She saw a road sign. "Santa Fe”. Alam niyang hindi sila sa siyudad mamamalagi. Dahil nabanggit ni Felix na nais nitong bumalik sa probinsya.
Santa Fe is also her province. Simula nang maaksidente at siya ay ma-coma, panaka-naka na lang ang kanyang naalala sa lugar na iyon.
"Hindi ka ba mahihirapan kapag pumasok ka sa opisina, kung dito tayo maninirahan?" she asked him.
He still driving. Halos tatlong oras ang biyahe mula sa siyudad paparito.
"I'm fine. Ikaw ang iniisip ko.Gusto ko ay makapag-relax ka. Kaya, gusto ko na dito tayo manirahan. Marami kang maaring gawin dito kaysa sa siyudad."
"Gusto ko sanang magtrabaho."
"You can go out anytime you want. Explore your hobbies. But working? No, baby. Don't worry. Meron na akong ginawang bank account para sa iyo. Kaya hindi mo na kakailanganin pang magtrabaho."
She just sigh. Alam naman niyang hindi siya papayagan. Ngunit nagbakasakali pa rin siya.
After a minute ay nakita niya ang pagbukas ng malaking gate.
She can't help but to widen her eyes!
Pumasok na ang sasakyan nito sa malaking gate. Pulos puno at halaman ang kanilang nadaanan. Hindi niya maiwasan buksan ang bintana at silipin ang mga ito.
The car stopped. Mula sa loob ng sasakyan ay tanaw niya ang isang malaking bahay! Dati rin naman marangya ang kanilang buhay. Ngunit hindi umabot sa punto na nagkaroon sila ng ganito kalaki na tahanan. Felix opened the door for her. Lumabas siya ng hindi pa rin natitinag ang titig sa malaking bahay.
A foyer that would accommodate a family of giraffes. Iginaya siya nito papasok.
May dalawang naka unipormeng babae ang sa kanila ay sumalubong. Malamang ay mga kasambahay ito ng lalaki. Binati sila ng mga ito.
She looked around the house. It's so huge! Polished wood floor and graceful banister that curved up toward a soaring second floor gallery. A Persian rug covered a shopworn carpet.
Naglalakad siya malapit sa dingding. Nilagay niya ang mga palad dito.
Crumbling rock walls. She didn't know that it can be nice inside the house. She looked up a little. And she can see prints of gentlemen riding to hounds decorate the wall. Ang mga bintana ay kakaiba rin. Beautiful high arched window. Velvet drapes framed the windows, the lace inner curtains remained drawn, letting the daylight enter.
Napatigil siya sa pagtingin sa kabuuan ng bahay ng yakapin siya ng lalaki mula sa likuran.
"Do you like it?" Hinalikan nito ang kanyang sentido.
Tumango siya.
"Kakaiba ang bahay mo. Ikaw ba ang nakaisip nito?" She faced Felix. Hinapit naman siya ng lalaki papalapit sa katawan nito.
Felix looked at her. Tinitigan muna siya nito bago sumagot.
"Not me, but a special someone. She told me she loves houses like this. For her it's romantic."
Special someone, huh? Kung meron naman pala itong special someone, bakit pa siya narito? Pasimple niyang tinanggal ang pagkakayakap sa kanya ng lalaki at naglakad siya malapit sa hagdanan.
"You made this house for her?"
He nodded.
Okay! Hindi niya alam kung bakit mayroong kirot sa kanyang puso. Bakit hindi na lang 'yung special someone niya ang dinala niya rito!
Tumalikod si Angelique.
"It's almost midnight. Inaantok na ako. Saan ba ako matutulog?" pag-iiba niya ng usapan dahil pakiramdam niya ay sasabog ang kanyang puso sa inis dahil sa narinig.
Lumapit si Felix sa kanya at hinawakan ang kanyang kaliwang kamay. Nagpatangay na lamang siya nang marahan siya nitong hilain paakyat ng hagdanan. Hindi niya mabilang ang lahat ng pinto na mayroon. Binuksan ng lalaki ang pang-apat na silid. This might be her room.
Clean white walls, king size bed, side table with a mini lampshade on it. Sliding walk in closets opposite the bed and thin green shag carpet. There’s a large vanity mirror at the corner. So simple, and yet she loves it!
Naglakad siya patungo sa sliding door. Hinawi niya ang mahabang kurtina at binuksan ito. She held the railing.
"Ow!" She can't help it. Mula sa kanyang silid ay tanaw ang kabundukan at mga malawak na lupain kahit pa may kadiliman. Ang sarap sa mata! She closed her eyes. Damang dama niya ang sarap ng simoy ng hangin. Halos madaling araw na at ang tanging liwanag na lamang ay ilaw ng mga gusali, bituin at buwan.
"This is our room."
Nagulat pa siya ng magsalita ito sa kanyang likuran.
OUR?
"Dito ka rin matutulog?" No way. Hindi dahil pumayag na siyang dito manirahan ay lahat na ng gusto nito ay masusunod.
"Yeah! What do you expect? Asawa kita. Hindi ba dapat magkatabi matulog ang mag-asawa?"
Nakita niya ang pagpasok ng mga katulong at isa-isang binaba ang kanyang mga bagahe at mabilis din nagsialisan.
"Look, Mr. Wilder. I'm here because I want my dad's company back. I'm not here to be your wife. Have you forgotten? I don't know you at all!"
"Have you forgotten what we almost did in my office?" He walked near her.
Umatras si Angelique, ngunit patuloy din ang pagsunod ni Felix sa kanya. Hanggang sa maramdaman na niya ang railings.
Ikinulong siya ni Felix sa mga bisig habang nakahawak sa rail. Ipinantay nito ang mukha sa kanya.
"There is no reason for us to sleep in different rooms, baby. You almost gave yourself the first time you saw me."
Then Felix kissed her passionately. She is about to kiss him back when she remembers the 'special someone' that he mentioned a while ago.
Itinulak niya ito nang mahina.
"I- I want to take a shower. I'm tired."
Felix took a deep breath and let her go. Lumalakad ito palayo sa kanya.
"Please, Mr. Wilder I wanna sleep alone. Ito lang ang kondisyon na hihilingin ko sa iyo."
Sandali siyang tinitigan ni Felix. Bakas ang lungkot sa titig nito.
"Of course. I'm sorry kung nabigla kita. Hayaan mong mga katulong ko na ang mag-ayos ng mga dala mo. Take a rest, okay?" Lumapit ito sa kanya at humalik sa kanyang labi ngunit mabilis lang.
“... and drop the Mr.Wilder thing. I don’t like that endearment of yours, baby." Naglakad na ito palabas ng silid.
Huminga ng malalim si Angelique. Nilock niya ang pinto at naupo sa kama.
This is it! Magsisimula na ang kanyang buhay bilang isang Mrs. Wilder.
'Ngunit bakit ganu'n? Mayroon naman pala itong special someone. At take note! He made this house for that girl. Bakit pa siya naroon? Bakit pa nito pinipilit ang kanilang kasal! Bakit siya nasasaktan? Bakit parang mayroong tumutusok sa kanyang puso sa na laman?'
PADABOG na isinara ni Felix ang kanyang silid. Naiisip pa lang niya na naroon lang ang asawa sa kabilang kwarto ay isa ng parusa sa kanya. Nakakainis lang dahil, nasa iisang bubong na nga lang sila ay hindi pa niya ito makakatabi sa pagtulog!
ANGELIQUE'S first day in Sta Fe and she woke up late. 10am.
She took a quick shower and brushed her teeth before she went down. Kumakalam na ang kanyang sikmura sa gutom. Hinanap niya ang kusina.
Nakita niya ang isang matandang babae na nakatalikod at nagluluto.
"Good morning." Agaw niya ng atensiyon sa matandang nagluluto.
Humarap ito at medyo nagulat pa.
Pinagmasdan siya nito na para bang kinakabisa ang kanyang mukha.
Bakit parang nakikita niyang ang namumuong luha sa mga mata nito?
"Angelique, hija!" Takbo-lakad ang ginawa nito at siya'y agad niyakap. Naramdaman pa niya ang pagtulo ng mga luha nito sa kanyang balikat.
Why is she crying?
"Manang Ising!"
Mula sa likuran ay isang baritonong boses ang tumawag sa matandang nakayakap sa kanya.
Humiwalay ito ng yakap at nagpunas ng luha.
"Pasensya kana hija..." Hinaplos nito ang kanyang mukha. "...Napakaganda mo pa rin."
She frowned. 'Pa rin?' Nagkita na ba sila nito dati? Ngunit sigurado siya na ito ang unang beses niyang nakita ang matanda.
Lumapit ang lalaki at hinila siya ng bahagya palayo sa matanda.
Angelique looked at Felix. Nakatingin ito kay Manang Ising na para bang may nais itong sabihin sa pamamagitan lamang ng tingin.
"Nagugutom na ba kayo? Umupo na kayo at malapit ko ng tapusin ang niluluto ko." Pagbabago nito na para bang nahimasmasan.
Iginaya siya ng lalaki sa upuan na naroon at pinag hila. Umupo naman siya agad.
"S- salamat." He is indeed a gentleman, she can see that.
He just smiled at her at umupo rin sa kanyang tabi.
"How was your sleep?" he asked.
"It was good. Akala ko mamamahay ako. Pero I was surprised dahil tinanghali ako ng gising."
"I'm glad to hear that." He smiled so sweet.
Nilagay na ng mayurdoma ang mga pagkain sa lamesa. Waahh! Tinola at fried hotdog. Yeah, it's weird but he likes the combination of these food. Hindi siya kumakain ng tinola kung walang fried hotdog na isasaw-saw niya sa ketchup.
Felix saw her reaction.
"You okay?"
Nilingon niya ito.
"Y- yeah! I--I love the food. This is my favorite." Tiningnan niya pa ang matandang naghain.
"Thank you manang." She smiled widely.
Ngumiti rin ito sa kanya.
"Ako ay may gagawin pa. Tawagin niyo nalang si Kling-kling kung may kailangan kayo."
Parang umiiwas talaga ito at panay ang tingin Kay Felix.
"Yes manang. Salamat!" Felix answered.
Felix looked at her wife. Kumakain na ito. Hindi niya namalayan na naglagay na pala ito ng kanin sa sariling plato. He smiled. She is innocent.
"Gusto mo sumakay sa kabayo mamaya?"
he asked her while eating.
"Hindi ka ba papasok ngayon?"
"I'll stay here for a while. I wanna spend some time with my wife."
Muntik mabilaukan si Angelique sa sinabi ni Felix. Mabilis naman siya nitong binigyan ng inumin.
"Yeah. Sure! Hindi pa ako nakaka sakay sa kabayo." Paglalayo niya sa sinabi nito.
"AKALA ko ba hindi ka pa nakasakay ng kabayo? Bakit parang eksperto ka na?"
Napansin ito ni Felix.
Ngunit sigurado siya na hindi pa siya nakasakay ng kabayo.
Mayroong alagang kabayo ang kanyang ama, ngunit never niyang sinubukan dahil natatakot siyang malaglag.
Kahit siya ay nagulat sa kanyang sarili. Kaya niyang patakbuhin ang kabayo ng mag-isa.
"Maybe your horse likes me that much. Kaya hindi niya ako pinahihirapan. "
"Bumaba kana dito." Pinahinto nito ang kabayo at itinali sa isang puno na naroon. Inalalayan siya nitong bumaba.
"Gusto ko pang mangabayo." Pagmamaktol niya.
"Hindi na! Karibal ko pa pala ‘tong si Stallion.”
Napangiti siya sa tinuran ng lalaki. Seryoso ang mukha nito. Nagseselos ito sa sariling kabayo.
"Seryoso ako. Huwag mo ako ngisian."
At hindi na niya napigilan ang pagtawa. "Nagseselos ka ba sa kabayo mo?"
"Paano gusto ka niya, tapos sinasakyan mo siya. Eh, gusto rin naman kita pero bakit hindi mo ‘ko sinasakyan?"
She laughs so hard. When was the last time she laughed like this? She doesn't remember. She is genuinely happy.
Okay na sana ang lahat.
Ngunit biglang may dumating na kontrabida!