 'tong tahimik napatitig sa invitation na hawak niya. He's trying to remember Jean's face because he couldn't recall when was the last time he saw the couple. Jean... That sounds so familiar...
'Apollo Dimitri Ashford & Jean Lorianne Gallia Grey'
Jean. Jean Lorianne...
The alcohol must be really getting into him. Lasing na nga talaga siya—
Fuck. Then it slowly sunk into him.
Gusto niyang sapakin ang sarili dahil kasasabi lang niyang nakita niya sa balita ang tungkol sa kasal. It was freaking news-worthy because Jean Lorianne is an actress! Talagang pamilyar ang dalaga dahil nakakalat ang mukha nito kahit saan sila magpunta.
All the alcohol he took is making him dumb!
But he knows Jean isn't simply familiar because she's an actress. Deep inside him knows it was so much more and frustrates him because he's too drunk to analyze the situation more. Bakit ba ngayon pa siya nalasing kung kailan may importante siyang dapat alalahanin?
Bigla niyang naisip na basahin ang mga pangalan sa loob ng invitation. He didn't exactly know what for, but his gut was telling him that finding a certain name will help him.
Then his eyes caught Miss H's name for being one of the wedding's major sponsors. Miss H...
It finally hit him.
Kanina lang sa boutique ni Miss H. Kanina lang kung kailan siya biglang nasampal nang malakas. Parang bilang kumirot na naman ang pisngi niya nang maalala iyon. f**k. He's so close to...
Then there was Jean with the woman who slapped him. That woman called her JL. f**k.
"Kieth!" Sigaw ni Genesis sa kanya. "Matunaw 'yang invitation sayo! 'Wag ka munang magplanong ikasal!"
Nagtawanan na naman ang lahat pero hindi na niya iyon napansin sa pagko-concentrate niya. f**k, sobrang hirap hanapin ng hindi mo kilala at nang hindi mo man alam kung saan hahapin. Pinagpatuloy niya ang pagbabasa ng mga pangalan.
More familiar names went by until he reaches the bridesmaids. Nope, hindi dito kung hindi sa...
He then remembered Jean's worried voice calling out that woman's name.
Not a simple bridesmaid—the one and only maid of honor.
Fuck.
"Who's Jeanna de Lara?" Bigla niyang tanong na kumuha sa atensyon ng lahat.
Lahat tuloy ay inasar siya dahil sa seryoso niya at ito pa lang ang unang beses na nagtanong siya ng pangalan ng isang babae.
Si Gabrielle na ang sumagot sa tanong niya. "I guess you don't remember Jeno's younger sister. She is JL's bestfriend."
Jeno has been their friend like the Ashfords. Jeno de Lara. He didn't even remember the guy having a sister! f**k it really.
Nagpasalamat siya sa mga ito at kahit na nga ba gulong-gulo ang mga ito sa kanya, umalis na siya. Para bang nawala ang kalasingan niya sa bilis ng mga nalalaman niya.
Kasasabi lang niyang wala siyang gagawin hangga't hindi sila ulit maglalandas.
The world is indeed small.
He might make her pay afterall.