Pagpasok sa loob ng villa ay lalo lang akong namangha sa aking nakita. Nawala 'ata ang aking pagkahilo dahil sa champagne. High ceiling with double spiral crystal chandelier. Black walls, and cathedral ceiling. All furniture is Black and white.
Couch is bulky and L-shape black leather,
With white feather carpet and a wood center table.
"Ma'am. Just dial 0 if you need something. Please, enjoy your stay! "
"Thank you, Julio."
Ngumiti ito at lumabas na.
I sat on the couch at muling pinagmasdan ang kabuuan ng villa, then I remember my son. Kinuha ko ng telepono sa aking bag at tinipa ang numero ni Leila.
"Leila, can I talk to Flynn?"
"Yes ate. Sandali lang po,"sagot nito.
Maya-maya ay si Flynn na ang sumagot.
"Mommy! Nanchan ka na po ba?"
"Yes, baby! Ang ganda dito, next time ay isasama na kita."
"Sige Mommy! Basta sa ngayon, mag-enchoy ka po muna chan. 'Wag mo na po akong masyadong ichipin. Mamaya raw ay dideretso rito si Ninang at Ninong. Mag-movie marathon daw po kami."
"Sure, baby. Basta dapat 7pm ay nasa bed ka na, uh?"
"Opo, Mommy! Promise. I love chu, mom!"
"I love you too, sweetheart!"
At naputol na ang tawag.
This villa is a bungalow style.
Binuksan ko ang mga silid isa-isa. Apat ang kuwarto na narito. Pinili ko ang may sariling banyo sa loob.
Black and white pa rin ang color ng mga silid. I looked at my window and I can't help but to smile. Sa likod lang ng Villa na ito ang beach! White sand and blue water!
This is indeed a paradise!
Isang linggo ko rin munang tinapos ang mga new designs na hiningi sa akin ni Mrs. Dantes bago ko tinuloy ang aking bakasyon, upang sa aking pagbalik ay deretso trabaho na ulit ako.
Kinuha ko ang isa sa aking maleta, naghanap ng two-piece na aking isusuot.
It's only 2pm kaya hindi ko palalampasin ang sikat ng araw.
Simula ng umalis ako Sta.Fe ay hindi naging madali para sa akin ang lahat. Ginamit ko ang aking savings upang makapag-aral ng landscaping hanggang sa nakapagtrabaho ako sa isang kilalang architecture firm. I only applied as an agent, but after 6 months of working there, nakita nila ang kaalaman ko sa pag-landscape kaya kinuha nila ako as head of landscaping department.
At doon ko rin nalaman na buntis pala ako. Natakot ako sa simula dahil wala akong kakilala sa lugar na 'yun. Ngunit parang kay bait ng Diyos sa akin. Bigla kong nakilala si Candice at Jose and after that, I can say na mayroon na akong kaibigan. Mga tunay na kaibigan.
I chose to wear Deep-V black bikini top with high cut bottoms. I have wide hips so this is perfect for me.
I'm one of the lucky women na hindi nagkaroon ng stretchmark kahit mayroon ng anak at mabilis rin bumalik ang aking dating katawan. Ngunit sobrang hirap ng aking panganganak na halos aking ikamatay.
I let my hair down, sinukbit ko ang aking towel at binitbit ko rin ang aking maliit na pouch para sa aking sunblock at sa isang kamay ay dinala ko ang champainge na naroon sa aking silid.
Then I walked outside, dito mismo sa aking kuwarto ay mayroong sliding door patungo sa beach.
Walang masyadong tao sa side na ito, ngunit tanaw ko ang ibang bisita sa hindi rin kalayuan.
I sat to beach wooden chair, kinuha ang aking sunglass sa pouch at sinuot. Naglagay narin ako ng sunblock sa aking katawan.
I opened my champagne and put some on my glass. I sipped.
'Hmmp' iba ang lasa nito kaysa sa una.
Kinuha ko ang bote at binasa.
"LIQUER"
She frowned. Ano bang pangalan ng mga alak to? lahat kakaiba! At talaga bang lahat ito ay home made? Well, masarap naman!
I enjoy lying under the sun while sipping my Champagne.
Halos nakalahati ko ang bote bago ako madesisyong lumangoy.
When was the last time I went swimming? Yeah! Sa batis kasama si Felix!
Ano kaya ang pakiramdam na makasama ko si Felix sa ganitong lugar?
Siguro wala kaming gagawin kundi ang make love! God! I miss that guy!
Kumusta na kaya siya?
Nang makaramdam ako ng pagod ay pumasok na ako sa loob ng silid. Sinara ko ang sliding door ngunit hinayaan kong bukas ang curtain. Para makita ko lang ang dagat. Tutal, wala namang bisita ang nagagawi sa parte na 'yon. Inubos ko muna ang laman ng bote, And I know I am drunk! This feels so good!
I saw a vinyl phonograph near my bathroom. I didn't see this a while ago. Sinubukan ko kung ito ba ay gumagana! And Voila! It is!
It's 1980's song
'Nothings gonna change my love for you'
(End of Angelique's pov)
ANGELIQUE went to the bathroom and took a shower. Lalo niyang namiss si Felix sa kanta na kanyang na play.
May asawa na kaya ito?
Masaya na kaya siya sa kanyang buhay?
Iisipin pa lamang niya na mayroon ng nagmamay-ari sa lalaki ay para ng sasabog sa sakit ang kanyang puso.
Pero dapat magalit siya dito!
Dapat hindi niya nararamdaman ang ganitong pangungulila!
Ngunit bakit ganito?
Bakit kahit matagal na ay hindi pa rin nagbago ang kanyang damdamin?
Bakit sa kabila ng panloloko nito sa kanya at sa kanyang pamilya ay mahal niya pa rin si Felix?
Pinatay niya ang shower at nagpunas. Isinuot niya ang roba na nakasabit sa pinto ng cr.
Paglabas niya ng cr halos hindi siya makagalaw sa kanyang nasa harapan.
FELIX?
She is hallucinating! Naubos niya ang champagne, maaaring sa kalasingan ay kung ano-ano na ang kanyang nakikita.
She smiled! Of course she is hallucinating! Paano naman mangyayari na narito ang lalaki sa kanyang harapan.
She walked to her luggage. Nilagpasan ang lalaking nasa kanyang imahinasyon. Umupo siya sa kama at binuksan ang maleta.
Muli niyang tinignan ang lalaki na nakatayo pa rin sa dating pwesto at nakatingin sa kanya.
She slowly walked near him. She touched his face. Halos mapaso siya ng maramdaman ang init ng katawan nito.
"F-Felix?"
Nakatitig lamang ang lalaki sa kanya at mabilis siya nitong hinaklit sa bewang at madiing hinalikan. Halos maubusuan siya ng hininga dahil hindi nito binibigyan ng pagkakataon na maghiwalay kahit sandali ang kanilang mga labi.
Wait! Is this real? Anong klaseng alak ba ang nainom niya, bakit parang totoo ang lahat?
Itinulak siya ni Felix sa kama, at mabilis itong naghubad ng suot.
'Imagination man ito o hindi! I don't care. I wanna do this!' Sigaw ng kanyang isip.