Angelique heard someone knocking on her room door. She opened it and it was Kling-kling.
"Ma'am, dumating na po ang mga kaibigan ni sir. Pina bababa na rin po kayo ni, Sir Felix."
"Okay. Just tell him, I'll be there in a minute." She smiled to Kling. Then she closed her door.
She's actually ready to go down.
She is wearing off shoulder bodycon red dress above the knee. Lalong lumabas ang hubog ng kanyang katawan, and she wore two inches silver designed stilettos.
Dumating din kanina ang iba niyang gamit na naiwan sa dating tinitirahan.
Kaya marami siyang pinagpilian.
She put on light foundation and red matte lipstick to match her dress. Ikinulot din niya ang ilalim ng kanyang buhok. She have a naturally straight black hair.
Matapos ng kanilang confrontation ni Felix ay hindi man lang sila muling nagtagpo ng landas. Ang sabi ni Manang Ising ay nagtungo raw sa rancho upang tignan ang mga alaga nito.
Kahit nga ang pag papapaalala tungkol sa bisita ay si Manang Ising pa ang nagsabi sa kanya. Mukhang walang plano ang lalaki na siya ay kausapin.
Pinagmasdan niyang muli ang sarili sa salamin saka lumabas ng silid.
Nasa pool side ang mga ito, palabas palang siya ng pasilyo ay dinig na niya ang mga halakhak ni Jessa. Ang babaeng halata mong may gusto sa kanyang asawa.
She smirk.
Dinig na dinig ang tunog ng kanyang stilletos.
Napatingin ang lahat sa kanyang gawi. Nakita niya si Felix na pinagmasdan ang kanyang kabuuan. She saw the admiration in his eyes, but it's just for a second dahil muli itong bumalik sa walang emosyon na pigura.
She looked at her husband. He is wearing Navy short-sleeve polo shirt combined with jeans and sneakers.
Lumapit si Felix sa kanya at hinapit ang kanyang bewang. Halata mo ang pagiging malamig nito at ginagawa lamang ito upang ipakita sa mga kaibigan na wala silang problema.
Hinayaan niya lamang ito na siya ay alalayan patungo sa mga kaibigian.
Nakita ni Angelique ang pag-ismid ni Jessa.
"By the way these are my friends. Kit, Danny, Rayden and of course Jessa. You already know her..." Naglahad ng palad sa kanya ang lahat maliban kay Jessa at isa-isa niya naman itong inabot.
Tinuro nito ang kabilang side na malapit din sa kanila.
"...And these are, Sarah, Danny's girlfriend and Jannaya, Rayden's wife. "
Mukhang mabait naman ang dalawa. Ngunit iba ang aura sa kanya ni Jannaya. She seems nicer and vulnerable. Napansin din niya ang halos hindi pagbitaw sa bewang nito ng asawang si Rayden.
ANGELIQUE felt tipsy. Humiwalay sila ni Jannaya at Sarah ng pwesto at hinayaan ang mga mag kakaibigan na makapag usap-usap.
"Are you okay? Namumula ka na nang husto," natatawang tanong ni Sarah kay Angelique.
She also laughed, but not so loud.
"Yeah! I'm fine but I feel a little tipsy though," she answered.
"So do I. Hindi pa naman ako madalas makatikim ng alak," Jannaya spoke.
"Mahihina pala kayong nilalang." Then they laugh together.
Napansin pa niya ang panaka-nakang sulyap ng mga lalaki sa kanila. Ngunit hindi nila ito pinapansin. Nag-eenjoy lamang sila.
"I'll get another wine," paalam ni Sarah. They just nodded.
"I don't have friends. Even way back in city," Angelique started to open up.
"So you're not from here?"Jannaya asked her.
She shrugged.
"This is my hometown. But after my accident, I forgot some of my memories here. Kaya parang nagsimula ulit ako ng buhay sa City. "
"Yeah, I heard about your accident. Maybe it traumatized you that caused your memory loss."
Tumango si Angelique at tumingin sa asawa na masayang kakwentuhan ang mga kaibigan.
She smirked when she saw Jessa talking to Felix. Napakalapit ng mukha nito sa asawa at may paghampas pa sa tuwing tumatawa. Tinitignan pa siya nito na animo'y nanunuya.
"Felix loves you so much at napaka swerte mo. Samantalang ako, namamalimos ng kahit konting pagmamahal man lang."
Tinitigan niya si Jannaya. Lumungkot ang aura nito. Pansin sa mga mata nito ang sakit ng bawat salitang binitawan.
Pareho silang may pinagdadanaan.
"I look like his late girlfriend. That's why."
"What do you mean?" Hindi maarok ni Jannaya ang kanyang sinabi.
"Danny told me about that." Biglang dating ni Sarah na mayroon ng dalang wine. She sat down on her chair.
"No offense. But Danny told me, sobrang magkamukha raw talaga kayo ni Mia."
"So, Mia was her name?" Finally she knew.
Tumango lamang si Sarah.
"Look guys. Let's not ruin this night. Ngayon lang tayo nag kita-kita and I felt like we already know each other for a long time! So let's enjoy this night." Sinalinan nito ang kanilang mga baso at itinaas ang wine glass for cheers.
Nagtinginan pa si Angelique at Jannaya at sabay itinaas ang wine glass.
"Cheers!"
Tama! Ngayon lang siya nagkaroon ng kaibigan. Dapat ay i-enjoy niya ang gabi na ito at sandaling kalimutan ang nararamdaman!
NAGKAKASIYAHAN sila na animo'y sila lamang ang nasa lugar na 'yun. Nakaka apat na Boones na rin sila. Ni hindi man lang nila tinitignan ang mga lalaki sa kabilang gawi. The thing is. Mukhang tinitiis din sila ng mga ito ni hindi man lang sila nilapitan.
"It's kinda hot here!" It was Sarah.
Nararamdaman din niya ang init kahit pa alfresco ang kanilang pwesto.
"Let's swim?" Nakatingin si Jannaya sa pool na akala mo ay inaakit siya ng tubig.
"Hell yeah!" Angelique agreed.
Nagtatawanan pa silang tumayo at mabilis hinubad ang kanilang mga damit. Iniwan lamang ang mga panloob.
Hindi mapakali si Felix kakaisip sa asawa na alam niyang may sama ng loob sa kanya. He looked at her, at lumaki ang kanyang mga mata ng makita na naghuhubad ito at mabilis tumalon sa swimming pool kasama ang dalawang bisita.
"What the f*ck?" That's Rayden. Nagulat din ito sa ginawa ni Jannaya.
"What the hell their doing?" It's Jessa.
"Relax guys. Nasa pool side tayo. Walang masama kung maligo sila!" Atleast Danny understands the girls.
Akma niyang pupuntahan si Angelique ng pigilan siya ni Kit.
"Let her. Look at her. She's enjoying it."
He looked at his wife. Yeah! She looks happy.
"Yeah, don't mind them, Felix." Hinawakan ni Jessa ang kamay ni Felix and Angelique saw that.
Inirapan ni Angelique si Felix. Talaga namang may paghawak pa ng kamay ang haliparot na 'yun uh! At heto namang magaling niyang asawa ay hinahayaan lang.
HINDI makatulog si Felix. It was one in the morning when they finished the small gatherings they had.
Hindi niya malimutan ang huling ganap...
Nakita lamang niya na naglakad papasok ng mansion ang asawa na basa pa ang katawan.
Nagpaalam din si Jessa na kukuha ng panibagong wine sa Cellar.
Nainip siya dahil ilang minuto na, ay hindi pa rin lumalabas ang asawa. Kaya sinundan niya ito at laking gulat niya sa kanyang nasaksihan! Nakitang niya lang naman na nagsasabunutan si Angelique at Jessa.
"What the hell?!"
Nakaibabaw si Angelique kay Jessa.
Agad niya itong hinila palayo sa kaibigan.
Agad naman sumunod papasok ang iba pa niyang kaibigan ng marinig na ang sigawan.
"You b***h!" Sigaw ni Jessa at susugod pa sana ngunit napigil na ito ni Danny at Kit.
"Ikaw ang b***h! Para kang tuko kung makakapit ka sa asawa ko!" At akmang muling susugod kay Jessa na animo'y ayaw magpatalo. Buti nalamang ay yakap ni Felix ang asawa upang ito ay pigilan.
"Enough, both of you!" sigaw ni Felix sa dalawa na ayaw magpatinag.
Pinilit ni Angelique ang kumawala sa kanyang yakap.
"No! 'Yang malandi mong kaibigan, sinabi lang naman sa'kin kung gaano karaming beses na may nangyari sa inyo. Kung matino siyang babae. Bakit niya sasabihin sa akin 'yun?! Alam niya na asawa mo ako! I'm done with this. I wanna go back to Manila!" She is hysterical and angry. Mabilis itong lumakad paakyat ng hagdanan.
HINDI maaring mawala sa kanya si Angelique! Hindi siya papayag na iwan siya nito. Kailangan niyang ayusin ito ngayon mismo! He stood up and got out from his room and walked towards Angelique’s room.
He opened it slowly just to check if she is still awake.
Madilim ang kabuuan ng silid nito ngunit bukas ang katabing maliit na lampshade.
Nakita niya ang asawa na nakayakap sa sariling katawan sa mismong kama at humihikbi. Oh God! She is crying!
'What did you do Felix?' usig niya sa kanyang sarili.
He then slowly walked inside and closed her door. Naglakad siya papalapit rito.
Mukhang naramdaman siya ng asawa dahil mabilis itong nagpunas ng luha.
"What are you doing here? Please get out. Gusto kong mapag-isa," sumisinok pa ito dahil sa pagpigil ng mga luha.
Nakasuot na ito ng pantulog. Nighties!
He sat down on her bed near her.
"Let's talk first." Pinunasan ni Felix ang luha na natira sa pisngi ni Angelique.
"Ano pa ba ang dapat nating pag-usapan? Gusto ko nang umuwi sa Manila, Felix."
"Hindi totoo ang sinabi ni Jessa, okay? Hindi ko kahit kailanman ginalaw si Jessa. I don't do that with my friends.
"Mahirap paniwalaan 'yan. 'Di ba’t ang sabi mo kay Attorney Jimenez na --"
"I was just lying! I never had a woman since you... she left me --" he stopped.
"--Ni Mia?" si Angelique na mismo ang nagdugtong.
He just nodded. Huminga siya nang malalim.
"After her, I never dated a woman, at wala sa bokabularyo ko ang makipagsiping sa hindi ko karelasyon."
So the article she read is real. That Felix Wilder haven't seen with a woman.
“Who am I to you, Felix?”
Pinagmasdan niya ang asawa.
Felix held her hand.
“You are the most important person in the world for me, baby. Kung alam mo lang! Because of you I wanna live again, because of you I believe that love really exist. Sana ganu'n kadali kong maipaliwanag ang lahat. All I need you to do, is to trust me. I know this is hard to believe..
"...but please, I’m begging you, Angelique. You need trust me!”
Felix closed his eyes and took a deep breath then he open it. Matiim niyang tinitigan sa mata si Angelique.
“I love you! I love you so much, Angelique!” Pumatak ang mga luha ni Felix. Marami siyang sinakripisyo. Ngunit kung ang kapalit naman ng lahat ng ito ay ang makasama si Angelique, he will endure everything! Masaktan na siya ngunit hindi ang kanyang asawa!
Angelique held her breath. Hindi siya makapaniwala sa mga salitang nabanggit ni Felix. She don’t know what to say! Felix love her?
Mahirap paniwalaan. Ngunit gusto niyang maniwala. Gusto niyang mainis sa sarili dahil kung tutuusin ay kaka hiwalay lang nila ni Oscar. Hindi niya malaman kung bakit pakiramdam niya, na sa sandaling kasama niya si Felix ay malalim na agad ang kanilang samahan.
Angelique was just staring at Felix. Pilit niyang inaarok ang mga sinabi nito.
His eyes is so expressive.
His eyes looks so genuine.
Nakita ni Angelique ang pagpatak ng mga luha ni Felix.
Hindi niya mapigilan ang sarili at mabilis siyang kumandong sa mga hita ni Felix.
Felix was stunned for a second, but when he realized what his wife wants, he then grabbed her waist and kissed Angelique!