CHAPTER 17

1289 Words
"Are you okay?" Felix was driving and Angelique was just sitting on the passenger seat while looking at the window. Nilingon niya si Felix. "I'm fine and I'm sorry sa tinuran nila Mommy at Daddy." Umiling ang lalaki. "Lahat kaya ko, basta ako lang at hindi ka madadamay. Ayaw kong nakikita kang nasasaktan Angelique. Sumisikip ang puso ko sa tuwing nakikita kang umiiyak." He was just driving with his eyes on the road. "I wanted to tell you something. Matagal na sana, pero nag aalinlangan pa ako noon. I know this is the right time," nag-aalinlangang sabi ni Angelique. Lumingon sandali si Felix sa gawi niya ngunit binalik din agad ang tingin sa kalsada. "Tell me then." "I love you, Felix!" Mabilis na ipreno ni Felix ang sasakyan. "What?" he asked her na para bang hindi narinig ang sinabi ni Angelique o kung tama ba ang kanyang narinig! (Felix's Pov) What did she just say? Tama ba ang aking narinig o pinaglalaruan lang ako ng aking imahinasyon? "Say it again, please! Gusto ko ulit marinig. 'Yong malinaw!" "Mahal kita Felix. Mahal na mahal!" I'm speecheles. Nakatitig lamang ako sa kanya na para bang nahipnotismo. I think my heart stop beating for a moment. Then suddenly, nakarinig ako ng malakas na busina na galing sa likod. Hindi ito tumitigil sa pag busina. Well, nasa gitna lang naman kami nang daan naka hinto. "F*ck! What Do you want? Fine! Fine!" I saw Angelique laughed a little. Napansin nya ang pagkataranta ko na ma paandar ang sasakyan. I drove a little. Itinabi ko lang ito at muling huminto. Tinanggal ko ang aking seatbealt at siya ay hinarap. "Do you really love me or baka nagagalingan ka lang sa akin sa kama?" biro ko sa kanya. She laughed again! Sana laging ganito. Sana lagi lang kaming masaya. "Kasama na rin 'yon." She smiled genuinely. Hinawakan ko ang kanyang mga kamay at hinalikan ito. "I love you so much, Angelique. Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya! All I want to do, is spend my life loving you and making you happy!" And I kissed her! (End of Felix's Pov) "SABI ko nga, 'di ba? Ikaw na! Ibibigay na namin sa'yo ang korona!" Nagtawanan pa ang lahat. Angelique just got an excellent employee of the year. She is consistent every year. "Ano ang pakiramdam ng anak ng Diyos?isipin mo, sobrang ganda mo! Ang katawan, te. Diosa! Tapos, napakagaling pa sa trabaho!" This is her colleague and friend Candice. "Syempre may lucky charm ako, noh!" Angelique answered. Then she looked at her table. There is a picture of a cute little boy. "Ay, si cutie little punk na lagi kong kaaway!" That was Jose, her gay friend. "Paano ayaw sa pangit ni Flynn," tumawa pa ang kanyang dalawang kaibigan. "Malapit na nga pala ang birthday ni Flynn. Ilang taon na nga ba ang inaanak ko?" "He is going three, Candice," Angelique answered. "Grabe, parang kailan lang hindi pa kami mapakali sa panganganak mo. Muntik pa namin malimutan lahat ng dapat dalhin. Kami talaga ang nataranta." "Nahirapan ako sa panganganak kay, Flynn. Pero nang marinig ko ang kanyang pag-iyak. It's all worth it!" Then Angelique took her pen and started to sign some papers. "Aba, oo naman. Magta-tatlo palang si Flynn pero ang utak ay akala mo nasa high school na. Ang matured mag-isip..." "...manang mana sa ama." Napatunghay si Angelique sa sinabi ni Jose. Hindi alam ni Angelique kung ano na ang balita kay Felix after nyang umalis sa mansion nito nang walang paalam. She can't help but to reminisce.... TATLONG buwan na ang nakalipas simula nang mangyari ang ganap na pagtatalo sa pagitan ng kanyang magulang at asawa. Sinubukan niyang kontakin ang magulang ngunit tiniis sya ng mga ito at nasabing muli lang daw silang makikipag-usap sa kanya kung siya ay makikipaghiwalay kay Felix. Hindi na niya ipinilit pa na makipag-ayos sa magulang kung ang kapalit ay ang pagkawala ng asawa. Walang kasing ligaya ang nararamdaman ni Angelique sa tuwing kasama ang asawa. Sa sandaling mawala ito sa kanyang tabi upang magtrabaho ay nangungulila siyang agad. Araw-araw din kung may mangyari sa kanila na animo'y hindi sila nagsasawa sa isa't isa. Everything seems so perfect. Hanggang isang araw... She's cultivating her sunflower landscape when Jessa came. "Mukhang busy ka." Angelique turned around and looked at Jessa. "What do you want, Jessa? Yes, I'm busy at wala rito ang asawa ko kaya maaari ka ng umalis." "Hindi naman si Felix ang sadya ko rito. Ikaw talaga." Napatingin siya sandali sa bwisita. She took off her hand gloves and wash her hands and wiped it. "Sit down then," alok nya dito. Umupo rin naman ito sa kanyang tinuro. "Do you want juice, coffee or tea?" She offered. "No, thanks. Sandali lang din ako." "Okay, then tell me what do you want Jessa?" "Did you know that your husband gave back all the assets that originally owned by your parents." "Kung 'yan lang sasabihin mo nag-aaksaya ka lang ng panahon." "Mmm. So you also know why he gave it back?" "Yes, and it's none of your business." "Oh, I see." Jessa stood up and walk to Angeliques sunflowers landscape. "Kilala mo na rin siguro kung sino ang dahilan ng pagkalugi ng negosyo niyo. Kung sino ang may pakana ng pagkasira ng dad mo sa mga investors?" Jessa picked a flower and smelled it. "Bakit mo 'to sinasabi sa akin?" "Answer my question, Angelique. Did you know or not?" "No!" At tumayo na rin si Angelique. Jessa faced her still holding the sunflower. "Your husband did it." Tumawa nang malakas si Angelique. "Okay? So heto naman ngayon ang plano mo para magkagalit kami, well hindi ka magtatagumpay." Muling naglakad si Jessa palapit sa lamesa. She tapped the envelope that's on the table using the flower. "Look at this, and see it for yourself." Nanginginig ang kamay na kinuha ni Angelique ang envelope at binuklat. "Nandiyan ang taon kung kailan na absorb ang company ng Daddy mo, and look at the name who bought it? Felix Wilder... "...Felix is a business man, and no doubt that your Dad is really good at running business. He thinks that Thomas Ramos is a great competitor so he used his power to destroy your father." "Kung may plano syang sirain, bakit binalik niyang lahat kay Daddy?" naguguluhan niyang tanong. "Binalik? Mansion niyo lang ang binalik nya. Look at the other page. May nakikita ka ba na nakapangalan sa Daddy mo? Lahat 'yan ay under Felix's name pa rin. He decieved you and your family! And now, He is using you to destroy your dad even more!" "Why he will do such things? Anong mapapala nya sa pagsira sa amin?!" "Because your dad, was the reason why Mia is not here anymore!" After that converstation they had. Mabilis siyang nag-impake at umalis ng Mansion. She came back to her parents, but she never asked or said something. Ang nasabi lang niya sa magulang ay nais nyang lumayo sa lalaki na ikanatuwa ng mga ito. Naaawa siya sa kanyang ama, dahil ang akala nito ay naibalik na ang lahat sa kanila ngunit niloko lang pala sila ni Felix. Lahat lang pala ng sinabi nito sa kanya ay isang kasinungalingan! Halos araw-araw pumupunta ang lalaki sa kanilang tahanan at siya'y hinahanap. Nakita pa ni Angelique na basang basa ito ng ulan at nagmamakaawa na ilabas siya. Ngunit nanaig ang kanyang isip. Nagising na siya sa katotohanan na ang lahat ng pinakita nito ay isa lang palang palabas! Upang makaiwas, ay nagdesisyon siyang lumayo at lumipat sa ibang lugar at napadpad siya sa Baguio. She never contacted anybody. She put her past aside and started a new life. New life with her son, Flynn.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD