She doesn't know what to say to Oscar.
She cheated on him! Kinakain siya ng kanyang konsensya!
Oscar is waiting inside her house. She saw him cooking and when Oscar saw her, he walked and kissed her on forehead.
“So how was it?” tanong ni Oscar at pinagpatuloy nito ang pagluluto.
She sat down on one of the chairs there. Ibinaba ang bag at folder na hawak. Nilingon siyang muli ni Oscar ng hindi siya sumagot.
“Hun, are you okay?” tanong muli ni Oscar.
She just nodded. She held the folder to him.
He was confused, but he opened it and read the papers there.
“The f*ck? What got into him?! This is bullshit!”
Naiintindihan ni Angelique ang reaksyon ng kasintahan. Nakasaad sa papel na iyon na hindi siya qualify for annulment. Nakasaad din sa papel na sila ay makakasuhan kung ipagpapatuloy nila ang kanilang relasyon dahil mayroon siyang asawa.
“Ako ang ka-kausap sa kanya! Ano ang tingin niya? Pakakawalan kita dahil lang dito? Sinasabi ko na nga ba! He is gonna take advantage of you! Isasali ka lang niya sa mga collections niya!” sumisigaw na si Oscar.
Angelique stood up and turned off the stove.
“Can you please relax?” aniya.
“How? How would I do that, Angelique? Tell me! Paano ako mag re-relax kung alam ko na lumiliit ang pag-asa na makasama kita
habang buhay!” He sat down. Nanghina siya sa nabasa. Hinilamos niya ang kamay sa kanyang mukha at buhok.
“Mahal na mahal kita Angelique. Hindi ko kayang mawala ka! Sana naiintindihan mo kung saan ako nanggagaling!” Oscar is frustrated.
Ang bigat ng kanyang nararamdaman. Matagal niyang hinintay na mahalin din siya ni Angelique, ngunit sa isang iglap ay bigla na lamang mawawala ang lahat.
Mabilis na lumuhod si Angelique sa paanan ni Oscar at agad itong niyakap. Hindi niya maiwasan ang lumuha. Lalo pa at nagtaksil siya sa lalaking walang ginawa kun'di ang siya'y mahalin.
“LET him in.” Felix is already expecting Oscar to come and see him.
Pagpasok pa lamang ng kanyang opisina ay kita na niya ang galit na emosyon ng lalaki.
"Let her go!” panimula ni Oscar.
“Who? My WIFE?” Sinadya ni Felix na
diinan ang huling salita na sinabi.
“Nananadya ka talaga! Hindi ko alam kung paanong kasal kayo. Ngunit malalaman ko rin naman dahil mayroon nang nag-aasikaso nito.”
“Kahit anong gawin mo. Mananatili siyang asawa ko at hindi magiging sa'yo.” Felix is very calm but deep inside, he wants to punch this dude.
“Bakit mo ito ginagawa? May nagawa ba kaming mali sa iyo? Parang awa mo na Mr.Wilder! Kung gusto mo na lumuhod ako sa harapan mo ay gagawin ko. Pakawalan mo lang siya.”
Naglalaban ang kanilang mga mata. Ngunit kitang-kita ang sakit sa mga mata ni Oscar. Alam ni Felix na nasasaktan ito, ngunit hindi siya maaaring magpatinag.
Asawa niya si Angelique!
Felix stood up and put both his hands in his pocket.
“I can’t do that. I’m not fan of annulment. Besides, she’s a total package. Bakit ko pa pahihirapan ang sarili ko na maghanap ng ibang asawa, kung nandito na ang kagaya ni Angelique.” He smirked.
“Nonsense ang pag-uusap na ito. Hinding-hindi ko siya pakakawalan kung iyan ang akala mo. Hindi ako natatakot sa'yo. Mahal niya ako at hindi siya magpapadala sa mga gusto mo!” Oscar is about to open the door to leave.
“Let's see. I have something that she can’t refuse."
Tumingin lamang si Oscar kay Felix at mabilis na umalis. Padabog nitong sinara ang pinto.
Felix threw everything he could.
“F*cker! Mahal ka?! I bet! My wife is mine!"
HINDI makatulog si Angelique. It was almost a week when his stranger husband almost made love to her. Buti na lamang ay kumatok ang secretary nito at mayroong importanteng meeting kaya hindi nila natuloy ang kanilang kalaswaan.
She almost gave herself, that easy!
Samantalang sila ni Oscar ay halos tatlong taon ng magkasintahan ay madalas niya itong tinatanggihan. Dumating na rin sa punto na gusto na nito na may mangyari sa kanila ngunit siya ang may ayaw dahil hindi pa siya handa.
Ngunit noong araw na iyon, hindi niya maintindihan. Bakit parang ang bilis-bilis niyang muntik isuko ang bataan?
Isa pang gumugulo sa kanyang isip ay ang sinabi ni Oscar sa kanya. Pinuntahan daw nito si Felix sa opisina upang kausapin at ayaw daw talaga nitong magpatinag. Paninindigan daw ni Felix ang kanilang pagiging kasal sa papel. Ngunit pina-iimbistigahan na raw ito ni Oscar kaya huwag na raw siyang mag-alala pa.
Natigil ang kanyang pag-iisip nang makarinig ng doorbell. She looked at her clock beside her bed.
1am.
Kinuha niya ang sleeping robe at isinuot. Naka suot lamang siya ng manipis nighties. Sunod-sunod ang tunog ng
doorbell kaya’t halos patakbo niyang binaba ang hagdanan.
Paglabas ng front door ay naglakad pa ulit siya nang kaunti palapit sa gate. Ang kanilang nag-iisang katulong ay kanyang pinagbakasyon din. Dahil kaya naman niya ang mga gawaing bahay at wala naman ang kanyang magulang.
Laking gulat niya nang makita ang isa tao na kahit sa panaginip ay hindi niya maiisip na pupunta roon!
Felix Wilder!
“What are you doing here?” she asked.
“Open your gate first. Nilalamok na ako dito.” Pagmamaktol ni Felix na parang bata. Mabilis binuksan ni Angelique ang kandado ng gate. Sinilip niya kung sino ang kasama ng lalaki.
“Nasaan ang sasakyan mo?”
“Nagpahatid lang ako dito.” Dire-Diretso itong pumasok sa loob na akala mo ay pagmamay-ari niya ang kanilang bahay.
“Ano ba kasi ang ginagawa mo dito?”
naiinis na tanong ni Angelique.
“I can’t sleep. I wanna see you.”
He looked around her house.
“Yeah. My house is not bigger than yours of course." Pakiramdam ni Angelique ay naliliitan ito sa kanyang bahay.
“You live with your parents, yeah?” He turned around and faced her.
“Yes,” Angelique answered him casually.
“You can stay with me. Married couple should be living together.” Then Felix noticed what she was wearing.
Mabilis pinulupot ni Angelique ang roba sa kanyang katawan.
He just smiled and sat down on the long wooden chair.
“Stay with me, Angelique. Give your parents some privacy.”
“I don’t know what game you were trying to play Mr. Wilder, pero uulitin ko sa iyo. I have a boyfriend at ikakasal na kami. So please, leave!"
Tumayo si Felix at lumapit sa kanya.
Lalo siyang naging maliit sa harap nito dahil wala siyang suot na kahit ano sa paa.
“There are so many things I can do to make his life miserable. Kagaya na lang nang sirain siya, upang wala ng mag-invest. I mean! He is stealing my wife. Nakikiapid siya sa may asawa."
Felix played his finger on her skin.
Kinilabutan si Angelique sa ginawa nito.
“Y-you can’t do that. Leave him alone.”
Felix held her chin and pulled it up so she could look at him.
“You’re my wife, Angelique. Hindi mo na mababago iyon. So, just accept it and live with me. I promise to give you the
life that you deserve...” He kissed her with just a tap.
“...you don’t know how long I’ve waited for you and now that you’re back, wala nang makakapaghiwalay pa sa atin.” He kissed her again.
Itinulak ni Angelique si Felix at umatras siya palayo rito.
“Tama na! Hindi ko iiwan si Oscar! Umalis ka na, please lang!”
Felix walked near her and held her
arms. Napadiin ito at damang-dama ang galit.
“Iiwan mo siya whether you like it or not. Kayang-kaya ko siyang sirain kapag hindi mo siya iniwan!”
“No! Hindi ko siya iiwan!” matigas na sagot ni Angelique.
Lalong napadiin ang hawak ni Felix sa dalawang braso ni Angelique. Ang tigas ng ulo nito! Ang gusto lang naman niya ay sumama ito sa kanya. Ngunit agad din niyang binitawan ito nang makitang may tumulong luha sa mga mata ng babae.
“I- i am sorry, baby. Masakit ba?” Huminahon si Felix at hinimas ang mga braso nito na para bang sa pamamagitan nito ay mapapawi ang sakit.
Nang hindi sumagot si Angelique ay naupo siyang muli sa wood chair.
“Ibabalik ko lahat ng nawalang negosyo ng iyong ama, if you’re going to live with me.”
Mula sa pagkakayuko ay napatunghay si Angelique kay Felix. Pinunasan niya ang mga luha sa kanyang pisngi.
“What did you just say?” tanong niya sa lalaki. Gusto niyang marinig ulit ang sinabi nito.
“Nalaman ko na nawala lahat ng negosyo ng iyong ama, hindi ba? Nalugi at ibinenta niya. Kaya kong makuha lahat iyon at maibalik sa kanya.”
“Why would you do such things?”
“I’m desperate. I want you in my life, Angelique. Just say yes, at ngayon mismo ay ipa-aasikaso ko na lahat sa aking attorney. Less than a week ay maaari nang maibalik sa iyong ama ang lahat-lahat."