CHAPTER 21

854 Words
(Angelique's pov) "Anak!" Halos patakbo akong niyakap ni Mommy at ni Daddy sa pagbaba ko pa lamang ng sasakyan. Muli ko silang nakontak at nagpaunang magsabi na ako ay dadalaw sa kanila. Naramdaman ko agad ang kanilang pag-iyak. Kaya naman ako'y tuluyan naring naiyak. I missed them so much! Hindi ko alam kung paano ko nakayang lumayo sa kanila for almost three years! "Anak ko! Bakit naman pati sa amin ay lumayo ka!" "Sorry, Mommy," sumisinghot ko pang sagot. Binigay sa akin ni Jessa ang kanyang contact number at nakibalita ako ng kaunti. Ang aking magulang raw ay muli ng nakatira sa aming Mansion sa Sta.Fe. Kaya ako ay narito upang sila'y muling makita! "Hindi mo alam kung gaano kahirap ang malayo sa anak," umiiyak na sabi ni Daddy. "Alam ko, dad. Ramdam ko kung gaano kasakit ang malayo sa anak." Kumunot ang noo nila Mom at Dad. Napatingin sila sa pagbukas muli ng aking sasakyan at bumaba si Flynn na yakap pa ang kanyang mickey mouse stuff toy. "Mommy, are they my grandparents?" Tumango lamang ako. "M-may apo na kami?" mautal-utal na tanong ni Daddy. I smiled, "Yes dad, siya si Flynn. Come here baby!" Lumakad si Flynn papalapit sa amin at tiningala ang kanyang lolo at lola. "Hello po, I'm Flynn your grandshon. Nice to mich u po." Yumukod pa ito upang magbigay galang. Lumuhod si Mommy at niyakap si Flynn. Kinuha ko ang stuff toy na yakap niya kaya naman yumakap na rin si Flynn sa kanyang Lola. "Sa lolo mo, hindi ka ba yayakap?" I told him. Humiwalay siya kay Mommy. Lumuhod si Daddy upang maabot si Flynn at agad siyang niyakap nito. My parents are crying! I never saw them like this! I can't help but to cry! This maybe the best decision I made in my life. After all, they were my family. I WAS sitting at the bench in our porch while looking at the sky when my dad sat beside me. "Wala man lang kami sa tabi mo habang naghihirap kang mailabas ang aming apo," he said. "I'm sorry that I needed to leave my past behind so I could start my new life. Hindi ko kasi talaga kaya na makita si Felix ng mga panahon na 'yun, Dad. Alam ko na maaaring pasundan niya lang kayo, para matunton ako." "Pero nandito ka na ulit, babalik ka na rin ba kay Felix?" Tinitigan ko muna sandali si Daddy bago sumagot. "Wala pa 'yan sa plano ko Dad. Gusto niyo ba na bumalik na ako sa kanya?" "Bakit hindi? Asawa mo siya, 'di ba?" "Dad, he betrayed you, he betrayed us! I'm sure alam mo na 'yan ngayon. Hind ba't itong Mansion lang ang naibalik niya sa'yo." Kumunot ang noo ni Daddy. "What do you mean?" he asked. "Don't tell me hindi niyo pa rin alam ang panloloko sa atin ni Felix? Ang mga pinangako niya na ibabalik sa inyo ay hindi totoo!" "Anak, anong kalokohan ang sinasabi mo?" I frowned. "Lahat ng pangako niya ay totoo at kanyang tinupad. Nauna lang na mailipat sa akin itong Mansion dahil ito ay personal property. Ang mga negosyo ay hindi agad nailipat dahil nagbanta ang mga investors na sila ay magba-backout kapag hindi na si Felix ang magiging may-ari. Hindi naman lihim sa lahat, na ako ay na bankrupt. Ginawa niya akong co-owner at unti-unting pinakilala sa kanyang mga investors and last year lang, ay nailipat na ang lahat sa aking pangalan." "P-pero kahit na! Alam mo ba na siya ang dahilan ng pagkalugi niyo noon? Siniraan ka niya sa mga investors kaya wala ng nag-invest sa'yo. Siya lang din ang bumili ng lahat ng 'yon Dad, dahil gusto ka niyang sirain!" Tumayo si Daddy at humarap sa akin bago muling nagsalita. Mapait siyang napangiti. "Na bankrupt ako dahil sa pagsusugal anak. Nalulong ako sa pagsusugal hindi dahil siniraan ako ni Felix. Naisanla ko ang aking mga negosyo dahil papatayin nila kayo kapag wala akong maipambabayad. Si Felix ang tumubos sa mga taong aking napagsanlaan." Hindi ako makapaniwala sa mga narinig mula kay Daddy. Kaya pala nais akong bumalik ni Jessa dito sa Sta.Fe dahil talaga palang nagsinungaling siya sa akin. "Kung alam niyo naman pala na siya ang nagsalba sa inyo, na siya ang gumawa ng paraan para maging maayos ulit ang buhay natin. Bakit niyo kami pinaghihiwalay noon?Bakit gusto niyo na iwan ko siya?" Tumayo na rin ako at hinarap si Daddy. "Naging selfish kami, anak. Natakot kami na pagnalaman mo ang totoo ay maaaring tuluyan mo na kaming iwan." "Ano nga ba ang katotohanan, Dad?" "Mabuti pang si Felix na mismo ang iyong kausapin. Dahil sa aming lahat ay siya lamang ang pinaka-nakaalam sa mga nangyari. Basta sana, kapag nalaman mo ang totoo ay hindi mo na kami muling iwan." He hugged me tight atsaka siya pumasok. Ako ay naiwan na malalim ang iniisip. So, para saan ang pag-iwan ko sa kanya? Naging mababaw ako! Dapat pinakinggan ko muna siya! Naging marupok ako, sa kabila ng kabutihan niya sa amin ay nagawa ko pa rin siyang paghinalaan na magagawa niya akong lokohin! (End of Angelique's pov)

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD