CHAPTER 14

1212 Words
"Ma'am Angela, ang dami namang tsokalati nito baka lalo akong tumaba," pagbibiro ni Perla na lumalabas din ang tunog probinsya. "Edi huwag mong kainin. Ipamimigay ko na lang sa mga kumare ko," sagot naman ni Angela na ina ni Angelique. Sa dati nilang tinitirahan dineretso ni Angelique ang magulang. Kasalukuyan silang nasa sala at naghahalungkat ng mga pasalubong na dala. "Hindi naman kayu mabero madam! Pagnabigay na dapat wala ng bawean," natatawang sagot ni Perla. "Para sa'yo anak." Inabot ng kanyang ama ang maliit na kahon na may brand name ng mamahaling pabango. Kinuha niya ito. Napansin ng kanyang ama ang suot niyang singsing. "Dad, ang mahal nito dapat ay hindi na kayo nag-abala pa." "Ang ganda ng singsing mo, huh?" Pagbabaliwala ni Thomas sa sinabi ng anak. Dumaloy ang kaba ni Angelique. Nakalimutan nyang tanggalin ang singsing na bigay ni Felix. Tumalikod sya at umupo sa sofa na naroon. Binuksan ang kahon at kinuha ang pabango. She sprayed a little on her wrist and smelled it. "Wow, dad. Ang bango nito!" saad ni Angelique upang mabago lamang ang topic. Lumapit ang ina sa kanya at tumabi. "We already know, anak. Nakausap namin si Perla noong araw na umalis ka, at ang sabi niya ay may sumundo raw sa iyo na ibang lalaki. Kaya nang maabutan kami ni Oscar sa kanyang bahay sa Washington ay hindi na nito nailihim pa sa'min." Tinignan ni Angelique si Perla na nakatingin din sa kanya. Kabilin bilinan nya dito ay huwag syang uunahan sa pag sasabi sa magulang. "Ay! Nalimutan ko may niloloto po pala ako, baka masunog! Sigi po ma'am, sir. Mag-usap lang kayo dyan. Dito muna ako sa kosina. Welcome back po!" Lakad takbo ang ginawa nitong pagalis. She took a sigh. Wala nang dahilan upang itago ang lahat. "Ano po ang nasabi sa inyo ni Oscar?" "Na, hindi na raw matutuloy ang inyong kasal dahil ikaw daw ay kasal na sa iba," ang ama ang sumagot. "Hindi ko po gusto na maglihim sa inyo, hindi ko lang po alam kung paano sisimulan." At binaba sa center table ang pabango na hawak. Hinawakan ng ina ang kanyang magkabilang kamay. "Alam namin." "Gusto namin siyang makilala." "D-dad? Maybe some other time. Gusto ko pa muna kayong makasama ng matagal." "No, Angelique. Gusto namin siyang makilala as soon as possible. Hindi ba't sya rin ang nagbalik ng aming mga negosyo? Gusto rin naming mag pasalamat." "You already know?" "Oscar told us, anak." She doesn't know what to say. Wala na siyang magagawa kung hindi ang ipakilala ang asawa. Sandali pa silang nag-usap-usap. Naikwento ng ama kung saan sila namasyal sa Washington. Nakita niya ang saya sa bawat halaklak ng mga ito. Nagpaalam siyang aakyat muna sa kanyang silid. Pagpasok pa lang ay mabilis nyang kinuha ang telepono. Tinignan nya muna ito at nagdadalawang isip na itipa ang numero ng lalaki. Ngunit nanaig pa rin ang lakas ng loob. Habang nag-ri-ring ay hindi nya maiwasan kagatin ang mga kuko sa kamay at pabalik balik syang naglakad. She's nervous that maybe Felix woudn't answer it because of the last conversation they had. Narinig niya ang pag sagot sa kabilang linya ngunit hindi ito nagsasalita. Rinig nya lamang ang bawat hinga nito. "F-felix?" nauna na syang magsalita. "Yes," maikling sagot ng lalaki sa kabilang linya. "Nakakaistorbo ba ako?" "No," maikli pa rin ang sagot nito na kinaiinis na ni Angelique. "When do you think you'll be available?" "Why?" "M-my parents wants to meet you." Sandaling nagkaroon ng katahimikan. "F-felix?" "Yeah, I'm here." "Did you hear?" "Yes." "So? What do you think?" "I don't know yet. I'll contact you if kaylan ako pwede." Ang lamig ng mga tinig nito. Gustong maiyak ni Angelique sa paraan ng pakikipag usap ng lalaki sa kanya. "Is that it? Kasi kung 'yan lang ay ibababa ko na ito." "A-about of what I've said. Hindi ko naman sinasadya na sabihin 'yon." "No worries. I'm fine. Kung wala ka ng ibang sasabihin, I'll hang this up." Magsasalita pa sana si Angelique ng ma putol na ang linya. Hinawakan nya ang kanyang puso! Ang sakit naman kapag ganito si Felix sa kanya. Hindi kaya natauhan na ito na hindi talaga sya mahal kaya ganito nalamang siya tratuhin? Ngunit hindi ba't sya rin naman ang may kasalanan kung bakit masama ang loob nito? KINAKABAHAN si Angelique dahil ngayon na ang araw na magkakakilala na ang magulang at asawa. Tatlong araw din ang lumipas bago tumawag ang sekretarya nito at nagsabi na pupunta raw si Felix sa kanilang tahanan upang makilala ang kanyang magulang. Pinadaan lamang ng lalaki sa kanyang sekretarya na animoy siya ay ibang tao. Sa loob ng tatlong araw na 'yun ay wala man lang syang natanggap na personal message mula rito. Kaya tiniis na rin nya ang sarili na huwag itong kontakin. Pagbaba nya ng hagdanan ay naamoy nya ang niluto ng kanyang Mommy. Kapag ganitong may mga okasyon ay Mommy niya mismo ang personal na nagluluto. She went to the kitchen. "Wow, mommy. Mukhang masasarap 'yan uh!" Kumuha sya ng kutsarita at tinikman ang sauce ng sapaghetti. "Ang sarap!" "Syempre naman. Ako pa ba? Atsaka, dapat lang na espesyal at masarap ang lutuin. It's your husband and your daddy's savior." She smiled. "Where is daddy?" "He has appointment. Tungkol sa binalik na assets sa kanya." "Today?" "Yeah. But don't worry he'll be here before your husband. Nag-message siya sa akin kanina at hindi naman daw mag tatagal 'yon." She just nodded. Hindi naman siguro magpapakita sa kanyang Daddy si Felix sa appointment. Dahil ang usapan nila ay ipakikilala siya ngayong araw. She helped her Mom to fix the table. Her dad is on his way home. Ang sabi ng sekretarya ni Felix ay darating daw ng Alas syete ng gabi. Nang matapos sila ng ina ay nagpaalam na siyang umakyat ng silid upang makapag ayos ng sarili. She went to her room and took a shower. After shower, she put her robe and went to her walk-in closet. Isa-isa nyang tinanggal sa pagkakasabit ang mga mini dress na meron sya. Hindi nya alam kung ano ang susuotin. She looked at the time. It's 6:30pm. Kaya mabilis syang pumili at napag desisyunang isuot ang kanyang white long dress bubble sleeve square-neck. Hanggang sakong nya ang haba nito. She went to her vanity mirror. She blow dried her hair then she styled it half up and half down. And she put some flower clip on her pony. Kinulot nya rin ang ilalim ng buhok. She put light foundation, light blush on and pale lipstick. She has natural curled eyelashes. Kaya wala na syang nilagay sa kanyang mata. Nagsusuot na sya ng kanyang 2inch wedge sandals nang makarinig ng katok. "Come in." Bumukas ito. "Ate, nasa baba na po ang poge nyong asawa. Ang poge talaga ati!" Muli siyang nakaramdam ng kaba. Halos isang linggo silang hindi nagkita ng lalaki o nagkausap man lang ng maayos. "Sige. Sasabay na ako sa'yong bumaba," sabi nya kay Perla. "Ay, ati! Ang ganda mo naman! Para kang Royal pamily! 'Yung mga prinses sa ibang bansa!" Napailing nalang si Angelique sa kasambahay. "Salamat Perla." She didn't expect seeing her parents and Felix down the stairs waiting for her. Halos makalimutan nya ang paghinga sa paraan ng titig sa kanya ni Felix!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD